Chapter 21

4.7K 157 4
                                    

"Ayusin mo 'yan Pau!" Lav shouted.

Ngayon ko palang tinatapos ang regalo ko kay Harvey. Akala ko ay madali lang gumawa ng explosion box. Madali lang siyang tingnan sa video pero ang hirap na kapag ikaw na mismo ang gumagawa!

I bit my lower lip when I saw blood on my index finger. Sumabit sa clip na hawak. Ang dami ko ng sugat habang ginagawa itong regalo ko sa kanya. Hindi ako eksperto sa paghawak ng cutter kaya ang dami kong scratch noong mga nakaraang araw habang ginagawa ang base ng explosion box.

I love putting effort to the things I give him. Marahil ay dala na ito nang matinding pagmamahal ko sa kaniya kaya inspirado akong gumawa ng mga bagay na hindi ko akalaing gagawin ko.

Pinagpapawisan na rin ako sa loob ng sasakyan habang ang mga kaibigan ay abala sa pag-ayos ng sorpresa ko sa likod. I brought our family van for this surprise dahil spacious naman 'yong load area. Nandito kami ngayon sa lugar na pinuntahan namin noon kung saan niya ako dinala para gawing videographer.

Kyzer is putting the fairy lights, si Lav naman ay sa mga balloon, inaayos naman ni Devi ang hawak-hawak na mga throw pillow. Ilang beses na niyang binabago ang arrangement ng mga unan pero hindi pa rin niya makuha ang gustong ayos. Si Pau naman ay abala sa mga litrato namin ni Harvey na isinasabit sa kung saan-saan. Kalaunan ay na-engganyo na sa pagkuha ng larawan kaya napapabayaan na ang ginagawa. Si Peachy naman ay sa pagkain naka-assign kaya wala pa siya rito ngayon.

Next week pa ang birthday niya pero hindi ko na siya makakasama sa araw na iyon dahil aalis na kami papuntang Italy para roon magpalipas ng sembreak at tuloy na kami sa Christmas at New Year Eve roon. Maging sa anniversary namin ay hindi kami magkakasama kaya ngayon ay gusto kong sulitin ang mga araw habang magkasama pa kami.

"Heto na nga ba sinasabi ko, magastos magkajowa." Si Pau.

"Naku, Hope. Sinasabi ko sa'yo. Sayang effort namin kapag mag-break kayo ha." biro ni Kyzer. Tumigil ako sa ginagawa at napaisip sa sinabi ng kaibigan.

"We won't." I surely said.

The sun is already on its halfway to set nang makarating kami rito at ngayon ay kulay abo na ang paligid. May klase pa siya hanggang six kaya inaasahan ko na seven thirty o eight pa siya makakarating dito.

Dumating na si Peachy dala-dala ang mga pagkain. I smiled in satisfaction when I saw the cake. I had it customized at hinigitan pa nito ang expectation ko. It was a mocha cake. On top of it has an edible figure of his racecar, motorbike and him in suit. Kung titingnan ay parang pambata kaya hindi ko alam kung matutuwa ba siya o ano. I took a snap of it before I put it to the safest place kasama na ang iba pang mga pagkain na paborito niya.

I was wearing ripped jeans and a black tee. His surname was printed on my tee in calligraphy. I know. I'm head over heels in love with him.

Ilang minuto lang nang matapos kami sa pag-aayos ay dumating na si Harvey. My friends are squealing and hitting me from behind.

Namatay ang engine ng kanyang sasakyan matapos niya itong maiparada sa gilid ng kalsada. Tanging ang ilaw lang ng cellphone ng mga kaibigan ko ang tanglaw namin at ang liwanag na nanggagaling sa buwan at mga bituin.

Lumabas siya ng sasakyang nakangiti sa amin. Suot pa nito ang puting uniporme na nakabukas na naman ang unang tatlong butones at nakarolyo pa ang manggas. Nang makalapit sa'kin ay kaagad niyang ipinulupot sa aking baywang ang isa niyang braso at iginaya ako paharap sa mga kaibigan.

"Ano 'to? Belated trick or treat?" he chuckled.

I made a frown.

"I love you." bigla niyang hirit nang makita ang busangot kong mukha.

Hindi agad ako nakasagot dahil nahihiya ako sa mga kaibigan kong marinig nila iyon galing sa'kin. Hindi naman ako katulad ni Harvey na walang hiya. Baka tuksuhin pa ako ng mga kaibigan kung kami-kami na lang.

"So ayun. Wala na kaming kuwenta." ani Kyzer na ikinatawa naming lahat.

"Thanks for today." sabi ko sa kanila habang kanya-kanya na silang pasok sa sasakyan ni Peach.

"Ge, babush girl. Enjoy the night." Pau shouted before he rolled the window up.

Nang kaming dalawa na lang ang natira ay hinila ko siya papunta sa likod ng sasakyan. Tumatawa siya habang tinitingnan akong nahihirapang itinataas ang tail gate ng sasakyan. Nasa kalahati na ako nang isara ko ito pabalik at nilingon siya nang may maalala. I almost forgot that it's a surprise.

"Talikod ka muna." Utos ko.

Bumuntong-hininga siya, halatang napipilitan pero tumalikod din.

"Okay. Tatalikod ako kahit alam ko namang sorpresa 'yan. Aarte na lang ako na nagulat ako. Ge." sabi niya sa sarili na rinig ko na naman.

He never fails to ruin such a good moment. Nang mabuksan ko ang pinto ay kaagad kong binuksan ang fairy lights.

"Huwag kang sisilip." banta ko habang inaayos ang mga throw pillow at balloon na nawala sa ayos dahil hinigaan ito kanina ni Kyzer at Pau.

"Oo na lang."

After one minute of rearranging, bumaba na ako ng kotse at lumapit sa kanya. Tumingkayad ako upang takpan ang mga mata niya. Medyo nahirapan pa ako abutin ang mga ito dahil matangkad siya sa'kin.

I shouted when he hooked his arms around my legs and carried me piggyback. I put my hand on his shoulders for support.

"Para 'di ka na mahirapan."

I hit him. "You should've warned me!"

He laughed.

"Aw. Ikaw na nga 'tong tinutulungan dahil ayokong nakikitang nahihirapan ka, ikaw pa 'tong galit?" reklamo niya.

Nang silipin ko siya ay bumungisngis ako dahil nakapikit pa rin siya kahit hindi ko naman sinabi sa kanya na pumikit siya.

"Sorry na." I kissed his cheek.

"Harap ka na." I said. "But close your eyes first! Don't take a peek!"

"Daming arte." natatawa niyang sabi.

"Cooperate, will you?" asik ko.

"Oo na lang."

Mabilis siyang humarap habang karga-karga ako sa kanyang likod. Nang silipin ko siya ay nakapikit pa rin siya.

"Good boy." I said and patted his head.

"Tangina. Pinaglalaruan mo na naman yata ako."

"Am not. Bibilang ako˗"

"Ng hanggang sampu, hahalikan na kita."

I covered his mouth.

"Patapusin mo muna ako."

"'Tsaka ano ba? Papakita mo ba sa'kin o buong gabi na lang akong nakapikit?"

"Eh kung tumahimik ka kaya muna?"

"Baka naman puwede ko nang buksan mga mata ko?"

I sighed. Calm down, Hope. You made this surprise for him to be happy. Ibibigay ko na muna sa kanya ang gabing 'to.

"Alright. Open your eyes."

I rested my chin on his shoulder waiting for his reaction. He opened his eyes. He blinked twice to adjust his sight.

"Wow!" exaggerated he exclaimed.

"You like it?" tanong ko binalewala ang OA niyang reaction.

"Of course not!" he said in a high pitch voice.

"What?" gulantang kong tanong sa kanya. Hindi niya nagustuhan?

He looked at me and smiled.

"I love it, babe! I feel like I'm crying na." he said wiping his fake tears and sniffed.
I laughed and pulled his hair lightly. "Sira."

Bumaba ako sa pagkaka-piggyback sa kanya at hinila siya papasok sa loob ng sasakyan. Una akong pumasok sa loob. Umupo ako ng injan seat, kinuha ang cake at sinindihan ang kandila. Habang abala ako sa paghanda ng pagkain namin ay tinitingnan niya ang mga larawan naming nakasabit sa iba't ibang parte ng sasakyan. Minsan ay naririnig ko ang pagtawa niya at ang shutter sound ng camera niya.

I smiled at him and patted the throw pillow beside me.

"Come here."

Mabilis naman siyang lumapit sa'kin. Nasa harapan ko na siya ngayon at nakatingin sa cake na hawak ko.

"Hindi ko birthday, babe." anito.

"I know but we won't see each other when that day comes. Ganoon din sa birthday ko at anniversarry natin kaya heto na!" excited kong inilapit sa kanya ang cake.

"Happy birthday to us! Merry Christmas! Happy Anniversary! And Happy New Year! A multiple celebration!"

He laughed. "Isama mo na rin kaya Valentines at Halloween?"

"Next time." I said smiling from ear to ear.

Matagal kong hinawakan ang cake dahil mukhang natulala pa siya habang tinitingnan ako.

"Make a wish!" pukaw ko sa kanya pero imbes na pumikit at humiling ay iba ang sinabi niya.

"Mahal kita." he whispered, eyes are fixated on me.

Pagkatapos niyang hipan ang kandila ay kumain na kami habang tinatanaw ang magandang tanawin sa ibaba. I then handed him the explosion box I made and he was so excited opening it but I stopped him.

"Saka mo na buksan kapag nasa condo ka na."

Ayoko na inaasar niya ako at alam kong makakahanap siya ng bagong pang-asar sa'kin kapag nakita na niya ang loob ng gift ko. Tutuksuhin na naman niya ako sa pagiging sweet ko. Magpahanggang ngayon ay hindi pa nga niya nakakalimutan ang tungkol sa recent searches na iyon.

"Nahihiya ka pa rin sa'kin?" tanong niya habang inaayos ang hairpin kong malapit nang mahulog.

"No, I just don't have the energy to hit you if you're going to piss me off tonight." sabi ko na ikinatawa niya.

Pagkatapos kumain ay stargazing ang sunod naming ginawa. We enjoyed the rest of the night watching the starry night through the moonroof of the vehicle. Magkatabi kaming nakahiga sa nakalatag na mga throw pillow. A mellow music was playing via bluetooth speaker.

This feels so surreal. Ang mga oras na kasama ko siya ang hinding-hindi ko ipagpapalit sa anumang bagay.

"Mas gusto mo na ang apelyido ko ngayon?" ngumisi siya habang tinitingnan ang damit ko kung saan nakaimprenta ang apelyido niya.

"Hmm hindi lang apelyido pati pangalan na rin."

Ngumiti siya. "Gusto mong maging Mrs. Harvey de Silva?"

"I'd love that."

Nawala ang kanyang ngiti sa labi at bigla-bigla ay naging seryoso. Ang kamay niyang nasa baywang ko ay napunta sa aking pisngi ko at marahang hinaplos ito.

"Hindi ko alam kung nadadala lang ba ako ng nararamdaman ko ngayon o ganito lang talaga ako kasigurado pagdating sa'yo."

I gulped and blinked thrice. His eyes were fiery. Nangliliyab at nakakatupok. Naniniwala na ako na kapag nagseryoso ang mga taong akala mo'y hindi alam kung paano maging seryoso, nakakakaba sila. Sa oras na ito ay natalo na niya si Kuya Ace sa pagiging seryoso.

"Hindi ko alam pero... tang ina corny mang sabihin... pero alam mo 'yon,"

My heart pounded so hard as I stared at his serious eyes.

"Sa buhay kong puno ng baka sakali ikaw ang sigurado ko."

Ilang mura pa ang narinig ko galing sa kanya dahil sa pagiging corny niya. But I don't see it corny. It was deep and pure. Sa lahat ng banat niya ay ito ang pinakagusto ko. Ito ang pinakanaramdaman ko siya.

"Ewan ko ba pero kapag kasama kita, siguradong-sigurado na ako. Kapag pinaplano ko na ang buhay kong kasama ka, maayos ang lahat. Alam kong mga bata pa tayo pero gusto na talaga kitang pakasalan, Sof."

My heart pounded so hard when I heard marriage from him.

Papakasalan niya ako?

Hindi ko rin alam kung nadadala rin ba ako ng nararamdaman ko ngayon kung kaya parang kinokonsidera ko na rin ang kasal na sinasabi niya. I'm just nineteen turning twenty three weeks from now and I'm thinking of marrying him. Nahihibang na nga yata ako.

"Well, we can work on that." sabi ko at mas isiniksik pa ang katawan sa kanya at kahit may throw pillows kami ay ang braso niya ang ginawa kong unan.

"Talaga? Papakasal ka sa'kin?"

Lumingon ako sa kanya at halos magtama ang tungki ng ilong namin sa sobrang lapit namin.

"Uh-huh. Pero hindi muna ngayon. Mag-aral muna tayo para sa future natin and˗"

"Natin?" Umangat ang kilay niya at tumakas ang isang henuwinong ngiti.

I narrowed my eyes on him. "Bakit? Ayaw mo?"

He shook his head and bit his lower lip. "Gustong-gusto." he said and hugged me.

I stifled a smile. Nang hindi na ako makapagsalita ay muli siyang nagsalita.

"So ano nga 'yong pinaguusapan natin? Future na...tin?" he unsurely asked even he was more than even sure that we're talking about our future together.

I playfully rolled my eyes.

"Yes, future natin. Basta ba hindi mo ako iiwan, mangyayari iyong natin." I said emphasizing the last word.

"Sa ating dalawa, ikaw ang may tsansang mang-iwan."

"That won't happen. I'm so in love with you. Hindi ko na iisipin pang hiwalayan ka. Wala sa bokabularyo ko ang iwan ka."

"Hmm." He nuzzled his nose on my hair. "Bakit parang pakiramdam ko scam 'yan?"

"Let's see about that." I smiled and hugged him so tight.

Nang sabihin ko iyon, alam ko sa sarili ko na sigurado na ako.

Siguradong-sigurado.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon