Chapter 40

6.9K 210 19
                                    


I could still remember the story of Pandora. What's left in her box is hope and I somehow believed that. Wala na sa akin ang lahat pero nandiyan pa si Harvey, ang pag-asa ko. My only hope.

My grip on his forearm tightened. Whatever it takes I wouldn't lose my hold on my only hope. I would even tighten my hold just to keep him.

"Where are you taking me?" I asked while he's busy blindfolding me.

"Pareho na tayong hindi makakita." malungkot kong sabi.

I feel his calloused hand on my cheek. Ngumiti ako at naramdaman ko na naman ang namamasa kong mga mata. Mukhang hindi tatagal sa akin ang blindfold na 'to at mababasa ng luha ko.

"We both have calloused hands too."

"Bagay na bagay talaga tayo 'no?' I said and heard him laugh.

I never knew that being blind means I could focus more on the sound he makes. Even his heavy breathing and gasps, I could listen to it well. I placed my hand over his chest and there, I feel his heart throbbing quickly like mine.

"Puwedeng samahan mo muna ako sa kadiliman ngayon?" he asked.

Gusto kong sabihin na matagal na. Matagal ko na siyang sinasamahan sa kadiliman.

Naramdaman ko ang kamay niyang nakalahad kaya tinanggap ko iyon. I heard curses from his friends. I smiled as I heard their whispers. Halos karamihan ay mga mura at tunog ng sapak ang naririnig ko.

Napamura si Harvey nang matalisod kami. Wala rin kasi siyang cane at tanging ang kamay lang naming dalawa ang nagsisilbing alalay ng isa't isa.

"Alalayan mo gago." Rain hissed. Then someone guided us.

"May steps guys." sigaw ni Eve mula sa malayo.

Sabay kaming umakyat ng tatlong baitang at pagkatapos noon ay tumuloy na sa paglalakad.

"Stop." Eve said. Hinawakan ko ang nasa harap namin. Nasa harapan kami ngayon ng isang mesa.

May sumubok na paghiwalayin ang kamay namin ni Harvey pero hindi ko binitawan ang kamay niya. Ganoon din siya.

"Wala talagang makakapigil sa kalandian niyo no?" Rain asked while trying so hard to unclasp our hands.

"Rain." I heard Kuya Ace called her from afar.

"Ano?"

"Come here. Let France and Raven guide them. You're ruining the moment."

"Ay shala. Patingin nga ng ruining the moment, mahal?"

"Tss."

Pagkatapos noon ay rinig ko mula sa malayo ang pang-aasar ni Rain kay Kuya Ace.

Someone guided us to sit down. We were sitting next to each other. That's much better than sitting across from him. At least, dito ay nahahawakan ko ang kamay niya at katabi ko siya.

I was taken aback when he handed me a bouquet. I tried to touch it all and recognized that it was really a bouquet of flowers!

"Wow. This is first time!" namamangha kong sabi habang kinakapa ang bulaklak. Ngayon lang niya ako binigyan ng isang palumpon ng bulaklak. Kahit anong pagpupumilit ko sa kanya na bigyan ako noon ay hindi niya ako binigyan dahil hindi siya mahilig sa bulaklak.

"Thank you babe." sinsero kong sabi at hinanap ang labi niya at mabilis na hinalikan. I clung my arms into his arm before I rested my head over his shoulder and sighed.

"Babe." I whispered.

"Hmm?"

"Tomorrow, let's start preparing for our wedding."

I wanted to marry him after this. Wala na akong pakealam kung wala nang magarbong preperasyon. Ang importante ay maikasal na ako sa kanya.

"Wala tayong pera, Sof." I could feel how hardly he said each word. Maging siya ay hindi rin sanay sabihin ang mga katagang 'yon.

Ngumiti ako at umiling.

"Hindi natin kailangan ng pera para maikasal Jo."

I waited for his response but it never came so I resumed talking.

"Sa darating na linggo, narinig ko na may mass wedding sa chapel and that's free. Let's get married on Sunday." I convinced him.

I was already planning on finding a perfect dress and dress shirt for him for our wedding day. May mahahanap naman siguro ako sa mga gamit namin. That thought excited me. Mamaya pagkauwi namin ay iyon ang una kong gagawin.

"Pero hindi iyon ang gusto mong kasal. Ayaw mo nang madalian 'di ba? Gusto mo planado at organisado. Palagi mong sinasabi sa'kin noon na isang beses ka lang magpapakasal kaya gusto mo engrande at espesyal. Pa'no matutupad ang dream wedding mo kung sa mass wedding lang tayo magpapakasal?" sunod-sunod niyang tanong.

"Tama ka pero noon iyon. Ngayon ay wala na akong pakealam sa dream wedding ko basta ikaw ang pakakasalan ko, that's more than a dream come true for me."

I heard him exhale deeply.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Kinakabahan kong tanong.

Bumuntong-hininga siyang muli na mas ikinakaba ko ng lubos.

"Hindi ko gusto kung paano mo babaan ang pangarap mo para lang mapantayan mo ako sa ibaba."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Halata naman na ako ang humihila sa'yo pababa."

What he said surprised me. I didn't know he's thinking that way. Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at tinapik ng bahagya ang kanyang pisngi.

"Hey listen. That was my dream before but after the accident, may napagtanto ako."

Umupo ako nang maayos.

"Napagtanto ko na may mas mahalaga pa sa pangarap at kinabukasan, iyon ay ang ngayon Jo. Let's not ignore the now by worrying our future. At the end, we still do not know what our future holds."

Our conversation was disturbed when our food was served. We started eating. I was eating with blindfold on. I know I look like stupid but I love this stupidity as long as I can make him feel that he's not alone. I will never let him live his life sightless alone.

His friends are all here I could tell. Mukhang sila rin ang naglalagay ng pagkain at inumin sa mesa namin pero hindi kagaya kanina ay tahimik na sila ngayon. Hindi ko na rin masyadong ramdam ang presensya nila maliban na lang kung lalapit sila sa mesa namin.

"So ano babe? Sa Sunday?" muli kong tanong. I need his confirmation para kapag hindi niya gusto ang date ay maghahanap kaagad ako ng iba pang araw ng mass wedding.

Naghintay ako ng sasabihin niya pero isang musika ang pumailanlang. I moved my head sideways to find where's that sound is coming from.

"Sayaw tayo, Sof." he said and I felt him stood up beside me. Naramdaman kong muli ang nakalahad niyang kamay.

"You hated this." I mumbled but accepted his hand.

He locked his arms around my waist so was my arms around his neck.

He hated overused gestures that's why we never dance like this until now. He hated romantic and corny dates like this but we're dating right now. He hated flowers but he gave me a bouquet of flowers today for the first time. He hated surprises but he kept on surprising me today.

I rested my head on his chest and closed my eyes even I already had my blindfold. I smiled when I could hear his quick heartbeat.

"Kapag magpakasal ka sa'kin, kung ano ang nakikita mo ngayon ay ganyan ang magiging buhay mo sa'kin Sofia."

Sinubukan kong alisin ang pagkakasandal sa kanya pero mabilis niya akong pinigilan. He caressed my hair.

"Madilim at nakakatakot."

"You're˗"

"Walang kasiguraduhan at puno ng baka sakali."

Sa binitawan niyang mga salita ay parang may dumagan sa dibdib ko. Ang bigat at ang sakit.

"Ang dami-dami kong pinagsisihan ngayon. Hindi pa nga ako nakakabawi sa mga kasalanan ko sa'yo noon tapos ngayon, pinapahirapan na naman kita."

"Ang laki kong gago at isang malaking tangina sa'kin kasi..."

"Anong ginawa kong maganda sa'yo para manatili ka sa'kin?"

I could feel his body shaking while holding me. I bit my lower lip and cried silently on his chest.

"Ako ang nagdala sa'yo sa kadiliman na 'to pero ni isang beses hindi kita narinig na sinisi mo 'ko. Ang sakit-sakit na marinig kang umiiyak gabi-gabi at wala akong magawa kung hindi ang pakinggan ka lang."

I was trying not to make a sound every time I cry so he wouldn't hear me. I didn't know that he could still hear me cry. Kaya ngayon ay hindi ko na mapigilan ang humagulgol ng iyak sa dibdib niya habang iniisip ang mga gabing akala ko ay mahimbing siyang natutulog at mag-isa lang akong umiiyak, iyon pala ay tahimik niya lang akong pinapakinggan.

"So, thank you for loving me... For being my eyes, when I couldn't see... For parting my lips, when I couldn't breath... Thank you for loving me..." pag-awit niya habang umiiyak at tumatawa.

I hugged him tight and cried harder in his arms.

"I'm starting to think that it became your favorite routine now cuz you always make me cry." pag-amin ko. Dati ang tanging trip niya lang ay ang asarin ako hanggang sa maiyak ako sa pikon. Ngayon ay ang tingnan ko lang siya ay nag-uunahan nang magsilabasan ang mga luha ko.

"And will you please stop making me feel like a saint? Baka nakakalimutan mo na araw-araw kitang sinasaktan. Kapag gusto ko ay pinapatulog kita sa sahig at kapag galit ako ay hindi kita pinagbubuksan ng pinto. I'm your bully Jo. Please don't take all the blame. I do have my shared faults here."

"Mahal na mahal kita. Gusto kong maging madamot at sabihing manatili ka na lang sa tabi ko pero hindi ko kaya."

Tinanggal ko ang blindfold at tiningnan siya.

"What do you mean?"

He smiled and shook his head.

"Tara." aya niyang muli at inilahad sa'kin ang kanyang kamay.

"Uuwi na tayo?" tanong ko at pinunasan ang sariling luha.

Tumango siya at pilit na ngumiti. Kahit maaga pa ay sumang-ayon na rin lang ako. Marahil ay napagod na rin siya.

"Okay." I said and held his hand. He intertwined our fingers together and tightened its hold.

Sumakay kami sa kotse ni France. Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa mapansing iba ang daan na binabagtas namin.

"This is not the way˗" I stopped from talking when I realized something. "May sorpresa ka pa?" I teased and he smiled.

My smile grew wider when I felt excited. He hates surprises pero ngayon ay mukhang paborito niya ito dahil ilang beses na niya akong sinorpresa. Pero ang masayang ngiti ay unti-unting naglaho nang mapansin ang pamilyar na kalsada.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya na kaagad ko ring nilipat kay France. Our eyes met in the rearview mirror but he quickly dodged my stares.

"Mali yata˗"

"Umuwi ka na sa inyo Sof." Malumanay na sabi ni Harvey na ikinagulat ko.

"A-ano?"

"Matagal na kitang kinuha sa kanila."

"Alam mo ba ang sinasabi mo? Kapag umuwi ako sa kanila˗"

"Hindi ka na makakauwi pa sa'kin. Alam ko."

"This is so stupid. Ayoko. France, turn around. Ihatid mo kami sa bahay." galit kong sabi pero ang kaibigan niya ay tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho papuntang village namin.

"France!" I shouted but he's like a statue. Malamang ay si Harvey ang susundin niya dahil ito ang kaibigan niya.

"Jo." I helplessly looked at him but he just smiled at me.

Huminto ang sasakyan sa gilid ng gate ng aming village.

"You really want me gone huh?" I angrily asked and unbuckled my seatbelt.

Lumabas ako ng kotse at sinara ito ng malakas para marinig niya na lumabas na ako at para sundan niya ako. Mabilis ang lakad ko at walang lingon-lingon sa pag-aakalang pipigilan niya ako pero wala akong narinig na boses niya.

Humagulgol ako at nilingon siya. Harvey's standing alone there with his cane. Tumakbo ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Are you stupid? Bakit hindi mo 'ko pinigilan?"

"Uh, umalis ka na pala? Hindi ko kasi nakita." he joked but I just pulled his hair lightly.

"Now, you even have the guts to joke around?!"

"Pinapasaya lang kita." he chuckled and played my curls again.

"Sa tingin mo pinapasaya mo ako ngayon?"

Hindi niya ako sinagot sa halip ay niyakap ako ng mahigpit.

"Jo!" I frustratedly called his mother's nickname.

"Hmm?"

"How can you be so calm like that while you're breaking my heart?" iyak ko at sinuntok ang dibdib niya.

"Simula bukas Sof, makakakita ka na ulit."

"Bakit kita uunahan? Sabay tayong makakakita. Hindi ba't sabi ko noon, ako ang una mong makikita at ikaw ang una kong makikita kapag nakakita na tayo. Bakit ganito?" napapadyak ako sa inis.

"Sino na ang sasama sa'yo kapag magpapa checkup ka ha?!"

Ngumiti siya. "Nandiyan si France."

"Sino ang maglalaba ng damit mo?"

"Rain volunteered."

"Sino ang magluluto at magpapakain sa'yo?"

"Si Alric ang magluluto at si Eve ang magpapakain sa'kin."

I feel like they're ganging up on me. Ngayon ko lang hindi nagustuhan ang pagiging matulungin ng mga kaibigan niya.

"Si-sino... sino ang papaypay sa'yo kapag naiinitan ka?"

"Kay Raven ako tutuloy Sof kaya hindi na kailangan ng papaypay. May aircon na."

Mas lalo lang akong napahagulgol dahil ang bilis ng sagot niya sa mga tanong ko. He really planned this.

"Sino ang makakatabi mo sa gabi sa pagtulog?" I asked.

"Huwag mong sabihing si Step!" I warned and he laughed. Hinintay ko ang isasagot niya pero nanatili siyang tahimik.

"See? Wala kang kasama sa pag-tulog kaya hindi ako papayag." sabi ko

He sighed and patted my head.

"Walang kasiguraduhan kong makakakita pa ako Sof."

"That's why I'm here! Hope's here! Huwag mo naman akong bitawan." I plead and held his hand tightly.

"Sorry kung sinamahan mo 'ko˗"

"Shut up."

"Basta simula ngayon, wala ka nang obligasyon sa'kin."

"No. Ayoko." matigas kong sabi. He's obviously breaking up with me and I don't want it.

"Sa ating dalawa, ako lang ang may karapatang hintayin ka. Hindi mo na ako kailangang hintayin."

Galit ko siyang tiningnan. How could he be so selfless?

"Kaya kapag nakakita ka ng ibang lalaking matino at hindi katulad kong gago, siya ang pakasalan mo."

I slapped him.

"I hate you." I lied and he nodded his head like he believed it.

"'Yong singsing na bigay ko sa'yo." he asked and opened his palm.

"You want me to give it back to you?" hindi makapaniwala kong tanong. Sa lahat ng ibinigay niya sa'kin ay iyon ang hinding-hindi ko ibabalik.

"Ayokong bigyan ka ng pangako na walang kasiguraduhan Sofia. Wala nang kasiguraduhan kung mapapakasalan pa kita."

I looked into his expressionless eyes in disbelief.

"Fine!" galit kong sabi at inalis sa unang pagkakataon ang singsing na ibinigay niya. Hinawakan ko ang right little finger niya dahil doon lang iyon kakasya.

"Kung ito ang gusto mo ay pagbibigyan kita." I said while gritting my teeth. I'm already hurting his small finger because of my grip but I don't care! I'm just so mad at him right now.

"Pinapangako ko na kahit anong mangyari ay hihintayin kita para pakasalan mo ako." mabilis kong sabi at isinilid sa maliit niyang daliri ang singsing.

"Sofia!" galit niyang sabi nang mapagtanto ang ginawa at sinabi ko.

"Pangako 'yan na kailanman ay hindi mapapako kaya kung concern ka na tatanda akong dalaga ay bumalik ka sa'kin. Umuwi ka sa'kin Harvey Joseluis de Silva."

He muttered curses and brushed his fingers through his hair. Tumalikod siya sa'kin at nagpakawala ng sunod-sunod na malalim na buntong-hininga.

I hugged him behind.

"Kung ito ang gusto mo ay pagbibigyan kita pero hindi mo 'ko mapipigilang hintayin ka."

"Walang kuwenta 'to." dismayado niyang sabi na ikinatawa ko.

"Akala mo ay maiisahan mo 'ko? Magna cum laude 'to." I boasted my honor for the first time.

I rested my chin over his shoulder and sobbed.

"Next week na ang birthday mo at next next next week ay birthday ko na. Let's make a wish." bulong ko at pumikit nang mariin.

Ang hiling ko ay sana makakita na siya.

I opened my eyes after I said my wish thrice in mind.

"Anong wish mo?" I asked and wiped my tears.

"Ang matupad ang wish mo." aniya at humarap sa'kin.

"Bakit hindi ang makakita ka ng muli ang hiniling mo?" galit kong tanong.

"Wala nang mas importante sa'kin ngayon kung hindi ang matupad ang hiling mo."

"Since when did you become selfless huh?" I asked and snuggled my face into his neck.

God, I don't want to lose this man.

"I love you Jo."

"I love you Sof."

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" I asked him for the last time.

"Kailangan natin 'to Sof." nahihirapan niyang sabi.

I nodded my head. "Okay then, but always remember, I won't let you wait in vain. I will patiently wait for your return. You may lose Sofia for now but don't lose hope. You're the fearless man I've ever known so have some faith and hope. Let's pray for the fast recovery of your sight, okay?"

He nodded his head and I smiled. I tiptoed more and reached his lips.

"Mahal na mahal kita." I said and unclasped my arms from him. I turned around and started to walk away from him.

All my life, I never think of my steps would be this excruciatingly painful. Every step I take feels like a knife striking my chest deeply.

Tumingin ako sa kalangitan at ngumiti ng pilit.

Balang araw.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now