Chapter 13

4.8K 192 2
                                    

Dumagundong ang kulog. Kitang-kita ko kung paano natakpan ng itim na ulap ang asul at puti. Nawala na rin ang araw. Kinabahan ako nang magsimula nang pumatak ang ulan.

"Make it fast, Jo." utos ko habang mabagal niyang pinupuwesto ang motorbike sa kalsada.

"Harvey!" tawag ko ulit sa kanya dahil mukhang wala talaga itong pakealam sa nagbabadyang malakas na ulan.

He straddled on the motorbike and offered his hand for me. Kinuha ko naman ito kahit hindi na rin kailangan dahil sanay na rin akong sumakay ng motorbike.

"Ang sarap mo talagang tingnang inis na inis."

"Uulan na!"

"Kambing ka ba? Ba't takot na takot ka sa ulan?"

Hindi niya ba alam na delikado ang magmaneho ng umuulan? At kung titingnan ang madilim na kalangitan ay mukhang may bagyong paparating.

Hindi nga ako nagkamali nang abutan kami ng malakas na ulan sa daan.

Tumigil kami sa isang gusali. Nang makita siya ay kaagad na sumaklolo ang isang valet sa amin at kinuha ang susi ng motor sa kanya.

"Halika na." He held my elbow and guide me to the lobby of the building.

"Sa'n tayo?" tanong ko ngunit bago pa man niya ako sagutin ay marami na ang bumati sa kanya. May nagbigay sa kanya ng white towel na kaagad niyang ipinulupot sa katawan ko.

"Harvey." tawag ko sa kanya. Nang hindi ako pinansin dahil abala siya sa pagkausap sa bellhop ay hinila ko na ang laylayan ng damit niya dahil nababahala na ako sa tubig na nanggagaling sa aming katawan at damit na pumapatak sa malinis na sahig ng gusali. Baka pagalitan kami!

Lumingon siya sa'kin ng nakakunot noo. Kabado kong itinuro ang sahig. He only glanced at it for a second before he fixed his gaze on me.

"Tara." He held my elbow again to guide me to the elevator but I didn't move. Mas magkakalat kami ng tubig dito kapag maglakad kami. Nang hindi ako gumalaw ay hinawakan na niya ang kamay ko at hinila ako papuntang elevator.

"Sa'n tayo?" I asked when we're inside the elevator.

"Sa condo ko."

I shrugged and crossed my arms over my chest. Okay, to his condo.

Condo niya?! I looked at him. He's busy talking to someone over his phone. Nang matapos siyang makipag-usap ay saka lang ako nakapagsalita.

"Ano'ng gagawin?"

"Uh, papalipas ng ulan at magpapalit?" he answered, clueless.

I sighed and tapped my foot on the floor. Papalipas ng ulan at magpapalit?

His condo was located on the top floor. And it's pretty huge. Dalawang palapag at masyadong magara. It more like a penthouse.

Kanina sa baba, pansin ko ang kakaibang pagtrato sa kanya ng mga tao roon. Hindi rin ako nakarinig ng complain sa pagiging makalat namin doon. Sa halip ay mabilis kaming dinaluhan at tinulungan. May namumuo ng ideya sa isip ko at gusto kong kumpirmahin.

"You own this building?" hindi ko mapigilang maitanong nang lingunin siya sa aking likuran.

He smiled and shook his head. "Hindi, 'yong Tatay ko lang, Sofia."

Hindi na ako nakapagtanong pa dahil itinulak na niya ako sa loob ng bathroom sa first floor. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya dahil napagtanto kong wala pa ako masyadong alam sa kanya, lalo na tungkol sa pamilya niya. Ang tanging alam ko lang ay mayaman siya. Halata naman kasi sa papalit-palit niya ng kotseng sinasakyan pero hindi ko alam na ganito pala.

My parents do not own a company. My grandparents do. Akala ko ay mayaman na kami pero ngayon sa mga nakikita ko kay Harvey, masyado pala akong ambisyosa para roon.

Tiningnan ko ang mga toiletries na nadoon. Karamihan ay kulay itim ang lalagyan. Inamoy ko 'yon lahat at nang mahanap ang amoy niya ay iyon ang ginamit ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagtagal sa loob ng bathroom niya. Lumabas ako sa bathroom ng nakaroba. Nakita ko si Harvey sa counter, nakasuot ng gray sweatshorts at putting T-shirt.

"Grabe. Akala ko ay balak mo nang ubusin ang tubig."

"Hindi pa nga ako tapos." biro ko na ikinahalakhak niya. Lumapit siya sa'kin at inabot ang isang paper bag na may logo ng isang sikat na brand. Sinilip ko ang laman nito at nang makitang damit pambabae ay bumalik ako sa bathroom at mabilis na nagbihis.

Nang makalabas ako sa bathroom ay nakaupo na siya sa isang high stool sa counter. I roved my eyes around his condo as I walked my way to him.

"You're really rich." hindi ko mapigilang sabihin habang sinusuri ang buong unit niya. I leaned over the counter top while he's sitting on the high stool across from me.

Inalis niya ang tingin sa cellphone at sinipat ako.

"Estudyante pa lang ako. Pa'no ako magiging mayaman?"

"Your family then."

Umiling-iling siya. "'Yong tatay at mga kuya ko ang mayaman, Sofia."

"Mga kuya?"

His eyes narrowed at me. "Oo mga kuya, Sofia. Mga matatanda kong kapatid." he said emphasizing the last sentence.

I chuckled. "Ilan kayong magkakapatid kung ganoon?"

"Tatlo. No girls, thank God." he said in relief. Parang malaking kaginhawaan sa kanya na wala siyang kapatid na babae.

"Bakit? Ayaw mo nang babaeng kapatid?" I curiously asked. Having a sister is way better than having a brother. Hindi niya ba alam 'yon? But oh well, people have different perceptions.

"Ayoko ng babaeng kapatid pero gusto ko ng girlfriend."

Naningkit ang mata ko habang tinitingnan siya. Umismid ako nang marinig ang tawa niya.

My eyes darted at the window to my left. Malakas pa rin ang buhos ng ulan.

"Baka hinahanap na ako sa'min." saad ko at nilingon si Harvey. "Nasaan nga pala 'yong bag ko?"

Umalis siya sa pagkakaupo sa stool at pumunta sa living room. Nang bumalik siya ay nasa kamay na niya ang bag ko. Inabot niya ang bag sa'kin. Kinuha ko ang cellphone roon at binuksan. Nagtagal ang tingin ko sa screen nang ayaw na nitong bumukas.

"Oh ito muna gamitin mo. Akin na muna 'to." aniya at pinagpalit ang cellphone namin.

"Ano'ng gagawin mo sa cellphone ko?"

"Icha-charge. Mukhang lowbat."

Hiniram ko ang cellphone niya at tinawagan si Mama. Pagkatapos ipaalam na late akong makakauwi dahil naabutan ako ng ulan ay napanatag na rin ang kalooban ko.

Mama was busy for my birthday preps. It's a pool party in a hotel. Tumulong na ako sa kanya noong nakaraang linggo. Ngayon araw na lang ang hindi dahil mayroon din namang mga taong mag-aayos ng venue ng party. Mama was just there today to supervise.

And speaking of my birthday, I looked at Harvey. I wanted to inform him so I could invite him. Pero nahihiya akong sabihin. Mamaya na lang siguro. I'll just chat him later.

"May gusto kang pagkain?" Sumilip sa'kin si Harvey mula sa kitchen. Nasa living room ako at kasalukuyang pumipili ng magandang panoorin sa Netflix nang magtanong siya tungkol sa pagkain.

"Marunong ka?"

He massaged his nape with a shy smile.

"Room service."

Oo nga pala. He's so sheltered and I just realized now that we both can't cook. That idea gives trouble in my head. I think I should try to cook at home.

"I want lobsters." sabi ko sa pagkaing unang pumasok sa isip ko. Hindi na ito nagsalita pa at may kinausap na sa kanyang cellphone. "And orange juice!" I shouted and he just gave me a quick nod.

Hindi nagtagal ay dumating na ang in-order niyang pagkain. Pareho kaming naka-injan seat sa harap ng kanyang cofee table. We're using our bare hands while eating and we're both not good at it. Pero mukhang marunong siya sa'kin kahit papaano.

I can't stop myself from laughing while looking at him, struggling to crack the lobster's shell using the cracker. He made a grimace as he put his force cracking the shell.

Tumingin siya sa'kin nang hindi ko na matapos-tapos ang tawa ko.

"Sadistang babae. Gustong-gusto mo talagang nakikitang nahihirapan ako." daing niya habang nilalagay sa pinggan ko ang nakuha niyang laman ng lobster.

I tried to suppress my laugh and shake my head.

We spent an hour eating that big seafood creature. Mabuti na lang at nang matapos kaming kumain ay tumila na rin ang ulan.

Nang makapagpahinga kami ay inaya ko na siyang umuwi. I already texted Manong na sunduin ako sa labas ng village. Kaya nang makarating kami sa gate ng village ay nakaparada na roon ang itim naming SUV.

"Hanggang dito na lang muna." I said as I unbuckled my seatbelt. Nang makawala sa seatbelt ay saka ko siya tiningnan.

"Thanks for the ride." Itutulak na sana ang pinto sa aking tabi nang hawakan niya ang kamay ko.

"B-bakit?"

"Salamat sa ngayon." sabi niya at mabilis na hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

I gulped as I stared at him, completely stunned at what he did.

Okay... what was that for?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama saka itinapat ang palad sa dibdib at pinakiramdaman ang naghuhumerantado kong puso. It's beating insanely. And he's the culprit for this. Wala nang iba. And speaking of that guy.

I tried to search for my phone on my side table. When I couldn't find it, I remember that I left it to him! Paano ko siya i-cha-chat? I covered my face with my palms and began slapping my cheeks.

Hindi ko alam kung ilang oras pa akong nakipagtitigan sa kisame bago ako dinalaw ng antok. I woke up in the middle of the night hearing my parents and Kai's voice singing a happy birthday song.

Tanging ang kandila lang sa cake na hawak ni Mama ang ilaw sa buong silid. I knelt on my bed. Lumapit ako sa kanila habang kinukusot-kusot ang dalawang mata.

"Happy birthday Hope!" bati sa'kin ni Mama at Papa nang matapos nila akong kantahan habang si Kuya naman ay binuksan ang switch ng ilaw sa aking silid at piniling manatili sa hamba ng pintuan. Humalikipkip ito habang tinitingnan kami, halatang hinatak lang sa kama dahil humihikab pa.

Bumalik ang tingin ko kay Mama at Papa na nasa aking harapan ngayon.

"Thank you." I sniffed and make a wish before I blow my candles.

My parents laughed when I failed blowing my candles because of my uncontrollable sobs. Sa pangalawang subok ay may natira pang ilaw. For the third time I blew my candles again, gladly I succeeded. Kung hindi ay sila na lang ang paiihipin ko.

I sniffed and wiped my tears using my PJs. This is the longest birthday celebration I've ever have and I appreciated it a lot. From the karaoke bar with my blockmates last Friday, a day with Harvey yesterday and today! I was welcomed by my family at the very first minute of my eighteen years existence in this world.

"Dalaga na bunso natin, Nick." sabi ni Mama habang yakap-yakap ko sila ni Papa. She's patting my back while Papa's tousling my hair.

"Puwede nang magboyfriend." Papa added.

"Pa!" Kai protested. Mukhang nawala na ang antok nang marinig ang sinabi ni Papa.

My eighteenth birthday pool party was held at a luxurious hotel in the city. It was an exquisite venue I must say. Mama's taste never fails me. Halos lahat ng nakikita ko ay kasingtingkad at kasingkulay ng suot kong damit.

I'm wearing a red offshie dress and a strap sandals. Ang kulot kong buhok ay hinayaan kong nagulay.

I received bunch of gifts and flowers from my friends and cousins earlier this morning until now. My gifts are already piling up on the table.

Kahit pagod na sa pakikipagusap sa mga kaibigan ay sinubukan ko pa ring batiin ang mga dumadating. Marami na rin ang nasa pool at naliligo.

The party was a blast. I'm glad that they're all enjoying the party.

"Hoy, maligo ka na birthday girl." sabi sa'kin ni Lav at hinatak ang dress ko pababa!

Lavienna is wearing a one piece bikini. I puckered my lips as I scanned her body. She's taller than me and we almost both have the same body weight but she got bigger boobs and round butt than me. How could that be possible?

I immediately shook my head to decline her invite.

"No thanks, I still have visitors to entertain Lav." Saka wala sa plano ko ang mag-swimming.

"Hmm baka naman may hinihintay ka kaya ayaw mo pang maligo." Lav looked at me with a grin crept on her lips.

Now that she brought that, I remember Harvey. I didn't get the chance to invite him the whole day. I was busy with my own party. Hindi rin nakatulong na palagi akong hinihila ni Mama sa iba't ibang boutique, salon at spa kanina habang magkasama kami buong araw.

"Well, I didn't tell him that today's my birthday." Nahihiya kong pag-amin sa kaibigan.

"Ano?! Bakit hindi? Hope naman. Kawawa naman si Harvey."

"I left my phone with him. Hindi ko alam kung paano ko siya ite-text. I don't have his number."

"Edi chat mo, tss." sabi ni Lav at binato sa'kin ang cellphone niya.

Kinuha ko naman ito at mabilis na itinipa ang pangalan ni Harvey sa search bar. Habang hinihintay kong mag-load ay umangat ang tingin ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si France at Alric sa entrada ng venue!

The two are wearing button down shirt with short sleeves and khaki shorts.

"France!" I squealed, have totally forgotten with my plan of chatting Harvey.

"Happy birthday!" Malawak ang ngiti kong inabot ang regalo ni France sa'kin.

"Thanks!" Nilingon ko sa aking likuran si Lav para ipakilala siya sa dalawa pero wala na siya sa likuran ko. Saan naman kaya pumunta ang isang 'yon?

"Wala akong gift, 'di mo naman ako in-invite haha." sabi ni Alric na ngayon ay may hawak ng red cup.

I didn't invite but he's here though.

"I was planning to but my phone..." I trailed off, a bit reluctant to tell them the reason why I don't have my phone with me.

"Anyways," I said trying to change the topic. Tumingin ako sa kanilang likuran na parang may hinahanap.

"Hanap mo si rich kid?" nakangisi niyang tanong.

"Well, you're here so I am expecting that he's here too."

"Inimbita mo ba?" France probed.

France's question made me glance at Alric. "Hindi ko naman inimbita si Alric..."

"Aray ha!" Alric held his chest. "Anong tingin mo sa'kin? Patay gutom? Nakakasakit ka na ng feelings Hope."

I smiled. Plano ko naman talagang imbitahin siya. Si Eve at Step din. Kaso ay wala nga sa'kin ang cellphone ko. Naimbita ko si France dahil palagi kaming magkasama sa SC Office.

"Nasa labas siya. Ayaw pumasok. 'Di mo naman kasi inimbita." France said.

"Sus. Nagpapasundo lang 'yon sa'yo kaya puntahan mo na." Alric slightly pushed me.

Lumabas ako ng hotel at nakita ko ang puting BMW niya na nakaparada. Pumunta ako sa pinto sa tabi ng driver seat. I knocked its window and it immediately rolled down.

"Hey."

"Tss." suplado nitong asik at sumandal sa backrest ng upuan at humalikipkip.

I laughed and lightly pushed him.

"Stop with your act. Hindi bagay sa'yo." tukoy ko sa pagiging suplado niya.

"Grabe. Magkasama tayo kahapon, 'di mo man lang ako inimbita. Ganito na pala sa'tin ngayon." iiling-iling niyang sabi.

I bit my lower lip to hide my smile.

"It's because I left my phone with you."

"Hindi ko alam na kailangan pala ng cellphone para mang-imbita."

Napunta ang atensyon ko sa mga paparating na sasakyan. Kaagad kong namukhaan ang BMW ni Kuya Kai at Corvette ni Kuya Ace!

Tumingin ako kay Harvey na ngayon ay parang naalarma na rin sa pagkataranta ko.

"Kotse ni Kuya. Open your car, Jo!" utos ko at wala nang oras pa para pumunta sa ibang pintuan. Binuksan ko ang pinto sa driver seat at walang pag-aatubiling pumasok doon. I heard him muttered curses. I grunted in pain when my head hit the roof of his car.

"Aray." I moved to the shotgun seat but he put me still on his lap.

"Huwag kang gumalaw." he whispered. I shivered when I almost felt his lips on my ear.

"Huh? Why?" I tried to move again.

He encircled his arms around my waist. "Huwag malikot, Sofia." he whispered. This time, his lips touched the shell of my ear.

I tried to free myself from him because our position is making me very uncomfortable.

"Tang ina." he swore when I almost fell to the floor. Kung hindi lang siya maagap at hinawakan ako sa baywang upang alalayan ay baka nabalian na ako.

"I'm fine." I said as I sat on the shotgun seat.

We heard a knock on the window car. Mabilis akong yumuko nang makita ang mukha ni Kuya sa likuran ng security guard na parehong sumisilip-silip dito sa loob ng kotse.

"What are you doing?" I hissed when he half rolled down the window on his side.

"Good evening Sir." Rinig kong bati ng guard sa kanya.

"Good evening."

"Bawal po ang ginagawa niyo Sir. Nasa public area po tayo. Kung puwede po sana ay maghanap po tayo ng tamang lugar para riyan." the guard curtly said.

Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa?

"Sige Sir. Pasensya na sa abala." Harvey said and rolled the window up.

"Bakit tayo pinapaalis?" tanong ko nang makalayo ang guard at sina Kuya.

"Ewan ko sa sikyo. Bawal ata yumugyog ang kotse, kung anu-ano iniisip bigla." aniya, natatawa.

Tiningnan ko siya nang nakakunot-noo nang hindi maintindihan ang ibig sabihin.

"What?"

He shook his head and licked his thin lips.

"Tss wala. Sabi ko happy birthday."

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now