Chapter 25

5.1K 161 12
                                    

True to Mama's words, Harvey often visits our house. Wala naman itong ginawa sa bahay kung hindi ang magpabango ng pangalan sa mga magulang ko at ang asarin ako. Sinusundo niya ako sa bahay at magkasama kaming papasok sa unibersidad at ganoon din sa pag-uwi. Kaya halos araw-araw ay magkasama kami.

"I'll do it!" ani ko at kinuha ang wire whisk sa kanya saka sinimulang haluin ang egg whites.

Kanina ay nag-presinta siyang ihiwalay ang egg whites sa egg yolks. Limang eggs ang kailangan ko pero nakaisang dosena siyang kuha at basag ng itlog dahil nahahalo ang white sa yellow.

Tapos ngayon naman ay siya raw ang magwi-whisk. We have eggbeater but he ruined it. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kamay niya at nasira niya 'yon. Halos isang dekada na iyong ginagamit ni Mama. This guy is the ultimate king of destruction. Walang bagay na magtatagal sa kanya. Lahat na lang nang hawakan niya ay nasisira.

So I resorted to use wire whisk tapos ngayon ay inaagaw niya sa'kin ang wire whisk at siya na ang maghahalo dahil parang nakakapagod daw. Nang ibigay ko sa kanya ang wire whisk ay kaagad ko ring kinuha dahil iba't ibang rotation ang whisking niya.

Kami lang dalawa ang tao sa bahay ngayon at ang mga helpers namin. May trabaho si Papa, si Mama naman ay kasama si Tita Georgina at Mira sa kanilang spa session. Kasama sana ako kaso may importanteng lakad kami ngayon ni Harvey.

"Hmm, puwede ng mag-asawa." aniya at niyakap ako mula sa aking likuran. He rested his chin on my shoulder and sniffed my scent.

"Yes and you," I tilted my head and lightly bumped my head against his.

"Puwede ka nang magpakamatay. Seriously, Harvey. You suck at everything. Sabihin mo nga sa'kin, saang bagay ka ba magaling?" natatawa kong biro sa kanya.

"Hmm," nag-isip siya saglit. "Ang mahalin ka, roon lang yata ako magaling."

I shook my head smiling. "Sira." I said and continued whisking.

I was determined to learn household chores because of him. Lalo na ang pagluluto. I was thinking if we're going to live together in the future, kailangan ay may marunong sa aming dalawa ng mga gawaing bahay. And he has no time for that. Wala rin sa kanya ang matuto nito.

If I'm going to tell him that this thing concerns me, ang sasabihin niya lang ay may mga helper naman na tutulong sa amin so why bother? And that's the problem. We're both relying and depending on our helpers. Hindi naman sila laging nandiyan. I was already expecting instances na kung kami na lang talaga kaya sino ang gagawa kung pareho kaming walang alam hindi ba?

"You think Aesthrielle will like it?" tanong ko habang tinitingnan ang brownies na nakasalang sa oven. I also made a chocolate cake, frosting na lang ang kulang.

Today is Aesthrielle's birthday. I bought her a doll house pero gusto ko pa rin siyang bigyan ng bagay na pinaghirapan ko kaya pinag-bake ko na lang siya. I hope she'll like it.

I met Aesthrielle lots of time. Noong una ay hindi maproseso ng utak ko na may anak na nga si Rain. She's too young to be a mother and she's raising her child alone. That must be hard. Who the father of Asthrielle is is totally a dumb-ass.

"Hmm, kahit ano basta chocolate kakainin niya 'yan." ani Harvey na sumunod na naman sa'kin sa tapat ng oven. Kahit saang parte ako ng kitchen pumunta ay sinusundan talaga ako. Parang ewan.

Harvey helped me put the cake in a pink box habang ang brownies ay sa red tupperware ko inilagay. After that, I took a quick bath and wore a white ribbed dress and sandals. I applied a light makeup and pin some strands of my hair above my right ear using a cute hairpin.

Nang bumaba ako ay nasa loob na ng kotse si Harvey naghihintay sa'kin. He's wearing a white pullover and faded jeans. Suot din niya ang necklace na binili ko sa Hong Kong.

Nakarating kami sa bahay nila Rain alas kuwatro na ng hapon. Sa living room at kitchen nila ang venue ng small party para kay Aesthrielle. Pagdating namin ay may decoration na ang buong salas. Sa white wall ay roon nakapaskil ang mga letter balloons. Ang dami ring balloons na nagkalat sa sahig at maging sa ceiling ay mayroon.

Isinuot sa akin ni Eve ang party hat na may disney princess na naka-print, ganoon din kay Harvey. Nakasimangot siya habang isinusuot sa kanya ni Eve ang party hat. I laughed at that.

"Hey hey hey." Rain waved at us while climbing down the stairs. She's wearing a black maxi dress.

"Where's Ace?" I asked and bent over to get a balloon para may mapaglaruan.

Tumawa si Rain at nilingon si Harvey.

"Puwedeng pakisabi sa jowa mo wag tawagin ang anak ko sa pangalang 'yon?"

"Why? Still have a feeling for Kuya Ace?" tanong ko na ikinatahimik niya.

"If you've just listened to me before, Kuya Ace could be the father of Aesthrielle."

I mean kung pumayag lang siya noon na ilakad ko siya kay Kuya Ace, baka naging sila pa. And who knows, baka si Kuya Ace pa ang naging ama ni Aesthrielle. Kung hindi man, he could father her. Total ay nakikita kong si Kuya Ace ang tipo ng lalaki na hindi tumatakbo sa obligasyon. And Kuya Ace is far better than whoever Aesthrielle's father is.

Tumingin si Rain kay Harvey at nagkibit balikat lamang ito sa kanya.

"Oo na lang." Rain said and left us.

Inakbayan ako ni Harvey at pumasok na kami ng tuluyan. Lumapit siya kay Raven habang ako ay kay Eve.

"Anong maitutulong ko?" I asked her. Sa lahat ay siya ang pinakaabala, mas abala pa kay Rain. Kung titingnan ay parang siya ang Mommy ng may birthday kaysa kay Rain na walang ginawa kung hindi lumakad-lakad na parang ewan at inisin ang mga kaibigan.

"Heto Sof. Puwedeng pakilagay sa mga vase." she politely said and gave me bouquets of fresh flowers.

Kinuha ko ito sa kanya at sinimulang ilagay sa mga vase. I was taking my time arranging the flowers because I enjoyed it hanggang sa may dumating.

"Sino ang nag-arrange nito? Ang pangit!"

I turned to face Step Saldiviar. "Do we have a problem?" I asked as I put my hands on my waist.

"Ay hello Hope." plastic na ngumiti sa'kin si Step. She's wearing a white cami top paired with high waisted ripped jeans. May dala-dala siyang human size teddy bear na kaagad kinuha sa kanya ni Harvey at ito na ang naglagay sa tabi ng iba pang gifts habang si Raven ay kinuha ang dala niyang box na mukhang cake ang laman. Kung hindi lang sumulpot sa kanyang likuran si France at Lav ay aawayin ko pa ito.

"Lavienna!" Eve screamed and rushed to my friend.

Nahihiyang ngumiti si Lav sa kanya. Hindi ito ang unang beses na nagkita kami ni Lav sa lakad ng magkakaibigan. She's still not confirming nor denying her relationship with France but I am hundred percent sure that they're an item.

She roamed her eyes around the living room until her eyes drifted at me. I waved at her and she smiled. Pagkatapos makipagusap kay Eve ay lumapit siya sa'kin at iniwan si France sa mga kaibigan. Kaagad siyang kumuha ng isang tangkay ng bulaklak at tinulungan ako sa pag-arrange.

"May kuwento ako." panimula niya at mas idinikit pa ang katawan sa'kin.

"What?" excited kong tanong sa kanya.

"Nakita mo story ni Kezia..." she started.

"Sa tingin ko ay para talaga iyon kay Xyril. One time ay nakita ko rin story ni Kezia, nakaakbay sa kanya 'yong boyfriend ni Xyril kaya ngayon ay palitan sila ng talkshit sa isa't isa. Kulang na lang ay i-mention nila ang isa't isa sa mga story nila"

"Then, what about Gracie?" curious kong tanong. Naging kaibigan ko silang tatlo noon at kahit na hindi naging maganda ang hiwalayan namin ay hindi ko rin gusto ang nangyayari sa kanila ngayon.

"'Di ko alam. Alam mo naman ang isang 'yon, sunod sa yapak ni Kezia. Baka kay Kezia siya kumampi."

Ang usapan namin mula sa mga dati kong mga kaibigan ay napunta sa studies namin at trabaho niya hanggang sa lumapit si France sa amin.

Pumeke ako ng ubo nang mahuli ko ang kamay nito sa likod ng kaibigan. Kaagad naman akong pinandilatan ng mata ni Lav. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang namumula niyang pisngi.

Ngumiti sa'kin si France kaya ngumiti ako pabalik sa kanya.

"'Yong regalo ko kay Aesthrielle?" Lav asked him. Busy na ito sa paglagay ng bulaklak sa vase.

"Kay Rain na." he whispered and hugged her behind.

Narinig ko ang halakhak ni Harvey at ang kantyaw ni Alric na kadarating lang. Marahil ay napansin din ang pagiging clingy ni France.

"Wala na Jo. Panis na ang inyo."

Natawa ako sa sinabi ni Alric at tiningnan si Harvey na kanina pa nakamasid sa'kin. He's sitting on the sofa while playing a fidget spinner. He gave me a wink when our eyes met.

"Lav, ano bang ginawa mo kay France?" Eve asked and laughed. She's now placing scented candles. Raven was helping her out.

"Saan ito ilalagay Hope?" Lav asked me. Bumalik ang tingin ko sa kaibigan na ngayon ay pulang-pula na ang mukha. She's trying to remain calm but I know better. Gusto na nitong maglaho sa kahihiyan. Lalo pa't ang lakas mang-asar ng magkakaibigan.

"There." I pointed the coffee table. Naglakad ito palapit doon at kaagad namang sumunod sa kanya si France na parang aso.

Humalakhak si Alric.

"Wala na, lubog na lubog na si Pres."

"Kapag 'yan iniwan mo Lav, ewan ko na lang." sabi ni Rain na pababa na ng staircase at karga-karga si Ace. Wala si Miko at ang Mama niya kaya kami lang ngayon ang nandito sa malaking bahay at ang iilan nilang kasama sa bahay.

I continued arranging the flowers. I took a snap of it and added it to my story. Kuya Ace first viewed my new story and reacted a heart emoji. So nice of him.

Tumigil ako sa pagcecellphone nang may humila sa buhok ko. Nang nilingon ko ay si Harvey ito karga-karga si Aesthrielle. She's wearing a red jumper dress and white long sleeves inner top.

"Hello baby!" I excitedly said and held her small hand.

"Hi." Harvey answered with a smirk.

I narrowed my eyes on him.

"Hindi ikaw." I said and looked at Aesthrielle with a smile. She held my finger firmly. I tried to make funny faces and she's laughing. Minsan ay inilalayo ito sa'kin ni Harvey at bigla-biglang ilalapit kaya kuma-cackle ito. Kaya tumatawa rin kami ni Harvey.

"Say Tita," I said and kissed her palm.

"Ti...ta! Tita!" 

I laughed and lightly pinched her flawless cheek. Sinubukan kong kunin siya kay Harvey. Kaagad naman itong lumipat sa'kin upang makarga ko. Hindi mailap ang batang 'to.

"Kaya?" Harvey asked.

"Kaya." sabi ko kahit na nabibigatan kay Aesthrielle. Saglit ko nga lang itong nakarga dahil kaagad din niyang kinuha sa'kin nang makitang nahihirapan akong kargahin si baby Ace. She's getting heavier.

I was trying to fix her dress when she touched my hair.

"Ouch!" sabi ko nang hinila niya ang buhok ko. Kinuha niya pala ang hairpin ko. My forehead creased as I tried to put my hair back in place.

He chuckled. "Masakit?" I nodded pouting my lips.

"Kawawa naman ang baby ko." he said and gave me a quick kiss on my lips.

"Masakit pa?" he asked and I nodded again.

"I need more." sabi ko. Tumawa si Harvey at hahalikan na sana ulit ako nang isang malakas na ingay ang nagpatigil sa amin. Pareho kaming nagulat ni Aesthrielle at napatingin sa pinanggalingan ng ingay na 'yon.

"Punyeta. Birthday 'to ng anak ko hindi Valentines Day!" Rain shouted. Mula sa kanya ay bumagsak ang tingin ko sa isang aluminum tray na nasa tiled floor sa paanan ni Rain. Mukhang doon nanggaling ang ingay.

"Magsilayas kayo!" Alric added.

Napaagtanto na na kami pala ang tinutukoy nila at sina France at Lav na magkahawak kamay at nakaupo sa pang-isahang sofa. Nagkatinginan kami ni Harvey at natawa. Lumapit sa amin si Rain na masama ang tingin sa aming dalawa.

"Ano? Mag-aanak na kayo?" galit niyang tanong at kinuha kay Harvey ang anak.

"Gago. Hindi pa." natatawang sabi ni Harvey saka pinitik ang noo ni Rain.

"Mabuti naman." sabi ni Rain saka nalipat ang tingin sa'kin.

"Turuan mo munang magtipid 'yang boyfriend mo Hope bago kayo mag-sex ng walang protection." she said it all without blinking an eye.

"Tangina Rain." malutong na mura ni Harvey. Tumatawang iniwan kami ni Rain at nakipagbaby talk sa anak na parang hindi kami binitawan ng mga salitang makamundo.

Nang maiwan kaming dalawa ay pareho kaming hindi makaharap at makapagsalita sa isa't isa. Hanggang sa kumain kami at kahit magkatabi pa ay mayroon pa rin kaunting awkwardness sa pagitan namin

After dinner, men started drinking outside habang kaming mga babae ay abala sa pagbukas ng sarili naming mga gift para kay Aesthrielle. Kahit papaano ay nawala sa isip ko ang sinabi ni Rain dahil sa ginagawa.

Lumabas ako ng bahay at nilapitan sila nang mag-message na sa'kin si Mama tinatanong kung nasaan na kami. They're talking about tattoos nang makalapit ako sa kanila. Pinipilit nila si France na magpa-tattoo.

"Wala sa isip ko ang magpatattoo, Alric."

kahit ako, I never thought of France having a tattoo and I don't see him having one. It just doesn't suit him.

"Kung magpapatattoo man ako, mukha ni Hope ipatatattoo ko." biglang hirit ni Harvey na ikinatawa nila maliban kay Raven na ngumisi lang.

He's already drunk. Sa tono pa lang ng pananalita niya ay halata na na nakararami na siya.

"Psst." I called Harvey. Ang plano ko ay si Harvey lang ang tatawagin ko pero lahat sila ay napatingin sa'kin dahil sa pagsitsit ko. Binigyan ko sila ng hilaw na ngiti bago binaling ang tingin kay Harvey.

"Uuwi na." I said.

"Ano 'yon babe?"

I sighed and went to him. Tumigil ako sa likod ng upuan niya at inilagay ang magkabilang kamay sa balikat niya. He tilted his head back and looked at me. He held my hand and squeezed it.

"Ang ganda naman ng babe ko." aniya at hinalikan ang kamay ko na hawak niya.

"You're drunk. I told you not to drink too much." bulong ko.

"I love you too." he replied.

He's saying so many sweet words na ako lang ang dapat nakakarinig kaya tinakpan ko ang bibig niya saka nahihiyang tiningnan ang mga kaibigan niya. Ako ang nahihiya sa pinagsasabi niya.

"Uuwi na kami." paalam ko sa kanila saka kinuha ang susi at cellphone ni Harvey sa mesa.

"Can you drive?" Raven asked.

Sa unang pagkakataon ay kinausap niya ako. At sa ilang oras naming pagsasama sa araw na 'to ay saka ko lang siya narinig na magsalita. Hindi kaagad ako nakasagot sa gulat at pagkamangha.

"Wow pre. Nandito ka pala." natatawang ani ni Alric. Hindi siya pinansin ni Raven na sa akin ang buong atensyon.

I smiled shyly at him. "Uh, yes. I can drive."

They helped me put Harvey inside his car. Nasa labas din si Rain at Eve, kumakaway sa'kin hanggang sa pumasok ako sa loob ng kotse ni Harvey. I said my thanks to France, Alric and Raven before I rolled the window up.

I started the engine of his car and started driving. May kalayuan ang bahay nila Rain sa condo ni Harvey at habang tinitingnan ko siyang tulog ay inaantok na rin ako.

"Babe." I shook his thigh.

"Hmm?"

"Huwag ka munang matulog."

"Okay."

Sumimangot ako nang makitang nakapikit pa rin siya.

"You're sleeping."

"Hindi." aniya at iminulat ang mga mata. He put his hand on my thigh and closed his eyes again. Kaya nagkuwento na lang ng kung anu-ano para malibang at para hindi dalawin ng antok.

"Jo." tawag ko sa kanya nang may maalala.

"Hmm?"

I glanced at him. His eyes were closed pero mukhang nakikinig naman.

"Question."

"Shoot."

"I need your true opinion about this." sabi ko at mabilis siyang sinulyapan ulit. He's now looking at me drowsily. Mukhang nakatulong na mawala ang antok niya nang uminom siya ng tubig.

Ang sinabi ni Rain kanina ay parang namahay na sa utak ko. Kung hindi ko siya kakausapin tungkol dito ay baka hindi ako makatulog mamaya sa kakaisip.

Sumulyap akong muli sa kanya na ngayon ay nakapikit na ang mga mata.

I gulped before I dropped my question.

"Have you ever thought of us make love?"  I asked him directly. Tiningnan ko ang kanyang magiging reaksyon. Nahuli ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang dahan-dahang pagmulat ng kanyang mga mata.

"Kung iniisip mo ang sinabi ni Rain, huwag mo ng pagaksayahan ng oras. Gago 'yon."

"Well, I just find her right˗"

"Right?!" Ngayon ay talagang napukaw ko na siya sa binuksang usapan.

"I mean, it's not like we're doing it˗"

He groaned.

"I just wanted to know your thought about it." sabi ko at inihinto ang kotse dahil traffic.

"I heard from my friends that that is normal in a relationship." saad ko at sinimulang ikuwento ang alam sa bagay na 'yon. Hindi ko alam kung ngayon ay nakikinig ba siya sa'kin dahil sunod-sunod ang kanyang buntong-hininga at mga daing.

"It's a carnal need of every man." I whispered like it was a secret. Ilang beses ko ring narinig na minura niya si Rain habang nagsasalita ako.

"Tell me Jo, did you imagine of us doing it?" tanong ko sa kanya saka binuhay ang makina ng kotse niya at nagmaneho.

He muttered curses and covered his face with his hands. Ang kamay niyang nasa hita ko ay kanina pa niya inalis.

"Well, do you?" tanong ku ulit dahil mukhang wala siyang balak sagutin.

He looked at me, conflicted.

"Tangina Sof. Puwedeng no comment?"

Tumawa ako at hinila ang buhok niya pero kaagad din niya iyong hinuli at binalik sa steering wheel. Kung sa ibang pagkatataon ay hahawakan niya ito. Ngayon ay parang ayaw niyang hawakan ni isang hibla ng buhok ko.

"Let's be honest here."

"I'm not gonna deny and I'm not gonna confirm like ano naman?"

I shook my head. Hindi ako makakakuha ng matinong sagot sa lalaking 'to.

"I just learned from my friends˗"

"'Yan! 'Yan na namang friends mo. Ibigay mo sa'kin ang mga numero nila at nang makausap ko isa-isa." he acted like he hated them when in fact, kapag nag-aaway kami ay sa kanila rin siya humihingi ng tulong para magkabati kami.

Though sometimes, mga kaibigan ko rin ang dahilan kung bakit kami nag-aaway. Kagaya na lang noong kay Pau nang makita niya si Harvey, Rain at Ace sa mall. He even personally explained his side to my friends without naming Rain and Ace of course. Tamang hinala, maling akala raw ang mga kaibigan ko kagaya ko.

"But do you want it?" I glanced at him. "Ang sabi ng mga kaibigan ko ay walang nagtatagal na relasyon ng walang sex."

He groaned again like he was in pain.

"Siyempre gusto ko."

I pursed my lips with his honesty.

"Ikaw? Handa ka ba?" balik niyang tanong sa'kin.

"I don't know." I shrugged.

"Huwag mo 'kong kausapin tungkol dito kung hindi ka pa handa." seryoso niyang sabi sa'kin.

"Ito na ang una't huli, Sofia."

"When will I know if I'm ready then?" tanong ko.

"Aba malay ko sa'yo. Katawan ko?"

I hit him.

"But seriously Harvey, can you wait 'til I'm ready?"

"Makapaghihintay ako basta wag mo lang akong landiin. Masakit sa puson." he whispered and sighed.

Hindi na rin niya ako kinausap pa at halos isiksik na rin niya ang sarili sa gilid at doon na humarap. He drummed his fingers on the car window. Kinuha na rin niya ang sling bag ko at inilagay sa taas ng crotch area kaya roon nabaling ang atensyon ko.

"Okay ka lang?" I worriedly asked and put my hand on his lap.

"Utang na loob Sofia." nahihirapang ungol niya.

"Huh?"

Inalis niya ang kamay ko sa hita niya at tiningnan ako ng masama.

"Matutulog ako!"

"Then sleep!" I shouted back.

I even pulled over the car dahil lumipat pa talaga ito sa backseat para roon matulog.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now