Chapter 12

4.8K 198 14
                                    

"Blow! Blow! Blow!" they all chanted.

Kung hindi lang madilim ang buong silid ay kitang-kita na nila ang nangangamatis kong pisngi habang tinitingnan ang penis-like thing na nasa cake ko.

I blew the candles and party poppers exploded. Si Pau ay kinuha iyong stick ng penis-like thing. Then he dipped and rolled it to the cake. Frosting of my cake sticked on it.

I immediately shook my head when I realized what they wanted me to do with that thing.

"No no no." I stepped back when Pau neared me.

"Suck it, Hope." utos niya na mabilis kong inilingan. God. This is so awkward! My male friends were there and they... they will see me suck it? Oh god! That's embarrassing.

"No way Pau!" I shrieked in horror and they all just laughed.

I only saw an image of penis on my science book! It's my first time seeing its form in three-dimensional. Kahit na hindi ito totoo, I could imagine... I shook my head to stop myself from imagining it. And why does it seem so big?

They keep on forcing me to do it but I was so adamant of my decision.

"I won't do it!" I said and hid at Miko's back.

"Tama na, Pau." natatawang sabi ni Miko habang ako ay halos magusot ko na ang uniporme niya sa kakahila rito.

"Dilaan mo na lang, Hope!" sigaw ni Kyzer kaya tumawa ang lahat maliban sa'kin.

"Ayoko!"

"Isang dila lang Hope." sabi ni Pau.

Lumapit sa kanya si Kyzer at kinuha iyon. Ngayon at dalawa na silang nagpupumilit sa akin.

"Didilaan mo lang na parang ice cream, girl."

"Then, just give me an ice cream!" I said, tensed and trembling.

"Edi wala ng thrill." Pau rolled his eyes.

"Dila o subo?" Pau asked impatiently. I pouted and looked at Miko, seeking for help but he even urged me to do it. I pouted even more.

Miko crouched down on  me and whispers, "Sige ka, baka magalit si Pau."

My eyes darted at Pau and Kyzer. I stuck my lower lip out and made a puppy eyes.

"'Di 'yan uubra girl." Kyzer said shaking his head.

"Just a lick!" I said in defeat. I took the penis thing from his hold. I closed my eyes so I won't see it. I licked it and I heard them cheered.

"Ang pabebe Hope! Isa pa!" someone shouted so I licked it again.

"Isa pa! Isa pa!"

And again. I opened my eyes when I licked it three times.

"Lick it clean." sabi ni Kyzer.

"What?" I want to protest but Pau's eyes are scaring me. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila. I licked all the frosting on it. Well, the frosting tasted good kaya hindi ko na rin naisip pa iyong iniisip ko kanina.

Nang matapos ay tiningnan ko ang waging-wagi na mukha ni Pau at Kyzer.

"Subo mo na." Pau said.

"But˗" I was about to do their request but then I just realized, "You're making fun of me." I stated and they all burst into laughter.

"Ngayon niya lang narealize."

"I hate you both," sabi ko sa dalawa habang inaabot sa'kin ni Miko ang isang red cup na may lamang tubig.

"Asus. Believe me Hope, gagawin mo rin 'yan kay Jo." Pau said and Kyzer giggled.

"Ha?" kuryoso kong tanong sa kanila.

"Blow˗"

"Pau." Miko called his name in a threatening tone kaya tumahimik agad ito. Mukhang natakot kay Miko.

The party started after I gave them a short entertainment. Lav led the karaoke, drinks and finger foods were served. They're so loud and messy. Nasa isang couch lang ako katabi si Miko habang tinitingnan ang magugulo kong kaibigan.

"So, you and Kuya Jo huh?" biglang sabi sa'kin ni Miko kaya napalingon ako sa kanya.

"Ah... nanliligaw siya." There, I said it to my best friend. Bahagya siyang natawa nang maramdaman ang hiya sa boses ko.

"It seems like it didn't surprise you at all."

"Hindi naman talaga nakakagulat."

"Bakit hindi?"

"Isa sa mga rason kung bakit nagustuhan kita Hope ay kagaya ka ng kapatid ko. You have the same personality with my sister kaya alam ko ring magugustuhan ka ni Kuya Jo."

"So, you mean, you just like me because I resemble your sister in personality?"

Umiling-iling si Miko saka ako inakbayan.

"Hindi ganoon, Hope. Magkaiba kayo ni Ate pero may pagkakapareho lang talaga kayo na pareho naming gusto ni Kuya Jo."

"Like?"

"Pareho kayong isip-bata, maarte, masungit-"

"Hey!"

He started enumerating my flaws. Paano nila 'yon nagustuhan?

"Basta, Hope. You deserve Kuya Jo as much as he deserves you. Noon, palagi kong itinatanong kung bakit hindi na lang silang dalawa. Kung bakit napunta pa sa isang gago ang kapatid ko kung nandiyan naman si Kuya Jo." He let out his frustration through laughing.

Well, I really don't know about Rain's love story. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Miko. Maybe Rain's relationship with that guy didn't go well. And if that's the case, Rain was mistaken for not choosing him. And I'm thankful for that at hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko.

Miko smiled at me. "Pero ngayon, alam ko na kung bakit." sabi nito at ginulo ang buhok ko.

"Ikaw lang pala ang hinihintay."

I don't know why but my heart felt warmth hearing him said it.

"Advance happy birthday, Sofia." he greeted me.

"Thanks!" I said and side hugged him.

He chuckled and tightened our hug.

Lumapit sa amin si Lav at hinila ako patayo. Pinagalitan niya si Miko dahil sinosolo raw ako. Lav was already tipsy. Dumoble na ang pagiging maingay nito. She dragged me to the front of the the karaoke. She kept on insisting me to sing ngunit wala sa bokabularyo ko ang mapahiya ngayong gabi.

Tinanggap ko ang cup na binigay sa'kin ni Peachy na may lamang alak at hinila ako palayo kay Lav. Sinulit ng buong block ang oras dahil Sabado rin bukas.

Halos hindi na makalakad ng diretso ang iilan sa mga kaibigan ko nang matapos kami. Si Dan, Miko, Kar at ang iba na may dalang kotse ay hindi na uminom kaya panatag ako habang unti-unting lumiliit sa paningin ko ang mga kotse nila.

Nang kotse na lang ni Miko ang naiwan ay tumulak na rin kami. Una akong hinatid ni Miko, si Lav naman ay nasa backseat na at mahimbing na ang tulog kaya kay Miko na lang ako nagpaalam at hindi na ito ginising pa.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para bumalik sa St. Joseph. Natapos ko na ang groupwork ko at nakapag-report na rin ako sa SC bago pa man sumapit ang tanghali.

Nag-aayos ako sa restroom ng coffee shop kung saan kami madalas magkita ni Harvey nang makatanggap ako ng text galing sa kanya, sinasabing nasa loob na siya ng coffee shop. Mabilis kong sinipat ang sarili sa salamin.

I'm wearing a white top with black ribbon sleeves, high waisted shorts and sneakers. I smiled at my reflection when I get satisfied with my look.

Naabutan ko siya sa mesa ko, nakaupo sa silya kung saan ako nakaupo kanina at pinaglalaruan sa kamay ang pink kong ballpen.

Ngumiti siya nang makita ako. Noon pa man ay gusto ko na ang makukurba niyang pilik-mata, ngayon yata ay pati ang mga mata niya ay kasama na rin. It's not because it's deep-seated or had a shape like an almond. Iyon ay sa kung ano ang kayang iparamdam ng mga tingin niya sa'kin.

The way his eyes stare and linger at me made me feel like I'm the most beautiful woman he has ever seen. Siya lang ang tanging taong nakapagparamdam sa'kin no'n. It may sound so cheesy but that's how I truly felt every time he lays his eyes on me.

Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay tumayo na siya. Ang mga mata ay nanatili sa'kin, ganoon din ako sa kanya.

He's wearing a dark green tank top, jeans and rubber shoes. With his simple outfit, he still managed to pull it off with no effort. Hindi ko alam kung sa paningin ko lang o attractive lang talaga siya. Kaagad ko ring napatunayan na ang panghuli iyon nang mapansing nakatingin din sa kanya ang mga babaeng crew ng shop.

"I like your outfit." saad ko nang makalapit sa kanya.

Ngumisi siya at isinukbit sa balikat ang bag ko. I stifled a smile how my bag contradicts his manly appearance.

"Talaga? Gusto mo palit tayo?" he asked and laughed.

I pursed my lips but smiled eventually.

Lumabas kami ng shop at kaagad kong nakita ang nakaparada niyang motorbike! The idea of us, riding on his motorbike excited me more.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang isinusuot niya sa'kin ang spare helmet niya. He finally brought two.

"Basta."

Tumawa siya nang makita ang busangot kong mukha habang sinusuot ang helmet niya. Sumampa na siya sa bike kaya sumunod na rin ako. I held on his shoulders as I straddled on the motorbike behind him.

"Ayos na?"

"Yes."

He even took a quick glance on me to check by himself if I'm good and safe before he kicked the kick starter.

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko mapigilan ang titigan ang likod niya. Then it went to his nape down to his broad shoulders to his forearm. I bit my lower lip while looking at his hand, firmly clutching the throttle. His knuckles and veins are jutting out because of his tight grip on the throttle.

My eyes darted at the side mirror. Napasinghap ako nang magtama ang tingin naming dalawa. He grinned that made me flush. He just caught me checking him out!

He's teasing me again. Kaya kaagad akong naghanap nang maigaganti sa kanya. Una kong nakita ang buhok sa batok niya. I pulled it to release my frustration on him.

"Aray." reklamo niya na ikinangiti ko.

"You started it."
I screamed when he turned the throttle. Ang dalawang kamay kong nasa balikat niya ay mabilis na napunta sa baywang niya. I hugged him tight and I could see how his shoulders moved up and down. When he couldn't suppress it anymore, he laughed.

"Para-paraan ka." I said when we reached our destination. Inalis ko ang helmet at mabilis na inayos ang nagulong buhok.

"Gusto mo rin naman."

"Wala akong sinabi."

He arched his brow at me. "Bakit noong nagmenor ako, hindi mo na rin inalis ang yakap mo sa'kin?"

I looked away.

"Gusto mo rin, Sofia." bulong niya nang makalapit sa'kin.

"I didn't say that." sabi ko at lumayo sa kanya.

"'Di ko kailangan ng kumpirmasyon mo. Saka ayos lang. Ramdam ko naman na crush mo 'ko kaya ayos lang talaga."

"Ewan ko sa'yo."

He chuckled. "See? 'Di mo tinanggi. Crush mo talaga ako."

I pursed my lips.

"Bakit... crush mo rin naman ako ah?" I said like it was a passport to like him back.

"'Tamo inamin mo rin. Bakit 'di mo na lang diretsuhin na mahal mo na ako?" natatawa niyang sabi.

"What?"

Love is... too much. Do I love him already? And if I do, how will I know that?

"Joke lang." He laughed and stood next to me. "Ayos lang sa'kin na crush crush lang muna tayo."

"Crush crush." pag-ulit ko sa kanyang sinabi.

"Oo, crush crush kahit parang pang-elementary pakinggan. Crush mo 'ko, crush kita, alam mo 'yon."

Tumatawa siya habang sinasabi niya 'yon kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano.

"Crush crush. Pambata tangina." rinig kong bulong niya.

I slapped his abdomen. "What if I crush your face?" I snickered and turned my back against him. I shook my head with a smile on my face when I heard him laugh.

Pinagmasdan ko ang bakanteng lote na nasa aking harapan. Nasa mataas kaming bahagi ng lugar at tanaw na tanaw namin mula rito ang dagat at mga kalapit na isla. We're already out of the city.

"So..." I trailed off and glanced at him beside me. "Ano'ng gagawin natin dito?"

"May assignment ako,"

"And?"

"Documented."

"And?"

"Kailangan ko ng videographer." he said.

I folded my arms over my chest and narrowed my eyes on him. "So, dinala mo ako rito para maging videographer mo?" 'di ko mapigilang maitanong sa kanya.

He scratched his brow. "Puwede ring ka-date kung gusto mo."

"Ewan ko sa'yo." Nangingiti kong saad at itinuon ang tingin sa harap.

Malawak ang lote at matalahib. Mayroon ring mga kalapit na bahay kaya nanghiram siya roon ng itak habang ako ay nakaupo lang sa nakaparada niyang motorbike sa tabi ng kalsada habang hinihintay siya.

Nang makabalik ay may dala-dala na itong water jug, towels at nakasuot na rin siya ng manipis na puting long sleeve. He looked like a farmer now excluded his expensive shoes.

I tailed him as I filmed him. May kung ano siyang hinahanap na marka kaya medyo kailangang gumamit ng itak para malinis at mahanap 'yon. Hindi pa man kami nakakarating sa mga talahib ay pinatigil na niya ako.

"Dito ka na lang, mangangati ka." agap niya at siya na ang tumuloy sa paghahanap ng marka.

Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang inosente niyang tingnan habang hawak-hawak ang itak. Halata namang hindi siya marunong, trying hard lang. Nagtagal siya ng kaonti sa paghahanap noong marka. Pagkatapos noon ay nagsimula na siyang sumukat ng kung anu-ano. May dala-dala rin siyang kopya ng floor plan ng isang bahay habang ginagawa iyon.

"Wew!"

Tumabi siya sa'kin kaya pareho na kami ngayong nakaupo sa gilid ng kalsada habang tanaw ang malawak na lupain sa aming harapan.

"Tired?" I asked and gave him the jug. Tumango lang siya bilang sagot sa'kin at uminom na ng tubig. I got the towel and started wiping his sweats.

"Saglit. Ang kati." daing niya at hinubad ang long sleeve na suot. Maging ang paghubad niya ng damit ay pinanood ko.

And  he has abs.

I looked away and coughed. Bumalik lang ang tingin sa kanya nang marinig ko ang reklamo niya. Namumula na ang leeg niya sa sobrang kamot niya.

"Huwag mong kamutin, mas kakalat 'yan."

"Ang kati talaga." aniya habang tinatampal-tampal ang leeg na namumula.

"Turn around. I'll wipe your sweats so you could wear your shirt." sabi ko at sumunod naman agad siya. I started wiping his leaned back.

"Naks. Alagang-alaga ako sa'yo." he teased and turned to me. "Huwag kang ganyan at baka angkinin na kitang akin ngayon."

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Alam ko namang nagbibiro lang siya pero hindi ko pa ring mapigilang maapektuhan sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Done!" I said and quickly stood up. Lumingon siya sa'kin habang sinusuot na ang damit.

Lumapit ako sa motor niya. "You should teach me how to drive this." saad ko habang pinapasadahan ng kamay ang makintab niyang motorbike.

Rinig ko ang papalapit niyang mga yabag sa'kin.

"Bakit?"

Umangat ang tingin ko sa kanya. "Para kasing ang refreshing lang habang nagmamaneho ka. I wanted to feel that too."

"Huwag na. Nandito naman ako para ipagmaneho ka."

"But I want to learn how to drive your motorbike."

He's conflicted. Sa huli ay bumuntong-hininga rin, senyales na pagbibigyan ako sa gusto kong mangyari.

"Sige pero hindi muna ngayon. Tuturuan lang kita kung paano pero hindi ka muna magda-drive." napipilitan niyang sabi saka ako tinapunan ng masamang tingin. "Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo noon sa racetrack."

Napaismid ako nang maalala 'yon. "Yeah, I could still remember when you asked my age." I eyed him sharply. "Really? Fourteen? Thirteen?"

"Eh sa badtrip ako sa'yo noon."

Umangat ang kilay ko. "Badtrip ka sa'kin?"

"Noon. Hindi na ngayon." Mabilis niyang agap at lumapit sa'kin "Kaya tuturuan na nga kita ngayon kung paano mag-motor."

Umupo siya sa likuran ko at inilagay sa tamang posisyon ang mga paa at kamay ko.

"Heto, hawakan mo." he placed my hand on the throttles. "Tapos sipain mo 'to, tapos kapag nabuhay na ang makina, apakan mo 'to tapos pihitin mo 'to. Tapos!"

"Jo!" inis kong sigaw sa palayaw niya. Wala akong maintindihan sa pagtuturo niya.

"Ano?" natatawa niyang tanong.

"Hindi mo naman ako siniseryoso. Nakakainis ka!" I nudged him with my elbow. Mas lalo lamang akong nainis nang maiwasan niya ito.

Nilingon ko siya at tiningnan nang masama. Isang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa kaya kitang-kita ko ang maliit niyang nunal sa itaas ng kanyang labi.

"Seryoso kaya ako sa'yo."

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now