Chapter 19

4.9K 162 7
                                    

"'Di ka marunong humalik?!" Pau's voice thundered inside our classroom.

"Tone down your voice, Pau." I hissed.

I am with Pau and Kyzer. Kaming tatlo na lang ang nandito sa loob ng classroom. Ang iba ay kanina pa umalis dahil may sariling mga lakad. Maging si Lav ay ganoon din.

Sa mga nakalipas na linggo ay napapansin ko na tuwing matatapos ang klase ay kaagad na nagpapaalam na uuwi siya at hindi na sumama sa mga lakad namin. Hindi naman nito nabanggit sa'kin kung may bago siyang trabaho o kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Kung sabagay, hindi ko rin naman naitatanong sa kanya.

Tapos na ang klase para sa araw na ito pero nandito pa rin ako para samahan dalawa. They're cleaning the classroom, a part of their punishment because they started a huge trouble at the cafeteria. May sinugod silang babae na nang-ahas daw sa boyfriend ni Devi, only to find out that it was Gracie.

Itinapon ni Kyzer ang hawak na eraser at lumapit sa'kin.

"As in? 'Di ka marunong?" he asked out of curiosity as he sat on the arm of my chair.

Ilang buwan na ang nakalipas simula noong first monthsarry namin pero nababahala pa rin ako sa halik niyang iyon. It's too late for me to realize that he's trying the torrid kissing but I don't know how.

Maging noong Valentines Day. I thought he'd try to do it again because I find the place and time beyond perfect for us to kiss passionately but no. Binigyan niya lang ako nang dampi sa labi.

He never tried to kiss me like that again. He would just give me a smack and that's it! I'm so bothered that I disappointed him.

Kaya habang sinasabi ko sa dalawang kaibigan ang problema ngayon ay nakakatanggap ako nang sunod-sunod na pangungutya at sermon sa kanila.

"Edi paturo ka kay Jo o nood ka nang tutorial sa Youtube." Kyzer suggested.

Kaya pagkauwi sa bahay at pagkatapos gawin ang mga assignment ay kaagad kong hinanap sa YouTube kung mayroon ngang tutorial kung paano humalik. At marami nga ang lumabas. I clicked the first one and started watching it.

I put my earpods on my ears at hindi pa nag-iisang minuto nang manood ako ay tumawag si Harvey.

"Bakit?" bungad ko sa kanya at lumabas ng silid para uminom ng tubig. I feel thirsty all of a sudden.

"Grabe. Tatlong araw na tayong 'di nagkikita at tatawagan na nga lang kita tapos ganyan pa bubungad sa'kin. Ganito na ba talaga sa'tin ngayon?"

"I was watching a tutorial when you called." I answered while climbing down the stairs.

"Ow? Tutorial ng? Para saang subject?" bigla-bigla ay naging interesado ito sa aking ginagawa.

Tumigil ako sa paglalakad at napaisip sa kanyang tanong.

"Special." sambit ko sa unang salitang pumasok sa isip ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin na nanonood ako ng kiss tutorial. At wala sa choices ko na sabihin ang totoo kong ginagawa. That will be the cause of my death. Ang lakas pa naman mang-asar ng isang 'to.

"May special subject kayo?"

I massaged my temples and scratched my head.

"Why are you so nosy all of a sudden?" tanong ko sa kanya at binuksan ang ref para kumuha ng malamig na tubig. Well, he's nosy all the time. I just don't want to share what I'm doing right now with him.

"Teka nga, bakit badtrip ka? Mayroon ka ba?" he asked laughing.

"No, I was just..." I trailed off. How will I explain it to him? Ang hirap naman.

"Oo na, sige na. Manood ka na ng tutorial para sa future din nating dalawa 'yan." he laughed, oblivious to what I'm really watching. He really believed that it was part of my studies. Namula ang mukha ko dahil sa kanyang sinabi.

"I love you," he then said.

Luminga-linga ako sa paligid. May kasama ako rito sa kitchen, si Manang at naghahanda ng dinner namin kaya binuksan ko ang backdoor at lumabas doon.

"I love you too. I'll call you once I'm done." I almost whispered, scared that someone might hear me.

"Ano? 'Di ko rinig."

"I said I'll call you once I'm done watching the tutorial."

"Hindi, 'yong nauna pa."

"I love you." ulit kong bulong.

"Ha?"

"Pinagtitripan mo ba 'ko?" inis kong tanong sa kanya.

"Hindi. Namiss lang kita."

I bit my lip to stop myself from smiling but I failed. Kalaunan ay napangiti na rin.

"I miss you too." bulong ko at rinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Sige na, bye na." I said in a dismissing tone.

"I love you." pag-uulit niya na ikinatawa ko na lang.

"I love you too." this time, I said it out loud.

As soon as I ended his call, I heard a cough and my body instantly froze. Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng ubong 'yon.

"Pa!" I nervously said and went to him.

Pilit akong ngumiti sa ama at dahan-dahang lumapit sa kanya. Katulad ko ay mukhang katatapos din lang niyang makipag-usap sa telepono.

Bakit nakalimutan kong dito nga pala niya palaging sinasagot ang mga business call niya?

Did he hear me saying I love you?

I think yes. The way he looks at me right now tell me so. Nagmano ako sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi.

We talked a bit but he never ever tried to bring that up. At hindi ko alam kung ikagagaan ba 'yon ng pakiramdam ko o ano.

Nang makapasok ako sa room ko at maisara ang pinto ay napasigaw ako dala ng kahihiyan sa maaaring narinig ni Papa. Napagtanto ko na walang ibang ginawa ang pagsabi ng I love you sa kanya kung hindi ang ipahiya ako. Kaya maging sa hapunan ay 'di ko matingnan ng diretso si Papa lalo pa't ramdam ko ang panaka-naka niyang pagsulyap sa'kin.

When Saturday came, I had a plan with Harvey. May color fun run sa Tagaytay kaya maaga pa lang ay nagpahatid na ako kay Manong sa Cavite. 4 o'clock ng umaga ang start kaya three pa lang ay tumulak na kami pa-Cavite. Nagpaalam ako kay Mama at wala naman itong sinabi na iba kung hindi ang mag-ingat ako.

I'm wearing a white sports bra paired with white cargo pants and white shoes. Habang nasa biyahe ay sinusubukan kong i-braid ang buhok ko pero hanggang makarating sa Cavite ay hindi ko man lang natapos kaya hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko. Sinabihan ko na agad si Manong na sa labas na lang ng village ako magpapasundo sa kanya mamaya.

Nang makalabas ako ng sasakyan ay kaagad kong nakita si Harvey. Kinabahan kaagad ako nang makitang hindi lang siya nag-iisa. He waved at me and jogged towards me leaving his friends.

Nang makalapit sa'kin ay ginawaran niya ako ng mabilis na halik sa noo. Habang ginagawa niya sa'kin 'yon ay nasa kausap niya kanina ang tingin ko. She smirked at me and turned to Raven then.

All of his friends are here except France and Eve. Silang dalawa pa naman sa mga kaibigan niya ang komportable ako tapos wala pa sila. Though I'm comfortable with Alric as well but he didn't do anything but to tease me. Kagaya ngayon ay kinandatan niya ako at itinuturo si Harvey pagkatapos ay pinagtatagpo niya ang dulo ng kanyang mga daliri, inuutusan ako na halikan si Harvey.

Nalipat ang tingin ko kay Rain na ngayon ay kay Step na naman nakikipagusap. They're wearing the same clothes with me. Kagaya ko ay may mga body bag din silang suot. When our eyes met, they smiled and waved at me. I know they meant no harm but why am I seeing different? It looks like they're mocking me? Or am I just making reasons to dislike them?

Harvey laughed when he see me frowning.

"Nagseselos ka pa rin sa kanya?"

"Hindi mo sinabi sa'kin na kasama sila."

"Ang baby ko nagseselos." he hugged me behind.

"At ikinagaan iyon ng pakiramdam mo?"

"Oo. Kaya magselos ka pa." biro nito at humalakhak. 

"They're mocking me." sumbong ko sa kanya na parang isang bata.

"Huwag kang mag-alala. 'Di mo na sila makikita mamaya." he whispered. He put his hand on my waist and pulled me closer to him.

True to his words, hindi ko na nga sila nakita nang nagsimula ang fun run.

I laughed when Harvey was hit of a bag of paint on his face. He's wearing a plain white shirt and black shorts. May suot din siyang itim na headband. Halos kalahati ng damit niya ay may paint na rin. Isa siya sa unang natamaan ng paint kaya ang daming nakatingin sa kanya ngayon.

"Tangina." his eyes were closed because of the paint. Tumigil na rin kami sa pagtakbo.

"Let me." I said and wiped the paint on his face using my hands.

"Okay na?" tanong ko nang makitang naimulat na niya ang mga mata niya. He nodded, still uncomfortable with the sticky paint on his face.

I smiled and put the paint on my hand on my cheeks and forehead too.

"Anong ginagawa mo?" naguguluhan niyang tanong habang nilalagay ko sa mukha ko ang paint na nakuha sa kanya.

"Para pareho tayo? I won't let you run like that alone." I said and put some more on my face.

"Pero ang makeup mo..." aniya na parang ito ang pinakaproblema. I was thankful that I have paint on my face so he wouldn't notice my flushed face.

"Uy, takbuhan 'to hindi lampungan." Alric shouted. Dahil doon ay sabay kaming bumitaw ng tingin sa isa't isa at nilingon ang kinaroroonan ni Alric. Kasama niya si Raven na mabagal na naglalakad.

"Inggit ka lang, wala kang jowa." Harvey smirked.

"Awts." Alric chuckled.

We continued running. Maraming bag of paint na rin ang tumama sa amin kaya ang puti kong suot ay halos wala ng bahid ng puti dahil sa iba't ibang kulay ng paint na tumama sa'kin. Mahigit isang oras din ang aming tinakbo hanggang sa makarating kami sa finish line.

Nang matapos ang fun run ay tila may stampede sa kalsada dahil sa dami ng tao. We are surrounded by people. And I was shocked upon seeing Lav! Nagtama ang tingin naming dalawa at maging siya ay nagulat din nang makita ako. I waved my hand and tried to go to her until group of people covered her from my sight. Nang muli ko siyang tingnan sa kanyang kinatatayuan ay si France ang nakita ko at may hawak na dalawang bottled water! He's here too?

"Oh, oh. Sa'n ka pupunta?" higit sa'kin ni Harvey at mas hinigpitan ang kapit sa'kin na parang isa akong bata na makakawala sa kanya. I turned to him. He's looking at me with brows furrowed.

"I saw Lav and France, Jo. They're here!"

"Oh really?" he said, mimicking my voice.

I hit him. "Seryoso ako!" I said and held his hand. "Let's go and find them!"

"Baka namamalikmata ka lang Sof."

Umiling-iling ako. "Hindi."

"'Di ba magseselfie pa tayo."

"But˗" I said, conflicted with the situation.

"Selfie na tayo para goals 'di ba?" pangungumbinse sa'kin ni Harvey at hinila ako sa kabilang direksyon. His invitation was tempting and Harvey being engaged with selfies is quite strange. Hindi siya mahilig sa mga trip ko kaya nagulat ako nang siya pa ang mag-initiate ngayon.

After we take pictures, we are now back with his friends again.

"Chicken inasal tayo." suhestiyon ni Rain habang naglalakad kami papunta sa kotse nilang nandito na.

"Cholesterol, Rain." Raven reminded her. Tiningnan ko si Raven dahil doon. It's my first time hearing his voice and it was deep and mysterious. It's like his voice costs much. I immediately looked away when he caught me staring at him.

"Konti lang Ry, namiss ko 'yong chicken." Rain urged him on.

Sa isang sikat na kainan sa Tagaytay kami nag-agahan. We're full of paints at kahit natuyo na ay mukha pa rin kaming madungis. Kaya sa labas na lang kami ng restaurant pumili ng table at umupo.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa isang department store para makapagpalit ng damit saka kami tutuloy sa skyranch. Gusto nila biglang mag-zip line. Rain suggested and they all agreed. Napansin ko na kung ano ang gusto ni Rain ay iyon ang nasusunod. O ayaw lang nilang kumontra o gusto rin nila?

"Why are you here?" I asked Rain when it was just the two of us left. Ang tagal bumalik ni Harvey at Alric na nasa counter at nagbabayad ng mga pinamili namin. Nakapagpalit na kaming lahat kaya kahit papaano ay malinis na rin kaming tingnan. Si Step ay nasa restroom pa samantalang si Raven ay nasa labas na't naghihintay sa kotse.

"I mean, I heard you're studying abroad."

"Hindi ako nag-aaral sa abroad."

"Really?"

Why do I feel like she's lying?

"Saan ka nag-aaral kung ganoon?" tanong ko, kunwari ay naniniwala ako sa kanyang sinabi.

"Diyan lang sa tabi-tabi."
My phone on my hand rang. Napalingon ako roon at kumunot ang noo nang makita ang picture ni Kuya Ace sa screen. He's calling me. I caught Rain staring at Ace's picture. Sinagot ko ang tawag, ang mga mata ay na kay Rain.

"Kuya." Bungad ko.

"Just checking, Kai ordered me to."

I chuckled. "Pa-Tagaytay kami." I turned the speaker on because I couldn't hear him clearly because of the noise all over. Nandito kami sa may entrance ng store naghihintay sa dalawa kaya madaming dumadaan.

"Alright, I'll tell him. You left your house early at hindi ka nagpaalam sa kanya."

Kaya nga hindi nagpapaalam dahil hindi niya ako papayagan.

"Who are you with then?" tanong niya nang hindi ko siya sinagot.

"I'm with a friend." I looked at Rain whose eyes were wide now. Then, I just remember that he has a crush on Kuya Ace!

"Actually, she has a crush on you, Kuya." sumbong ko at mas nakumpirma ko nga nang lumapit ito sa'kin para hablutin ang cellphone na hawak. Kung hindi ko lang inilayo sa kanya ay baka nakuha na niya ito sa'kin. So, after so many years, crush niya pa rin si Kuya Ace huh?

"Oh?" he chuckled and I smiled.

"Yes, could you greet her for me?"

"What's her name?" tanong ni Kuya Ace. Ramdam ko na napipilitan lang siya at gusto nang matapos itong request ko. Suplado ito at snob pero mabait sa akin dahil kapatid ako ng matalik niyang kaibigan.

I giggled when Rain is giving me a sign that she'll kill me yet she remained silent, trying her best not to make a sound.

"Rain." I said and I almost laughed when I saw Rain hit her forehead using her palm as she walk back and forth before me.

"Kuya?" tawag ko nang matagal na tumahimik ang nasa kabilang linya.

"Rain." he said, almost a whisper.

Inilapit ko ang cellphone kay Rain upang marinig niya si Kuya Ace. Akala ko ay hindi na ito magsasalita dahil wala na akong narinig na ingay mula sa kabilang linya. Pero nang marinig ko ang malalim niyang paghinga ay mas inilapit ko kay Rain ang cellphone kahit na naka speaker naman ito.

"Hello, Rain. Hope you're doing well... and I love your name, Rain."

Isang minuto na ang nakalipas nang matapos ang tawag ay kinikilig pa rin ako. Kuya Ace wasn't that vocal and expressive! And to use love in his sentence? That must be deep. There must be something with Rain.

"So, you still have a crush on him huh?" I teased Rain.

"Pa'no mo nalaman? Sinabi ng gago mong boyfriend?"

See? She didn't deny it. Totoo nga!

"Don't call him that." saway ko sa kanya.

"And no. Walang sinabi sa'kin si Jo na crush mo si Kuya Ace. I just knew."

"Tang ina." malutong niyang mura at uminom ng tubig mula sa dala niyang tumbler.

"If you have a crush on him, why don't you go for it? Date him at least?"

She smirked. "Talaga?"

"Yes, I think you would make a great couple." I sincerely said. I really meant it. They would look cute together. Imagine, the serious Ace Alvarez is with the playful Rain Villabrille. Kuya Ace has a lot thing to do to tame this girl.

"Sigurado ka riyan?"

"Bakit 'di mo subukan? Tutulungan kita. Who knows? Maging boyfriend mo siya." I shrugged.

Rain laughed. "Wag na. May anak na nga kami."

I made a frown. Hindi naman niya ako siniseryoso.

Nakarating kami sa skyranch at sa zip line kaagad kami dumiretso. Tinitingnan ko pa lang mula rito sa ibaba ay natatakot na ako.

Si Rain kaagad ang unang sumampa at nandoon na rin si Raven sa taas. Raven went with her there to double check if the harness and pulley are attached to Rain correctly before he'd let her ride the zip line. Ganoon din ang ginawa niya kay Step.

"Kinakabahan ka?" Harvey asked. I was trembling while climbing the stairs. Nakasunod na rin agad siya sa'kin paakyat.

"Yeah," I gasped as I looked down when we reached the platform. "Ang taas."

He held my cold hand and planted a soft kiss on my forehead. He hugged me tight before he held both of my shoulders to remove my body from his so he could face me.

"Kinakabahan ka pa?"

I shook my head.

"Mabuti naman."

May dalawang assistant ang nandito sa itaas para isuot sa akin ang harness at alalayan ako sa pag-zip. Habang isinusuot sa akin iyon ay nasa tabi ko lang si Harvey, tinitingnan ang dalawa kung paano ilagay sa akin ang harness.

"Kuya!" Alric shouted down there. Paakyat na rin ito dahil siya na lang ang natitira sa baba kaya tumingin kaming lahat sa kanya. He pointed the two assistants we were with.

"Ingatan niyo 'yan! Papatirikin pa ng kaibigan ko mata niyan! Kapag 'yan mapano!" sigaw ni Alric na hindi ko naintindihan kahit na narinig ko naman. The two assisstants bark into laughter.

"Gago!" Harvey shouted and showed his middle finger to Alric.

"Anong sabi niya?" I asked Harvey.

"Wala. Mag-ingat ka." he said, stifling his laugh. Tumingin ako sa dalawa naming kasama. Maging sila ay ngumingiti at napapailing na lamang.

"Okay na Ma'am." one of the assistants said and guide me to the edge of the platform. I looked back and saw Harvey giving me an encouraging smile.

"I love you." he mouthed and showed me his finger heart. I laughed at that and just like a magic, my worries are now gone.

Muli akong tumingin sa harap at nagpakawala nang malalim na hininga.

"I'm ready." I said and with that, they let me go.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora