Chapter 27

4.4K 141 6
                                    

"Itong glittery ang bagay sa'yo, Hope." Pau showed me the nail polish he wanted for my nails.

I trusted Pau kaya iyong itinuro niya ang pinili ko. After I got my nails done, we shopped for clothes.

"Ang ganda talaga ng kuko mo." puri ni Peachy habang tinitingnan ang bagong ayos kong kuko.

As you can see, I'm preparing for Harvey's graduation. Mas excited pa ako sa kanya dahil ako pa talaga mismo ang pumili ng susuutin niya para sa araw ng graduation niya. He had his new haircut yesterday because I urged him too. Mukhang nagpaubaya lang siya sa kung ano ang gusto kong gawin kahit labag sa kalooban niya.

Dumating ang huling araw ng exam namin. Iyon din ang araw na ilalabas ang list of graduates. Excited naming tinakbo ni Lav ang bulletin board nang makita ang bagong paskil na papel doon. Kaagad naming nakita ang pangalan ni France dahil laude siya.

"Congrats." sabi ko kay Lav na ngayon ay parang hindi na maialis ang tingin sa pangalan ni France. Nakangiti siya habang nakatingin sa pangalan ni France.

"Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko pangalan ko ang nakasulat diyan." ani Lav.

"That's normal to feel proud." sabi ko sa kaibigan.

Maski ako kahit walang latin honor si Harvey, I am so proud of him. Pagkatapos ng Board niya, ganap na siyang engineer! Can't wait for that to happen.

Sunod naming hinanap ang pangalan ni Harvey sa list ng civil engineering graduates. My forehead creased when I couldn't find his name. I did a double check dahil baka nalagpasan lang ng mata ko ang pangalan niya kahit napakaimposible noon mangyari. Maging sa ibang engineering ay hinanap ko rin ang pangalan niya. Sa Electrical, Petroleum, Mechanical pero wala!

Kinakabahan kong tiningnan si Lav.

"Hindi kaya nakalimutang ilagay ang pangalan ni Jo?" Lav asked.

That's impossible. Ano na ring nakaligtaan isali maliban na lang kung hindi talaga siya kasali. Ang isipin iyon ay nagpakaba sa'kin.

Harvey. What did you do this time?

Ngumiti ako sa kaibigan, pilit na itinatago ang tunay na nararamdaman.

"That's possible. I'll go and check."

Mabilis ang mga hakbang kong tumungo sa main building kung nasaan ang office ng board at University President. Tumigil lang nang nasa tapat na ako ng pinakalumang gusali ng unibersidad.

I gulped. I've never been in the office of the University President. Hindi ko inaakala na ang unang pagkakataon pupunta ako roon ay hindi para sa sarili.

Inilabas ko ang cellphone at muling sinubukang tawagan si Harvey pero nakapatay na naman ang cellphone niya.

Pumasok ako sa main building at habang naghihintay ng lift na bumukas ay nakita ko si Tito Hubert. Kalalabas din lang niya sa isa pang lift kausap si Celestine Villabrille, ang University President!

Hindi ko mapigilan ang lumapit sa kanila upang mapansin nila ako. Hindi naman ako nabigo nang umangat ng tingin si Tito Hubert at nakita ako. Nang magpaalam si Celestine Villabrille ay saka lang ako tuluyang lumapit kay Tito Hubert.

"Tito." nagmano ako at mabilis siyang tiningnan pagkatapos.

"Don't you have exams?" tanong niya at nagsimula nang lumakad palabas ng gusali kaya sinabayan ko siya.

"Tapos na po." I quickly replied. "Kayo po? Anong ginagawa niyo rito?"

"I received a call." Umiling-iling siya na parang ayaw pa niyang sabihin sa'kin ang tungkol sa bagay na 'yon. Sa pinapakita niya ngayon ay parang alam ko na ang tungkol sa tawag na iyon, kung bakit siya nandito kaya inunahan ko na.

"Wala po sa list of graduates ang pangalan ni Harvey."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"You already knew." He stated.

I nodded.

"Opo. Ano pong problema? Did he miss an exam or any requirement?"

"Don't worry. I got it covered." anito at huminto sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng kanyang sasakyan. Kaagad siyang pinagbuksan ng kanyang security.

Covered? Ibig sabihin ay mayroon nga!

"Ano pong na-miss niya?"

"He's late for his defense." sabi ni Tito.

"The panel cannot tolerate his behavior, Hope kaya kahit anong pakiusap niya ay hindi siya pinagbigyan.'

Late? Late siya?

I shook my head in disbelief. Hindi maproseso ng utak ko kung paano siya naging late. We both prepared for that! The day before his defense, I ironed his suit. I even woke up five o'clock in the morning and cooked for his breakfast and lunch that day. Sabay kaming umalis ng unit niya, ako para umuwi sa bahay at siya naman ay papuntang St. Joseph.

How...

Hiniklat ko ang earpiece na suot nang hindi ko pa rin ma-contact si Harvey at pinasibad ang kotse ni Miko papuntang racetrack. Hindi ko na naiparada ng maayos ang kotse dahil sa pagmamadali. Mabilis ang hakbang kong tumuloy sa track. Saktong pagdating ko ay siyang pag-abot ng mga racecar sa finish line.

I saw his racecar led the race. He won. Kung sa ibang pagkakataon ay baka matuwa pa ako pero hindi ngayon. This has to stop. Hindi ko gusto na mas pinagtutuunan pa niya ng pansin ang pagri-race kaysa sa pag-aaral niya.

I remained silent when Miko told me that Harvey lost his Mercedes bet. Kung kaya hindi niya dala ang kotse niya noong umuwi siya noong araw ng defense at hinatid lang siya ni Gav dahil tinalo na niya pala sa pusta!

I was furious hearing that from Miko but I contained my anger. Sinubukan kong manahimik at huwag mangealam dahil ayokong isipin niya na pinapakealaman ko siya sa bagay na iyon. Pero hindi ko na kaya. I just can't sit and do nothing when I know that I can do something to straighten his life.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang isugal ang pag-aaral para sa hobby niyang 'yan. Pinalis ko ang luha sa aking pisngi, pilit na kinakalma ang sarili. Pero hindi ko yata kaya ang maging kalmado ngayon.

Kaagad na napuno ang track ng mga tao kaya nahirapan akong makalapit kay Harvey. Kahit malayo sa kanya ay kita ko ang paglabas niya sa kanyang kotse hawak-hawak ang pulang helmet. Sinusubukan kong makalapit sa kanya pero masyadong madaming tao ang lumalapit, lalo na sa kanya.

Then a woman in red tracing suit caught my attention. She brushed her blonde wavy hair using her fingers with a smirk on her face while drawing closer to Harvey. Harvey was talking to Gav until that woman pulled and kissed him full on the lips!

Nabibingi ako sa hiyaw ng mga tao habang hinahalikan siya ng estrangherong babae ngunit mas nakabibingi ang malakas na tibok ng puso ko habang pinagmamasdan siyang hinahalikan ng ibang babae. It caught me off guard. Hindi ako makagalaw.

Ramdam ko ang mabigat at mabilis kong paghinga at ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha ko habang tinitingnan sila. People rejoice as they watch the two kiss before them. They're all oblivious that someone's hurting with their little entertainment.

I chewed my lower lip to avert my attention to it but eventually failed. Ang sakit-sakit sa puso na parang hindi na ako makahinga. Akala ko ay wala nang mas sasakit pa nang makita siyang inangkin ng iba sa harap ng maraming tao.

My heartache worsened when the kiss ended and he acted like it wasn't a big deal, as if it didn't happen. His forehead was creased looking at the girl but when Gav pulled him to celebrate his victory, he laughed with them na para bang hindi siya hinalikan ng isang babaeng hindi ako.

I stepped back when people become wilder and unrulier. People stampeded on the racetrack. Mas lalong nagkagulo ang mga tao nang kargahin siya ng mga kaibigan niya at ipinarada sa track. I looked up. Tiningnan ko siya sa itaas, ang saya-saya niya habang ako rito sa baba, sakit na sakit.

Sa sobrang gulo ng mga tao ay may sumiko na sa'kin ng dalawang beses pero wala iyon sa sakit na nararamdaman ko. I grunted in pain when group of people pushed me but it didn't wake me to step aside. Kahit anong tulak sa'kin ay hindi ko iyon pinansin hanggang sa madapa ako dahil may malakas na bumangga at tumulak sa'kin mula sa likod.

I can feel stinging pain on my knees and elbows. Tuwing sinusubukan kong tumayo ay may bumabangga o tumutulak sa'kin. Hinintay ko na humupa ang mga tao saka ako tumayo. Akala ko ay wala nang mga tao dahil wala na akong nararamdamang tao na dumadaan. Pero hindi.

"Can you stand?" a deep voice behind startled me.

Lumingon ako at halos magtama ang tungki ng ilong namin sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. He covered me from people kaya wala na akong nararamdamang mga tao na bumabangga sa'kin.

Sinubukan kong tumayo. Kaagad naman niya akong inalalayan sa magkabilang siko ko. I winced when he touched my scratch there. He muttered a curse and quickly removed his hand from my elbows as if he was hurt too.

"I'm sorry."

Kumunot ang noo ko habang sinusuri siyang maiigi. He's familiar. Sinubukan kong alalahanin kung saan ko siya nakita.

"The waiter." I whispered and he smiled a little. I remember him. Siya iyong waiter sa Korean Restaurant na nag-serve sa amin ni Harvey noong first monthsarry namin.

Then that memory hurt me. I was wearing a suit and surprised him that day and today, a girl in suit kissed him and surprised me.

"Chase." pakilala niya sa sarili at inilahad ang kamay.

"Hope." balik kong pakilala at tinanggap ang kanyang kamay.

Then I realized, I may look like a zombie right now because I cried. I laughed and wiped my tears using my bare hands. I didn't bring my handkerchief.

"Sorry. I look like this." sabi ko at suminghot pa sa harapan niya nang maramdamang tutulo na ang sipon ko. He handed me his black handkerchief. Kung hindi ko ito lubos na kailangan ngayon ay hindi ko pa sana iyon tatanggapin.

"Thanks." I said and quickly wiped my tears. Nakatingin lamang siya sa'kin habang ginagawa ko iyon kaya bigla akong nakaramdam ng pagkailang.

Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng hard hat at may dalang blueprint na ngayon ay lukot-lukot na dahil siguro sa pagsangga niya sa mga tao para sa'kin kanina.

"Iyong blueprint." sabi ko at kinakabahan siyang tiningnan.

"It's alright." he said and hid it behind him.

His eyes looked down to my knees. Tumingin rin ako sa aking tuhod at bumuntong-hininga nang makita ang scratch doon.

"Let me treat that." he offered.

Umangat ang tingin ko sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin.

"Only if you're comfortable coming with me. My office is just a hundred meters away from here."

"You're working?"

"Yes." He pointed the construction site kung saan may itinatayong bagong gusali malapit dito sa racetrack.

"You're an engineer?" tanong ko nang mapagtanto kung bakit may dala-dala siyang white rolled paper at suot na hard hat.

He nodded and opened his car door for me soon as we reached his car. Tahimik kami sa sandaling biyahe.

Nang makarating sa site ay halos lahat ng mga worker na nakakasalubong namin ay binabati siya. Mabagal ang lakad ko dahil mabato ang daan at may hindi patag na lupa. Nasa entrada na kami ng gusali at tutuloy na sana ako sa pinakaloob ng gusali nang pigilan niya ako.

"Papakuha muna ako ng hard hat para sa'yo." he said and called a worker to ask for a hard hat.

Habang hinihintay namin na dumating ang hard hat ko ay may lumapit sa amin na isang grupo ng mga engineer tila may ikinokonsulta sa kanya.

"Uh, pasensya na pero puwedeng mauna ka na muna sa opisina ko? Mabilis lang 'to." he said and gave me the keys to his office pati na rin ang hard hat na ipinakuha niya para sa'kin.

Kinuha ko ang hard hat sa kanya at isinuot ito. Nagsimula na akong maglakad papasok ng gusali nang biglang umulan ng debris sa malapit sa'kin.

"Damn. Hindi riyan Sofia." sabi niya at mabilis na kinabig ang baywang ko pabalik sa kanya. Humarap siya sa mga kausap.

"Wil, pakisabi sa taas may tao dito sa baba." utos sa isa sa kanila na mabilis ding tumalima.

I gulped when our eyes locked. Mabilis akong lumayo sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa mga tinging ipinupukol sa'min ng kanyang mga kasama.

Then we heard a whistle.

"Ayun. Bago nagkalakas loob kasi wala si Kuya."

Sabay kaming napalingon sa bagong dating. 

"Kuya Arthie?" gulat kong sabi nang makita siya rito. Mukhang kagagaling niya lang sa ikalawang palapag. He's rolling the long sleeve of his maroon dress shirt while nearing us.

"Hi Sofia." bati niya sa'kin pero ang tingin ay na kay Chase.

"Magkakilala kayo?"

"Uh-huh. Kaaway namin 'yan ng Kuya mo kaya..." hinila ako ni Kuya Arthie saka ako inakbayan.

"'Wag kang lalapit diyan." bulong niya sa'kin.

Well, they more look like friends than enemies.

"Nagpaalam na manliligaw dati sa Kuya˗"

"Architect Bellenza." Chase cut him off.

"Yes, Engineer Almirañez?" Kuya Arthie playfully said and looked at me.

"Akalain mo 'yon. Magkatunog surname niyo baby sis. Almendarez, Almirañez. Hmm? May ibig sabihin kaya 'yon?" he asked and even placed his hand on his chin like he's thinking deeply.

Humagalpak si Kuya Arthie nang magpakawala ng mura si Chase. Mapanudyong ngiti ang binibigay niya kay Chase habang si Chase ay seryoso lamang na nakatingin sa kanya. Saka lang nagseryoso si Kuya Arthie nang mapadako ang kanyang tingin sa lukot-lukot na papel na hawak-hawak ni Chase.

"Teka, manual draft ko 'yan ah!" aniya na mukhang nakalimutan na ang panunukso kay Chase.

"Anong ginawa mo?" tanong ni Kuya Arthie at lumapit kay Chase.

"Make a new one." Chase simply said.

Kumunot ang noo ni Kuya Arthie. "Gago! Wala akong duplicate niyan."

Kinabahan ako bigla sa pagiging seryoso ni Kuya Arthie.

"Make a new one." ulit ni Chase.

"Mahigit isang buwan ko 'yang pinagtrabahuan. Tangina naman Chet." Kuya Arthie said and snatched the paper from Chase.

"Puta, mas masakit pa 'to sa breakup." ani Kuya Arthie habang tinitingnan ang gusot-gusot na papel.

Chase and I exchanged guilty looks. But later then on, he mouthed,

"It's alright."

I smiled at him and he did too. I hope so.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now