Chapter 20

4.7K 148 6
                                    

"Where's your phone?" Harvey asked.

"Hmm." Pinasidahan ko ng tingin ang dashboard pero wala naman. Sumulyap din ako sa nakabukas na glove compartment pero wala. "Hiniram mo kanina." sabi ko nang maalalang siya ang may hawak ng cellphone ko kanina.

I shook my head when he found it in the pocket of his jeans. He started manipulating my phone while I'm driving his car.

Hindi ko na siya kinausap pa dahil pareho rin kaming abala sa ginagawa nang marinig ko ang pagsinghap at pagpigil niya ng tawa.

I glanced at him on the passenger seat. Ang kanyang siko ay nakapatong sa bukas na bintana at ang kamay ay pinaglalaruan ang sariling labi, pinipigilan ang matawa habang tinitingnan ang screen ng cellphone ko. Kinabahan ako ng bahagya.

"Wala, wala." He said shaking his head.

"Anong wala? Patingin ako!"

"Wala nga Sof."

I narrowed my eyes on him.

"I heard you take a screenshot. You probably searched nudes." paratang ko na ikinalaki ng mga mata niya.

Kinabahan ako lalo nang maalala ang sinabi ng mga kaibigan ko. Peachy and Devi told me about what boyfriends do when they're on social media. And looking at Harvey now, they're totally right!

"A-ano?" natatawa niyang tanong.

"O baka naman may ini-stalk ka na namang babae malaki ang ano?!"

"Bintangero."

I snorted.

"Hawak ko ang cellphone mo, paano ko 'yon gagawin?"

"So, ginagawa mo nga?"

Ha! Busted.

"Sofia." he groaned and slammed his head against the headrest of his seat.

"See? Huli ka!" Itinapon ko sa kanya ang shades na unang nadampot ko.

"Hoy, nagmamaneho ka." he reminded me. Dahil doon ay tumigil ako sa kababato sa kanya ng mga napupulot ko at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Pareho kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa racetrack. He has a race to win today pero wala na roon ang pokus ko. Natabunan na ng galit at inis ko sa kanya.

Inalis ko ang seatbelt at unang lumabas ng kotse niya ng walang imik. I slammed the door of his car. I heard him mutter curses inside before the car's door finally closed.

Nagmartsa ako patungong locker. Nakasalubong ko si Gav at ang iba pang kakilala ni Harvey na kalalabas lang ng locker room. They're already wearing motocross suits.

Tinanguan ko lang sila at mabilis na nilagpasan matapos nila akong batiin. Narinig ko ang batian nila sa may pintuan ng locker room. Ako naman ay dumiretso sa locker ni Harvey para kunin ang suit niya.

"Galit yata si kumander."

"Oo nga eh. Mukhang matatalo yata ako ngayon."

I knitted my brows when I heard his fake laugh.

"Gago. Malaki ang pusta sa'yo. Halos lahat ng brods nitong si Sixto ikaw ang pambato."

"Mas triple ang laki ngayon kaysa noong nakaraan. Tatlong grupo na manonod. Baka kunin ka kung titino ka kagaya ng dati."

"Kung gusto mo, ako na kakausap kay Primo˗"

"Wala akong balak sumali sa grupo nila, tarantado."

"Eh ikaw? 'Di ka sasali sa pustahan? Malaki ang nakuha mo noong nakaraan ah?"

"Pass muna ako ngayon."

Tahimik akong nakikinig sa usapan nila hanggang sa makaalis ang grupo ni Gav at kaming dalawa na lang ni Harvey ang natira. I felt him behind my back. He held my elbow as I turned to face him.

"You joined?" hindi ko mapigilang maitanong.

Kumunot ang noo niya, hindi nakuha ang ibig kong sabihin.

"Sa pustahan." I specified.

"Hindi. Narinig mo naman 'di ba?"

"Noong nakaraan?"

Hindi siya nakasagot.

I sighed. "I already told you Harvey. Gambling won't do you any good." I massaged my temples giving him the gesture that he's making me stress.

"Maliit lang naman˗"

"Kahit na. Big things start from small things."

Hindi ko gusto ang grupo ni Gav. Hindi ko gusto ang mga pusta-pustahan na ganyan lalo pa't pera na ang pinaguusapan. Money is one of the manipulative things I know.

Marami pa sana akong gustong sabihin pero may karera pa siya kaya pinigilan ko na lang ang sariling magsalita pa. I handed him the suit instead.

"Bihis na." I said and tilted my head pointing the bathroom.

"Tulong." He said making a cute face.

"Wala ka bang kamay?" masungit kong sabi. I caught how his shoulders drop at what I said.

"Sabi ko nga." matamlay niyang usal.

He turned his back against me. Bumuntong-hininga ako at hindi na siya hinayaang makahakbang pa palayo sa'kin. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Sorry. I was just... paranoid... I guess. I personally knew people who became miserable because of gambling. And I just don't want you to end up like them." I sighed and tightened my hug around his torso.

"And sorry rin sa behavior ko kanina sa kotse. Sorry for being immature. I was just jealous of big boobs and round butts." bulong ko sa mga huling salita na sinabi at isinubsob ang mukha sa kanyang likod.

Pilit siyang humarap sa'kin kaya napilitan akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. I looked up at him. He gave me a small smile as he started fixing my hair.

"Okay lang. Mas gusto kong nagseselos ka. Mas gusto kong pinagbabalawan mo ako. At least alam kong may pakealam ka sa'kin." natatawa niyang sabi.

God. I really love this guy.

"At 'yong kanina sa kotse, may nakita lang ako sa recent searches mo sa YouTube na hindi ko kayang isipin na magagawa mo kaya hindi ko napigilan ang matawa."

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Recent searches?"

"Uh-huh." He nodded as he tucked my hair against my ear. He cupped my chin and rubbed his thumb on it.

"Gusto kong subukan kung may natutuhan ka. Ayos lang ba?" he asked wirh a playful smile on his lips giving me a warning that he'd do naughty things.

Before I could open my mouth to speak, he quickly brushed his lips against mine. I closed my eyes when I felt his soft lips on mine. His kisses were smooth and slow that I could catch up! He sucked on my lip and then I felt the tip of his tongue. I opened my eyes when I recognized that familiar move! Umatras ako ng bahagya dala ng gulat.

"Wala kang natutuhan sa kiss tutorial babe." he said a bit hoarse.

"A-ano?" nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi pa rin rumerihistro ang ibig niyang sabihin. Hahakbang pa sana ako ulit ngunit hindi niya ako hinayaan. Hinila niya ako palapit sa kanya kaya bumangga ang katawan ko sa kanya.

He crouched and angled his head to reach for my lips. Tumingkayad ako upang maabot din ang kanya. We kissed. He then sucked on my lip again and lightly pulled my hair. I parted my lips and I felt his lips curve before he inserted his tongue inside!

His kiss deepened. I do not know what to do so I only imitate what he is doing. I was panting after we removed our lips from each other.

Ngumisi siya at hinila ako upang yakapin ng mahigpit.

"Hmm. Mukhang gaganahan yata ako ngayon." bulong niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

He's wearing his black and red motocross suit when he went out in the bathroom. I helped him zip his suit and wear his gloves. Habang ginagawa ko 'yon ay nanginginig ang kamay ko.

He'll be competing in a motocross competition. Hindi ito ang unang beses na makikita ko siyang makipagkarera gamit ang motorsiklo pero hindi man lang humupa ang kabang nararamdaman ko ngayon kumpara noong una.

"You could slow down. You don't have to win, alright?" paalala ko sa kanya habang siya ay tahimik lang akong pinagmamasdan.

I'm really not fond of him engaging on extreme sports. Ako ang sobra-sobrang kinakabahan para sa kanya. Kanina habang tinitingnan ko ang mga rough terrain na dadaanan nila ay hindi ko mawari kung kaya ko ba siyang panoorin. I find this motocross more arduous and dangerous than car racing.

We held hands as we walk to his ducatti.

"Careful." I whispered and hugged him tight.

"Aye, captain." He saluted before he wore his red helmet.

Bumalik na ako sa bleachers at umupo sa isang tabi. I looked so lonely so I busied myself with my phone while waiting for the race to start.

Nang marinig ang hudyat na magsisimula na ay itinuon ko ang aking buong atensyon sa track na pasadyang pinaputik para sa karera. Engines roared and people cheered. Kasabay noon ang pagdagundong ng puso ko.

I was praying silently when the race started. Pumipikit tuwing dumadaan siya sa matatarik na burol at komplikadong liko. This is giving me a nerve-racking experience more than I could ever thought.

Maingay ang mga katabi kong babae. Hindi ko alam kung sino ang sinusuportahan nila pero nang marinig ko sa kanila ang numero ng suit na suot ni Harvey ay awtomatikong sumimangot ako.

We all shouted when a motorcycle behind him bumped his motorcycle. Muntik na siyang mawala sa track! Tumayo ako at tumingin sa monitor para tingnan ang naka-green and black motocross suit na bumangga sa kanya.

Saavedra. That's the surname.

The race ended and that Saavedra won. Harvey got the third place but I could not care less of his rank anymore. I'm fine that he's safe.

Mabilis akong bumaba ng bleacher upang lapitan siya. Kakatanggal pa lang niya nang helmet nang sinugod ko siya ng mahigpit na yakap.

"Badtrip." bungad niya sa'kin.

"Hey, it's alright." bulong ko at hinalikan siya sa pisngi. With that, he smiled. He draped his arm over my shoulder and I was side hugging him while we're walking to the locker room.

"de Silva." the guy in green and black suit blocked our way to the locker. May kasama siyang dalawang lalaki sa kanyang likuran.

"Congrats." Harvey simply said.

"Sorry sa kanina." Saavedra playfully said. His eyes then drifted at me. Sa tagal ng paninitig niya sa'kin ay hindi na maganda ang impresyon ko. I find him cunning.

Nagulat ako nang hilain ako ni Harvey palikod. "Ayos lang." aniya sa malamig na boses.

"Sa susunod, gusto nila Sixto one-on-one tayong dalawa."

"Hindi ako interesado."

"Hmm." Sa mukha nitong nanunudyo at nanghahamon ay batid ko na nagsisimula ito ng away.

I tugged Harvey's suit. He turned to me. I looked into his eyes giving him the message that we should leave. Kaagad naman niyang naintindahan ang nais kong mangyari at tinanguan ako saka nilingon ang mga kaharap.

"Aalis na kami." paalam niya at mabilis akong hinila sa kanyang gilid sabay ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking baywang.

"Hindi ko gusto ko ang ere ng lalaking 'yon." aniya nang makalayo kami.

Pagkatapos ng motocross race na iyon ay hindi na masyadong aktibo sa race si Harvey. He always declines invites at mabuting balita iyon sa'kin. Pareho na rin kaming abala sa studies kaya kung minsan na lang kami magkita.

"Pupunta ako kina Rain. Baka gusto mong sumama?"

Nasa paborito kong coffee shop kami nang magpaalam siya na pupunta sa bahay nila Rain. Nagkasalubong ang kilay ko nang makita ang mga dala-dala niya. Paperbags. Chocolates and gummy bears. Maliban doon ay may mga kahon din ng laruan.

"Naglalaro pa rin si Rain?" natatawa kong tanong habang tinitingnan ang iba't ibang klase ng laruan. May dolls din.

"Huh?"

"Para kanino 'to?" I asked referring to the toys.

"Sa inaanak ko." he simply answered.

Ngumuso ako. "So you're already a fairy godfather huh?" I teased.

"Oo wala nga lang magic wand." he shrugged and reached for my curly hair. He started swirling it with his finger.

"So ano? Sama ka?"

"Ayoko." pagtanggi ko at uminom sa kapeng in-order.

"Selosa." he chuckled and touched the line of my nose.

I then wonder if Rain's really studying abroad. I mean I rarely see her but it feels like she's living in the country at this time. Ang palaging pagdalaw ni Harvey sa kanila ay nagbibigay sa'kin ng implikasyon na nandito nga siya.

Sino pa ba ang ibang pupuntahan ni Harvey sa kanila? Kung si Miko ay nagkikita naman sila sa unibersidad. Kaya malaki ang suspetsya ko na nandito si Rain. Ang ipinagtataka ko lang ay kung saan siya nag-aaral at bakit hindi na rito sa St. Joseph e nandito ang mga kaibigan niya. Isama na rin na University President ang Mama niya.

I sighed and took a sip from my coffee when the thought of Rain being here made me in doubt.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now