Chapter 10

5.4K 180 5
                                    

I held my chest as I tried to calm my pounding heart from running. Nilingon ko ang pinanggalingan. Nandoon pa rin si Harvey, nakatayo at nakangiti sa'kin.

He waved at me and instead of waving back at him, I gave him a frown. He laughed and started searching something from his pockets. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siyang may hinahanap sa bulsa ng pants niya.

I gasped when he feigned like he got a finger heart from his pocket and gave it to me. Hindi ko mapigilan ang matawa sa kapangasahan niya. I shook my head as I stifle my laugh before I turned my back against him.

"Ay bakit mo tinakbuhan jowa mo?" bungad sa akin ni Kyzer nang makalapit ako sa kanila.

Nakatanggap naman ako ng kurot kay Lav.

"Ano 'yon? Landian sa tapat ng hospital?"

Hindi ko sinagot ang mga tanong nila at nauna nang pumasok sa loob ng ospital. Ako ang tinulak nilang mauna sa pila kaya ako ang unang sinuri ng doktora.

The doctor wore her stethoscope. She placed the piece over my chest and ordered me to take a deep breath and exhale slowly. Naging seryoso ang mukha ko nang mahuli ang pagkunot ng noo niya habang pinapakinggan ang heartbeat ko.

"Kinakabahan ka ba, hija? You have a rapid heartbeat." she commented and motioned me to turned my back to her so she could check my back as well. "Kahit dito sa likod, I could hear your heart beating rapidly and strongly."

I heard my friend' cackles behind kaya tinapunan ko sila ng masamang tingin.

"Ay dok, kausap niya kasi boyfriend niya sa labas. Kaya ayan, aftershock." Pau said. The doctor chuckled and shook her head. They're really kept on insisting that he's my boyfriend lalo na't palagi siyang pumupunta sa building namin.

"It's because I ran!" I reasoned out but no one seemed to care of it.

After our checkup, which is almost noon break na rin kaya sabay-sabay na kaming kumain ng lunch sa cafeteria. Habang naghihintay sa first period ngayong hapon ay tumambay muna kami sa students' lounge. Sa grupo namin ay si Kyzer at Pau ang pinakamaingay kaya kahit anong pilit ni Lav na umidlip ay hindi niya magawa kaya maging siya ay naging maingay na rin noong huli.

Umakyat lang kami nang dumating na ang oras para sa una naming period ng hapon. We were all became busy with the continuous discussion by our professors. Halos kakalabas lang ng isang propesor, nandiyan na agad ang susunod kaya wala kaming panahon para makipag-usap sa isa't isa.

Pagkatapos ng huli kong klase ngayong araw ay diretso kaagad ako sa parking area kung saan naghihintay si Kai. I practiced myself to go to Kuya right after my last period class in the afternoon. He knew my schedule. At natatakot akong galitin siya ulit sa parehong dahilan noong pinaghintay ko siya ng ilang oras dahil pumunta ako sa Tagaytay kasama si Harvey. Ayoko nang maulit 'yon.

Biglang nag-init ang mukha ko nang maalala si Harvey at ang sinabi niya sa'kin kaninang umaga. Nanliligaw siya?

Yes, Hope. He is courting you. I chuckled and shook my head to erase the thought.

My attention went to Kai on the driver seat when I heard him hiss. He rolled his eyes at me before he fixed his eyes on the road. He didn't say anything but it seems like he knows what I'm thinking.

Dumaan muna kami sa isang grocery store. We do grocery shopping once in a quarter dahil iyon ang gusto ni Mama. Para raw hindi naman kami maging ignorante sa mga ganitong gawain.

Kai was pushing the push cart while I was the one who's looking for the item listed on the list. Mahigit dalawang oras din ang inilagi namin sa loob ng store bago kami natapos at nakalabas. We're already heading to the parking lot when we saw people running towards the entrance of the mall.

"Anong meron?"

"Vlog or shooting?" Kuya unsurely answered. Hindi ko na mapigilan ang curiousity na nararadaman ko kaya nagtanong na ako sa isang babae na papunta na rin sa kumpulan.

"Proposal po!" the girl said, giggling. Lumingon ako kay Kuya na may ngiti sa labi.

"May proposal. Let's watch." aya ko sa kapatid. Wala na rin itong nagawa nang tumakbo na ako sa kumpulan ng mga tao. Mukhang ayaw pa nga atang sumama pero alam ko namang wala na siyang magagawa kung ayaw niya. Kailangan niya pa rin akong hintayin.

Kahit tumingkayad na ako ay hindi ko pa rin kita ang nasa gitna dahil sa mga taong nasa harapan ko. I sighed while looking at their backs. Yeah, their backs look good.

Nakitili ako nang tumili ang mga tao sa harapan. Maybe the girl already said yes!

Dahil sa ginawa kong pagtili ay tinawanan ako ni Kai na nasa likod ko at effortless ang pagtingin sa nangyayaring proposal sa gitna dahil sa angking tangkad niya.

Hindi nagtagal ay humupa na rin ang mga tao hanggang sa kaming dalawa na lang ni Kai ang natitira nilang manonood.

I stared at the couple adoringly. They're hugging each other and the way they looke at each other, they seem not to care with their surroundings. 'Yong pakiramdam nila na parang sila lang ang natatanging tao sa mundo.

"Walang kuwenta." Kuya said before he turned around and started walking away. Mabilis ko naman siyang sinundan habang natatawa.

"You're just bitter because you're lonely." sabi ko sa kapatid habang hinahabol siya.

"Who said that I'm lonely?"

"Ako." Lonely naman siya kasi wala siyang girlfriend. He never treats his girls as his girlfriends.

"I may be alone Hope but I'm not lonely."

"Why don't you get a girlfriend Kai?" I asked. "And I mean a real girlfriend." I pointed out. I think that caught him off guard as his pace slowed down.

He turned to me and smiled. "I won't get a girlfriend because I feel lonely. I will get one once I'm all ready."

What he said took me by surprise. Hindi ko inasahan na may ganito rin palang iniisip si Kai. Hindi bagay sa reputasyon mayroon siya pagdating sa mga babae.

Sa sinabi niyang 'yon ay parang naiisip ko na tuloy na magiging faithful siya once na nagseryoso na siya. At dahil din sa sinabi niya, napagtanto ko na maging ang mga taong malalapit sa'yo ay hindi mo pa pala kilala nang lubusan.

Nang makauwi ay tumulong ako sa kasama namin sa bahay na maghanda ng hapunan. Kahit maraming kumakaway sa'kin na assignment at trabaho sa SC ay sinisiguro ko pa rin na nakakatulong ako sa bahay.

After the inauguration of the newly elected SC Officers, I started working for the SC. Kaya tuwing free time ko ay diretso kaagad ako sa SC Office para mag report. Kahit sa bahay ay dinadala ko pa rin ang gawain ko sa SC, hindi lang ang studies ko. I admit being a student council is making me busy. I am glad to be of service kaya walang panghihinayang na inilalaan ko ang oras ko sa opisina ng SC.

I laughed inwardly. I really sounded like a politician right now. Hindi kaya future ko talaga ang maging public servant?

No way. Ayoko. Iniisip ko pa lang ngayon ay kinkilabutan na ako. Yes, I love devoting my time for people but not to the point that I'll consider entering politics.

"Your birthday is nearing, Hope. I'm planning to contact an event planner this week so we could start your plan for your debut." Mama excitedly beamed on a one fine afternoon of Sunday. We're making waffles in our kitchen when she mentioned my nearing eighteenth birthday.

"Ma, I was thinking not to have a grand debut. Huwag na 'yong mga eighteen eighteen na gano'n."

"Besides my friends hate formalities, hindi rin lang naman nila 'yon mai-enjoy. Neither do I. I don't like sitting in princess gown alone watching people, dancing with guys, receiving messages and so the likes." sabi ko sa ina.

Hindi naman sa ayoko talaga ng grand debut. It was just that mas prefer ko iyong simple na lang pero masaya katulad ng kay Lav. 'Yong makakagalaw kami ng walang limitasyon. And I know Miko and my other male friends, they hated suits. In general, my friends want a real party and I mean drinking and dancing like there's no tomorrow.

"What?" Mama said in hysterics. She stopped from doing waffles and gave her full attention to me. Kaya maging ako ay tumigil na rin sa ginagawa.

"No Hope. You shouldn't miss this kind of event in your life! We should make the most of it. It should be grand, lavish, sumptuous, prodigal..."

I wrinkled my nose hearing Mama's words.

"Ma, I just want my birthday celebration to be simple but enjoyable. Don't you like that? Mas convenient sa inyo ni Papa dahil hindi na kayo gagastos nang malaki para sa birthday ko." I said as a matter of fact.

Kumunot ang noo ni Mama, parang hindi nagustuhan ang mga sinabi ko.

"Anak, tinuturuan namin kayo ng Kuya mo kung paano magtipid pero hindi ibig sabihin no'n ay titipirin na namin kayo palagi. Lalo pa't sa mga ganitong okasyon na isang beses lang sa buhay niyo magaganap."

"Ayaw naming ipagkait 'yon sa inyo kaya nga kami nagtatrabaho ng Papa niyo ay para mapunan namin ang mga kapritso niyo." Mama sighed dramatically and continued whisking then stopped when she had something to add to her speech.

"And remember when your Ate Sanya debuted? Your Papa and I could see the glint in your eyes while you're looking at her, spotlighted as she climbed down the grand staircase. Your eyes were telling us that you want it too."

Then I remember Ate Sanya's debut. Well, I always fascinate events like that. Hilig ko ang manood ng mga importanteng okasyon at magagandang pangyayari sa buhay ng isang tao. Pero pagdating sa akin ay parang ayoko. I hate attention. I'd rather be one of the crowds than being the limelight.

Kaya maging sa dinner ay hindi pa rin binibitawan ni Mama ang usaping iyon at maging si Papa ay nakisama na rin.

"Are you sure, Hope?" tanong sa'kin ni Papa nang sabihin kong ayaw ko na ng enggrandeng debut.

"Yes Pa."

"Just tell us what kind of celebration you want for your birthday then." sabi ni Papa kaya kaagad akong ngumiti at nagpasalamat sa kanya na ako ang masusunod dito.

"Nick!" Mama protested but Dad only shook his head.

"Let your daughter decide for her party Geneva. If having formal party makes her uncomfortable then let's not do it. Kung ano ang gusto niya ay iyon na lang sana ang masunod."

"Pero..." Mama trailed off. Alam niya na hindi na niya mababago pa ang pasya ni Papa kung kaya sa akin niya itinuon ang atensyon, nagbabakasakaling mababago pa ang pasya ko.

"Hope, may after-party naman pagkatapos."

"That means another expenses, Ma. Let's stick na lang sa after-party." sabi ko at sumubo ng kanin at ulam.

"What? How can you say that it's an after-party kung hindi naman tayo magho-host ng debut?"

Kai gave Mama a thumbs up.

"Ayaw lang niyan mag-debut dahil natatakot na ipakita ang boyfriend niya."

What?!

I looked at my brother with wide eyes then knitted brows. Sabay na lumingon sa akin si Mama at Papa kaya mabilis akong umiling para bigyan sila ng sagot na ikakapanatag nila. Habang si Kuya ay ngumingiti lang ng nakakaloko habang nilalaro ang wine glass na hawak.

"Wala akong boyfriend Ma, Pa." I said. Lumingon ako kay Kuya at inismiran siya. "Fake news 'yang si Kuya."

Kuya's brow shot up. "Talaga ba? Kaya pala hanggang sa puno ng narra ka lang niya hinahatid at 'di ka maidiretso sa'kin. Bakit Hope? Takot sa'kin? Wala palang bayag 'yang lalaki mo." Kuya Kai laughed.

"Kuya!"

"Nikolai!"

My parents and I called Kai in unison. My face heated when his words played inside my head again.

He knows? Alam niya na may humahatid sa'kin hanggang puno ng Narra sa tuwing pauwi na ako? Kung ganoon nga ay bakit ngayon niya lang ito sinasabi sa'kin? I wonder if he knows that it's Harvey.

"Totoo ba 'to Hope?" tanong sa'kin ni Mama nang matapos pagalitan si Kuya sa paggamit ng vulgar word.

"Wala akong boyfriend." I said it firmly.

"But you have suitors?" Papa asked, raising a brow at me.

"I don't have suitors." agap ko dahil wala naman talaga akong mga manliligaw.

"Suitor then?" Papa urged. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya dala ng gulat.

Ngumuso ako at hindi na lang sumagot. I don't want to lie and I don't want to confirm it either. Pero sa pagiging tahimik ko ay parang nakuha na kaagad ni Papa ang tamang sagot.

"Just be meticulous when you're getting a boyfriend Hope." Papa advised.

Umangat ang tingin ko kay Papa. Nakangisi siya. I didn't know if I should be felt at ease with that or what.

"Pa!" Kuya exclaimed in horror. Nabaling ang atensyon ko kay Kuya nang tawagin niya si Papa at padarag na ibinagsak ang mga kubyertos.

"Hahayaan niyo lang na mag-boyfriend si Hope? Eh ang bata pa niyan!"

"Mas mabuti na magkaroon ng boyfriend ang kapatid mo kaysa ang gayahin ka. Masyado kang makalat." iiling-iling na sabi ni Papa kaya natawa ako. Tumigil din kaagad nang makita ang nag-aalab na tingin sa akin ni Kuya.

I coughed and focused my eyes on my plate.

"If that's the case, we should pursue holding a debut party Hope. Don't you like him to be your escort?" si Mama na ngayon ay ang debut ko pa rin ang iniisip.

Napaisip ako sa sinabi ni Mama? Escort? Hindi ko naisip 'yon noon. Ngayon na sinabi niya, hindi ko mapigilang mapangiti nang mailarawan sa isip ang debut party ko at siya ang escort ko.

I blushed. Iniisip ko pa lang kung paano ko siya iimbitahan ay nahihiya na ako. Paano pa kaya kung totoo na?

Oh god. Hindi ako makapaniwala na kinokonsidera ko na ang magkaroon ng debut party dahil lang sa isiping magiging escort ko siya.

"Kung may manliligaw ka anak, mas mabuti na makilala namin siya˗"

"Pati ba naman ikaw Mama?" madramang sabi ni Kuya.

"Well, kung may manliligaw ang kapatid mo, mas mabuti nang kilala natin anak."

"I'm turning eighteen na Kuya. I'm of my legal to have one."

Noong highschool ako, halos karamihan ng mga kaklase kong babae ay may boyfriend na. Lalo pa noong nag senior high ako. Mukhang ako na lang ang walang boyfriend sa amin. Ngayong college na ako ay hindi ko na iyon masyadong naiisip pa dahil kay Lav na kagaya ko ay wala ring boyfriend. But she had exes. At sa tuwing naiisip ko na may experience na siya sa pagkakaroon ng boyfriend ay nai-insecure ako.

Kaya ngayon na nanliligaw sa akin 'yong crush ko. Yeah, Harvey is my crush. I just realized it yesterday when we're chatting. When you couldn't hide your smile while typing a message for him or receiving a message from him. Kahit wala namang nakakatuwa sa pinaguusapan namin ay 'di ko pa rin mapigilan ang mapangiti. Kinakabahan din ako kahit wala namang nakakakaba sa pinaguusapan namin at nagiging paranoid din kapag hindi siya nakakapagreply kaagad. It felt like I said something bad kaya kaagad kong binabalikan ang previous messages ko.

God. Is it still normal?

Kaya ang gusto ko ngayon, kapag magbo-boyfriend na ako ay okay sa pamilya ko para hindi na mahirap pa.

"Tss. Hindi uubra sa'kin 'yan. Anong legal legal? Ilegal ang magboyfriend Hope." sabi ni Kuya na ikinasimangot ko.

"Bakit ikaw? Noong elementary, may girlfriend ka na kaagad ah? Kolehiyala na ako Kuya, I deserved a boyfriend." Saad ko na ikinatawa ni Mama at Papa.

Kuya smirked. "Hindi ako naggaganoon, Hope."

"Well, whatever you call that. Basta, okay na kay Mama at Papa na mag boyfriend ako. Kaya dapat ay ikaw rin, Kuya."

"Tumatapang ka na ah? Humanda sa'kin 'yang syota mo."
"Pa oh, si Kuya." sumbong ko na ikinatawa ni Papa.

"Pinapayagan kitang mag-boyfriend Hope kaya papayagan ko rin ang kung anong gustong gawin sa kanya ng Kuya mo." Wika ni Papa na ikinagulantang ko.

"Pa!" Ngayon ay ako na naman ang parang kinakalaban ni Papa.

Tiningnan ko ng pagkasama-sama si Kai pero ang huli ay nagkibit lamang ng balikat at ipinagpatuloy ang pag kain.

"Kung tama nga ang sinasabi ng kapatid mo na hindi kayang manligaw ng manliligaw mo sa harap niya, hindi siya para sa'yo anak."

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now