Chapter 22

4.6K 140 1
                                    

The Eternal City was an exemplar of a living museum. Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako sa Rome pero pakiramdam ko ay first time ko sa lugar dahil sa excitement na nararamdaman. Mahigit isang buwan kaming namalagi sa Roma kaya nakituloy kami sa bahay ng kapatid ni Papa na naka-base sa Rome.

The place was full of historical places to visit kaya kahit isang buwan na kami roon, pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat ang mahabang bakasyon para puntahan ang lahat ng gusto naming puntahan.

Kasama namin ang mga pinsan at kapatid ni Papa kaya pakiramdam ko ay buong angkan ng Almendarez ang nandito. Kasama ko sa isang room si Ate Sanya at Sabrina. Kaya sila ang nakakaalam na halos gabi-gabi ang video call namin ni Harvey.

"Hope, saan ka na naman pupunta?" tanong sa akin ni Kuya nang makitang paakyat ako.

"Upstairs!" I shouted.

I spent ten minutes celebrating the New Year's Day with them. I have someone waiting to celebrate his New Year with me plus our first anniversary of being together!

"Happy anniversary!" I shouted as soon as I accepted his video call.

He chuckled. "Happy anniversary."

We both clinked our champagne glasses on the screen. Nasa mataas siyang bahagi ng gusali at background niya ang mga makukulay na fireworks habang ako ay nagkulong lang sa loob ng room at hindi na nakihalubilo sa baba. Kagaya noong Christmas Eve ay ganito rin ang ginawa ko.

He's in Maldives alone. Kagaya noon ay mag-isa na naman niyang sinalubong ang pasko at bagong taon. I feel sad for him. Ganoon na ba talaga sa kanila?

I just know that his father is a workaholic man and has no time for celebrating holidays like this. His brothers, on the other hand, have their own families to prioritize. Pero ano naman kung imbitahin nila ang kapatid sa kanila? Siguro ay ganoon na talaga kapag sobrang yaman na? Money matters over family.

Kaya ipinapangako ko ngayon na sa mga susunod na pasko at bagong taon ay magkasama na kami.

Magkasabay kaming bumalik ng Pilipinas ni Harvey. We met once before the class resumed. He gave me another set of hair tie and hair clip while I gave him a crucifix necklace. I had it blessed from the Vatican Church. I hope it'll guard him against danger. Lalo pa't nagri-race siya.

Nang bumalik siya sa pagri-race ay naging abala na ako sa school at SC. Kaya hindi ko na siya nasasamahan palagi katulad noon.

Dumating ang graduation ni Kuya at pag-alis niya patungong Spain kasama si Kuya Ace. Hanggang makaalis siya ay hindi niya nalaman ang tungkol sa amin ni Harvey.

I spent my vacation mostly in my house. Parehong busy si Mama at Papa sa trabaho kaya hindi na ako nag-abalang magbakasyon mag-isa. Ganoon din si Harvey. Gaya-gaya siya. Pero masasabi ko rin na may mabuti ring naidulot ang pagiging gaya-gaya niya dahil kahit papaano ay nagkikita pa rin kami.

Namili ako ng mga gamit ko para sa pasukan kasama ang mga kaibigan maliban kay Lav. Lav was working as a saleslady in a boutique of a famous brand of clothing line. Rito rin mismo sa mall kung nasaan kami ngayon at pagkatapos naming manood ng sine ay ang boutique kung saan siya nagtatrabaho ang sunod naming pinuntahan.

"Good morning Ma'am, Sir. Welcome˗" tumigil siya sa pagbati nang makitang kami ang customer.

"Anong ginagawa niyo rito?"

"Kakain siguro. Ang sarap ng mga damit niyo rito." pilosopong sagot ni Kyzer.

"Gago." Lav whispered.

She looks august in her simple uniform. A black pencil skirt and a white long sleeve shirt was underneath her black coat. Ang suot na itim na heels ay mas lalong nakadagdag pa sa kanyang tangkad. She looks gorgeous and matured. Kung titingnan ay parang mid twenties na siya.

Dumako ang tingin ko sa boobs niya. It grew bigger I noticed. Her butt was well filled out too. And that small curves of her. Did she enroll herself to a gym class? Bakit parang mas gumanda ang katawan niya lalo?

Then I looked down to my body. Lumabi ako nang mapagtanto kung gaano kalayo ang pigura ng katawan ko sa kaibigan. Mas nagmukha pa akong bata tingnan sa suot ko. I was wearing a floral off-the-shoulder cropped top and shorts paired with sandals. I have a body of standard weight and height. Hindi nga lang pinagpala sa boobs at puwet but I think I can work with that. I should enroll myself to a gym class.

Bumaba ang tingin ni Lav sa mga paperbag na dala-dala namin. Tumagal ang tingin niya rito bago umangat ang tingin sa'min. She gave us a small smile.

Pumipili ng damit si Peachy at Devi habang si Kyzer at Pau ay puro ingay at eskandalo lang ang ginagawa sa loob ng boutique. Ako naman ay si Lav ang sinundan ko.

"Kumusta?" I asked Lav.

"Heto, humihinga pa rin." she laughed inwardly.

Inaayos niya ang mga damit na naka-hanger habang ako ay sinandal ang katawan sa isang post malapit sa kanya.

Bumaling siya sa'kin. "Ikaw kumusta? Kumusta kayo ni Harvey?"

Pagbanggit niya pa lang sa pangalan ng boyfriend ko ay awtomatiko akong napangiti. Napansin din iyon ni Lav kaya ngumisi lang ito at hindi na nagkomento pa.

Marami akong ikinuwento sa kanya. Ang bakasyon ko sa Italy at ang tungkol sa amin ni Harvey. God. Na-miss ko ang noon kung saan ay palagi pa kaming tumatambay na tatlo nila Miko sa eatery nila tuwing lunch at pagkatapos ng klase. Ngayon kasi ay hindi na namin nagagawa iyon dahil parehong abala na kami sa kanya-kanyang ganap sa buhay.

"Kayo? Kumusta kayo ni France?" I simply asked.

Dahil doon ay naihulog niya ang mga damit na hawak at tiningnan ako, gulat na gulat.

"Bakit?" natatawa kong tanong sa kanya. Sa ipinapakita niya sa akin na reaksyon ngayon ay mas lalo lang lumakas ang kutob ko na tama nga ako.

"A-ano?" she stammered.

I knew it. Matagal ko nang napapansin ang kakaibang galaw niya pero pinili ko ang manahimik. I know there's a guy. Ang una kong naisip ay si Miko dahil sila ang palaging tinutukso sa loob ng classroom. Pero nang makita ko sila ni France sa color fun run na magkasama, roon nagsimula ang kutob ko sa kanilang dalawa. Hindi rin nakatulong ang pagiging obvious ni Harvey kapag tinatanong ko siya tungkol kay France.

"Wala, wala siyang dini-date alinman sa mga kaibigan mo. Wala talaga."

Iyan ang palagi niyang sagot sa'kin sa tuwing tinatanong ko kung kumusta na ba si France. I didn't even ask him about France's lovelife. Tss.

"Hindi kami Hope." sabi ni Lav, hindi makatingin sa'kin ng diretso.

I was smiling widely while staring at someone over her shoulder.

"Hope." bati niya nang makalapit kay Lav. I saw how Lav's body stiffen.

"France!" Kunwari ay nasorpresa ako na nandito siya. Kagaya ng ibang sales man sa loob ng boutique ay ganoon din ang suot ni France. A black slacks and white long sleeves. Looking at them together, they more look like the owner of this boutique than employees.

Mukhang nakuha ko ang atensyon ng iba pa naming kaibigan kaya lumapit din sila nang makita si France maliban kay Pau na may kung anong sinisilip sa labas ng boutique.

"Pres!" bati nila kay France. He gave us a warm smile and it made us all giggle in giddy.

France is handsome, genius and gentleman. Hindi ko nga naman masisisi si Lav kung magustuhan niya ito. I was once had a crush on him and it feels like ages ago. Kung babalik ako noong mga panahon na 'yon ay iisipin kong imposible na mamahalin ko ang kaibigan niya ng ganito.

I narrowed my eyes, Peachy folded his arms over her chest, Devi was smiling from ear to ear and Kyzer was humming while we're looking at our dearest friend.

See? Hindi lang ako ang nakakapansin. There's really something between these two. At first, hindi ako makapaniwala dahil minumura lang siya noon ni Lav tapos ngayon˗

"Hope!" ang malakas na sigaw ni Pau ang bumulabog sa tahimik na boutique kaya halos lahat ng tao sa loob ay sa kanya napunta ang atensyon. Humahangos siyang lumapit sa amin. The trouble in his eyes made me nervous.

"May problema!"

A Hope to Lose (Friend Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon