Chapter 36

4.7K 139 11
                                    

The priest resumed his sermon. I was crying silently. Hindi ko na alam kung ano ang sanhi ng pag-iyak ko. Sa pagkawala ni Lolo, sa pag-alis ni Harvey o marahil ay sa lahat ng mga nangyayarin 'to. I covered my face with my hands. I felt bad for Lolo. I was here in his wake yet my mind was on him. I couldn't stop worrying about him.

Where did he go? He's probably alone and hurt.

My phone ringed. I excused myself to answer Devi's call. Halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin nang tumayo ako. Si Papa at ang mga Tito ko ay nakamatyag sa'kin habang papalayo ako sa kanila na para bang tatakas ako.

"Sofia!"

"W-why?" bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni Devi.

"Nasaan ka? Si Jo!"

"B-bakit? Anong na-nangyari?" kinakabahan kong tanong.

"Nakita ko sa labas ng casino. Nakikipagsuntukan! May balak yatang magpakamatay!"

"A-ano?"

Anong ginagawa niya sa casino?

"Ang tarantadong Gav ay mukhang binaliktad siya. Ngayon ay mukhang pati ang grupo ni Primo ay nanghihimasok. Kawawa ang fiancé mo Sofia!" Devi frantically said.

Pumukit ako nang mariin. Hindi makakatulong kung pati ako ay papangunahan ng kaba.

"Devi calm down and please call the police. Papunta na 'ko."

"Sige!"

I ended the call and ran as quickly as I can. I even heard Papa calling me but I never dared to look back at them. Pipigilan lang nila ako.

I groaned in frustration when I remember that I didn't bring my car! Inihanda ko ang kamay sa pagpara ng masasakyan nang marinig ko ang boses ni Chase sa aking likuran.

"Anong ginagawa mo rito sa labas?"

I turned around and saw Chase looking so clean and fresh in his charcoal dress shirt. Hindi kagaya ko na parang isang taon nang wala sa sarili.

"Nasaan ang kotse mo? Hindi ligtas ang mag commute ng ganitong oras, Sofia."

Tumango ako. Wala nang pakealam sa pag-alala niya sa'kin dahil may iba rin akong inaalala.

"Harvey's in trouble and I need a ride." pag-amin ko.

Kumunot ang noo niya may nais yatang sabihin ngunit sa huli ay tumango na lamang. "I'll give you a ride then." he said and walked to his vehicle. Mabilis din naman akong sumunod sa kanya.

Wala kaming imik sa loob ng kanyang sasakyan. Kahit nang ibigay ko sa kanya ang pangalan ng casino ay wala akong narinig sa kanya na masama tungkol kay Harvey.

"She's with me."

He was talking to someone over the phone when the traffic light was in red light. Marahil ay si Kuya ang kausap niya but I could not care less. Si Harvey at ang ginagawa niya sa casino ang tumatakbo sa isipan ko.

Hanggang umabot kami sa casino ay walang nagsasalita sa amin. My mind was too preoccupied to create a conversation with him.

My eyes widen when I saw Harvey in front of the casino. Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan ay lumabas na ako at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan niya.

May iilan na ang nanonood sa kanila pero walang pumipigil. Nakahandusay si Harvey sa konkretong sahig nang madatnan ko. He hardly stood up and about to punch his opponent when I stopped him.

"Ano na naman ang ginawa mo?" bulong ko sa kanya at galit na tiningnan si Gav.

"Gav?!"

Ngumisi ito at idinuro si Harvey. "Iyang tarantado na 'yan. Ang lakas mag-casino, wala namang pera!"

"Puta. Sinong walang pera? Ikaw 'tong parang asong ulol kung makabuntot sa'kin dahil marami akong pera!"

I turned to Harvey and stared at him sharply. It shut him up.

Gav laughed. "Noon 'yon Harvey pero ngayon, mas may pera pa ako sa'yo."

They're spitting nonsense! Seriously?! Ito ang pinagaawayan nila? Kung sino may pinakamaraming pera? Hindi ito ang oras para magparamihan ng pera.

"Gav, I don't know who started it˗"

"Iyang boyfriend mo ang tarantado. Sasabihin ko 'to sa'yo ngayon dahil pati ako ay naiipit na. Matagal nang nagsusugal˗"

"Shut the fuck up!" Harvey growled but it didn't stop Gav from talking.

"Milyones ang utang niyan sa grupo ni Primo at sa casino˗"

"Dahil ginagago mo ako, tang ina ka!"

I stopped Harvey from attacking Gav.

"Matagal nang naglilihim sa'yo˗"

Tinawag ko si Harvey nang makawala siya sa hawak ko. He moved forward and punched Gav. I saw one of the guys behind Gav handed him a baseball bat. Nanlaki ang mga mata ko. I was certain that Harvey will be hit by the baseball bat but Chase came right on time to prevent Gav from batting Harvey.

Then a serene of police car stopped them from creating violence. Isang kurap ko lang ay nawala na ang umpok ng mga tao sa harap ng casino. Maging ang grupo nila Gav ay wala na rin at kaming tatlo na lang ang natira. Tiningnan ko si Chase at balak na sanang magpasalamat nang hilain ako ni Harvey palayo at iniwan si Chase mag-isa roon!

"That was so rude Jo! He saved you!" sigaw ko nang tumigil siya sa paghila sa'kin sa tapat ng kanyang sasakyan.

He turned to me with sharp eyes. "Kasama mo siya?"

"What?"

"Tss." He hissed and turned his back against me.

"Kung mayroon man sa'tin ang dapat galit ngayon, ako 'yon Harvey. Hindi ba't ilang beses na kitang pinagsabihan na layuan mo ang Gav na 'yon? Now, look where it led you."

I screamed when he punched the hood of his car.

"Oo na! Bobo na ako!"

Mariin kong ipinikit ang mga mata sa lakas ng sigaw niya.

"Wala akong sinabi˗"

"Eh sa iyon ang nararamdaman ko!"

"Kasalanan ko ba na 'yan ang nararamdaman mo sa sarili mo? Hindi mo ba naisip na baka ikaw rin ang gumagawa at nagpaparamdam sa sarili mo na bobo ka?" I sobbed. "I will never think of you that way Harvey."

Tanging ang likod lang niya ang kita ko ngayon. His hands were clenched into fists over the hood of his car. He was shaking in rage.

I breathed in and breathed out. "And since when did you start gambling? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi ko na nakikita ang Wrangler at Ducati mo? Tinalo mo na? Tang ina naman Jo. Kaya hindi tayo umuusad eh."

I never asked about his other cars. Akala ko ay nakagarahe sa bahay nila dahil hindi naman namin kailangan ng maraming sasakyan. Akala ko ay unti-unti nang nawawala ang pagiging maluho niya dahil iba na ang priority namin. Iyon pala...

I closed my eyes and bit my lower lip when I feel that I'm going to burst into tears.

"You promised me then." I croaked. "When I reached 24, we already had a house. I'm 24 now Jo pero kahit lupa ay wala tayo, wala tayong sariling sasakyan, wala tayong sariling bahay, wala tayong kahit ano na masasabi kong atin!"

Alam ko, hindi ko dapat ito sinusumbat sa kanya ang lahat ng 'to pero ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang magising siya.

"Hanggang pangako ka lang, hindi mo naman tinutupad. You're always giving me empty promises and false hopes."

Napaupo ako sa semento at niyakap ang magkabilang tuhod.

"Sofia."

Sabay kaming lumingon ni Harvey sa pinanggalingan ng boses na iyon. Mabilis akong tumayo at pinalis ang luha upang harapin si Chase. It was embarrassing to see us like this, to see our downside.

"Tumawag si Kai. Hinahanap ka˗"

Harvey hissed. "Ano? Nagkaroon ka ng lakas ng loob na pormahan ang fiancée ko dahil ikaw na ang gusto ng pamilya niya?"

Lumapit siya kay Chase at mabilis niya itong itinulak sa dibdib. Kaagad akong pumagitna sa kanila.

"Harvey, huwag ka nang magsimula ng away parang awa mo na." mahina kong sabi. I was exhausted from all of these.  Alam kong ganoon din siya. Naaawa na rin ako sa kanya. He was badly beaten up tapos maghahanap pa siya ng away ngayon.

"Kakampihan mo pa siya kaysa sa'kin?"

Hindi ko ito pinansin at nilingon si Chase.

"Susunod na lang kami. Maraming salamat sa lahat, Chase." malumanay kong sabi at malungkot siyang nginitian.

Hinawakan ko ang kamay ni Harvey para ayain na siyang pumasok sa kotse. Kaya hindi na ako umalma pa nang siya na mismo ang humila sa'kin at pinapasok ako sa loob. Akala ko ay iikot lang siya patungong ng driver seat kaya nang lagpasan niya lang ang pinto at dire-diretso ang lakad palapit kay Chase ay ikinasindak ako!

Sinubukan kong buksan ang pinto sa gilid ko ngunit naka-lock ito. Sa paglilikot at pagkataranta ay nasagi ko ang bukas na energy drink at bumuhos ang laman nito sa sahig ng kotse niya.

Malinis sa mga gamit si Harvey lalo na sa mga sasakyan niya kaya panibagong kaba ang sumalakay sa'kin nang mailarawan sa isip ang magiging reaksyon niya kapag naabutan niyang ganito ang sasakyan niya.

Kumuha ako ng malinis na towel at mabilis na pinunasan ang sahig at iba pang parte ng kotse na natalsikan ng likido. Nang sumilip ako sa bintana ay nakita kong pabalik na siya. Mas lalo lamang akong kinabahan sa madilim niyang mukha.

Napagitla ako nang pabalyang bumukas ang pinto ng kotse sa driver seat. He caught me kneeling on the floor wiping the liquid off his car floor.

"Anong ginagawa mo?"

I lifted my gaze at him. Kumunot ang noo niya nang mapagtanto ang ginagawa ko. My body was shaking in fear. I screamed when he snatched the towel from my hand. I closed my eyes and readied myself to accept his blow but he only muttered curses.

"Ganyan na ba ang tingin mo sa'kin Sof? Na kaya kitang saktan? Ganyan na ba ako kasirang-sira sa'yo?" he asked hurt.

"Yo-you're being violent." sabi ko at umupo na nang maayos. Nang makitang naka-seatbelt na ako ay mabilis niyang pinasibad ang kotse.

"Harvey˗"

He glanced at me. "Ano? Hihiwalayan mo na ako?" I gasped when I saw a tear fell from his eye.

"What? No!" I shook my head.

"Ipagpapalit mo na 'ko?"

I groaned and slammed my head against the headrest of my seat.

"Will you please stop playing the victim card for once?" I swallowed my sobs.

"Ako." I croaked. "A-ako ang niloko mo... Ipapaalala ko lang sa'yo dahil baka nakakalimutan mo na matagal mo na pala akong ginagago... A-ang sabi mo... Ang sabi mo hinding-hindi ka susugal... Ang sabi mo... hindi mo na nakikita si Gav." I gasped for air and continued speaking.

"Kaya ba palagi kang umuuwing lasing dahil nagka-casino ka na pala?"

"Ginago mo rin ako. Hindi mo sinabi sa'kin na may bago ka na pa lang fiance." he spat.

This is hopeless. Hindi na ako nagsalita pa. I couldn't talk to him properly right now. We're both mad. We couldn't see right if we're clouded by anger.

I swallowed hard looking at his trembling hands on the steering wheel. He's mad, drunk and he's driving really fast.

"Let me drive Harvey."

"Wala ka na ring tiwala sa'kin?"

"Wala akong tiwala sa galit at kalasingan mo. Pull over and let me drive." kalmado kong sabi.

"Harvey please!" sigaw ko nang mas binilisan pa niya ang pagmamaneho. I glanced at the speedometer. I gulped seeing how it increased its number. I looked in the rear mirror when I heard a siren. May sumusunod na sa amin na mga police car. Nakita ko rin ang sasakyan ni Chase na nakasunod sa amin.

"Over-speeding ka na Jo." kinakabahan kong sabi.

I was crying and begging him to stop but he wasn't listening. He was out of his mind. Kahit red light ay tuloy-tuloy pa rin ang pagmamaneho niya. It was like he was on racetrack.

"Jo, you're always reminding me not to drive when I'm mad and drunk, right?" paalala ko sa kanya. Palagi niya iyong sinasabi sa'kin pero ngayon ay siya pa ang lumalabag sa sariling salita.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang truck sa aming harapan.

Harvey muttered curses. He reached for me and quickly unbuckled my seatbelt. Mabilis niyang inabot ang pinto sa tabi ko at binuksan iyon. I was staring at him while he's trying to save me. Walang pag-aalinlangan niya akong tinulak palabas sa kotse. While rolling down the road, that's when I heard a smashing sound.

When I say that paragliding is the most heart-stopping and bravest thing I've done in my whole life. That was nothing compared to this. To witness with my own eyes how his car smashed into the truck. Ito na ang pinakamatapang na nagawa ko buong buhay ko.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon