Chapter 14

5K 193 7
                                    

"Hindi dapat tayo magtagal baka hanapin ako bigla." sabi ko kay Harvey. Busy siya sa paggawa ng last minute cake ko. Hindi kagaya ng mga kaibigan niya ay nakasuot lang siya ng black shorts at puting adidas na jacket.

Nagsusulat siya ng kung ano gamit ang krim stix sa pinagsama-samang cracker. There are strawberries beneath the crackers. Hindi ko alam sa kanya kung bakit mayroon siya ng mga ito sa loob ng kotse niya.

He glanced at me. "Kanino bang kasalanan?" balik niya sa'kin na ikinatahimik ko.

Finally, he lit up the candle. Itinapat niya sa'kin ang cake na gawa niya. I bit my bottom lip when I read what he has written.

Happy birthday crush ;)

"Magwish ka na." he urged.

"You should sing a happy birthday first." sabi ko. Hindi niya ba alam 'yon? Kahit ilang beses ko na iyong narinig ng paulit-ulit sa mga nakalipas na araw ay gusto ko pa ring marinig galing sa kanya.

"Huwag na. Nagmamadali ka 'di ba?"

I folded my arms over my chest and crossed my legs. "Hindi ko 'yan hihipan hanggang hindi ko naririnig ang happy birthday song."

He smirked and got his phone from the dashboard.

"'Kala mo hindi ako handa riyan ha." then a happy birthday song played via bluetooth speaker.

Napairap ako. Loko-loko talaga.

Sa huli ay inihipan ko na ang kandila at kinuha ang cake sa kanya. I took a snap of it through Lav's phone before I eat it. Habang kumakain ako ng strawberry ay may kinuha naman siya sa backseat. Mga paperbag. Yeah, three paperbags.

Napangiti ako nang ma-realize kung ano ang mga iyon. I'm smiling widely while getting those paperbags from his hand.

"Thanks!" I beamed and opened the first paperbag. It's a celine bag! Wala ako masyadong alam sa mga bag pero alam ko ang brand na ito. It's popular which means it's expensive. It's beautiful though I'm really not into bags. But I appreciate it.

Harvey scratched his brow. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mo kaya nag-research lang ako kung ano ang gusto ng mga babae."

"Well," I don't want to lie but I don't want to hurt him saying that I'm really not fond of bags. Mukhang nakuha naman nito sa expression ng aking mukha ang gusto kong sabihin kaya tumawa siya ng pilit.

"Kung ayaw mo, itapon mo na lang."

"What? No." I said. "I admit I'm not into bags but you gave this so I'm using it." I said pointing the celine bag. And since he gave me a bag, I'm considering to collect bags. That wasn't so bad afterall.

Kinuha ko ang pangalawang paperbag. I already have a hunch what is it because of its box. I pressed its power button, nakaopen na siya. I laughed when I saw its lockscreen wallpaper.

"Nalipat ko na lahat ng files mo r'yan."

I went to my contacts and bit the insides of my cheek when he transferred my contacts too! Almost 500 ang contacts ko na nakasave sa phone ko ibig sabihin ay pinagaksayahan niya pa talaga ito ng panahon para mailapat dito. Pati ang mga photos ko na ilang libo?

Umangat ang tingin ko sa kanya at nahuli ko siyang nakangiti habang tinitingnan ako.

"Where's my phone then?"

"Sira na."

"Really?"

Why do I feel like he's lying?

Hindi niya ako sinagot sa halip ay nginisian lamang ako.

I opened the last paperbag. It's a pandora's necklace! Kinuha ko ito mula sa box nito at itinapat sa kung saan may liwanag na nanggagaling sa buwan. It's a gold necklace with a small heart pendant. It so simple but I find it very special because of him.

"It's really authentic." 'di ko mapigilang sabihin habang hinahawakan ang pendant nito.

"Ang mahal nito, Jo." I said, still mesmerized with the necklace.

"Maganda?"

"Hmm." I nodded my head, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kuwintas.

"Mas maganda ka riyan." sabi nito at kinuha mula sa'kin ang kuwintas.

"Talikod ka." I turned my back to him and let him put the necklace around my neck.

Lumabi ako habang tinitingnan ang mga bigay niya sa'kin. From his simple made cake to his expensive gifts.

"Ang mamahal lahat ng gifts mo." I said while touching the pendant of my necklace.

"Siyempre, mahal ko ang pagbibigyan." he joked that made me roll my eyes.

"But seriously thank you." I sincerely said and turned to face him. I gave him a quick kiss on his cheek. Ginulat ko yata siya sa ginawa ko. My face heated when he held my hand and intertwined our fingers.

I like him. Sa mga lumipas na araw ay pakiramdam ko ay nadadagdagan nang nadadagdagan pa ang pagkagusto ko sa kanya. Hindi siya ang tipo ko. Napakalayo niya sa ideal guy ko. But what he's doing to me and what he's making me feel... he's leading my ideal guy to be him.

From that, I came to realize that there's no such an ideal guy. Kahit gaano pa kahaba ang listahan mo para ilarawan ang tipo mong lalaki, wala ring bisa iyon kapag tinamaan ka na. Kung kanino ka nagkagusto, mababasura lang lahat ng characteristics na hinahanap mo sa isang lalaki.

When you accept his flaws and yet you're still into him, you're already smitten, my friend.

After my birthday party, Harvey and I became busy because of the exam. We only meet once a week na lang. I'm happy that he still finds time to see me kahit alam ko naman na busy siya dahil ganoon din ako.

"Saan kayo ngayong Christmas at New Year?" tanong niya sa'kin isang araw. Nasa lounge kami. I'm with my friends earlier but they left me with Harvey when he appeared out of nowhere.

"I don't know. Hong Kong siguro? Kayo?" tanong ko sa kanya habang busy ako sa schoolwork.

"Amsterdam."

Sandali akong tumigil sa ginagawa at inangat ang tingin sa kanya.

"That's a nice place." hindi ko mapigilang i-komento.

A side of his lips rose. "Nakapunta ka na roon?"

"Hindi pa. Pero maraming bulaklak do'n 'di ba?"

"Hindi ko alam. 'Di naman ako mahilig sa bulaklak."

I pouted at that. Itinuon ko na lang ang pansin sa ginagawa para matapos ko na ito at maituon ang atensyon sa kasama.

Kumunot ang noo ko nang magkamali na naman ang sagot ko sa isang math problem. You know Math is my weakness.

"Patingin ako." Kinuha ni Harvey ang notebook ko at tiningnan ang pinoproblema ko. Mukhang na-sense na rin nito na nahihirapan ako sa ginagawa.

Napangiti ako nang matunghayan ang unti-unting pagkunot ng kanyang noo.

"Akin na. Papaturo na lang ako kay Miko mamaya." Sinubukan kong kunin sa kanya ang notebook pero mabilis niya itong inilayo sa'kin.

"Saglit, alam ko 'to. Nadaanan ko na 'to, nakalimutan ko lang." seryosong sabi nito na ngayon ay kunot na ang noo at nakipagtitigan sa papel.

I stared at him while he's solving the problem.

Three minutes has passed.

I heaved a deep sigh trying to catch his attention. We're wasting our time here. Sana pala ay hindi ko na lang inilabas ang notebook ko. Ngayon ay may kaagaw na ako sa atensyon niya. Hindi ko na nga makausap dahil nasa math problem ang buong atensyon niya.

Nakayuko siya habang nagso-solve kaya natatabunan ng itim niyang buhok ang kanyang mukha. Kinuha ko ang hairclips sa buhok ko nang may maisip.

I started to wear hair accessories when he gave me a hairpin as a present. I realized that I look better if I have those.

Umangat ako mula sa pagkakaupo para abutin ang kanyang buhok. I smiled widely as I clip my hair clips against his hair so it won't cover his face. Samantalang siya ay nasa papel pa rin ang mga mata.

I giggled how girly my hair clips are to be on his hair. Kinuha ko ang cellphone na bigay niya at kinuhaan siya ng larawan.

"Harvey." I called.

"Hmm?" he hummed, hindi pa rin inaalis ang tingin sa papel.

"Jo." I called again. He only raised his brows but his eyes were still on the paper. I captured that one.

"Tapos na!" he beamed and lifted his head at me. I captured that again. He's smiling, showing his upper teeth.

"You look like a clown." I said and showed him my takes.

Hinawakan niya ang hairclip na nasa buhok niya. Akala ko ay tatanggalin niya pero hinayaan niya lang iyon do'n.

"Ang guwapo ko riyan. Gawin mong wallpaper para mapanaginipan mo ako." he suggested.

"Nang ibigay mo sa'kin 'to, mukha mo na agad ang wallpaper pero hindi naman kita napapanaginipan."

Well yes. He made his selfie picture as my wallpaper. He even put his selfies on my favorites. Siya rin lang ang nasa favorites ko sa contacts. This guy is so confident. Kailan pa niya nalaman na favorite ko siya?

My parents are both busy with work kaya kami lang ni Kuya ang magkasamang pumunta ng Vigan nang sumapit ang sembreak. He suggested the place and I have no problem with that. I love historical places.

After our 45-minute flight to Laoag City from Manila, we rode on the service of the hotel that we booked. Pagkarating namin sa hotel ay kaagad ko nang niyaya si Kuya na lumibot sa siyudad pero ang tamad kong kapatid ay natulog lang sa room niya. He said he's worn out.

So I decided to go and roam around the city alone. Habang naglalakad ako ay 'di ko mapigilan ang mamangha sa tanawin. Parang binabalik ako sa dating panahon. The city was really well-preserved.

I visited heritage museums and tried their local foods. I love their longganisa and bagnet! I was eating when a video call from Harvey appeared on my screen. I clicked the accept icon.

I smiled when I saw him. He's wearing a white button-down shirt with short sleeves. Naka-open ang first three buttons nito. He has this necklace with fang-like pendant.

"Penge!" una niyang sabi nang makitang kumakain ako. Umarte akong isusubo sa kanya ang spoon ko na may lamang rice at longganisa. At ang uto-uto ay ibinuka rin ang bibig. Pero imbes na iyon ang kainin ay may kinuha siya.

I frowned when he showed me a bottle of label and drinks from it.

"Lasinggero." I sneered that made him laugh.

"Where are you?" tanong ko sa kanya.

Ang kulay asul na dagat ang background niya ngayon. Last night he said, he was in Cebu. He was planning to have a backpack trip across Visayas with Raven. Tinanong ko kung bakit si Raven lang ang kasama niya, ang sagot niya ay tanging si Raven lang ang bakante sa mga kaibigan niya. The rest are all busy.

"Siquijor." he simply said.

Siquijor is a nice place. I've been there once when I was on my eight grade.

"Ikaw, sino'ng kasama mo? Mag-isa ka lang?" he asked with creased forehead.

I nodded and put a spoon of rice in my mouth. Habang kumakain ako ay umiinom naman siya. I'm munching my food when I speak.

"Kai's being lazy. Ayaw akong samahan." I pouted. Tatlong araw lang kami rito tapos matutulog lang siya? Kung ganoon naman pala ang gagawin niya, sana ay hindi na lang siya sumama at natulog na lang sa bahay.

"Edi sasamahan na lang kita." sabi niya na ikinasimangot ko lalo.

"How? You're far from here."

"I-tour mo ako riyan. Mag ala-vlogger ka. Malay mo kakitaan kita ng potential. Ako bahala sa'yo. Papasikatin kita."

I frowned. "Know what? Your ideas are so out of the box and beyond the surface Harvey." sabi ko rito.

"Where's your company?" I asked. Siya lang kasi ang tanaw ko. He then moved his phone and showed me Raven who's sitting across from him.

"Uy, mag-hi ka." utos niya sa kaibigan na sa cellphone ang mga mata noong una. Umangat ang tingin ni Raven at tinatamad na tiningnan si Harvey. Bigla na lang niyang tinulak ang kamay ni Harvey na nasa harapan niya. Harvey muttered curses when his phone fell. I laughed at that.

"Tarantado talaga. Siya na nga itong nilibre, siya pa 'tong masungit." sabi niya sa'kin nang makuha ang cellphone mula sa pagkakahulog.

After the video call, I went back to the hotel. I took a cold shower before I barged in Kai's room. This time, sinamahan na niya akong kumain ng dinner sa labas ng hotel. We also did some tour malapit sa tinutuluyan naming hotel.

Our three days stay on Vigan was worthwhile. The following days, I roamed around the city with my brother. Mabuti na lang at naki-cooperate na rin ang kapatid at sinamahan na ako sa mga gusto kong puntahan. We went to Syquia Mansion, Crisologo and Padre Burgos Museum. Those were the most recommended that's why we didn't miss it.

After three days in Vigan, we flew back to Manila. Hindi ko na inalis sa maleta ang mga gamit ko dahil aalis na rin kami bukas papuntang Hong Kong para roon gunitain ang Christmas at New Year.

"Saan ka pupunta?" bungad ni Kuya Kai nang makababa ako sa hagdan at nagmamadaling isinusuot ang white heels ko.

"Kina Lav." I lied. Actually, Harvey happened. Lumipad siyang pa-Manila dahil may gusto raw siyang ibigay sa'kin bago ako umalis. Ako rin naman, may gusto akong sabihin sa kanya bago ako umalis. 

I was planning to put label on the relationship that we both have. Matagal ko na itong pinagisipan at matagal ko na ring pina-practice ang sarili kung paano ko sasabihin sa kanya. I am nervous. It's like I'm going to speak in front of many people.

Kai narrowed his eyes as he examined my outfit.

I'm wearing a sky-blue collared crop top and white skirt. I put a minimal makeup and wore Harvey's necklace. Wait, did I overdress? I gulped as my heartbeat started to race.

"Siguraduhin mo lang." His last sentence was threatening that's why I was spacing out the whole ride.

"Dito na lang Manong." sabi ko kay Manong nang muntik na kaming sumobra sa coffee shop kung saan palagi kaming nagkikita. Bumaba na ako ng kotse pagkatapos kung sabihan si Manong na hintayin ang text ko kapag magpapasundo na ako.

Napangiti ako nang makita siya sa loob ng shop. He's wearing a faded jeans and white shirt. Then there's his silver necklace that comes with a cross pendant. His outfit is so simple but I didn't see him less attractive.

The chimes clinked as I push the glass door. Lumingon siya sa'kin at kaagad na umangat ang isang kilay nang suriin ako ng buo.

Hush heart. I tried to calm my pounding heart as I walk my way to him.

"Hi." I slid into the chair across from him.

"Sana all fresh." he teased. I bit the insides of my cheek trying to stop myself from saying something. He's obviously inferring that I prepared for this. While he didn't even waste his time to make himself prepared for this.

"Ano bang ibibigay mo sa'kin?" paglalayo ko sa usapan.

"Wala pa," he said smiling.

Kumunot ang noo ko. "Wala pa?"

"Uh-huh. Hahanap pa ako ng ibibigay sa'yo kaya tara." aya niya sa'kin at tumayo saka inilahad ang kamay sa'kin.

"Your reason is so invalid, Harvey." saad ko habang lumalabas kami sa coffee shop. I really don't get him.

He chuckled. "Invalid?" Lumingon siya sa'kin habang kinukuha ang susi sa bulsa ng kanyang pantalon. He brought his Mercedez today and not his motorbike.

"Ang totoo niyan Sofia, namiss ko lang bigla sumakay ng eroplano." sagot nito saka tumawa nang malakas nang lingunin niya ako at nasilayan ang magkasalubong kong kilay.

"You think it's funny?" Sinusubukan ko ang mag-seryoso dahil kung sasabayan ko siya sa mga kalokohan niya ay hindi ko na alam kung ano'ng mangyayari sa'min.

"Hindi." sagot niya, pinipigilan pa rin ang sariling matawa.

"Bakit ka tumatawa?"

"Uh, kasi feel ko lang?" he said, uncertained.

"Walang value ang mga sagot mo."

"Oh edi kasi feel ko lang tumawa, value."

I recoiled at that.

Habang nasa biyahe kami ay panay ang kuwento niya tungkol sa Siquijor. For a guy, he's so talkative. He almost narrated his trip in Visayas the whole ride.

He visited Isla Fuego in Siquijor then they went to Bohol after. He left Raven there dahil na-miss niya raw sumakay ng eroplano that led him here with me. Pagkatapos nito ay babalik din siya sa Visayas. This guy has lots of money to spend.

After his backpack trip across Visayas, he'll spend his Christmas here then Amsterdam for the New Year! He already told me his detailed itinerary.

Harvey is tireless, literally. Kakababa niya lang ng eroplano, diretso kaagad siya sa coffee shop tapos ang dami pa niyang kuwento ngayon.

We went to baywalk and strolled there. We're eating ice cream when we saw pigeons, bunch of pigeons along the streets!

"Oh gee. Pigeons!" I beamed and rummaged my phone through my sling bag.

"Pigeons? Kalapati lang 'yan, Hope." natatawang niyang saad.

"Whatever." Eh sa 'yon naman talaga ang English ng kalapati.

"Pasuyo ako. Kuhaan mo ako rito." Iniabot ko sa kanya ang cellphone na bigay niya rin lang sa'kin. Umiling siya at 'di tinanggap ang cellphone ko.

"Dito na sa'kin." agap niya at kinuha ang sariling cellphone.

"Okay."

I smiled and went to the pigeons. Tumalikod ako sa kanya at naglalakad pa lang palapit sa mga pigeon nang sunod-sunod ko nang narinig ang shutter sound mula sa cellphone niya. I turned to him with brows furrowed.

"Hey!" I protested when I heard that sound again.

He laughed. "Ngiti na." he urged.

"Pinaglalaruan mo lang yata ako."

"Hindi ah." he smirked. "Ngiti, Hope. Ngiti, Hope." he sang.

"In your dreams." I crossed my arms.

"Sige, papanaginipan na lang kita mamaya."

I hissed. As if he can dictate himself to dream of me.

Nang hindi niya ako mautong ngumiti ay inalis na rin niya ang camera sa akin at tumatawang tiningnan ang mga kuha sa'kin. Sinubukan kong kunin sa kanya ang cellphone para mai-delete ang mga 'yon pero mabilis niya itong nailayo sa'kin. Siguro'y ang panget ko sa mga kuha niya.

Tumigil naman siya sa pagtawa nang makitang hindi ako natutuwa sa pinaggagawa niya. He faked a cough and feigned to be serious.

"Ibang klase. Ang cute mo pa rin kahit nakasimangot." pang-uuto niya na hinding-hindi ko papaniwalaan. He even exaggerated his reaction while looking at my photos on his phone.

Nang hindi siya nakakuha ng anumang reaksyon galing sa'kin ay iwinagayway niya sa harapan ko ang cellphone niya. Abot na iyon ng kamay ko pero hindi ko kinuha. Nanatili akong seryoso at galit.

"Ang photogenic naman ng crush ko." he then again tried to fool me.

"Of course, I won't strike a pose that is not photogenic." panggagatong ko sa kalokohan niya.

Humalakhak siya.

"Wew, may pagkamayabang din pala."

I smiled with that.

We watched the sunset together before we decided to go home.

Hinatid niya ako hanggang sa labas ng village namin. Nai-text ko na si Manong na sunduin ako rito. Hinihintay ko siya sa loob ng sasakyan ni Harvey nang may maalala ako bigla.

Nilingon ko si Harvey na nasa driver seat.

"You said you'll give me something. Nasaan na?"

He laughed. "Demanding talaga." he murmured.

"What?"

"Wala. Sabi ko, ingat ka sa flight, wag kang tatanga-tanga sa Hong Kong. Ang dami pa namang Hapon do'n."

"Ang haba naman yata ng sinabi mo sa binulong mo kanina."

And what's with hapon? Of course, that's Hong Kong. That's their home. I really don't get him.

Bigla kong naalala ang kailangan kong sabihin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sasabihin ko na ba? Paano?

Hey Harvey. Let's make this official.

Ganoon ba? Pinamulahan kaagad ako ng mukha iniisip ko pa lang na pipilosopohin niya ako kapag sinabi ko 'yon.

Napunta ang atensyon ko sa kanya nang itutok niya sa'kin ang air-con.

"Naiinitan ka ba?" he suddenly asked.

"Huh?"

"Namumula ka." turo niya sa mukha ko.

"Uh no, I was just thinking..." I trailed off.

He arched his brow at me. Lalo lang akong kinabahan sa itsura niya.

Umiwas ako ng tingin at iginala ang tingin sa loob ng sasakyan. Nang bumagsak ang tingin ko sa kanya ay seryoso na siyang nakatingin sa'kin.

"Uh ano..."

This is really making me nervous.

"Uh ano..." he mimicked me.

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siyang tuwang-tuwa sa'kin. The pressure I'm feeling subsided immediately. Napalitan ito ng inis at galit.

I get my sling bag and strike it to him. Ang pagkapikon ay mas nadagdagan nang nailagan niya ito at tumatawa lang siya. I took my heels off and threw it at him.

Hindi ko pa nga sinasabi sa kanya, inunahan na niya ako ng asar.

Nang makita ko ang kotse namin papalabas ng gate ay lumabas ako ng kotse niyang isang heels lang ang suot. I started to walk like a penguin. I harshly wiped my tears. Naiiyak ako dahil nakakainis siya! Seryoso ako tapos ganyan siya? Loko-loko!

Tinawag niya ako, natatawa pa rin. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang hinila niya ang kamay ko para maiharap ako sa kanya. Mabilis akong tumalikod sa kanya dahil ayokong makita niyang umiiyak ako ngunit mabilis ang kamay niya't hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nawala ang ngiti niya nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Tangina, umiiyak ka?"

Umiwas ako ng tingin at kinagat ang nanginginig kong labi.

He muttered curses.

"Shit sorry Hope."

"Ewan ko sa'yo." I said and looked at he ground.

He cupped my chin and tilted my head so I could face him.

"Sorry. 'Di ko naman alam na iiyak ka."

"'You're annoying."

"Sorry." he said and pulled me to his chest. "Hindi na mauulit." I made a frown hearing him say that.

Ilang beses na rin iyang sinabi sa'kin ni Kuya kapag napapaiyak niya ako dahil sa pang-aasar niya sa'kin. Pero kapag pareho na kaming nakalimot ay babalik na naman siya sa pang-aasar sa'kin.

"You said that you'll to give me something pero hanggang ngayon ay wala ka pang binibigay." saad ko, pilit na kinakalimutan ang pag-iyak dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. I

He chuckled and played my curls.

"Hindi mo talaga 'yon makalimutan huh?"

"That's the reason why we're together now."

"Gusto ko lang talaga makita 'yong crush ko na photogenic, na may pagkamayabang na iyakin kaya nandi- aray biro lang!" he whined when I pinched his arm.

See? Wala pang isang minuto pagkatapos niya akong paiyakin ay nagsisimula na naman siya. Umalis siya mula sa pagkakayakap sa'kin upang tingnan ako.

"Wala muna akong maibibigay sa'yo ngayon." He softly said tucking my hair against my my ear.

"Kaya heto na lang muna." he whispered and hugged me again.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now