Chapter 8

5.7K 188 4
                                    

"I think I should inform you that I only have this day and tommorow to campaign." sabi ko sa kanya habang hinahatak niya ako papuntang parking area. Baka kasi hindi niya alam na limitado lang ang araw ko para mangampanya at hindi ko dapat iyon sinasayang katulad na lamang ng ginagawa ko ngayon.

"Kumain nang pansit canton kasama ka ang hinihingi ko, hindi mo naman siguro ikakatalo 'yon."

This guy is so optimistic. Sa pananalita niya ay parang siguradong-sigurado na siya na mananalo ako. He's pushing me to hope against hope na hindi dapat.

We stopped in front of a flamboyant car. He's totally a well-off man.

"Where to?" I asked as I buckled my seatbelt.

"Bulacan." he simply said as he swiftly plunged his car key and started the engine of his car.

"Bulacan!" I shouted. Bulacan para sa pansit canton?

Nilingon niya ako at binigyan ng nakakasilaw na ngiti.

"Siguraduhin mo lang na masarap ang pansit canton nila." I warned him in jest. Sa halip na garintiyahin ako ay hinandugan niya lamang ulit ako ng ngiti niyang nakakasilaw.

Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin.

I already planned my day ahead. Ngayong araw ang simula ng campaign kaya walang klase pati na rin bukas para pagbigyan kaming mga kandidato na mangampanya at magpabango ng pangalan sa kapwa-estudyante namin.

Ang plano ko ngayong araw ay libutin ang unibersidad, mamigay ng flyers, at makipag-usap sa mga kamag-aral ko para hingiin ang boto nila. Ngunit sa nangyayari sa akin ngayon ay parang hindi ko na magagawa ang plano ko.

Mananalo kaya ako gayong wala naman akong ginagawang paraan para manalo?

"They're making homemade pansit canton?" tanong ko kay Harvey habang pinagmamasdan ang malaking menu sa harapan. Dinala niya ako sa isang restaurant sa Bulacan na kilala sa pagluto ng masarap na pansit canto.

"Oo, masarap din 'yong pansit guisado nila 'tsaka palabok. May gusto ka ba sa mga
'yon?"

"Hmm... mas prefer ko 'yong guisado."

"Aw. 'Di tayo same." Disappointed niyang sabi.

"Bakit? Kailangan ba ay pareho tayo ng gusto?"

"Hindi rin pero mas ayos sana kung pareho tayo ng gusto." saad niya at iginaya na ako sa mesa na pang-dalawahan.

Habang hinihintay ang order namin ay nagkuwento lang siya tungkol sa mga pinagkakaabalahan niya sa buhay. Maliban sa car race ay nagmo-motocross din siya. Mahilig din siyang mag-travel. He even showed me pictures of him engaging in recreational activites. Halos karamihan ay mga extreme activities basta't may kaugnayan sa heights. Kung hindi tatalon ay aakyat naman. He's venturesome.

Kahit napapantastikuhan pa ako sa mga gusto ng lalaking 'to ay hindi ko mapigilang mamangha sa kaibahan niya. I also find him unpredictable. I certainly do not have any idea what he will say next and I think I'd always get bewildered in everything he does. Hindi ko alam kung bakit pero ikinababahala ko 'yon. Siguro ay dahil sa hindi lang talaga ako sanay sa mga hindi sigurado.

Kumain kami ng tahimik. Pagkatapos naming kumain ay inaya ko na rin siyang bumalik ng St. Joseph dahil hindi ako mapapanatag habang iniisip ko ang mga kasama ko na nangangampanya na habang ako, nandito, kumakain at nagliliwaliw sa Bulacan.

I kept on pinching my fingers while he's walking me to my building. Wala siyang imik kaya napakatahimik namin. Siya rin lang naman ang umiingay sa aming dalawa kaya ramdam ko ang matinding awkwardness sa pagitan naming dalawa ngayong hindi na siya nagsasalita.

"T-thanks." I stuttered and quickly turned my back against him. Hindi ko na hinintay na magsalita siya at tinakbo ang building namin.

"At saan ka galing?" I held my chest in shock when Lav blocked my way to our classroom.

"Ku...main." hinahapo kong sabi.

"'Di man lang nang-imbita." Bubulong-bulong na sabi ni Lav. Pinili kong ignorahin ang sinabi ni Lav dahil kabado ako na pag-usapan pa namin iyon at malaman niya kung sino ang kasama kong kumain.

"Shit, olats!" rinig kong sigaw ni Dan nang makapasok ako sa loob ng classroom. Nakita ko ang grupo nila ni Miko na nagkukumpulan sa isang tabi at naglalaro ng online game.

Glenn patted Dan's back. "Natural lang 'yan par. Bobo ka kasi."

"Gago."

"Senador!" sigaw ni Miko nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Dahil sa sigaw niya ay napatingin sa'kin ang lahat ng blockmates ko at sinimulan na akong tuksuhin. Humihingi na nang libre, 'di pa nga ako nanalo.

"Pampadulas lang, Hope." sabi ni Bob na ikinatawa ng lahat. I laughed with them and get blue bills in my wallet. Inilapag ko 'yon sa naghihintay na mga palad ni Kar na ikinahiyaw nilang lahat.

Buong araw kong kasama si France at ang ilang kapartido sa pangangampanya. Sa ginagawa kong pakikipag-usap sa mga kamag-aral ko ay nahahasa ang communication skill ko kaya napagtanto ko na matalo man ako, ang mabuti ay may natutunan ako sa experience kong ito.

Iginugol ko ang buong linggo ko sa pangangampanya hanggang sa dumating na nga ang araw ng rally. Pinagpapawisan ako ng malamig at nanginginig ang mga tuhod ko habang nasa backstage kami. Kailangan ko pang sumandal sa pader para hindi ako tuluyang mawalan ng balanse. Tinitingnan ko pa lang ang dagat ng mga tao sa labas ay parang nahihilo na ako at nasusuka.

"Ayoko na." saad ko at nilingon ang katabi kong si France. Nakasandal din siya sa pader at nakahalukipkip. Unlike me, he's collected and confident.

"Isipin mo na lang na mga langgam ang haharapin mo."

Napanguso ako sa payo niya. 'Yan din ang sinabi sa'kin ni Kuya habang nagpa-practice ako ng speech ko sa harapan niya kagabi. Hindi ko naman na-imagine na langgam siya.

"Pa'no kung malimutan ko ang mga sasabihin ko? Pa'no kung mag-stutter ako? Pa'no kung˗"

He held my shoulders and made me face him. "Hey. Stop worrying, Hope. No amount of worries can change your future. Tandaan mo 'yan."

"What if I fail? What if I commit mistakes while I'm giving my speech?"

He gave me a reassuring smile. "Committing mistakes is inevitable, Hope. Kahit wala ka rito sa entablado, you could still commit mistakes. It's part of learning. Kasama na 'yan sa cycle ng buhay ng isang tao. You can't dodge it forever kaya nga walang perpektong tao 'di ba?"

I let out a deep sigh as I tried to digest France's words.

I felt my phone buzzed within my hold. Bumagsak ang tingin ko roon.

Harvey de Silva sent a sticker.

I opened it and laughed when I saw a cute puppy again. 'God bless', the sticker said.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nahuli ko agad ang nanliit na mga mata ni France sa'kin tila namimintang. I bit my lip and averted my eyes. Isinilid ko ang cellphone sa bulsa ng uniporme ko nang tawagin na ang pangalan ng partido namin.

Habang naglalakad ako patungo sa designated seats ng party namin ay nasa ibaba ng entablado ang tingin ko. The auditorium was loaded. Ganunpaman ay sinubukan ko pa rin siyang hanapin kahit pa napakaimposible na mahanap ko siya sa dami ng tao.

At sa tingin ko ay kailangan ko nang maniwala ngayon na wala nga talagang imposible nang makita ko agad si Harvey. Seryoso siyang nakatingin sa'kin, hindi alintana ang mga magugulo niyang katabi. Kung hindi lang ako bumangga sa likod ni France na nasa unahan ko ay wala na yata akong balak alisin ang tingin ko kay Harvey.

"Sorry." Hingi ko ng paumanhin habang inaalalayan niya akong maupo.

"Wow. The well-heeled man is here." Ani France habang umuupo sa tabi ko, ang mga mata ay nasa harapan ng entablado.

Sinundan ko ang tinitingnan niya. Si Harvey... kunot-noong nakatingin sa'min.

"May pinopormahan 'yan dito. Panigurado."

Napalunok ako. Dumagdag pa sa kaba ko ang mga napapansin ni France.

"Ano sa tingin mo, Hope?"

Mabuti na lang at nagsimula nang magsalita ang emcee ng event kaya hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap pa. Hindi ko rin alam ang sasabihin. Saka bakit feeling guilty ako? Hindi ka naman pinopormahan ni Harvey, Sofia.

I carried out my speech successfully. France even showed me two thumbs up while I was walking my way to them.

"I told you." he mouthed that made me smile.

May mga tanong na ibinato sa aming mga kandidato galing sa mga estudyante. May isang tanong para sa'kin na sa tingin ko ay nasagot ko naman ng maayos. Halos karamihan ng mga tanong ay para sa mga tumatakbong President. At sa nakikita ko ngayon ay paniguradong panalo na si France. He's the crowds' favorite after all.

Sa sumunod na araw ay abala pa rin ako sa pangangampanya. Humingi na rin ako ng tulong kay Ate Sanya para ilakad ako sa mga kakilala niya. At kahit alam kong makakatulong ng malaki sa'kin si Kai, hindi ko hiningi ang tulong niya. Mas gugustuhin ko na lamang na matalo ako kaysa sa mapahiya ako sa buong unibersidad sa oras na tulungan niya ako.

Kaya nang makita ko siya sa harap ng malaking gate ng St. Joseph alas sais ng umaga ay ikinasindak ko. Kaya pala ang aga niyang umalis sa bahay kanina at hindi na ako hinintay! Ito pala ang plano niya!

Ngayong araw ang eleksyon at mas kabado ako sa ginagawa niya kaysa sa magaganap na botohan mamaya!

"Kuya!" hindi ko na napigilan ang sarili at napasigaw. Tumawid ako kahit hindi sa pedestrian lane. Pinagalitan pa niya ako nang makalapit ako sa kanila ng mga kaibigan niya. Pero mas galit ako sa kanya! Sa ginagawa niya!

"Ano 'to?!" tanong ko, ang tinutukoy ay ang mga hawak at suot-suot nila.

"Suporta baby sis." Kuya Arthie said and wiggled his brows up and down at me.

Ang mga pumapasok na estudyante ay hinaharangan nila para bigyan ng tubig at sandwich kung saan nakaimprenta ang litrato ko, buong pangalan ko at numero ko sa balota! May tag line pa na hindi ko alam kung saan galing! Now, I feel like I'm really running for Senator of the Philippines!

Hindi naman kasi gumagawa ng ganito ang mga kasama ko. Pamimigay lang ng flyers at pakikipag-usap sa mga schoolmates namin ang ginagawa nila. They're like making a mountain out of a molehill right now.

"Kuya!" sigaw ko sa kapatid dahil sa kahihiyan at frustration na nararamdaman.

"What?" natatawa niyang tanong sa'kin. Patuloy silang namimigay ng bottled water at sandwich sa mga pumapasok na estudyante. They're even forcing them to vote me!

"I hate you!" I shouted.

Kuya Julian and Arthie barked in laughter. They're looking at me like I'm some kind of entertainment. Mas lalo lamang akong nainis doon.

Bumagsak ang tingin ko sa mga suot nilang damit kung saan naka-print ang mukha ko. Tiningnan ko si Kuya Ace na kanina pa tahimik sa pamimigay ng sandwich. Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya ay hinandugan niya ako ng isang tipid na ngiti. Hindi man lang ito nagtagal ng tatlong segundo at nawala rin kaagad.

"Good luck and god bless." He said that made me smile.

"Thanks Kuya." Masaya kong ani. Mabilis ding naglaho ang ngiti ko nang dumapo sa suot niyang damit ang paningin ko. Paano kaya siya napilit ni Kuya?

Problemado kong nilingon si Kuya at ang dalawa niyang kaibigan na tuwang-tuwa sa pamimigay ng sandwich at tubig.
"Bawal na ang mangampanya ngayon." saad ko umaasang titigil na sila sa kanilang ginagawa.

Nilingon ako ni Kuya Julian. "Wala pa namang alas otso ah?" tanong niya at tiningnan ang suot na relos.

Napanguso ako. Akala ko pa naman ay hindi nila alam 'yon.

My eyes drifted at the incoming Josephites. Namilog ang mga mata ko nang makita si Harvey na naglalakad palapit sa kinaroroonan namin kasama sina France at Step. Tumalikod ako at handa na sa pagtakbo-

"de Silva!"

Mariin akong napapikit nang isigaw ni Kuya ang apelyido niya.

"What's the problem?" tanong ni Kuya Ace nang mapansin niya ang pagkabalisa ko.

Nginitian ko siya ng pilit. Ayokong mapansin niya ang napapansin sa'kin ni France kaya labag man sa kalooban ko, dahan-dahan akong pumihit paharap.

Kaagad kong nahuli ang tingin ni Harvey at France sa'kin. Nginitian nila ako pero kaagad din iyong naglaho nang tapunan nila ng tingin ang katabi ko. My gaze turned to my right where Kuya Ace is standing. He's staring at them icily. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila hanggang sa makaramdam ako ng kakaiba.

Kung hindi sa magandang timing ni Kuya Arthie ay itatanong ko na sana kung may problema ba. Si Kuya Arthie at Kuya Julian ang nag-abot ng tubig at sandwich kay Harvey at France. Si Kuya naman ay si Step ang binigyan. Kumunot ang noo ko nang hindi iyon tinanggap ni Step. Pumasok na siya sa loob at iniwan ang dalawa niyang kasama sa'min.

Uminit ang mukha ko nang mahuli ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi ni Harvey habang tinitingnan ang label ng tubig at sandwich na hawak-hawak niya. Agad na nagtama ang tingin naming dalawa nang mag-angat siya ng tingin.

Hindi ko mapigilang mapalunok sa intensidad ng tingin niya sa'kin. Sa isang iglap ay pumungay ito. My eyes slid down to his lips. He was sliding his tongue back and forth along his bottom lip. Bumuntong-hininga ako na ikinangisi niya. Bumalik ang tingin ko sa kanyang mga mata.

Is he seducing me already?

Napamaang ang labi ko nang kindatan niya ako! Everyone eyed him when he let out a small laugh. Mabilis akong yumuko, takot na may mahalata ang mga kasama namin lalo na si Kuya!

Hindi na ako nag-angat ng tingin hanggang sa makaalis sila. Hiyang-hiya ako, kabado rin.

Habang naglalakad ako papunta sa building ko ay okupado ang isip ko sa ginawa ni Harvey. Harvey is such a flirt. Napatunayan ko 'yan ngayon. Nilalandi niya kaya ako?

Harvey de Silva: Goodluck. Sasabihin ko na sana ng personal sa'yo kanina kaso ayaw mo na akong tingnan.

Napanguso ako nang mabasa ang message niya. Unti-unting sumimangot nang maisip na baka ganito rin siya sa lahat ng babae. Halata naman sa ginawa niya kanina.

Magkasabay kaming bumuto nila Lav, Peachy at Devi. Si Miko at ang ibang tropa niya ay hindi namin mahagilap. Marahil ay tumambay pa sa central. Nangako naman sila sa'kin na papasok sila para bumuto. They even said na ako lang ang iboboto nila sa Senator. Napangiti ako nang maalala 'yon.

"Sure win ka na girl." saad ni Peachy nang makalabas kami sa voting center.

"Ikaw ba naman ang may kapatid na supportive." segunda ni Devi.

Ayokong umasa pero dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko ay hindi ko mapigilang umasa.

Umuwi na rin ako nang sumapit ang tanghali. Hindi rin ako nag-online ng hapon na iyon dahil ayokong makita ang updates sa election. Sa kabila noon ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan sa isiping binibilang na nila ang mga boto ngayon.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi sa sobrang pag-iisip. Ngayong ilalabas ang resulta ng botohan. Mabuti na lang at Sabado ngayon kaya sa halip na bumalik ako sa university ay minabuti kong sa Facebook Page na lang tingnan ang resulta.

Nga lang, maging sa screen ng cellphone ko ay hindi ko kayang tingnan. Kailangan ko pang pumunta sa kuwarto ni Kai at utusan siyang tingnan ang result.

"Ikaw na, Kuya." I urged him on. Nakatayo ako sa harapan niya habang siya ay nakaupo sa edge ng kama. Naabutan ko siyang may kausap sa cellphone kaya magkasalubong ang kilay niya ngayon habang sinusunod ang utos ko. He's lazily clicking and scrolling through his cellphone when I held his hand.

"Wait." Pigil ko sa kanya. Umangat ang tingin niya sa'kin at tinaasan lamang ako ng kilay.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan sabay sa pagpapakawala ko sa kamay niya.

"Go." I said and closed my eyes. I crossed my fingers while waiting for his confirmation.

"Ano? Panalo ba?" tanong ko makalipas ang ilang segundong katahimikan. Nanatiling nakapikit ang mga mata.

"Pang-thirteen ka."

Bumagsak ang mga balikat ko. "A-ano?" I breathed.

Senator has twelve seats. Ang saklap naman ata no'n kung pang-thirteen ako. Kung ganoon nga, sana ay pang-twenty na lang ako o mas malayo pa para hindi ako manghinayang ng sobra-sobra.

Iminulat ko ang mga mata at nahuli ang seryosong mukha ni Kai. Inilahad niya sa'kin ang cellphone. Dahan-dahan ko itong inabot at tiningnan. I pulled his hair when I saw my name on the ninth place!

"Kainis ka Kuya!" He groaned in between his laughs kaya tinigilan ko rin ang pananabunot sa kanya.

I checked the official list of SC. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni France sa pinakaitaas. Kahit na inaasahan ko na mananalo siya ay hindi ko pa rin mapigilan na maging masaya para sa kanya. Masaya ako na karamihan sa party namin ay nanalo.

I celebrated my victory through dinner with my family in a fine dining restaurant. Marami akong natanggap na congratulatory message galing kina Miko at Lav, sa blockmates ko pati na rin sa mga ilang kakilala. Pero wala akong nakatanggap galing kay Harvey. Kahit pa-sticker niya, wala.

Hindi ko alam kung bakit ako umaasa na makakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya. Bahagya akong natawa sa naisip. I shouldn't have expected anything. 'Yan tuloy.

First two days of the week, may hungover pa rin sa eleksyon ang lahat pero nang dumating ang Wednesday at Thursday ay humupa na rin. Pakiramdam ko ay mauubos ang allowance ko para sa isang buwan sa panlilibre sa kanila.

"Nasaan na?" I asked Alric over the phone. Ang sabi niya ay ihahatid niya sa'kin ang in-order kong shawarma rice sa kanya.

Noong una, in-offer niya ito sa'kin kaya inakala kong libre. Saka ko lang na-realize na isa pala ito sa mga business niya nang hingiin niya ang location ko. Nang tinanong ko kung bakit, ang sagot lang niya ay para ma-compute na niya ang lahat ng babayaran ko.

"Papunta na." natatawa niyang wika. "Nasa cafe ka 'di ba? Sa may central?"

"Yeah."

Isang klase lang ang mayroon ako tuwing Biyernes at kaninang umaga pa 'yon kaya ngayong buong hapon ay bakante ako. Habang hinihintay si Kuya ay pinili kong dito na lang muna tumambay sa coffee shop malapit sa St. Joseph. Kapag mga ganitong araw ay punuan din ang library kaya wala akong choice kung hindi rito tumambay habang hinihintay na matapos ang hanggang alas singkong klase ni Kai.

Habang hinihintay si Alric ay mahina kong sinasabayan ang music na nagpi-play sa coffee shop nang marinig ang pagkatok sa glass wall sa tapat ng kinauupuan kong mesa. I was slighlty banging my head when I heard a knock on the glass wall beside me.

It startled me when I saw Harvey before me. Itinaas niya ang isang brown paper pag na may nakasulat na "mahal na prinsesa". Siya ang naghatid?

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papasok sa loob ng shop. He's wearing a vintage shirt paired with jeans and a sneakers.

"Matagal ba?" he asked as he slid in the chair across from mine.

"Hi-hindi naman." I chewed on my lip when I stuttered. Takot na mahalata niyang kinakabahan ako, kinuha ko ang paper bag sa kamay niya hindi pa man niya ito inilalahad sa'kin.

He playfully lifted his brow at me. "Gutom?"

I shook my head "Gusto ko lang masiguro kung worth it ba ang pera ko." saad ko na ikinatawa niya.

"Huwag ka kasing makikipag-usap doon. Sa bawat usap niyo, may bayad 'yan panigurado."

"What will I do then?"

"Deadma-hin mo."

"That's disrespectful." sabi ko sa kanya.

He didn't say anything about that. Instead he leaned over the table and whispers,

"May gagawin ka ba ngayon?"

My brows furrowed. "Wala naman. Bakit?"

"Tagaytay tayo."

I coughed hard. Iniabot niya sa'kin ang tubig ko. Nang maging maayos ang lagay ay tinitigan ko siya ng maigi. Hinihintay ko na babawiin niya ang sinabi niya pero hindi iyon dumating.

Umayos ako ng upo. "You said it like Tagaytay is just a neighbor of this coffee shop."

"Malapit naman ah?" 

"Anong gagawin natin doon?"

And you're really considering his impulse plan, Sofia. I can't believe you.

"Bulalo 'tsaka Taal?" he unsurely said. Siya mismo ay hindi niya alam kung ano ang gagawin namin doon. Kaya isang malaking palaisipan sa'kin kung bakit pumayag akong sumama sa kanya. Sa pagkakakilala ko sa sarili ay ayoko ng mga unplanned na lakad kaya ano 'to Sofia?

Nasa tapat ako ng coffee shop at hinihintay si Harvey na kunin ang sasakyan niya. Napamaang ang labi ko nang makita na isang motorbike ang ipinarada niya sa harapan ko. Hindi naman ito ang unang beses na makakasakay ako sa isang motorsiklo pero hindi pa rin ako sanay.

He handed me his helmet.

"How about you?" tanong ko nang mapagtanto na isa lang ang dalang helmet niya. He didn't really plan for this.

He shrugged. "Okay lang ako."

"No, mas kailangan mo 'to. Ikaw ang magmamaneho." agap ko at ibinalik sa kanya ang helmet. Kaagad naman niya itong kinuha sa'kin. Akala ko ay isusuot niya sa sarili pero hindi. Hinila niya ako palapit sa kanya at ekspertong isinuot sa'kin ang helmet. Bago pa ako makapag-protesta ay naisuot na niya ang helmet sa'kin.

"Mas matigas ang bungo ko sa'yo kaya kung maaksidente tayo, hindi ako mapapaano." Biro niya na ikinasimangot ko.

"Sakay na." He said as jerked his head at the back of his motorcycle.

"How should I sit? Should I straddle or sit sideways?" Kanina ko pa iyon iniisip dahil sa suot kong skintoned skater dress na hanggang taas ng tuhod ko ang haba.

Hindi ko alam kung ano ba ang tamang pag-upo. I see some girls in dress straddling while riding on a motorbike and I also see some sitting sideways.

Mukhang bago lang niya napansin ang suot ko dahil sa tanong ko.

"Saan ka ba komportable?" maging siya ay hindi rin sigurado. Hindi ba siya sanay umangkas ng babae?

I sat sideways. "Ganito na lang." sabi ko. Nilingon niya ako, bumagsak ang tingin sa kandungan ko.

"Hindi ka ba masisilipan d'yan?" puna niya nang lumilis pataas ang skater dress ko nang maupo ako.

He handed me his handkerchief.  "Ipatong mo 'to."

"T-thanks!" Inipit ko ang panyo sa gitna ng mga kamay at hita ko. Nang lingunin ko siya ay nakatingin pa rin siya sa kandungan ko.

"Ipatong mo na rin kaya ang bag mo?"

"O-okay." I said and placed my bag over my lap.

"Sabihin mo sa'kin kung 'di ka komportable."

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko nang mapansin na ang dami niyang tanong.

He chuckled.

"Excited ang isa riyan." he teased that made my face flush. Mabuti na lang at humarap na siya sa harapan. He kicked the kick starter. Sa isang subok pa lang ay nabuhay na agad ang engine ng motorbike.

"I'm not. I think you're just blabbering too-oh my god!" I shouted when he suddenly turned the throttle.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now