Chapter 5

5.3K 185 9
                                    

"Kasalanan ko ba kung bobo kang hayop ka?" Alric asked and burst out laughing.

Siya kasi ang nagsabi kay Harvey na hindi iyon pumps para sa balloon. Hindi ko naman alam kung bakit naniwala naman siya kaagad sa kaibigan niya. Obvious naman na bomba iyon para sa balloon.

"Tang ina mo." Harvey showed him his middle finger.

I don't really get this guy. But then, I realized it just now, he has a sheltered life. Kaya siguro pati bomba sa balloon ay hindi niya alam.

Nasa loob kami ngayon ng sasakyan niya at gaya ng demand ko ay ihahatid nga nila ako sa bahay ni Lav. Hindi ko inasahan na susundin nga niya ang utos ko sa isang sabi ko lang. Kung tumanggi siya ay hindi ko rin naman ipipilit na ihatid niya ako. Maglalakad na lang ako kaysa sa pilitin pa siya.

"Oy, pikon na si rich kid." kantiyaw sa kanya ni Alric.

"'Di ako rich, mas lalong hindi kid, gago."

"Tanggi pa." Alric smirked and looked at me in the rearview mirror.

"Ikaw, Hope? Mukhang mayaman ka rin, jowa-in mo nga 'tong kaibigan ko. Para 'di na komplikado estado niyo sa buhay."

Hindi ko naintindihan ang pinupunto niya kaya sinagot ko na lamang siya sa kung ano ang tanging naintindihan ko.

"I'm not rich."

Ngumisi siya at may ibinulong kay Harvey. "Humble rin pre. Bagay kayo."

Mula sa rearview mirror ay nahuli ko ang pagkurba ng labi ni Harvey dahil sa binulong sa kanya ng kaibigan. It must be bad.

Nilingon ako ni Alric sa likuran kaya mula sa rearview mirror ay napunta ang tingin ko sa kanya.

"Anong pabango mo?" Out of the blue he asked.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay nahuli ko ang pag iling-iling ni Harvey. "Ayan na."

"Bakit?" I asked Alric.

He smiled broadly, showing his perfect set of teeth to me. "Nagne-networking kasi ako. May binebenta akong mga pabango. Sayang at 'di ko dala ang mga tester. 'Di bale next time."

Muli ay nagtagpo ang tingin namin ni Harvey sa rearview mirror. He pursed his lips and settled his eyes on the road.

Bumaling ako kay Alric na ang daming kuwento. Pinakinggan ko ang lahat ng mga sinasabi niya dahil ayoko rin naman na isipin niya na hindi ako interesado. Nga lang, kahit anong pilit ko sa sarili na intindihin ang lahat ng sinasabi niya ay hindi ko magawa.

Hindi ko mapirmi ang tingin kay Alric kaya hindi ko rin maibigay ang buong atensyon sa kanya. Dahil sa tuwing sumusulyap ako sa rearview mirror ay lagi kong nahuhuli ang tingin ni Harvey sa'kin.

"May online shop din ako. Baka gusto mong puntahan." Alric said as he playfully wiggled his brows at me.

"Uh, ano ba ang pangalan ng shop mo?" I kindly asked and rummaged my phone inside my sling bag. Binigay naman niya sa akin ang pangalan. I started scrolling on his page. I pouted when I saw dresses and clothes that I want.

"May mga bra rin diyan. Teka, ano ba size mo?" kaswal nitong tanong.

I looked at him with flushed face. I just find his question uncomfortable and unusual dahil siya rin lang naman ang nagtanong sa'kin niyan... na lalaki.

Mabilis na nakatanggap ng suntok si Alric kay Harvey.

"Tarantado." Harvey said like he's very accustomed saying that word.

"Hoy! It's purely business!" pagtatanggol ni Alric sa sarili saka ako nilingon sa backseat.

"Marami na akong babaeng tinanong niyan... I mean 'yong mga customer kong babae. Potek ka de Silva. Ang sakit ng mga suntok mo!" sigaw nito sa kaibigan habang iniilagan ang mga suntok nito. It made me uneasy because he's driving then they're fighting.

"Ayusin mo 'yang bibig mo." banta ni Harvey.

"Aayusin ko kapag si Raven ang nagsabi sa'kin. Kung ikaw rin lang naman, huwag na uy."

I was just silently watching them fight in front of me. Tumigil lang sila nang nakarating kami sa bahay nila Lav.

Huminto ang sinasakyan ko sa tapat ng isang two-storey house kaya roon napunta ang buong atensyon ko.

Sumilip ako sa labas at nakita ko nga ang kakaunting mga tao na abala sa pag-ayos ng mga mesa sa maliit na bakuran.

Bumaba ako ng kotse at unti-unting nilalabas ang mga paper bag na dala ko. Tahimik din na tumulong sa'kin ang dalawa. Hindi nga lang nakatakas sa'kin ang sikuhan nila at pabulong na murahan.

Pagkatapos maibaba ang lahat ng mga dala ko ay humarap na ako sa kanila para makapagpasalamat.

"Thank- oh my god!" I screamed when a group of running kids bumped me!

Harvey was quick to catch me. I held on his arms while his arms are on my waist, supporting my entire body.

I gasped for air when I get to look at his face this close... again.

"Dugdug. Dugdug. Dugdug." Alric imitating the sound of my heartbeat made me break my long steady stare at Harvey.

Sabay kaming tumingin sa kanya at ang nakakaloko niyang ngiti sa amin ang una kong nasilayan.

Tumayo ako nang matuwid at lumayo sa kaibigan niya.

It made me nervous how Alric's sound effect harmonized with the loud pounding of my heart. Did it just happen by chance? O alam talaga niya na mabilis ang tahip ng dibdib ko ngayon?

I looked at my dress and closed my eyes when I saw crease on it!

"Na-crumpled pa." I murmured as I tried to even out a fraction of my dress kung saan iyong may lukot. It must be because of his tight grip on me kanina.

"Pare, na-crumpled daw. Kasalanan mo."

Umangat ako ng tingin nang marinig ang bulong ni Alric. Nahuli ko pang tinapik niya si Harvey na ngayon ay malawak na rin ang ngiti sa'kin

"Are you mocking me?" I didn't mean to make it sound rude but it sounded that way.

"Ay lasa este asal."

I know Alric was trying to piss me off and it's working. Siniko niya si Harvey na ngayon ay parang pinipigilan na ang sariling matawa. I can't help but made a frown at him.

"And you find it funny huh?"

He shook his head. "Hindi."

I frowned even more when a laugh escaped his lips.

"Hope?"

Sabay-sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

"Miko." tawag ko sa kaibigan na naglalakad palapit sa'min. He stood still beside me. Kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa dalawang lalaki na nasa harapan ko.

"Kuya Jo? Kuya Alric?"

"Anong ginagawa mo rito?" Harvey asked him.

"Birthday ng kaibigan namin. Kayo?" tanong niya sa dalawa saka ako tinapunan ng tingin.

"Ha!" Alric exclaimed and glanced at me. "Hinatid lang namin ang mahal na prinsesa."

"Kilala niyo 'to?" tanong ni Miko sa dalawa, ang tinutukoy ay ako.

"Future raw ni Jo." Alric shrugged. Tiningnan ko siya nang masama habang si Harvey ay sinampal siya sa tiyan.

"Nililigawan mo, Kuya?" tanong ulit ni Miko na ngayon ay mukhang interesadong-interesado na sa pinag-uusapan.

Panibagong alon ng kaba ang humampas sa'kin sa naging tanong ni Miko. Hindi ko na rin matingnan ng direkta sa mata si Harvey dala ng namumuong pagkailang ko sa kanya.

"Hindi Miks. Aalis na sila, 'di ba?" pagtataboy ko sa magkaibigan. Ilang minuto rin ang ginugol ko sa pagpapaalis ko sa kanila. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang lumalayo na ang kanilang sasakyan.

Right after they left, Miko helped me with my things. Nang makarating ako sa bakuran ay una kong napansin si Lav na abalang-abala sa pag-i-skirting ng mesa. May mga nagkakabit na rin ng lights sa mga puno. I think they don't need my help anymore. They're almost on their half way to finish decorating the venue!

"Hope!" Lav waved her hand at me. She was wiping her sweats on her face and neck using the hem of her loose shirt while walking to me. Hindi pa siya nakakapag-ayos pero ang ganda-ganda pa rin niya.

"You're so pretty!" hindi ko mapigilang sabihin nang makalapit siya sa'kin saka siya dinamba ng yakap.

She laughed and hugged me back. "Happy birthday ang in-expect ko."

"Edi happy birthday! You should have been doing your makeup!" I said in frantic. Dapat ay nakaligo na siya at nag-aayos na ngayon!

"Ito na 'yon!" She simply said and made a turn in front of me.

Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"I know you're pretty Lavienna Guillen but you should wear dress and makeup! It's your eighteenth birthday!"

"Wala namang makakapansin kung mag-ayos ako." She then smelled her armpits. "Hindi pa naman nangangamoy, basa nga lang 'yong kili-kili ko."

I wrinkled my nose and pulled her inside their house. Nakasalubong namin si Tita Joy, ang Nanay ni Lav na may dala-dalang isang tray ng mga baso.

"Hope!"

"Tita Joy!" Tinakbo ko ang distansya namin at mahigpit siyang niyakap.

"Amoy usok na ako." I sniffed her. "At talagang inamoy pa!"

I laughed when she lightly pushed me away from her. Na conscious yata sa ayos niya.

Naging malapit na kami ni Miko sa mga magulang ni Lav. May puwesto sila sa tabi ng mga food stall na nakahilera sa tapat ng St. Joseph. Doon kami palaging kumakain tuwing lunch time at tumatambay na rin kapag vacant namin.

"Tito Arman!" Lumabas si Tito mula sa kitchen na may dala-dalang malaking kaldero.

"Aba't nandito na ang PAG-ASA." He roared in laughter when he saw me frowning at him. Alam naman niyang ayokong tinatawag ako ng ganoon.

Pagkatapos kong makipag-usap kina Tita at Tito ay tumuloy na ako sa kuwarto ni Lav sa ikalawang palapag. Nadatnan ko siyang nag-aayos sa harap ng kanyang tukador kaya habang nag-aayos siya ay naghahanap naman ako ng isusuot niya.

Sa huli ay pinili ko ang isang pulang bestida. Maiksi ito at hapit sa kanyang katawan. I helped her fix her hair and make-up.

Hindi ko mapigilang purihin siya pagkatapos ang ilang minutong pag-aayos. Ang ganda ng kaibigan ko. Kahit ano yata ang suutin niya ay kayang-kaya niyang dalhin.

"Let's take a selfie." I excitedly said and grasped for my phone. We take some photos. I picked what I like most and added it to my story.

Nang makababa kami ay marami na ang bisita sa labas. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang pakain pagkatapos naming kantahan ng Happy Birthday song si Lav.

Nasa balkonahe lang ako ng bahay nila, malayang tinatanaw ang kasiyahan sa bakuran nila. Napangiti ako nang pilit niyang ipinikit ang mga mata para humiling. Ayaw pa yatang gawin dahil nababaduyan pero makulit ang mga magulang niya at mga bisita kaya sa huli ay ginawa rin. Pumalakpak ako kasama ang iba pa nang hipan niya ang kandila.

She socialized with her visitors. Lumapit lang sa'kin nang makitang mag-isa ako sa balkonahe nila. 

"Nasaan na 'yong regalo ko?" bungad niya nang makalapit sa'kin.

"Nasa living room."

Ngumisi siya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila. I tailed her.

"Holy shit! Orig ba 'to?!"

Tiningnan ko siya na manghang-mangha sa mga sapatos na binili ko. Mabuti naman at nagustuhan niya.

"'Tsaka bakit tatlo?"

Ngumuso ako. "Ayaw mo?"

"Hindi ah!" mabilis niyang bawi. "Sana everyday, birthday ko."

Kung ganoon nga ay baka maghirap ako sa kabibigay sa kanya ng gift araw-araw.

"Anong binigay sa'yo ni Miko?" kuryoso kong tanong at tumabi ng upo sa kanya. Sa aming tatlo, sila ang mas naging unang magkaibigan, nakisama lang ako nang maging vibes kami ni Lav.

"Binigyan niya ako ng piso kanina. 'Yon daw regalo niya. Gagong 'yon." I laughed. "Tara, lamon na tayo. Tomguts na ako." anyaya sa akin ni Lav saka ako hinila papunta sa malaking buffet table sa bakuran nila.

Kumuha ako ng lumpia, hotdog na may marshmallow, at pansit guisado. Ito ang palagi kong binibili sa karinderya nila. Tita Joy and Tito Arman cook great foods. I know that so these foods on my plate won't fail me.

We sit in a vacant table. Miko also joined us. Hindi nga lang siya nagtagal at pagkatapos kumain ay umuwi na rin dahil may pupuntahan pa raw. Hindi na namin na inusisa kung saan. Maliban kasi sa amin ni Lav ay may mga guy friends din siya kaya baka may hangout siya kasama sila. Bigla-bigla na lang 'yang susulpot at mawawala kaya nasanay na kami.

Pagkatapos ng pakain ay kanya-kanya nang ayos ng mga mesa ang mga tao para sa inuman. Ang mga bata naman ay kinuha na ang mga balloon na display at pinaglaruan.

"Huwag ka nang tumulong!" agap ni Tita nang makitang kumukuha ako ng soiled dishes sa mga mesa.

"Ayos lang po, Tita. Naghuhugas din naman ng pinggan si Lav kaya tutulong na rin po ako habang hinihintay ang sundo ko." I explained and helped her with the dishes. Umiling-iling si Tita habang tinitingnan akong hindi sanay sa pagkuha ng mga leftover sa pinggan.

"Ewan ko ba riyan sa kaibigan mong 'yan. Ang sabi ko mag-imbita pa ng mga kaibigan maliban sa inyo ni Miko para may kasama kayo kapag ka naging busy na. Ayaw naman niya. Ang sabi'y mga kapitbahay na lang namin ang imbitahin. Ayan tuloy, wala kang kasama ngayon."

Nakinig lamang ako sa rants ni Tita kay Lav habang kinukuha ko ang leftovers sa mga pinggan. Ang dami na nga niyang naikuwento sa'kin. Mula sa pagiging tamad ni Lav, sa pag-aaral namin, sa trabaho niya, kung gaano kahirap ang buhay, korapsyon, trapik at kung anu-ano pa.

Dinala ko ang isang tray ng pinggan sa dirty kitchen nila at nakita ko roon si Lav na nasa harapan ng tambak na mga hugasin. Wala na sa ayos ang damit niya pati ang buhok na halos kalahating oras kong inayos ay naka-bun na ngayon.

"Ikaw lang ang tanging babaeng kilala ko na naghuhugas ng pinggan sa sariling birthday party." sabi ko at inilagay sa sink ang mga dala-dala kong hugasin.

"Insulto ba 'yan o papuri?"

Hindi ko siya sinagot sa halip ay kumuha ako ng apron at tinabihan siya sa harap ng sink.

"God. What happened to your makeup?" Hindi ko mapigilang maisiwalat nang masulyapan ang mukha niya. Wala na sa ayos ang eyeshadow at eyeliner niya. Dahil siguro sa walang ingat nitong pagkusot sa mata niya. Her brows were not on fleek anymore. Her lipstick was smeared perfectly.

She rolled her eyes and continued washing. "Sabi ko sa'yo eh. Masasayang lang ang makeup at pagbihis mo sa'kin."

I pushed her waist with mine. "We can't wash the dishes together in your sink." I commented as I struggled in moving my hands.

Lav laughs. "Anong sink? Lababo lang 'to sa'min."

"Whatever you say." I smiled. Tumulong ako sa paghuhugas kahit na hindi naman ako ganoon kahasa at kasing bilis niya. At least, alam ko kung paano.

"Mayaman ka lang, mabilis akong maghugas ng pinggan." she mocked. Gusto ko sana siyang labanan sa pabilisan ng paghuhugas pero alam kong matatalo lang ako kaya hindi ko na sinubukan pa.

Sa kalagitnaan ng paghuhugas ko ay tumunog ang cellphone ko. Sa tingin ko ay si Manong na 'yon. Nagpunas ako ng kamay at kinuha sa loob ng sling bag ang cellphone. Wala akong natanggap na mensahe galing kay Manong.

Namilog ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan niya.

"Harvey de Silva reacted to your story."

"God!" I dropped my phone in the aluminum basin out of startle! Hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala si Lav at sumisilip sa cellphone ko!

"Shit!" she cursed and get my phone in the basin full of water. Hindi ako nakagalaw kaagad sa gulat. Natataranta naman si Lav sa pagpunas ng cellphone ko gamit ang apron niya.

"Ano ba 'yan! Pa'no ba 'to buksan? Buksan mo nga!"

Iniabot niya sa'kin ng cellphone. I pressed the power button. It opened then it blinked. Hindi nagtagal ay namatay na rin.

"Hala. Baka masira 'yan."

Tiningnan ko ang natatarantang kaibigan.

"Okay lang, may spare phone pa naman ako sa bahay." I said calmly, reassuring her that it's all right.

"Kahit na! Sayang! Mahal pa naman ang mga ganyan. Mabuti sana kung katulad lang ng cellphone ko."

"It's fine, really. Pahiram na lang ako ng cellphone. Tatawagan ko si Manong."

Lav handed me her phone.

"Uh, I think you should buy new tampered glass." I tried to make it sound not offending. Ang dami na kasing crack ng tampered glass niya.

"Puwede pa 'yan." saad niya at nagpatuloy na sa paghuhugas. Ganunpaman ay paulit-ulit pa rin niyang tinatanong kung okay lang ba talaga. Ilang beses na rin siyang nag sorry sa'kin kaya ilang beses ko ring sinabi sa kanya na okay lang. I still have my old phone to utilize.

After pacifying her, I called Manong. This time, I told him the address clearly. Sinabi ko rin kanina na mali siya nang pinagbabaan sa akin.

Habang hinihintay ang sundo ko ay tumulong ako sa paghuhugas. Pinagbalot na rin ako ni Tita ng ulam kahit anong tanggi ko na huwag na. Nakakahiya.

Nang marinig ko ang busina ng kotse namin ay nagpaalam na ako sa mga magulang niya. Inihatid naman ako ni Lav sa labas. Siya pa ang bumukas sa pinto ng kotse at iminuwestra pa ang kamay. I smiled with her gesture.

"Hoy, may ikukuwento ka pa sa'kin sa Lunes ha. Agenda: Harvey de Silva. Witwew." she slapped my butt cheek.

"Lavienna!" I exclaimed in terror.

"Bakit?" natatawa niyang tanong. "Don't worry, himas lang, walang meaning."

I frowned. She's so bold. Pumasok ako sa loob ng kotse na busangot ang mukha. Tiningnan ko si Manong na ngayon ay hindi na makatingin sa akin ng diretso.

It's all your fault, Manong. I wanted to say.

Then, my mind went to sticker then to Harvey de Silva. Pansin ko ang pagiging papansin niya sa chat lately and I find it strange. He hate me right?

I folded my arms over my chest and leaned my back on my seat. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaang dalawin ako ng antok.

The next day, sinubukan kong buksan ang cellphone ko kaso mukhang sira na talaga. Kaya ang dating cellphone ang gamit-gamit ko ngayon. I was about to message Lav about my phone when a notification popped up.

Harvey de Silva sent a sticker.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now