Chapter 39

5.1K 159 2
                                    

I was so tired of listening to people urging me to leave him. It irritated me to hear it all over again and again. They obviously don't know anything pero kung makapagsalita sila ay parang alam na alam nila ang nangyayari sa buhay ko. They could talk all they want but I will never leave him and he will never lose me.

Kinuha ko sa cart ang mga pinamili ko para bayaran. Kinakabahan ako habang kino-compute ng cashier ang mga pinamili ko. Kailanman ay hindi ako nakaramdam ng ganitong kaba sa tuwing magbabayad ako sa counter.

"Five thousand and four hundred eighty Ma'am." saad ng kahera.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng Cashier. Ang budget ko para sa grocery ay three to five thousand. Five thousand na ang maximum. At ngayon ay limang libo lang talaga ang tanging dala ko.

I swallowed hard and looked at the items I bought. Gusto kong bawasan 'yon pero halos lahat nang kinuha ko ay kailangan naming. Kailangan ni Harvey. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang mga nakasunod sa akin sa pila na mukhang naiinis na dahil ang tagal ko.

"Ma'am?" pukaw sa akin ng Cashier.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Uh, I left my money at home. I only brought five thousand pesos˗"

Hindi pa ako tapos sa paliwanag ko ay napasinghap ang cashier at inismiran ako.

"Ma'am, hindi po tayo nagbibiruan dito."

"But it's true˗"

"Tss. Marami na akong nakasalamuhang customer na kagaya mo. Akala mo ba ay hindi ko alam ang modus na ganito?" she asked then called a guard.

This is embarrassing. Sinubukan kong magpaliwang sa cashier but she would not just listen to me! Nagsimula na rin akong makarinig ng bulung-bulungan.

"Baliw yata."

"Sinong tao na nasa normal na pag-iisip ang bibili pero walang pera?"

"No please. Uh babayaran ko na lang kung hanggang saan kaya ng pera ko." pakiusap ko sa kahera pero ayaw niya akong pakinggan.

"Miss!" I frantically called when I already saw guards nearing us. Marami na rin ang nakapalibot sa amin dahil sa ginagawa kong eksena.

"Dalhin niyo sa security. Mukhang may masamang balak." utos ng cashier sa security at nararamdaman ko agad ang hawak sa'kin ng dalawang security sa magkabilang braso ko.

Nagpumiglas ako at hindi ko sinasadyang matabig ang shelves na puno ng mga mamahaling alak. Pumikit ako nang mariin nang marinig ko ang tunog ng sunod-sunod na pagkabasag ng mga babasaging bote. I gasped when wine splattered against the floor.

"Heto na nga ba ang sinasabi ko!"

"Wala na ngang pambayad, naninira ka pa?"

"Dalhin niyo na nga sa presinto at wala naman 'yang ibabayad sa mga nasira niya!"

Umiling-iling ako. Kung hindi lang ako hawak ng mga guwardiya ay baka lumuhod na ako at nagmakaawa.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." sabi ko at muling nagpumiglas. Ngayon ay pinakawalan na ako ng dalawang security.

"Lilinisin ko." I offered and kneeled down. Walang pakealam kung makaluhod sa bubog. I'm about to pick the broken glassware with my bare hands when a hand stopped me.

"E-engineer!" the cashier called.

Mabilis kong pinalis ang luha para makita ang may-ari ng kamay na pumigil sa kamay ko.

Si Chase... Umiigting ang kanyang panga at matalim niya akong tinitingnan. Mahigpit din ang hawak niya sa palapulsuhan ko dala ng galit. Sa nakikita ko ngayon ay galit na galit siya.

"What the fuck are you doing?" he angrily asked and looked at my bending knees.

"Uh, lilinisin ko." I said and removed his hand from my wrist.

He hissed and kneeled down. "Ako na." he insisted and started picking the glass.

I heard gasps and murmurs. People called his title trying to stop him from doing that.

"Huwag na, Chase. Baka masugatan ka˗"

"At ikaw hindi?" galit niya akong tinapunan ng tingin.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ngayon ay mas galit pa siya sa kahera. Tiningnan ko ang mga taong nakapaligid sa amin at nakikiusyuso.

"Engineer Almirañez?" then a Manager-like came in the scene. My heart throbbed. I was already expecting her rage on me for what I did.

"Anong ginagawa niya? Bakit niyo hinayaan?" galit na sigaw ng manager sa mga tauhan niya. Ang tinutukoy ay si Chase na naglilinis ng kalat na ginawa ko.

Kaagad na dumagsa ang tulong sa paglilinis. Nang tumayo ako ay tumayo na rin si Chase. Akala ko ay titigil na siya sa paglilinis dahil marami na rin ang gumagawa noon. Kinuha niya ang mop at nagsimulang linisin ang sahig. Mabigat ang bawat galaw niya halatang galit sa ginagawa. Marami rin ang nagugulat sa ginagawa niya. Maging ako ay nagugulat din.

"Hindi na kailangan, Engineer˗"

"No, I'll clean it. Kung siya ang naglilinis ngayon ay malamang hindi niyo pipigilan." galit niyang sabi sa kahera.

Tumigil siya sa pagma-mop para kumuha ng itim na card sa kanyang wallet at inilahad iyon sa manager.

Mabilis na umiling ang Manager. "H-hindi na po kailangan˗"

"Hindi. Babayaran ko ang lahat ng mga nasira at lahat ng pinamili niya." he firmly said and gave his card to the manager. Then he resumed cleaning.

Yumuko ako at pinaglaruan na lang ang mga daliri habang si Chase ay patuloy lang sa paglilinis. Hindi ko alam kung ano ang katayuan niya rito at halos lahat ay tiklop sa kanya. He must be popular or something. I don't know. Nawalan na ako ng interes sa mga balita simula nang mangyari ang trahedya.

Pagkatapos maglinis ay siya na ang kumuha sa mga pinamili kong binayaran niya. Mabilis ang galaw niya na parang atat na atat na siyang umalis dito. Nang makalapit sa akin ay kinuha niya ang kamay ko.

"Let's go." he said and pulled me out of the store. Sinundan kami ng Manager at Cashier hanggang sa makalabas kami pero hindi niya pinansin ang mga ito.

Inilagay niya sa likod ng kanyang sasakyan ang mga pinamili ko at nilingon ako. Napagitla ako nang hawakan niya ang magkabilang tuhod ko at marahang hinaplos. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa.

He opened the door of his car and I silently went in. Tahimik kami buong biyahe hanggang sa hindi ko na mapigilan ang maiyak at matawa sa sitwasyon ko.

"I'm so embarrassed." I laughed but my tears are kept on flowing.

I bit my lower lip and looked ahead. Hindi ko siya kayang tingnan. Higit sa lahat ay siya ang nakakita kung gaano kasaya at kamiserable ang buhay ko kasama si Harvey. Ang lalaking nakasaksi sa halos lahat nang nangyayari sa amin pero hindi ko man lang narinig sa kanya na hiwalayan ko si Harvey gaya ng sinasabi ng iba.

He's with us when we were celebrating our first monthsarry. He was our waiter that day. He was there when I stumbled on the track because Harvey disappointed me. He helped me to get up. He was there at my graduation and Harvey wasn't. He was there when Harvey and I fought. He was there when Harvey and I had this accident. He saved the two of us. My loyal viewer on my stories until then.

"I was born with a silver spoon in my mouth. Sanay ako na pinagsisilbihan. Sanay ako na nabibili ko lahat ng gusto ko. Sanay ako na may pera ako."

"Hindi ko..." I croaked.

"Hindi ko akalain na masasabi ko 'to." sabi ko at tiningnan siya pero kaagad ko ring ibinalik sa harap dahil hindi ko kayang tingnan ang mga mata niyang napakasidhi kung tumingin sa'kin.

"Pero ngayon..." I heaved a sigh. "Wala na akong pera." I cried and laughed at the same time. "I'm so pathetic."

"Yes." he quickly agreed. I glanced at him and smiled with his honesty.

"Siguro kasalanan din namin. Hindi kami nagtipid. Hindi namin nakita ang halaga ng pera noong mayroon pa kami. Naging kampante kami na habang buhay kaming magiging mayaman."

Yumuko ako at sinimulang kurutin ang laylayan ng damit ko. Ngayon ko rin lang napansin na nasira na ang tahi nito. Kung noon ito ay itatapon ko na ito at bibili na lang ng bago. Ngunit ngayon na wala na akong pera ay iniisip ko kung paano ko ito aayusin na kahit simpleng pagtatahi ay hindi ko alam.

I really pity myself now. I'm so helpless. Pau's right. I'm hopeless.

"Hindi niyo kasalanan Sofia. Hindi mo ba naisip na minsan ay kapabayaan din ng magulang kung bakit kayo naghihirap ngayon?"

"Kung alam nila na hindi nila kayo kayang buhayin sa marangyang pamamaraan habang-buhay, sana ay tinuruan nila kayong mag-hirap noong mayaman pa kayo. Kung alam niyo ang lahat ng gawaing mahirap ay hindi sana kayo nahihirapan ng ganito." paliwanag niya.

"Hindi mo kasalanan ang lahat."

I smiled.

"We never thank you enough for saving us. Kung mayroon lang kami ngayon ay gusto ka sana naming bilhan ng regalo man lang. Pero kahit nga pagkain namin ay nahihirapan akong bilhin." I said and wiped my tears.

Gulat niya akong nilingon sa passenger seat. Marahil ay hindi niya inakala na ganoon na kalala ang kalagayan namin ngayon.

"Please don't tell this to my brother." mabilis kong dugtong nang maalala si Kai. Wala siyang alam sa nangyayari sa'kin at mas mabuti sana kung manatiling wala siyang alam. Alam ko na isa ito sa mga konsikuwensiya ng ginawa kong desisyong kaya pagbabayaran ko.

"That man is one damn lucky." he whispered.

Malungkot akong ngumiti.

"Hindi rin. Siguro kaming dalawa ang malas ng isa't isa." I sniffed and used my shirt to wipe my tears.

Why does he always have to see me ruined and wrecked?

"Sorry." I chuckled.

"Kung mayroon mang suwerte, iyon ay ang babaeng mahal mo." I heaved.

He snorted. "Hindi rin."

"I can tell. You must be good at loving her. I'm sure she's perfectly fine now." sabi ko na ikinatawa niya ng bahagya.

He smirked and glanced at me, amused. "Sabi mo 'yan ha."

I smiled and nodded my head at him.

Tumingin ako sa labas at nakitang malapit na kami sa bahay.

"Dito na lang." I said and quickly unbuckled my seatbelt.

"So, this is isn't your house yet?" tanong niya at luminga-linga sa paligid. I caught how he creased his forehead as he scanned the place. Pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya.

"Hindi kasya ang kotse mo roon kaya lalakarin ko na lang."

"Ihahatid na kita." he offered and quickly unbuckled his seatbelt.

"No." mabilis kong pigil sa kanya. "This place isn't safe˗"

"Tama ka kaya ihahatid kita."

"Ang ibig kong sabihin ay hindi ligtas ang kotse mo rito kaya huwag mo nang iwan ang sasakyan mo para lang ihatid ako."

Umangat ang kilay niya. "At ikaw?"

"I will be fine. Ako lang naman 'to."

"Ikaw lang naman?" gulat niyang tanong.

Bumuntong-hininga ako. Nakuha na niya iyong mga pinamili ko sa likod nang makalabas ako sa kotse niya.

"Huwag mo na akong ihatid."

"Alright." he said in defeat. "Pero ihahatid ka ng mga mata ko hanggang makauwi ka sa kanya."

"Okay." Sumang-ayon agad ako.

"And here," He opened my palm and placed his black card on it.

Gulat ko siyang tiningnan.

"May utang ako sa kapatid mo kaya-"

"Edi sa kanya mo bayaran." sabi ko at mabilis na ibinalik sa kanya ang card. Hindi ko nga alam kung may utang ba talaga ang kapatid ko sa kanya o gawa-gawa niya lang dahil naaawa siya sa'kin.

"Kapag hindi mo ito tinanggap, sasabihin ko sa kapatid mo ang kalagayan mo."

Kumunot ang noo ko. "Are you blackmailing me?"

"Hindi." He neared me and slid his card in my bag. That's fine. I would never use˗

"I regularly check my bank account. If I didn't receive any notification of withdrawal from that card..."

"But˗"

"That card has no limit so you don't have to worry paying your bills."

Napamaang ang labi ko habang tinitingnan siya. Gusto ko pa sanang kumontra at tanungin siya pero tinulak na niya ako nang marahan kaya naguguluhan man ay nagsimula na akong lumakad. Nang makarating ako sa tarangkahan ng aming bahay ay lumingon ako sa aking likuran.

He's still there, standing in front of his car. I gave him a nod. With that he hopped inside his car and left. I sighed when he's already gone.

Nilingon ko ang bahay. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay nakita ko si Eve na lumabas ng bahay, umiiyak.

"Eve?"

Kaagad kong binuksan ang tarangkahan at lumapit sa kanya. She wiped her tears and smiled at me.

"Hope!" masigla niyang bati pero umiiyak.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"It's nothing. I-I accidentally threw Jo's necklace. Akala ko ay hindi na niya ginagamit kasi sira na. Na-nagalit e."

Gusto kong humingi ng sorry sa asal ni Harvey. Kaagad siyang tumango na parang alam ang iniisip ko.

"I understand him. It's just that... nagulat lang ako. Babalik na lang ako bukas." sabi niya at mabilis na nagpaalam at umalis.

I stared at her withdrawing back. I heaved a sigh and shook my head.

Pumasok ako sa madilim naming bahay. Binuksan ko ang switch pero walang ilaw na lumabas sa bombilya. Tiningnan ko ang kabahayan sa labas na maliwanag. I sighed when I remember the disconnection notice last last day.

Ang flashlight ng aking cellphone ang tanging ilaw ko sa loob ng bahay. Pagkatapos kong ilapag ang mga pinamili sa mesa ay hinanap ko si Harvey.

I found him in our bedroom. Magulo ang buong silid. He must be searching for that necklace. I saw how he impatiently rummaged the cabinet. Kahit ako na nakakakita ay hindi ko mahahanap ang hinahanap niya kung ganito kadilim.

I covered my mouth to stifle my sobs as I watch him painfully. Sinubukan kong huwag lumikha ng anumang ingay habang lumalabas ako ng bahay.

I looked up and saw the sky full of stars. Maganda sana ngayon ang mag stargazing kasama si Harvey. Pero hindi rin niya makikita kung gaano kaganda ang kalangitan kagaya noon.  I kneeled on the ground and cried hard.

This is excruciatingly painful and tiring. I also need someone to depend on right now. I also need someone to guide me. I need eyes for me to see if I'm still doing the right thing. I need hope to continue living... if this is still living.

Kinuha ko ang unang hairpin na bigay niya sa'kin na nakaipit sa aking buhok. I smiled when the moonlight glinted on the diamonds. Maski ang hairpin ay nagpapakita na ng kahirapan ko. Unti-unti na itong kinakalawang.

HOPE

Ngayon na nandito na ako sa sitwasyong ito, mayroon pa ba?

"Sof?"

I gasped when I heard that voice. I turned and saw him at our door standing with his cane. I hummed and stood up.

"Nasaan ka?" he asked and started to walk. Mabilis akong lumapit sa kanya dahil baka matisod pa siya.

"I'm right here." I said and hugged him. Hindi ko na mapigilan ang umiyak nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"Sof," I smiled when he started swirling my curls. May mga bagay pa rin talaga hindi nagbabago. Isa na ito.

"Bakit umiiyak ang baby ko?" tanong nito na mas ikinaiyak ko. Ang tagal na simula nang may magtanong sa akin kung kumusta na ba ako.

I slid my head inside his shirt and cried.

"Wala na tayong kuryente babe." pag-amin ko na mas ikinahagulgol ko.

I heard his laugh.

"Natatakot ka ba na wala ka nang makita kagaya ko?" tanong nito habang hinahagod ang likod ko.

I shook my head. He doesn't know that I'm always turning our lights off every night. I wanted to be with him even in darkness. I wanted to experience how does it feel to be in darkness. I don't want to let him experience that alone.

"No, I'm crying because I have to fan ourselves all night." I said that made him laugh with my lame reason.

"Schedule ko na yata mamayang gabi."

"Ta-talaga?" tanong ko at inalis ang ulo sa ilalim ng damit niya.

"Oo kaya ako naman ang papaypay sa'yo at ako rin ang pupunas sa likod mo kapag pinawisan ka."

"Y-you'll do that?" My lips quivered.

"Oo basta ba, umuwi ka lang sa'kin." he sighed. I sighed too when I sensed his fear and doubt that he would lose me.

"Hindi na ba ako ang sigurado mo?" tanong ko at marahang hinaplos ang pisngi niya.

He tilted his head.

"Nang mabulag ako, ikaw na ang baka sakali ko." Kahit ang liwanag ng buwan lang ang tanging tanglaw namin ngayon ay kita ko kung paano nagsilabasan ang luha niya sa mga mata.

At ang sakit-sakit marinig mula sa lalaking pinaramdam sa'yo na may sigurado sa buhay kapag kasama siya, ngayon ay puro baka sakali na lang.

"Araw-araw nagbabaka sakali na lang ako kung uuwi ka pa ba sa'kin."

"Shut up." I said and he smiled with tears.

"I love you too."

My smile grew wider when I remember my other language of I love yous according to him.

"Sira." I said and hugged his waist.

He smirked and started playing with my curls. "Mahal din kita."

"Hmm, ewan?" I said and looked at him as we walked to our home.

"Jet aime?" he unsurely said. With that, we both laughed and he shut the door.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now