Epilogue

11.1K 407 138
                                    

Sa simula pa lang, alam ko na agad na mapanakit ang babaeng 'to.

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na mag-iingat ka?" salubong niya kay Nikolai Almendarez at mabilis itong binatukan. Katatapos lang ng karera at si Almendarez sana ang panalo kung hindi lang sumadsad sa border ng track ang race car niya.

Kalalabas ko lang sa loob ng sasakyan ko nang makita silang dalawa. Pinagmasdan ko ang kulot na babaeng lumapit sa kanya na patuloy siyang sinasabunutan.

Gusto kong matawa dahil salungat ang lumalabas sa bibig niya sa ginagawa niya. Pero ramdam ko na nag-aalala talaga siya para sa boyfriend niya.

"Gosh. What happened to your face?"

Umiwas ako ng tingin nang maingat niyang hawakan ang mukha ni Kai at tumingkayad para magpantay ang mukha nilang dalawa.

Tss. PDA sila. Ako na lang ang mahihiya para sa kanila at ako na lang ang mag-a-adjust.

"Ouch." rinig kong daing ni Almendarez.

"Does it hurt?" tanong ng uto-uto niyang girlfriend.

"Oo ang sakit baby."

Napasinghap ako sa narinig. Maglalagi pa sana ako roon nang sinugod ako ng mga maiingay kong tropa at hinila patungo sa restaurant sa malapit. Imbes na congratulations ang matanggap ay libre kaagad ang hinihingi sa'kin. Hila-hila nila ako palayo sa racetrack pero ang tingin ko ay nanatili sa babaeng nakatalikod sa'min.

Simula ng araw na 'yon, parang nagkaroon na ako ng interes sa kulot na buhok. Hindi naman gaanong kakulot ang buhok niya pero parang kasi... ang sarap paglaruan ng ringlet niya. Hindi siya mismo, 'yong buhok lang.

"Bakit hindi kulot ang buhok mo, Tep?" biglang naitanong ko kay Step isang araw. May klase kami sa Calculus no'n kaso pucha wala akong maintindihan sa sinasabi ng teacher. Ibang lenggwahe yata ginagamit.

Kunot-noo akong nilingon ng kaibigan. Nang mapansin ang bored kong mukha ay tinapik niya ang balikat ko.

"Naiintindihan kita." she said and sighed heavily.

Mula sa gilid ng aking mata ay nahuli ko siyang naglalakad sa corridor. Napakurap-kurap ako nang makita siya rito. Schoolmate pala kami. Tiningnan ko ang unipormeng suot niya. Junior high pa lang pero anong ginagawa niya rito?

May hawak-hawak siya na mga libro. Mukhang matalino at mukhang may crush dito sa'min dahil tatlong beses na siyang pabalik-balik sa paglalakad.

Tinignan ko si France at Raven sa harap na mahaba pa ang recite kaysa sa lecture ng teacher. Baka isa sa kanilang dalawa.

Hindi nga ako nagkamali nang mahuli ko siyang ninanakawan niya ng larawan si France. Alam ko naman na hindi photoshop 'yong picture niya kasama si France pero gusto ko lang burahin. Ang sakit sa mata. Ang pangit ng pagkakakuha. Parang hindi bagay 'yong... 'yong suot nilang damit.

"Bakit ang daming nagkakagusto sa'yo?" biglang tanong ko kay France nang maalala ko 'yong kulot na babae.

"Hindi ko rin alam." he shrugged.

I scoffed and looked at him in disbelief. At inamin talaga ng gago? Hindi naman tunog mayabang 'yong paraan ng pagkakasabi niya. Talagang hindi niya alam kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya.

"Hmm! Ang talino ng batang 'yan." saad ni Rain nang makuha ang atensyon niya ng nagsasalita sa entablado.

Kumakain ako ng isaw kasama si Rain nang marinig ko siyang magsalita sa maraming tao. Wala naman talaga kaming balak pumunta sa moving up ng junior high dahil wala naman kaming kaibigang junior high na magtatapos ngayon. Si France ang dahilan kung bakit nandito kami. Humingi siya ng tulong sa'min dahil masyado siyang abala sa SC kaya pati kaming mga kaibigan niya ay nadadamay.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon