Chapter 15

4.8K 212 5
                                    

"Merry Christmas!" I shouted at the entire suite as I got out in my room.

Tumakbo ako palapit kay Kuya na nakaupo sa couch at abala sa cellphone. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi saka ako dumiretso kay Mama at Papa na nasa kitchen at naghahanda ng aming noche buena.

I hugged Mama behind and rested my chin over her shoulder.

"I love you Ma," I whispered.

Tumigil si Mama sa pagkuha ng tray ng leche plan at tiningnan ako.

"You're happy." she stated.

"I am." I nod. Mama purred and continued what she's doing. Si Papa naman ay ang roasted chicken ang pinagkakaabalahan. Pumasok si Kuya sa kitchen na may dala-dalang bote ng wine.

I sighed in satisfaction as I watched my family. This is life. Happy and contented.

"Let's eat!" Mama squealed. We all said our grace before we happily ate together. I took a selfie of us and posted it on my Instagram.

Umiinom ako ng champagne nang mabasa ko ang comment ni Harvey sa post ko.

Harvey de Silva: Merry Christmas.

Instead of replying to his comments, I messaged him privately.

Hope Almendarez: Merry Christmas! How's yours?

He sent me a selfie of him wearing a bonnet and jacket. He made a face when he took a snap of it. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang larawan.

But wait, he's out? I could see tables in the background. Wala siya sa bahay?

Hope Almendarez: You're out? Who are you with?

Then he sent me pix of a bottle of liquor. I made a grimace as I keyed in.

Hope Almendarez: Seriously? Liquor? It's Christmas! You should spend your night with your fam!

Harvey de Silva: Hahaha. Pa'no? Hatiin ko katawan ko?

Hope Almendarez: What?

Harvey de Silva: Si Papa sa Pinas, si Kuya Hade sa New Zealand, si Kuya Hunt sa Rome, si Mama sa langit.

Hindi ko alam na mag-isa siya. I thought he went to Amsterdam with his family. Kasi, hindi ba't ganoon naman talaga? 'Tsaka hindi ko rin alam na wala na ang Mama niya. I feel bad for him.

Pagkatapos kong kumain ay parang nawalan na ako ng energy na magbukas pa ng mga regalo. Ang ginawa ko ay mabilis akong nagpaalam sa kanila na matutulog na ako. Napansin din nila ang pag-iiba ng mood ko kaya idinahilan ko na lamang na inaantok na ako.

I went in my room and called him. Nang makita ang mukha niya sa screen ng aking cellphone ay napangiti ako.

"Merry Christmas." I said and showed him the champagne glass I'm holding.

He chuckled and showed me his shotglass.

"Kung naaawa ka sa'kin kaya ka tumawag˗"

"Nah! 'Wag ka ngang feeling. Tulog na si Mama at Papa, napagod sa paghahanda ng noche buena habang si Kuya ay napagod sa paggala namin sa ocean park kanina kaya nagkulong na sa room niya. I'm not sleepy yet so I need someone to pester."

Ayokong magsinungaling pero ayoko rin naman na isipin niyang kinakaawaan ko siya.

"Talaga?"

"Oo nga. Hindi pa ako inaantok kaya tinawagan kita. Am I disturbing you?" I asked instead.

"Hindi."

He's a bit off today. Sinubukan kong huwag magpaapekto sa malungkot niyang nararamdaman kung kaya ngumiti ako at sinubukang huwag pansinin ang pagiging matamlay niya.

"Anyway, last night I bought things sa temple street night market. And I found this!" I excitedly said and showed him my left wrist with my new bracelet on it.

"Wow ang ganda naman," he said with complete sarcasm. Ni hindi nga nagtagal ng tatlong segundo ang tingin niya sa bracelet at binalik na kaagad sa'kin.

"Iniinis mo ba ako?" Ngayon ay tumawa na siya nang tunay.

"Hindi, maganda naman talaga. Patingin nga ako ulit." He acted that he was interested kahit alam ko naman na hindi.

"You know what, badtrip ka."

"Hindi na." he said trying to stop himself from laughing.

"Anong kuwento mo nga? Pumunta kayo ng kuya mo sa ocean park?" panglilibang niya sa'kin.

Akala ba niya ay mauuto niya ako? Nakakainis siya. Siya na nga itong pinapasaya tapos ganito isusukli niya?

"Nakita mo ba si Ying ying at Le le ro'n?" he asked referring to the famous pandas at the ocean park!

My eyes widen when he said that.

"You know them?!" I asked in pure excitement. Totally forgotten that I'm pissed at him, I started telling him how good my day was. And that's how my noche buena happened, talking to him for hours.

Kinabukasan ay pumunta kaming mag pamilya sa disneyland! Parang bumalik ako sa pagkabata habang tinitingnan ang mga favorite Disney characters ko na pumaparada sa harapan ko.

"Yay! Mickey Mouse!" I squealed and get a hold of the mascot!

"Para kang tanga," sabi ni Kuya sa likuran ko dahil halos lahat ng mga kaagaw ko para mahawakan si Mickey Mouse ay mga bata.

Pagkatapos sa disneyland ay tumuloy kami sa isang market. They're selling cheap products kaya ang daming tao at ang dami ring nagkalat na stalls.

Si Mama ay mga ware sa kusina ang tinitingnan habang si Papa naman ay antique at curios ang pinagkainteresan. I bought souvenirs for my friends. I already bought them pasalubongs like shirts, perfumes and shoes noong nakaraang araw but souvenirs are still different kaya binilhan ko na silang lahat.

Sa sobrang paglalakad-lakad ko at pagtingin-tingin sa mga stall ay hindi ko napansin na nakalayo na ako sa kanila. Babalik na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang stall. They're selling bizarre accessories. Lumapit ako roon at dumiretso sa mga kuwintas.

Una kong sinuri ang kuwintas na thin silver chained at may pendant na jar. The jar was half filled of gold glitters. I shook the small glass jar between my thumb and index finger. I gasped when a four-letter word showed in the middle of the jar!

Hope. That what was inside the jar. It's written in cursive and in color gold.

"You have a good eyes." ang matandang bantay ng tindahan ay lumapit sa'kin.

Hinawakan niya ang kuwintas na hawak ko saka bumaling sa'kin.

"You know the story of Pandora?" he asked all of a sudden.

I nodded. I've tackled the story of Pandora's box in my mythology subject back then. I could still recall her story in mind, not that detailed though.

"What's left in her box is hope when she accidentally released all the bad things out of her box. Bad things like hatred, envy, selfishness and all the evil feelings."

I looked at the old man in awe.

"Those were like a venom that will seep in through a man's system. But hope will always be there to cleanse a man's heart against those evil feelings."

Kung ganito siya sa lahat ng customer ay mapapabili ka talaga sa kanya. He talks so well.

Kaya kahit nasa loob na ako ng sasakyan at pabalik na sa suite ay hindi ko pa rin binibitawan ang kuwintas. Kanina habang tinitingnan ko 'to, siya ang unang naisip ko na pagbigyan nito.

Pagkapasok ko sa loob ng room ay kaagad akong gumawa ng DIY box. Doon ko inilagay lahat ng mga binili ko noong nakaraan pang araw para sa kanya. I bought him shirts and shoes but I find those random kaya ang kuwintas talaga ang pinaka-higlight ko sa lahat.

Nang mga sumunod na araw ay nilibot lang namin ang Hong Kong. We crossed Victoria Harbour via Star Ferry and I don't have a say with the view. It's superb and very scenic. Ang ganda ng skyline lalo na't palubog na ang araw habang lumalayag kami. Hindi ko alam kung ilang larawan ang nakuha ko roon.

We also rode in a cable car before we climbed the stairs to see Big Buddha. Then we visited famous museums and temples around the city. We also have a tea at this popular tea house! Nakakatuwa dahil pareho kaming hindi sanay ni Kuya.

Around eight o'clock in the evening, we watched light and sound show. It's dazzling and strikingly beautiful. Hindi ko mapigilan ang mapanganga at mamangha habang tinitingnan ang mga nagsasayawang ilaw sa harap.

Then every other night, we'd go to the Central district. Ang daming restaurant, club at bar kaya hindi kami nauubusan ng pupuntahan kahit ilang balik na kami roon. Then there's Thursday night where women can drink for free! Ang saya dahil ang ganda ng timing namin at pumunta kami roon nang huwebes na gabi.

"You're making someone wait." the fortune teller said as she read my palm. It was another night when we strolled to another popular market in Hong Kong.

"Don't make him wait that long though." she continued. She traced the lines on my right palm for a while before she raised her head and smiled at me.

Lumabas ako sa tent ng fortune teller dala-dala ang mga katagang binitawan niya. I usually don't believe in those things but while she was saying my fortune, I only think of him. Is she referring to Harvey?

We were waiting to welcome the New Year. Nasa balcony kami ng family suite na tinutuluyan namin habang nagka-countdown.

Hawak-hawak ko ang torotot habang si Kai ay ang mga takip ng kaldero ang hawak-hawak at ginagawang cymbals habang si Mama at Papa ay nasa likuran lang at tinatawanan kami.

As soon as I saw fireworks, I started blowing air in my torotot. Paingayan kami ni Kuya sa ginagawa. After minutes of doing that, I got my phone out in my pocket and texted my friends and Jo to greet them a happy new year.

Hope Almendarez: Happy New Year!

Harvey de Silva: Can I call?

It was just three words but it already made my heart throb. Mabilis akong pumasok sa loob ng room at ini-lock 'yon bago ko tinanggap ang tawag niya.

"Hey!" I greeted him as I sat on my bed. Pinakita ko sa kanya ang hawak kong torotot at ginamit 'yon. Humalakhak siya nang pumiyok ako sa pag-ihip.

"Happy New Year." I laughed trying to conceal the embarrassment I am feeling.

"Happy New Year." he said, still laughing. I sighed in relief when I saw him eating. Thank god, he's not drinking.

I suddenly remember what the fortune teller told me. My heart started to pound rapidly. Kahit wala siya sa tabi ko ay naduduwag pa rin ako.

Ipinilig ko ang sariling ulo upang alisin ang kaba at takot na nararamdaman. There's no room for cowardice, Sofia. Don't make him wait. I remind myself.

"Harvey."

"Hmm?"

"May sasabihin ako." mahina kong sabi.

"Ha?" itinapat niya ang tenga sa screen para marinig ako.

"I have something to say." pag-uulit ko sa sinabi. Ngayon ay nilakasan ko ng kaonti.

"What is it?" He asked mimicking my high-pitched voice.

Ayan na naman siya. Nagsisimula na namang mang-inis. He's ruining the moment! Nakakainis!

"Middle finger ka!" I shouted. Sinusubukan kong huwag magmura sa harap niya ngayon dahil ayokong magalit ngayon.

"Ano? Middle finger ako?" natatawa niyang sabi habang tinuturo ang sarili.

"Anong middle finger? Nahiya ka pang magmura sa'kin eh ilang beses mo na nga akong pinipisikal."

"Ang talktative mo! I have something to tell nga and you're so epal." I huffed.

"Hahaha really ba? Ano bang ite-tell mo sa'kin?"

"Shut up."

"Hahaha. Sabihin mo muna r'yan sa kasama mo 'wag siyang lakad nang lakad sa likod. Nadi-distract ako." seryoso niyang sabi.

I startled a bit because of what he said. Slowly, I turned my head. Pero bago ko pa man makita ang nasa likuran ko ay bigla niyang sinigaw ang pangalan ko kaya napasigaw ako sa gulat. Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Hindi nakakatuwa!" galit kong sabi sa kanya, pilit na tinatago ang takot na nararamdaman. Wala naman akong kasama rito sa loob.

"Hindi naman ako nagpapatawa Sofia."

"Ayan nga oh, sa likuran mo. Kanina pa siya pabalik˗"

"Harvey!" I jumped out on my bed and leaned on the wall so he wouldn't see anything in my background but the white wall.

"Oo nga. Sabihin mo riyan sa helper niyo na nakaputi at mahaba ang buhok hanggang baywang na wag palakad˗"

"Oh fuck you! Wala akong kasama sa room at lalong wala kaming helper!"

"Hahaha!"

I gritted my teeth as I watched him laughing his ass out.

"Nakakainis ka."

It took minutes before his laugh lessen saka lang ako nakasingit.

"I was about to say that I want to put label in our relationship and you did nothing but to piss me!" inis kong sabi.

"Teka, wala akong maintindihan." sabi nito habang pinipigilan ang matawa para makapagsalita pa siya ng diretso.

"Ewan ko sa'yo." tanging sabi ko na lamang. Alam ko naman na alam niya ang ibig kong sabihin. Gusto niya lang ulitin ko. Pero ayoko. At hindi niya ako mauutong sabihin ulit 'yon.

Nasabi ko na.

Inis ako sa kanya pero 'di ko rin magawang patayin ang tawag. Parang baliw lang. Wait, hindi pa naman siguro ako nababaliw?

"Sofia."

"Hope."

"Sof."

He's calling me in different ways but I never dared to answer him back. I looked up, down then sideways. Hindi ko tinitingnan ang cellphone na hawak dahil alam kong ang mukhang niyang namimikon lang ang makikita ko. At quotang-quota na ako ngayon sa pang-aasar niya.

"Hope"

"Sof."

"Babe."

Parang nagbagting ang tenga ko sa huli niyang tawag sa'kin kaya nilingon ko siya.

He smirked.

"Babe pala gusto mo ha."

"Wala akong sinabi."

"Tinawag ko na lahat-lahat, 'di ka lumilingon. Babe lang pala katapat mo ha." he teased.

"I was surprised!" Well, I was really surprised and shocked when he called me that!

"Hmm?" he playfully hummed while playing his lower lip with his fingers.

"Matutulog na 'ko!" I said in a dismissing tone. Hindi kami matatapos nito.

"I love you too."

"Wala akong sinabing I love you˗"

"I love you too."

"Wala akong sinabing mahal kita˗"

"Mahal din kita. Tulog ka na."

I narrowed my eyes at him. "Pinaglalaruan mo ba ako?"

"Hindi, minamahal lang kita."

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now