Chapter 18

4.5K 176 2
                                    

"Kung sana sinabi mo na manonood ka edi pinanalo ko na."

Itinapon ko sa kanya ang tissue na hawak-hawak dahil sa kayabangan nito.

"Ang yabang. Humabol ka rin lang naman."

"Hindi ah! Pinagbigyan ko lang."

Napailing na lamang ako habang pinapakinggan ang pabiro nitong pagmamayabang.

Nasa isang Korean restaurant kami malapit sa racetrack. We're sitting next to each other in a table, parehong nagpapahinga sa pakikipag-usap sa mga hyper kong kaibigan. Who wouldn't? They're tiresome yet fun to be with.

We're still wearing our suit, pero hindi katulad kanina, ngayon ay naka-wrap na lang sa waist namin ang long sleeves ng suit at parehas kaming may itim na undershirt. His was plain while mine has an embroidered flower graphic.

Our conversation got interrupted when a group of guys neared our table.

"Jo." the guy in front called him.

Harvey nodded. They greeted him for his victory. Later on, they asked for "libre" and Harvey never hesitated to get his wallet and give them thousands!

My eyes widen as I watch him give the ten-thousand-peso bill like it was just a ten-peso coin. Masayang umalis ang magkakaibigan na parang nanalo sa jackpot.

Of course! Ang laki ng amount na 'yon. Mahigit isang buwang allowance ko na ang sampung libo samantalang sa kanya ay ipinamimigay lang niya nang walang kahirap-hirap.

"You're close with them?" tanong ko agad nang makaalis ang grupo. If they're close, I mean super duper close like how close he's with with Alric and France, I would understand kung mamimigay siya ng ganoon kalaking halaga. Kung hindi ay ewan ko na lang.

Kumunot ang noo niya habang binbalik ang wallet sa bulsa ng kanyang pants.

"Hindi. Si Gav lang kilala ko sa kanila, common friend." he shrugged and seized my hand.

Isa lang ang kilala niya sa grupong iyon at common friend pa! Ganito rin ang ginawa niya sa mga kaibigan ko kanina. Biniro lang ng libre ay mabilis ding naglabas ng pera. Kinonsensya pa na sila ang naghatid sa'kin sa kanya at bumuo ng ideyang i-sorpresa siya. Kaya libo-libo rin ang binigay sa kanila. Hindi ko na tiningnan kung magkano dahil sasakit lang ang ulo ko kapag malaman ko pa.

Matagal ko nang napapansin ang ugali niyang ganito. He's such a prodigal and that makes me worry. He needs to know how to spend his money rightfully and wisely. Ngunit ayaw ko rin namang sabihin sa kanya 'yon. I don't want to make him feel na nakikialam ako sa kung paano niya gamitin ang sariling pera.

Sa halip na magsalita tungkol doon ay inabot ko na lang ang menu card sa mesa at naghanap kung ano ang masarap kainin ngayon.

"Gusto ko 'tong spicy beef para sa samgyup natin tapos yangnum chicken 'tsaka dae..." Kumunot ang noo ko, 'di alam kung paano i-pronounce.

Kinalabit ko si Harvey na abala na ngayon sa nilalaro niyang online game sa kanyang cellphone.

"Jo, ano 'to?" I asked. "'Yong pagbasa?" Sa aming dalawa, siya ang maraming alam sa pagkain kaya alam kung alam niya 'to.

"Hmm?" aniya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa cellphone. "Saan?" tanong niya pero hindi naman tinitingnan ang tinuturo ko.

"Pa'no mo makikita, 'di mo naman tinitingnan."

"Saglit lang babe, tapusin ko lang 'to." he quickly said and planted a quick kiss on my forehead.

Hindi ko na siya hinintay at nagtawag na lang ng waiter. Nang makalapit ay kaagad kong sinabi ang mga gusto ko.

"We'll order samgyup... spicy beef, yangnum chicken and..." I trailed off. Nilingon ko ang waiter na attentive na attentive sa mga susunod ko pang sasabihin.

"And this," I said pointing the name of that meat na hindi ko alam kung paano basahin.

I heard an unfamiliar chuckle. Nang iangat ko ang tingin ko sa waiter ay nakangiti na siya sa'kin. Napalunok ako. Napansin kaya niya na hindi ko talaga alam kung paano 'yon bigkasin? Sinubukan kong maging confident tingnan sa labas kahit sa loob-loob ko ay nahihiya na ako.

"Cheesy Bulgogi Kimbap then Kimchi then teok..." I narrowed my eyes.

"Tteokbboki, Ma'am?" the waiter politely asked.

"Right!" sabi ko na lamang at kahit may gusto pa akong order-in ay 'di ko na lang itinuloy dahil mahirap bigkasin ang mga pangalan at hindi pamilyar sa'kin.

The waiter reviewed my order. I nodded my head when he recited it all. The waiter turned his back against our table when I remember something.

"Oh and ano pa!" I frantically said and scanned the menu card again.

"Here." I said and pointed the familiar Korean cuisine on the menu. Palagi ko iyong nakikitang kinakain ni Kuya pero ang complicated basahin kaya itinuro ko na lang.

The waiter chuckled again and this time, my face reddened. Pansin niya talaga ngayon.

"Wala kang napansin." I declared and he just arched his brow when he noticed the authority in my voice.

"Wala akong napansin." he repeated my words before he left with a smile.

I sighed in relief as soon as the waiter left. Ibinalik ko ang tingin sa kasama na ngayon ay nakaangat na ang isang kilay, nakalapag na sa mesa ang cellphone at nakapatay na.

"Oh? Tapos ka na?" I asked.

"Kanina pa. Ikaw, tapos ka na?" he asked me back.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi at sa tono ng kanyang pananalita. Kahit naguguluhan sa kung ano ang tinutukoy niya ay tumango na lamang ako. Umismid siya. Hindi ko na iyon pinansin, sa halip ay ang cellphone niya ang kinuha ko. I get his right thumb and placed it to the fingerprint scanner. He didn't say anything and played with my curls instead.

Hindi nagtagal ay dumating na ang in-order ko. Same waiter din kanina pero may kasama na siya ngayon dahil marami ang in-order ko. Ang ilan doon ay takeout. Plano kong dalhan sina Mama at Papa dahil mahilig din sila sa Korean food.

Sinubukan kong huwag tumingin sa waiter dahil nahihiya ako. Sa pag-aakalang wala na sila dahil tapos nang ilapag lahat ng order ko ay inangat ko ang tingin ko. Dahil doon ay nagtama ang tingin namin. Ngumiti na lang ako nang pilit sa kanya at kaagad ding itinuon ang tingin sa mga pagkaing nasa harap.

I heard the waiter chuckled followed by Harvey's sneer.

"Crush mo 'yon?" Harvey asked as soon as the waiters left.

"Sino?" Kunwari ay hindi ko alam ang tinutukoy. Kinuha ko na rin ang tong at gunting.

"'Yong waiter, Sofia."

My smile grew wider. "Hindi." I shook my head.

"Talaga lang ha?"

Tumawa ako dahil sa pinapakita niyang pagseselos. "Oo nga,"

He snatched the tongs and scissors from me. Hindi pa nagtatagal ng sampung segundo sa kamay ko ay kinuha na niya iyon sa'kin. Ngumuso ako habang tinitingnan ang busangot niyang mukha.

Tumingin na lang ako sa labas at nang napansin ang gintong kulay ng sinag ng araw ay napangiti ako. Tumungo ako sa camera ng kanyang cellphone at bumingisngis nang makitang maganda nga ang lighting. Isama pa na nasa tabi lang kami ng bintana na may parang venetian blind. It gives you that amazing filter effect.

"Picture tayo Jo."

He glanced at me and hissed.

"'Yan tayo eh. Naaalala lang kapag kailangan ng photographer." reklamo niya pero kaagad ding nilapag ang tongs at scissors.

"Akin na," aniya. Mabilis kong inilahad sa kanya ang cellphone.

Ilang takes lang ang kinuha niya dahil nagluluto siya kaya ang iba ay ako na lang. I took a picture of him. Kaagad ko namang ibinalik sa selfie mode ang camera at inayang mag-selfie kaming dalawa.

"Isa lang ha."

"Ang damot. Artista ka?"

"Sige kung gusto mo ng marami, kumain ka nang sunog."

"Lumapit ka kaya?" I suggested. I set the camera in portrait orientation kaya kailangang malapit kami.

"Closer."

"Gaano kalapit? Eh kung halikan na lang kaya kita?"

"Tama na." saad ko nang halos isiksik na niya ang sarili sa'kin. I smiled at the camera and

"Ang pangit mo Harvey. Ba't ka nakasimangot? You look like Val." komento ko sa kuhang larawan. He's looking at the camera bored and tired. Para siyang pusang antok na antok.

"Isa pa."

"Mamaya na, Sof." seryoso niyang sabi habang nakatingin sa iniihaw na karne.

"Wala nang araw mamaya." I pouted.

He looked at me, conflicted.

"Aabutan na tayo ng siyam-siyam ditong babae ka." reklamo niya pero lumapit din sa'kin.

"Last na." I promised and smiled.

"'Yang last na 'yan siguraduhin mong last na ha," he warned. "Ilang beses na 'kong na-scam niyang last mong 'yan."

"Last na talaga." I happily said.

He rested his head on my shoulder and sighed.

"Komportable naman, baka maidlip ako." he said and sniffed my scent.

"Smile Harvey."

"Kiss muna." he said and puckered his lips making a kiss sound.

I wrinkled my nose and slapped his lips.

Kahit anong pagpupumilit ko ay ayaw niyang ngumiti. So, I left with no choice but to force him. I turned my thumb and index finger into a U-shape and placed it under his chin to force him to smile. And there, he smiled. I looked back at the camera. I slightly stuck my tongue out while smiling before I took a snap. He was smirking and looking at me in the photo.

Pagkatapos noon ay kumain na rin kami. We just eat and talk until the day has finally turned into night. Hinatid niya ako hanggang sa labas lang ng village namin. Wala pa naman ang kotse namin sa labas kaya naghintay muna ako sa loob ng kotse niya.

"Bago ko makalimutan," Kinuha ko sa bag ang regalong pinagpuyatan ko ng mahigit isang linggo. I made my research and my research brought me to make this jar.

"Congrats babe." nahihiyang sabi ko at binigay sa kanya ang jar na punong-puno ng maliliit at iba't ibang kulay na sobre. Inside of those cute envelopes are my messages for him. I wrote the things I couldn't tell him personally.

"Wow, ang hilig mo pala talaga sa banga babe." natatawa niyang saad habang tinatanggap ang jar.

"Biro lang, I love you." hirit niya nang makita ang busangot kong mukha. I wanted to scold him but his "I love you" shut me up.

"Puwede ko nang simulang basahin?" paalam niya habang iniikot-ikot ang jar at inaalog-alog pa.

"One message per day 'yan." sabi ko. "No cheating. 'Wag kang maduga."

"Gano'n? Balak ko pa naman sanang basahin lahat mamayang gabi." disappointed niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko roon. Kung babasahin niya nang sunod-sunod ay baka hindi na ako magpakita sa kanya dahil sa kahihiyan. That jar is full of sweet messages. Ang isiping babasahin niya iyon lahat nang dire-diretso ay nagpakaba sa'kin ng sobra-sobra.

I hit him lightly.

"Don't cheat. 365 messages 'yan kaya dapat mag-e-end 'yan the same day today next year."

"May instruction din dito sa..." Hinanap ko ang instruction na ginawa ko at ipinaliwanag sa kanya dahil alam kong tamad siyang magbasa at walang pakealam sa mga directions.

Bumalik ang tingin ko sa kanya nang hindi na ito nagsalita pa. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang malawak niyang ngiti. "What?"

"Aabot tayo ng next year?" tanong niya na parang iyon lang ang rumerehistro sa utak niya sa lahat ng sinabi ko.

"Bakit ayaw mo?" masungit kong tanong.

Umiling-iling siya. "Hindi. I'll take that as a challenge." he said and laughed.

"Pero, puwedeng once a week na lang akong bumunot ng message rito?"

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"Para hindi lang isang taon abutin nito." he said and shook the jar.

"'Tsaka hindi lang naman isang taon aabutin natin, habangbuhay kaya dapat supply-an mo ako nang ganito habangbuhay." he said and glanced at me.

"Magka-callus kamay ko sa pagsusulat kapag ganoon." sabi ko saka tiningnan ang kamay.

"Babe, kalyo lang. 'Wag ng callus." he said scratching his head.

"Eh sa iyon ang unang pumasok sa isip at lumabas sa bibig ko." I reasoned out.

"Oo na lang." sabi niya habang natatawa. He held my hand and intertwined our fingers together. Hinila niya ang kamay ko kaya napalapit ako sa kanya.

"Happy monthsarry Sof," he whispered and kissed me.

I thought it was going to be a quick kiss like what we used to do but when he moved his lips, I was astounded. I moved away when I felt his tongue flicked!

I coughed and sat properly. Alam kong namumula ang mukha ko ngayon kaya luminga-linga ako sa ibang parte ng kotse para pakalmahin na rin ang sarili.

Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay nakangiti na siya.

"B-bakit?" I asked, stuttered.

He laughed inwardly and shook his head. "Wala."

Laking pasasalamat ko nang nakita ko na ang kotse namin na papalabas ng village kaya inalis ko na ang seatbelt ko.

"Uuwi na ako. Bye!" mabilis kong paalam at binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan sa aking tabi. Tumakbo na ako palayo sa kanyang kotse nang tawagin niya ako.

I turned to him. Nakadungaw siya sa bintana ng kotse niya.

"Bakit?"

"May nakalimutan ka."

"I'll get it tomorrow. Magkikita naman tayo." sabi ko na lamang, takot na bumalik pa dahil baka asarin lang niya ako.

"Heto oh!" may ipinakita siya sa'king hairtie. Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit sa kanya. Nakuha ang atensyon ko sa hawak-hawak niyang hairtie.

"Hindi akin 'yan." Kumunot ang noo ko habang sinusuri ang brown check ribbon na hairtie na hawak-hawak niya.

Tumawa siya habang tinitingnan ang busangot kong mukha. "Kanino 'yan?" inis kong tanong habang siya ay pinapatalikod ako sa kanya.

He inexpertly tied my hair using the hairtie.

"Sa'yo nga."

"Wala akong ganyan!"

"Hahaha."

I called his name in a threatening tone. Humarap ako sa kanya nang matapos niyang talian ang buhok ko.

"You really let me wore this? Eh hindi nga 'to akin!" singhal ko at pinalo ang kamay niyang inaabot ako.

"Sino bang girlfriend ko?" he probed.

"Ako!" inis kong sabi. Unless may iba siyang girlfriend!

"E 'di sa'yo 'yan." He pulled me closer to him and hugged me despite of the barrier.

"Ang selosa mo naman eh ikaw lang naman ang tanging mahal ko."

"Just make sure kung hindi..." I warned him. He planted soft and quick kisses on my lips to shut me up.

"I love you too." I whispered and he just smiled and pulled me even more.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now