Chapter 29

4.5K 174 7
                                    

After Harvey's graduation, he started reviewing for his Board Exam. I'm pleased that he's taking it seriously. Hindi na siya pumupunta sa track dahil abala na sa pagrereview habang ako naman ay nagsimula na sa internship ko sa kumpanya ng Papa niya, kagaya ng plano.

"Ang hirap maging mahirap." wika ni Lav isang araw habang abala kaming mga intern sa pinapagawang report sa amin ng aming superior.

"Kaya ang suwerte-suwerte niyo ni Harvey, Hope. Pinanganak kayong mayaman." aniya at ngumiti ng pilit sa'kin.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaibigan. I'm not good at giving advises. Sarili ko nga hindi ko mabigyan ng mabuting payo. But what she said hit me. We are blessed that we are privileged and I'm a bit guilty dahil minsan ay inaabuso namin ang prebilihiyong mayroon kami.

"Ang taas ng pangarap namin ni France pero 'di ko alam kung maaabot namin." natatawa niyang sabi habang inilalagay sa folder ang isang grupo ng bond paper. "Doon lang kami swak sa pagiging ambisyoso."

I stopped typing on the keyboard and looked at my friend.

"Is it about France taking med?" I heard from Harvey that France is pursuing a medical profession. That guy never ceases to learn. Hindi naman ako salungat doon. France will be a great doctor if that happens.

"Hmm." she nodded. "Malapit na ang NMAT, nagrereview na rin kagaya ni Harvey."

Hanggang matapos ang trabaho namin at sunduin ako ni Harvey sa trabaho ay iyon ang laman ng isip ko. Huminto kami sa isang drive thru at habang hinihintay ang order namin ay kinausap ko si Harvey tungkol sa bagay na iyon.

"Hindi ba naghahanap si Kuya Hunt ng scholars? I was thinking if you can suggest France to your brother? Just like what you said, magmemed si France."

Kuya Hunt owns a hospital. Malaking tulong kina France at Lav kung magiging scholar siya ni Kuya Hunt. Mababawasan ang expenses nila para sa pag-aaral ni France.

Tiningnan ako ni Harvey nang matagal tila may hinahanap sa'kin.

I knitted my brows. "Why?"

He shook his head. "Wala."

Tumigil kami sa pag-uusap nang iabot na sa amin ang order namin. Saka lang kami nagpatuloy sa pinaguusapan nang tumulak na kami papuntang condo niya.

"Naisip ko rin 'yan pero si France kasi 'yong tipo ng tao na ayaw tumanggap ng tulong lalo na kapag ganito. Alam mo 'yon? Pride." sabi niya at nilingon ako.

I pursed my lips. "But we can recommend him to Kuya Hunt without France knowing. And I know, once your brother sees France's potential, he'll keep France under his company."

Harvey looked at me and smirked. "Sure ka na niyan?"

I smiled at him. "Sure na sure."

"Okay, tatawagan ko si Kuya."

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay ni Harvey.

"Thanks Jo." sinsero kong sabi. I'm excited to tell this good news to Lav!

Pagkarating namin sa condo niya ay kaagad kaming umupo sa carpeted floor sa harap ng coffee table sa living room ng unit niya. Inilagay niya ang kanyang reviewer sa mesa, ako naman ay ang laptop ko. May ipapasa rin akong requirement para sa school at report bukas sa kumpanya.

We started doing our own things. Minsan ay hindi ko mapigilang mapasulyap kay Harvey. I know he's giving all of his best for this. Pansin ko iyon. Halos lahat ng review tips ay ginawa na namin. Puno na nga ang wall sa room niya ng sticker ng iba't ibang terminologies, bumili rin kami ng transparent board para madali na lang sa kanya kung may gusto siyang i-solve na equation. Bumili rin kami ng vitamin para sa brain at kumakain din ng mga pagkain na nakaka-stimulate ng brain.

Hinawakan ko ang kamay niya at kaagad kong nakuha ang kanyang atensyon.

"Don't get worked up, Jo. You'll pass." I assured him.

He forced a smile. "Kinakabahan ako Sof. Matatalino mga kapatid ko pati si Papa. Ako lang sa pamilya namin ang medyo tagilid kaya nape-pressure ako." aniya at hinila ako palapit sa kanya. He locked me in his arms and legs.

"Kaya panghahawakan ko na lang ang nabasa kong quote." he said and started playing my curls.

"What is it?" curious kong tanong.

"If you failed to prepare, you prepared to fail." he said and hugged me behind.

"Kaya maghahanda ako para sa board exam. Lagot sa'kin 'yang board na 'yan." Anito na ikinangiti ko.

"That's my man."

I never left Harvey until the day of his exam came. I was patiently waiting outside of the building while he's taking his exam. Malakas din ang kabog ng dibdib ko na parang ako ang kumukuha ng exam. Hindi rin ako makapirmi sa isang lugar. Makalipas ang ilang minuto ay lilipat ako ng lugar. Hanggang sa matapos ang exam niya at nakita ko siyang lumabas ng gusali. I gulped when he's looking down.

"Kumusta?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

He crouched and rested his head on my shoulder. "Nakakapagod."

I chuckled and patted his back. "That's okay. That means you used your brain."

"Tss. Insulto ba 'yan?"

Tumawa ako sa naging tanong niya. Umuwi kaming hindi iniisip ang naging exam niya. I mean what's the point of checking your answers and feel regretful after you find where did you get wronged? It's frustrating. I already told him that he can't undo the things that were already done. Kaya wag na niyang isipin ang mga mali niya.

I am certain that he'll pass. He worked hard for it. Kaya habang hinihintay ko ang result ng exam niya rito sa cubicle ko sa office ay kagat-kagat ko ang sariling labi. Harvey is probably sleeping right now. Bumabawi ng tulog sa nakalipas na mga buwan niyang pagpupuyat sa pagrereview.

Ikinuskos ko ang magkabilang palad habang hinihintay na mag-load ang site. I exhaled deeply when the list of board passers for civil engineers appeared on the screen of my desktop. Kaagad kong ini-scroll gamit ang mouse at hinanap ang apelyido niya.

Habang papalapit ako sa letra ng apelyido niya ay palakas nang palakas ang pintig ng puso ko. Tumigil lang nang makita ko ang buo niyang pangalan sa screen. I squealed when I confirmed that his name was there! Oh my god.

I took a snap of it. I encircled his name with small heart emojis and typed in a caption "congrats babe, we made it ;)" before I added it to my story. Kaagad na bumaha ang mga congratulatory message sa inbox ko. I was busy replying to their messages when Kuya Kai messaged me!

Kai Almendarez: ANO 'TO?!

Imbes na kabahan ay parang gusto kong matawa kay Kuya. He's exaggerating. Wala itong alam sa nangyayari sa akin since nang lumipad siya patungong Barcelona ay hindi na siya umuwi pa. My parents weren't that talkative kaya hindi ko ikinagulat na hindi nila nababanggit kay Kuya ang tungkol sa amin ni Harvey.

Sunod-sunod ang message ni Kuya pero hindi ko iyon binubuksan hanggang sa tumawag na nga ito.

"Kuy˗"

"Bakit si de Silva?"

"Ha?"

Kumunot ang noo ko sa unang naging tanong niya. Bakit? May inaasahan ba siyang iba?

"Tss. Tarantado talaga."

With that, the call ended. Kunot-noo kong tiningnan ang cellphone na hawak-hawak. So weird.

I told my parents about Harvey passing the exam. They already permitted me to sleep on his place tonight. Sa mga nakaraang buwan ay pinayagan nila akong sa condo muna ni Harvey matulog dahil tinutulungan ko siya sa review niya at hindi hamak na mas malapit ang kanyang condo sa kumpanya nila kung saan ako nagtatrabaho bilang intern kaysa sa bahay namin.

Nang matapos ako sa trabaho ay kaagad akong bumili ng cake sa malapit na shop at bouquet of flowers saka tumuloy sa condo niya. Nang makapasok sa loob ng unit niya ay kaagad kong nadatnan ang magulong unit. Bottle of liquors scattered on the floor and wrappers of chips.

Harvey hugged me from behind. I can smell the liquor from his breath when he called my name hoarsely.

"Anong nangyari rito?" I asked.

"Mga gago kong kaibigan."

I nodded, totally understand why it's messy here. Pupulutin ko na sana ang bote sa aking paanan nang pigilan niya 'ko.

"Hep. Ako maglilinis niyan." he said and pulled me to the kitchen. Hindi kagaya sa living room ay malinis dito.

I smiled when he started sniffing the flowers, he picked one and put it against my ears. Ginawa niya rin iyon sa magkabilang tainga niya.

"Naunahan na ako ng mga kaibigan mo." I pouted when I couldn't feel any excitement. Nakapag-celebrate na siya nang wala ako.

"Okay lang. 'Yong sa'yo naman ang pinakahinihintay ko." he said and pulled me to sit on his lap.

"Congrats babe." sinsero kong sabi sa kanya. "Engineer de Silva huh?" I teased and he smirked.

"Salamat babe. Sa suporta, sa lahat-lahat."

"Hmm."

"Sa'yo ang aabangan natin babe. Mas marami kang achievement na makukuha ngayon at sa mga susunod pang taon. Running for magna cum laude, SC President..." I stifled my smile when he started enumerating my accomplishments.

"Tapos boyfriend mo pa si Engineer de Silva. Pa'no mo napagsasabay lahat ng 'yon huh?" he asked as he caressed my waist.

Natawa ako sa huli niyang sinabi. But I agreed with him. He's one of my best accomplishment.

"Kaya gustong-gusto ka ng mga kuya ko at ni Papa. Pareho kayong lahat ng mindset. Mga goal-oriented kayo. Hindi kaya ikaw ang tunay nilang anak? Nagkapalit lang tayo sa nursery noong ipinanganak tayo?"

"You're years older than me." natatawa kong sabi sa pagiging malikot ng imahinasyon niya.

Tiningnan ko ang kamay niyang pinaglalaruan ang guhit ng palad ko.

"Maganda ang kinabukasan mo hija."

Kumunot ang noo ko nang nagbago ang pananalita at umarteng fortune teller. Exaggerated siyang suminghap.

"You will build your own empire, lalamangan mo pa ang yaman ng mga de Silva. You'll be a great businesswoman."

"How 'bout you? Saan ka roon?" I asked and turned to him.

"Ako?" he asked and clasped our hands together. Bumalik na siya sa pagiging Harvey, mukhang nakalimutan na ang pagiging fortune teller.

He smirked and kissed the tip of my nose.

"Humble na asawa mo lang naman," He said shrugging his shoulders. I made a frown and he just laughed. "Na titingnan ka habang inaabot lahat ng pangarap mo."

I rested my back on him and his hug on me tightened. I felt comfort in his embrace that's why it's so easy for me to fell asleep in his arms. I woke up in his bed alone. Napasigaw ako nang makitang late na ako sa trabaho!

Mabilis kong kinuha ang dala kong spare clothes sa duffel bag at tumuloy sa bathroom. I quickly took a bath and wore my uniform. I was wearing my black heels while climbing down the stairs.

Nakita ko ang topless kong boyfriend sa kitchen sa harap ng stove. Natututo nang magluto si Harvey 'Yong mga basic nga lang. Actually, fried eggs lang talaga ang alam niya maliban sa pag-init ng mga niluluto ko sa microwave.

"Hindi mo 'ko ginising." sabi ko kay Harvey at binato sa kanya ang hairbrush ko.

He muttered a curse and turned to me. He's only wearing white sweatpants. His Calvin Klein boxers was waving at me. Binato ko sa kanya ang car keys na napulot ko sa bar counter pero kaagad din niya iyong naiwasan.

"Ang sarap naman ng pambungad mo sa'kin babe." sarcastically he said.

"Wala ka bang damit?" inis kong sabi at umupo sa isang silya.

"Ang aga-aga Harvey! 'Yong aircon!"

"Nananahimik ang aircon babe." natatawa niyang ani saka pinatay ang stove.

"Magdamit ka nga! 'Di ka ba nilalamig?"

Ngumiti siya ng nakakaloko at lumapit sa'kin.

"Concern siya." he teased and poked my sides.

I sneered at him and get his mug of coffee. I took my breakfast quickly.

"Print mo muna 'yong doc." sigaw ko habang umaakyat ng hagdan para kunin ang bag sa guestroom.

"Anong file name?" sigaw niya pabalik.

"Panget si Jo. Uppercase. Sa desktop babe!" sigaw ko mula sa itaas.

I heard him complaining about the file name but I didn't bother to care about that. Pagkababa ko ay tapos na ring mag-print si Harvey at inihatid ako sa company nila.

"Bye babe. Work well." aniya pagkatapos ko siyang bigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Sleep well. I love you." sabi ko at bumaba na sa kanyang kotse. Tutuloy na sana ako sa lift nang sumigaw siya.

"I love you!"

I rolled my eys with a smile across my face. Hanggang makaakyat ako sa floor ko ay hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa labi. Halos lahat ng nakakasalamuha ko ay pansin ang pagiging good mood ko.

Pumasok ako sa loob ng lift para ipasa ang report na ginawa ko last last night na pina-print ko kay Harvey kanina. Bumukas ang lift at hindi ko inaasahan na makikita ko siyang muli at dito pa sa kumpanya ng mga de Silva.

"Chase." I breathed. Pumasok ako sa loob ng lift, hindi siya nilulubayan ng tingin. I was surprised of seeing him here.

He nodded at me. He's wearing a dark green dress shirt. I noticed his necklace with a letter H pendant. I smiled when I remember Harvey at that.

"You're here for work?" tanong ko at nilingon siya.

"Yeah." he shortly replied and looked at me. "And you're here for your internship." he stated, not asking.

I smiled and nodded. "Oo and it's strange na ngayon lang kita nakita rito."

"I'm working for the Villabrille. Villabrille's company is developing a high-end resort in Caticlan in partnership with the de Silva. I'm just here to attend the meeting." he explained.

I nodded my head. "When you said Villabrille's company, was it Felix Villabrille's company?" curiously I asked. Tito Fel is Tita Georgina's husband and Mira's father.

"Yes, why?"

"Well, his wife is my mother's sister."

Tumango si Chase na parang hindi na niya ikinagulat na kamag-anak ko ang may-ari ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. Bumukas ang lift para sa kanya. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis kaya nagulat ako nang magsalita siya pagkatapos ng mahabang katahimikan na namagitan sa amin.

"You're married already?" he asked all of a sudden.

"Huh?!"

Hindi niya ako sinagot sa halip ay bumaba ang tingin niya sa folder na hawak-hawak ko. Kaya tumingin din ako roon.

My eyes widen when I looked at my name there.

Sofia Brayleigh Almendarez - de Silva

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now