Chapter 16

4.8K 183 8
                                    

"Where are you?" I asked Harvey over the phone.

He's crazy for coming here at the airport! Kadarating lang namin galing Hong Kong at ang mensahe galing sa kaniya na nandito siya sa airport at naghihintay sa'kin ang una kong natanggap pagkalapag na pagkalapag ng eroplano! Noong isang araw pa siya nakauwi kaya ngayon ay ako ang pinaglalaanan ng oras niya.

Alam naman niyang kasama ko ang pamilya ko tapos pupunta siya rito. And knowing that Kuya's with me! Hindi talaga ito natatakot.

I was like running for my life while searching for him. Ang paalam ko kay Mama ay magsi-CR lang ako kaya nauna na ako sa kanilang lumabas ng airport.

"Sa labas babe."

I drew my lips together, trying to hide my smile.

"Napakalandi." hindi ko mapigilang sabihin. I learned this from him anyway.

"Sa'yo lang lalandi."

I was biting my bottom lip to hide my smile. Ginagawa akong baliw ng lalaking 'to.

As I pushed the glass door, hinanap ko siya sa halo ng mga tao. Hindi ko kaagad siya nakilala dahil sa suot nito. He's wearing a black hoodie jacket, mask, sunglasses and cap. He's in disguise. Umalis siya sa pagkakasandal sa haligi nang magtama ang tingin naming dalawa.

I pursed my lips when I realized that we're both wearing hoodies. Something inside my stomach churned when I think that we're matchy? I'm wearing a light pink oversized hoodie jacket paired with maong shorts and shoes.

Mula sa kanya ay napunta sa papel na hawak-hawak niya ang tingin ko. Namilog ang mga mata ko nang makita ang buong pangalan ko roon. Sinimulan na rin akong kabahan nang maalala na baka nandito na ang mga magulang ko at si Kai.

Tumakbo ako palapit sa kanya at handa na siyang pagalitan nang binaliktad niya ang papel na hawak. What I read brought me to a standstill. My eyes slid up to him. I stared at him with a beating heart.

He swiftly removed his sunglasses and pulled his mask down. Nang hindi ako gumalaw ay siya na ang lumapit sa'kin at sinalubong ako ng yakap. Natuod na yata ako sa kinatatayuan dahil sa nabasa ko sa hawak niyang papel.

His embrace tightened. I was caught off guard at first but when I felt his warmth, I closed my eyes with the comfort he's giving. He sniffed my hair while saying,

"Hmm, namiss ko 'tong pansit canton na 'to."

I pushed him lightly but he didn't let me escape from his embrace. Until I remember why I'm mad earlier.

"Ewan ko sa'yo." inis kong sabi sa kanya na ikinailing at ikinatawa niya ng bahagya.

"Grabe. Ikaw na nga ang pinupuntahan, ikaw pa 'tong inis. Nasaan ang I love you too ko?" nagtatampo niyang sabi.

I love you.

Iyon ang nakasulat sa likod ng papel kung saan nakasulat ang pangalan ko. He is so expressive. Hindi ko masabayan.

"Ang arte." I just said when I can't find the courage to answer him back. Of course, hindi ko pa iyon nasasabi sa kanya ng direkta. Siya itong nagko-conclude noong video call namin noong New Year Eve. And saying those words in person is a bit different when you say it on screen. Mas nakakakaba ang ngayon dahil nandito siya sa tabi ko.

Nang pakawalan niya ako ay saka ako naglakad palayo sa kanya sa takot na baka nasa likuran ko na ang pamilya. Bumagsak ang tingin ko sa sahig at napansin ang sintas ng isang sapatos ko na hindi nakalaso. Luluhod na sana ako para ayusin ito nang pigilan niya ako.

"Ako na," agap niya at lumuhod sa harapan ko. He started tying my shoelace. My face heated when I remember scenarios like this on romantic movies.

He looked up and smirked when he noticed my flushed face.

"Kilig ka?"

Pinalo ko ang visor ng cap na suot niya para matakpan at 'di ko makita ang nang-aasar niyang pagmumukha.

"You should go." saad ko matapos niyang ayusin ang sintas ng sapatos ko.

"I love you muna."

Sumimangot ako.

"Pumunta ka ba rito para inisin ako?"

"Bakit sa tuwing binabanggit ko 'yon, inis ka kaagad? 'Di mo siguro ako mahal." nagtatampo niyang sabi.

"Quit acting like a child. Para kang sira." I said laughing.

"'Di mo talaga ako mahal." ulit niya saka ako tinalikuran.

Is he serious?

"Harvey." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. Nakaramdam ako ng kaonting pangamba nang hindi niya ako pinansin.

"Jo!" Nilakasan ko ang boses ko dahil nakakalayo na siya sa'kin pero kagaya noong una ay hindi niya pa rin ako nilingon.

"I love you alright!" I shouted. Mabilis ko namang pinagsisihan ang isinigaw dahil halos lahat ng tao sa paligid namin ay huminto para tingnan ako.

I frowned when he turned to me with a smile crept on his lips. Aasarin na naman ako nito. Mabilis pa sa kidlat ay nasa harapan ko na siya at napakalawak ng ngiti sa'kin.

"Ano ulit?" pang-uuto niya sa'kin para sabihin ko ulit ang kakatapos lang sabihin. Tinulak ko siya dahil doon.

"Buwiset ka. Umalis ka na nga."

Humalakhak siya.

"Okay pero," tiningnan niya ako na mayroong ngisi sa labi. "I love you alright." panggagaya niya sa sinabi ko.

And just like that, I realized I meant those words. Not because I was pressured to tell him that I love him but because I am already loving him. I am in love with him.

Nang makaalis ang kanyang sasakyan ay siyang pagsulpot ni Kuya sa aking likuran. I really have no plans on keeping this relationship a secret to my family. Pero ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko si Kuya ay nababahag ang buntot ko na sabihin sa kanya ang tungkol kay Harvey.

Ang mga ilang araw kong bakante ay inilaan ko sa paghahatid ng mga binili kong pasalubong at gifts para sa mga kaibigan at kahapon din lang ay nagkita-kita kaming ng buong block sa isang bar.

Babe: Bukas akin ka.

I chuckled reading his message. I informed him that I'm with my blockmates and I received this message. I took a shot before I made my reply. I was smiling from ear to ear while typing.

Me: Iyo naman talaga ako ;)

I hit the button send. Wala pang isang minuto nang maipadala ko ang mensahe ay lumabas ang larawan niya sa screen ng cellphone ko.

"Hey!"

"Sinasabi ko na nga ba lasing ka na."

I smiled when I can feel the worry in his voice. Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam na may nag-aalaga at nag-aalala sa'yo maliban sa pamilya at mga kaibigan mo.

Kinabukasan ay maaga akong naghanda para sa pagkikita namin. I picked a pink ruched top paired it with high waisted white shorts and white shoes. I wore the necklace and hairpin he gave.

"Nasa labas na ako." sabi ko nang makarating ako sa meeting place namin.

"Saglit babe." he said on the other line. After him said it, I heard curses, coughs and cheers in the background.

Kumunot ang noo ko. "May kasama ka?" tanong ko. I have a guess that he's not alone and that they're noisy.

Bumukas ang pinto ng restaurant at lumabas si Harvey. I ended the call as I neared him. He's wearing a black tank top and maong pants. Suot niya rin ang kuwintas na ibinigay ko sa kanya noong huli naming pagkikita.

"Sinong kasama mo?" bungad kong tanong nang makalapit ako sa kanya.

"Selos ka?"

Sumimangot ako sa tanong niyang 'yon.

He pinched my nose. "Sungit."

Nang makapasok kami sa loob ay kaagad ko na silang nakita.

"What are they doing here?" tukoy ko sa mga kaibigan niya na nasa isang malaking mesa. They're all present! Even Rain is here! Hindi ba't nasa ibang bansa siya?

"Sabi mo iyo ako ngayon. Bakit kasama sila?"

I didn't mean to sound like a selfish girlfriend. I'm just nervous. Hindi man lang ako binigyan ng headsup na kasama niya pala ang mga kaibigan.

Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay.

"Anong ngayon? Akin ka Sofia, hindi lang ngayon." sabi nito at marahang pinitik ang noo ko.

"Well, your message last night made me think na tayong dalawa lang. So, I presume na tayong dalawa lang ang magkikita ngayon and you never told me you're with your friends!" nanggigigil kong sabi habang kinukurot ang tagiliran niya na pilit niyang iniiwasan.

"So you assume na magdi-date tayo ngayon?" he taunted. Hindi man lang nito pinansin ang mga daing ko at iyon talaga ang unang naisip.

Kaagad akong pinamulahan ng mukha nang sinimulan na niya akong tuksuhin.

"Mahal na mahal mo talaga ako." he said laughing.

"Shut up will you?" inis kong asik sa kanya.

"Oh sige. 'Di ko na lang sasabihin na patay na patay ka sa'kin."

Napaawang ang labi ko sa narinig galing sa kanya.

I slightly slapped his cheek.

"Ang kapal."

Ngumisi siya sa'kin at marahan akong hinila papunta sa mesa nila. Ako naman ay pilit na pinipigilan siya. Ngunit wala na akong nagawa nang nakita na nila kaming papalapit.

Ang mga mata nila ay nasa braso ni Harvey na nakapulupot sa'kin. Sinubukan ko itong alisin pero ayaw ng lalaking ito.

Huling-huli ko ang nakangising sina Alric, France at Eve, ang tamad na mga mata ni Raven sa amin, ang nakakunot na noo ni Rain at ang nakaangat na kilay ni Step. These people are already killing me by their mere stares.

Nang nasa harapan na nila kami ay parang tumigil na rin sa pagtibok ang puso ko. It feels like I'm already meeting his parents!

"Sinasabi ko na nga ba." Tumayo si France at binigyan ako ng bakanteng upuan. I smiled at him before I sat on the chair he offered.

"May kamay siya gago." Ani Harvey at umupo sa tabi ko. Naramdaman ko kaagad ang kamay niyang nasa likuran ng upuan ko. Hindi pa ito nakuntento sa pagitan ng upuan namin at umusog pa ito palapit sa'kin.

"Alam ko na kaagad na hindi kina Alric ang huli nating pagkikita." Eve said.

I uncomfortably smiled at her. She's the nicest here I can tell.

"So you met her already?" si Step.

Eve nodded. "Oo noong ten months old si Aesthrielle."

Napunta ang tingin ko kay Rain. Napalunok ako nang mahuli ko siyang nakatingin sa'kin, kunot ang noo.

"Ikaw 'yon!" aniya at pumalakpak. Pinalo pa niya ang katabing si Raven kaya maging ito ay napatingin na rin sa'kin.

"'Yong sa racetrack, tama?"

Like a child, I nodded my head to agree with her. Nahiya ako lalo nang ipaalala niya pa ang insidenteng 'yon.

"Siya rin 'yong nag-top sa junior high noong Grade Twelve tayo." Step added. Mukhang kahit papaano ay may naaalala na ito sa'kin.

Sumandal ito sa likuran ng kanyang silya at humalikpikip, ang mga mata ay nakatuon sa'kin.

"Naniniwala na talaga ako na bobo ang mga matatalino sa pag-ibig." she laughed.

"Step." Raven called her in a warning tone.

Well, hindi naman ako matalino kaya hindi naman ako affected sa sinabi niya.

"Totoo naman. Tingnan mo. Ang talino nitong bata na˗"

"I'm not a kid." I cut her off.

Then she smirked and looked at Harvey. Hindi pinansin ang pangongontra ko sa kanya.

"Tapos kay Harvey lang pala mapupunta."

"Grabe ka sa'kin, Tep."

"Pinikot mo 'to no?" Rain seconded.

"Anong gusto mo? Pork o beef?" tanong sa'kin ni Harvey, hindi pinansin ang panunukso ni Rain sa kanya.

"Ikaw ang bahala." If his friends aren't here, I would say beef. But they're all here and it feels like I have to limit my movement.

Harvey started grilling the meat. Rain coughed and pointed us like she remembers something.

"Ayan! Naku, sabing wag magsamgyup, magbi-break kayo niyan." she joked.

Alam kong biro lang niya ito pero halos lahat ng mga kaibigan niya ay tumigil sa ginagawa at tiningnan siya ng masama na para bang may sinabi ito na masama. Maging ang katabi kong ay tumigil na rin sa pag-cut ng meat.

"What?" natatawang tanong ni Rain habang tinitingnan isa-isa ang mga kaibigan.

"Hindi nakakatuwa Rain." si France.

"Okay chill. Geez, highblood kayo masyado. Kayo iniwan?" she laughed.

About that, I really don't know this guy who broke her heart. But one thing's for sure, their breakup must have hurt them all. Mukhang lahat sila ay apektado sa nangyari.

Kung titingnan ko ngayon ay mukhang mas galit pa ang mga kaibigan at 'di nakaka-move on kaysa sa kanya. Or maybe she was just good at concealing her true feelings about it.

Pagkatapos noon ay tahimik kaming kumain. Akala ko ay hanggang sa matapos kaming kumain ay magiging tahimik ang buong mesa namin pero makalipas lang ang ilang minuto ay bumalik na naman sila sa pagiging maingay. Hanggang sa tumayo na si Rain.

"Uwi na 'ko guys." paalam niya. "You know, kailangan na ng titi." she shrugged.

Umiinom ako ng tubig nang sabihin niya 'yon kaya nasamid ako. I coughed, hard. Pakiramdam ko ay pumasok sa ilong ko ang tubig. I pulled a napkin and covered my nose as I coughed while Harvey was caressing my back. Minumura niya na rin si Rain sa pagsasalita noon.

"I mean didi. Kailangan na ng didi ng anak ko." pagtatama nito sa sinabi. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nito dahil halata namang lumulusot lang siya sa foul word niya kanina.

I excused myself when I received a phone call from my brother. Kasama niya ngayon ang mga kaibigan niya pero nangako siya na siya ang susundo sa'kin kaya hindi ko na sinabihan si Manong na sunduin ako.

"Can't pick you up. Nasira kotse ko."

"Huh? Sino ang susundo sa'kin kung ganoon?" I asked, worried. Kanina ko pa siya tinext na magpapasundo na ako.

"Papunta na si Ace r'yan. Siya na susundo sa'yo."

"Okay then."

Nang matapos ang tawag ay nilingon ko si Rain na ilang metro ang layo sa'kin. Pareho kaming nakatayo sa tapat ng restaurant. Nakatingin siya sa harap pero kaagad ding bumaling sa'kin nang mapansin ang paninitig ko sa kanya.

"Uuwi ka na rin?" she said trying to start a conversation with me.

I find her bold and aggressive. Malayong-malayo sa personalidad mayroon ako kaya hindi ko alam kung bakit nila sinasabi na may similarities kami.

Tumango ako. Hindi pa rin ako komportable sa kanya. Everytime I look at her, it reminds me of Harvey's love for her.

She chuckled. "Hindi ko alam pero bakit parang feeling ko ayaw mo yata sa'min ni Step." She said that made me part my lips.

"'Di ako sure ha. Feel ko lang." kaagad niyang bawi nang makita ang gulat kong expression.

I don't dislike them though. I'm just uncomfortable with them. Hindi ako komportable sa isiping mahal siya ni Harvey ng higit pa sa kaibigan noon. Hindi rin ako komportable kay Step dahil hindi ko gusto ang pagiging blunt niya. We're not close so I couldn't treat her insult as a joke. Lalo pa at si Harvey ang palagi niyang pinagdidiskitahan asarin o insultuhin. I don't like it.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw mo sa'min lalo na sa'kin pero..." she trailed off.

"Para kasing... nagseselos ka ba?" natatawa niyang tanong.

I creased my forehead while staring at her, expressionless.

"Nagseselos ka nga." iiling-iling niyang sabi. "Alam ko kasi ang mga ganyang paninitig. Pero huwag kang mag-alala," she assured me.

"Wala kang dapat ikaselos. Nunkang magkakagusto ako kay Jo lalo na siya sa'kin."

I can sense her honesty and innocence when she said that. That means, she really doesn't know a thing about his love for her?

Ako kasi, kahit sa malayo ko lang sila natatanaw noon ay ramdam ko na mahal siya ni Harvey. The thought that he still loves her pained me. That's still possible even until now.

Dumating si Harvey dala-dala ang aking bag na naiwan ko sa loob.

"'Di ka na bumalik sa loob."

I tilted my head back and our eyes met.

"Nag-usap lang kami ni Hope." si Rain na ang sumagot para sa'kin kaya nalipat ang tingin niya sa kaibigan.

I watched him intently as he casted a glance on her.

"Talaga?" he grinned at her before he fixed his gaze at me. "Ano'ng pinagusapan niyo?"

I sighed and shook my head. Somehow, I feel light.

"Kaonti nga lang eh, ang tahimik ng girlfriend mo. Ibang-iba sa'yo." Rain said that made him laugh.

"Bakit ba sinasabi niyo na ang tahimik niya, parang hindi naman?"

Hindi na nakasagot pa si Rain dahil dumating na ang sundo niya. Pagkaalis niya ay siyang pagtext sa'kin ni Kuya Ace na malapit na siya.

"You really want Kai to see us together?" pananakot ko sa kanya nang ayaw pa niyang pumasok sa loob kahit anong tulak ko sa kanya. Ang alam niya ay si Kuya ang susundo sa'kin. Mabuti na rin 'yon para gawin kong panakot sa kanya kaso mukhang hindi rin epektibo.

"Oo, ikaw lang 'tong ayaw eh."

"Harvey," pagod kong sabi.

"Oo na. Alam kong 'di ka pa handa 'tsaka takot mo na lang na mabugbog ako."

I smiled and that's when he took that opportunity to plant a kiss on my lips! It was just a smack but it took my breath away.

"Ingat ka, mamahalin pa kita." he winked before he went inside.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now