Chapter 7

5.9K 242 25
                                    

My heart was beating so fast when I saw my brother leaning against his car yesterday. I made him wait for an hour knowing that his patience couldn't be stretched.

"Kukunin ko lang ang kotse ko sa parking area." agap ni Harvey nang sabihin kong hindi kami puwedeng makita ni Kuya na magkasama.

"My brother is there. He'll get mad if he sees us together." sabi ko at pinigilan siya sa paglalakad dahil nakikita ko na si Kuya mula sa kinaroroonan namin.

Sa malayo pa lang ay kita ko na ang nakabusangot nitong mukha at ang panaka-naka nitong pagtingin sa suot na relos. He's annoyed I can tell. And I know seeing Harvey beside me would make him furiously mad. Idagdag pa na pinaghintay ko siya ng matagal.

"Bakit? Hindi naman tayo." agap niya na may ngiti pa sa labi habang ako ay namamawis na ang kamay sa takot at kaba.

"But he will think otherwise." Giit ko.

My brother is not that strict but he's becoming one when he doesn't know a thing. Itong kay Harvey, hindi niya alam 'to. Kaya alam kong iba ang iisipin niya.

"Anong gusto mong gawin ko?"

Pinagmasdan ko ang kinaroroonan namin. Nasa ilalim kami ngayon ng isang puno kaya kahit may mga ilaw na sa paligid ay tiyak akong hindi kami makikita ni Kai rito.

Tiningnan ko si Harvey.

"Dito... ka na lang muna hanggang sa makaalis kami."

Tumawa siya.

"Seryoso ako!" I said giving him a serious look. Naging seryoso naman ito nang makitang seryoso ako.

"Oo na." he dismissively said. He even pushed me lightly when I didn't move.

"Lakad na." he said shooing me away.

"Once you showed up and my brother sees you˗"

"Kapag nakita ako ng kapatid mo na kasama ka, alam kong 'di na ako makakalapit sa'yo ng ganito kalapit kaya 'di ko 'yon gagawin."

My face heated when he said that. And remembering that today made my heart beat rapidly!
Nakakainis ka, Harvey de Silva!

"Flames. Miko Villabrille, Lav Guillen." Kyzer, one of my gay friends said it out loud. Pau, another gay friend of mine wrote it on the board.

"Hoy!" Lav stood up.

Pau put his hands on his waist while pointing Lav. "Ay! Ay! Guilty siya."

Natawa ako sa kanila. Lav became the sole recipient of the teases coming from our blockmates dahil wala si Miko. Wala naman siyang nagawa kung hindi tingnan na lamang sina Pau at Kyzer sa gusto nilang gawin.

Kyzer clapped. "Ay winner! Love!"

I shook my head and looked down to my notes with a smile. I'm preparing for my speech this coming Wednesday. That's the day of rally and I have to come up with an effective subject matter in order to win votes. Election will be on Friday. Yes that fast!

I just passed my application for candidacy kanina. At kinakabahan na ako ngayon ng sobra-sobra! Sa buong block, walang nakakaalam na tumatakbo ako bilang Senator. Maging si Miko at Lav ay walang kaalam-alam sa plano ko.

"Ano pangalan? Har...vey...Ah! Si Harvey de Silva!"

I lifted my head when I heard his name. Una kong nakita ang nakakalokong ngiti sa'kin ni Lav habang si Kyzer ay naka-angat ang isang kilay sa'kin. Si Pau naman ang nagsusulat sa board.

Namilog ang mga mata ko nang mabasa kung kaninong pangalan ang sinusulat niya!

"Hey!"

Tumayo ako at sinubukang pigilan si Pau pero mabilis na binalik sa akin ni Lav ang sinabi ni Pau sa kanya.

"Guilty oh!" duro niya sa akin.

"I'm not! That's just so old-school." I groaned when I saw Pau completely wrote my name on the board. And Harvey's.

FLAMES

Harvey Joseluis de Silva
Sofia Brayleigh Almendarez

"Old-school pero kinikilig din." sabi ni Lav. She muttered a curse when she saw my flushed face.

I shook my head in embarrassment. Sa ginawang pag-iling ay hindi ko inaasahan na makikita ko si France sa labas ng classroom! Nakatayo siya sa tabi ng bintana at pinagmamasdan kami rito sa loob!

Ibinalik ko ang tingin sa kaibigan na walang kaalam-alam sa kung sino ang nasa labas!

"Ay puta anong enemy? Sweetheart 'yan! Ayusin mo Paulito!"

Should I expect Lav going to the Office of the Disciplinarian again? She just cursed again!

Nilingon ko ang kinaroroonan ni France. I caught how he creased his forehead upon hearing Lav's continuous curses. Galing kay Lav ay napunta ang tingin niya sa blackboard kung saan nagkakagulo ang mga kaibigan ko.

My eyes widen when I realized that Harvey's name was there! Nandoon ang pangalan ni Harvey pinaglalaruan kasama ang pangalan ko.

Mabilis akong tumakbo palabas upang harapin si France. Alam ko namang ako ang pakay niya. Alam ko na ako ang sadya niya. It's all about the campaign, I know.

"Hey!" masigla kong bati.

"Hey." he said, a bit distracted. I blocked his view when he tried to peek inside.

"Are your here to talk about the campaign?" tanong ko kahit alam ko naman na iyon talaga ang pakay niya. I tiptoed when he tried to take a peek through the windows over me.

"We should talk about the campaign. I only have thirty minutes before my next class." I said, struggling.

Tumingin siya sa akin nang makita akong nahihirapan sa pagtiyad. Kumunot ang noo niya. Ngumiti ako ng pilit sa kanya saka tumayo nang tuwid.

"Nandito ako para sabihin na may meeting tayo ng partido mamaya. Doon na tayo mag-usap tungkol sa campaign na gagawin."

"Oh!" I nodded my head. Akala ko ay magpapaalam na siya dahil nasabi na rin niya ang gustong sabihin kaya bahagya akong nagulat sa sunod niyang sinabi.

"Your friend had a foul mouth." Aniya. Ang tinutukoy ay si Lav.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "It became her expression na rin e."

"Hindi magandang pakinggan."

I really don't have a say about that kaya nginitian ko na lang ang kausap. Hindi ko rin masasabi na masamang tao ang mga taong mahilig magmura at mabait ang mga hindi nagmumura.

Inubos ko ang free time ko sa paggawa ng speech sa isa sa mga student lounges gilid ng pathway. Tambayan ito ng mga business students at dahil oras ng klase ngayon, wala akong ibang kasama. And that's much better. For sure, I can make a better outcome of my speech with this kind of environment. Serene and solitude.

Bumagsak ang tingin ko sa notebook na nasa mesa at sinubukang mag-isip nang magandang ending. Ending na lang ang kulang then ipapa-check ko na 'to mamaya kay France.

"Nagalit ba Kuya mo?"

Napagitla ako nang marinig ang boses na iyon. Umangat ang tingin ko at kaagad na nagtama ang tingin naming dalawa.

Staring at him this close and overlong made my chest flick. Upang maiwasan ang kakaibang nararamdaman na tinutukoy ay ibinaba ko ang tingin sa kanyang katawan.

He rolled his white long sleeves uniform up to his elbows. He also unbuttoned the first two buttons of his uniform.

"Bawal 'yan." I said referring to his uniform na in-unbutton niya. It gives men a disheveled appearance. It makes them look untidy and disarray too.

Tumawa siya sa sinabi ko at luminga-linga sa paligid.

"Wala namang makakakita." he mumbled and sat sideways beside me. I fidgeted when our elbows touched. Ang lapit niya sa'kin.

Tumikhim ako at tinitigan na lamang ang kuwintas niyang silver. Sa huli ay 'di ko rin napigilan ang sarili at umangat din ang tingin ko sa kanyang mga mata.

"What do you think of me then? Blind?" I asked with complete sarcasm.

"Isusumbong mo ako?" nakangiti niyang tanong sa'kin.

"Rule breaker." I snickered.

With that, I became aware that I'm being comfortable with him. Ngayon ko lang napansin ang pagkausap ko sa kanya gamit ang tonong ginagamit ko lang sa mga malalapit na kaibigan, kay Kai at sa mga pinsan ko. And I seriously don't have any idea if it's a good or bad thing.

He fanned himself using his bare hand. Nagtagal ang tingin ko roon. Hindi ko alam kung nakakatulong ba 'yon.

"Mainit kasi, Sofia."

"What?" I asked, a bit shaken of what he called me. I'm used to people calling me Hope kaya medyo nagulat lang ako nang tawagin niya ako sa first name ko gayong hindi rin kami close. Figuratively speaking.

"What?" ulit niya sa sinabi ko, ginaya pa ang boses ko.

"What are you doing here by the way?" tanong ko, binalewala ang pang-aasar niya.

"Wala, tambay."

Tumango ako habang iniisip kung gaano kalayo ang College nila rito sa'min.

Tambay? Ang layo naman.

I sighed as I stared at his fingers drumming on the table. This feels different. Him, sitting beside me, being with me for no specific reason at all. Tambay lang. Yeah sure. Siya lang ang engineering student na tambay rito.

He licked his lips as his eyes slid down to my notes. I turned my notebook over in an instant saka binuksan ang back cover nito. Kompiyansa ako na wala siyang makikita roon dahil hindi naman ako mahilig mag-scribble at mag-doodle. Ngunit nang magtagal ang tingin niya sa notebook ko ay nagtaka na ako. Ibinalik ko ang tingin sa notebook at halos mapasigaw ako nang makita at mabasa ang mga nakasulat doon!

"It's Lav's!" I quickly defended myself.

My heart raced when I captured a side of his lip rose and a smirk formed on his lips.

"I promise!" I shouted and raised my right hand like I'm doing a pledge.

I began to panic when he stared at me with a roguish smile.

"Hm." He made a droning sound like he's insinuating something. "Wala naman akong sinabi."

"But you look at me like I'm responsible for that." Nakasimangot kong saad at mabilis na binuksan ang notebook. Isinulat ko ang buo kong pangalan para ipakita sa kanya na iba ang handwriting ko roon sa nakita niya.

"Look." sabi ko at pinakita sa kanya ang sulat-kamay ko.

"Patingin ako ng kanina." sabi niya at handa nang buklatin ang notebook para hanapin ang isinulat ni Lav nang mabilis kong inilayo sa reach niya ang notebook ko.

"Pero nakita mo na 'yon kanina." agap ko.

"Pa'no ko ikukumpara kung ayaw mo namang ipakita?" tanong niya sa'kin, natatawa na. He leaned towards me as he tried to reach for my notebook. While he's doing that, he's already jailing me in his arms. Dumantay sa backrest ng inuupuan namin ang isang braso niya habang ang isa ay inaabot ang notebook ko.

Sabay kaming napatigil nang mapansin ang distansya namin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pinigilan ko ang paghinga, ang mga mata ay nasa kanya. My lips parted a bit when I stared at his curved eyelashes in pure wonder.

Sa makukurba niyang pilikmata ay sumilid sa kanyang maitim na mga mata ang tingin ko. My heart twitched when I saw nothing but my own reflection in his irises. Napakurap-kurap ako, hindi na nakayanan ang pakikipagtitigan sa kanya.

Mula sa mga mata ko ay lumandas paibaba ang tingin niya at tumigil sa labi ko. Midlessly, I did the same. My gaze glided down to his lips. Nahuli ko ang paggalawan ng kanyang panga sabay ang mariin na pagdikit ng kanyang mga labi habang mariing tinitigan ang labi ko.

Napalunok ako nang kagatin niya ang pang-ibabang labi. Dumidiin ang kagat niya roon habang tumatagal ang tingin sa labi ko. Napayuko siya at kumawala ang sunod-sunod na mura.  Tumingin ako sa itaas at napapikit ng mariin. Ang bilis ng tahip ng dibdib ko.

We both heaved a deep sigh when he distanced himself from me. A long and awkward silence creeped between us. Hindi ko makayanan ang awkwardness na iyon kung kaya binuklat ko ang notebook ko at tumigil sa kahuli-huliang pahina.

Ngumuso ako nang makita ang pangalan naming dalawa roon. There's a heart shape between our names. Halfheartedly, I showed it to him.

"See, it's not my writing."

Ngumisi siya habang nakatingin sa mga pangalan namin na nakasulat sa notebook ko. "Hindi mo nga writing."

"Sofia Brayleigh Almendarez loves-" Mabilis kong isinara ang notebook at tiningnan siya ng masama. 

"Harvey Joseluis de Silva." Pagtatapos niya, ang mga mata ay nasa akin na.

"Tss."

"Bakit? Hindi ba totoo?"

"Hindi."

"E kung baliktarin natin?"

Napasinghap ako sa kapangahasan niya. "Flirt." Saad ko na ikinatawa niya. Alam ko namang pinaglalaruan niya lang ako pero ang puso ko... nauuto at natutuwa sa kanya.

I only left him there when my free time ended. Nang makarating ako sa palapag kung nasaan ang classroom ay tinanaw ko pa ang lounge sa baba kung nasaan kami kanina para tingnan kung nandoon pa ba siya. Mas lalong kumabog ang puso ko nang wala na siya roon.

I don't want to assume but my mind couldn't stop thinking that he only went there to see me?

Bahagya akong natawa sa naiisip. Sige lang Hope, asa pa. Halata namang pinagtitripan ka lang niya e.

Pagkatapos ng huling klase ko sa hapon ay tumuloy na ako sa ibinigay na lugar ni France kung saan magkikita-kita ang buong party para pag-usapan ang gagawin sa campaign. Hindi naman nagtagal ang pagpupulong dahil nagkasundo naman ang lahat sa gustong mangyari ni France.

"Good luck!" sabi ng isa sa mga kasama ko sa party sa aming lahat. We exchanged good lucks and god blesses. Masaya ako na magaan silang kasama at mababait. Kung puwede lang na sana ay manalo kaming lahat para kami na ang magkakasama sa Student Council. Natawa ako ng bahagya dahil sa iniisip. Napakaimposible naman yata noon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sasali ako sa mga ganito kalalaking organization sa school pero nandito pa rin ang kaba. Hindi naman siguro talaga 'yon maiiwasan.

"You'll run for senator?" tanong sa'kin ni Papa ng gabing iyon. We're taking our dinner when Papa brought that topic. I dropped my utensils and get my glass of water. Uminom muna ako ng tubig saka piniling magsalita.

"Opo Pa."

Papa nodded. "That's good."

"Bakit 'di ko alam 'yan?" Kuya butted in. I only sneered at him. Joining in an organization is not his thing. Kaya wala rin siyang pakealam sa mga kung ano ang nangyayari sa school.

"Tulungan mo sa pangangampanya ang kapatid mo Kai." Mama said.

I coughed hard. "No, no, no, no." I waved my hands to disagree with Mama's idea. Naalala ko bigla ang pagtulong sa akin ni Kuya sa campaign ko noong high school ako.

He gave free ice cream to my schoolmates! Ayos lang naman sa'kin 'yon. Pero ang humawak ng tarp kung saan naka-print ang pinakapanget kong picture habang namimigay ng ice cream, hindi na 'yon okay. That's one of my embarrassing moment during my highschool days. At ayoko nang ma-experience ulit 'yon ngayon!

"Kuya I'm serious!" sabi ko sa kapatid habang inaaalis ko ang seatbelt sa akin.

Ngayong araw ang simula ng kampanya at buong biyahe papuntang St. Joseph ay wala akong ibang iniisip kung hindi ang kung ano ang iniisip ni Kai. Pinagsabihan ko na siya kagabi sa dinner na huwag gumawa ng kahit na ano para sa campaign ko. He even made a pledge to me in front of our parents that he won't do anything that will embarrass me during my campaign. Pero sa tuwing nakikita ko ang ngisi niya ay hindi ko mapigilang kabahan.

He looked at me like I'm some weirdo. "Wala akong oras diyan, Hope."

Isinara ko ang pinto ng kotse niya at huli kong nakita ang nakangisi niyang mukha. Just make sure Kai Almendarez.

Nang makapasok ako sa St. Joseph, una kong napansin ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa isang bulletin board malapit sa main entrance ng unibersidad.

I already have an idea of that fuss. Kahapon bago kami umuwi ay nai-post na sa lahat ng bulletin boards sa buong university ang lineup ng bawat party pati na rin ang mga independent candidate kaya mas nakadagdag 'yon sa kabang nararamdaman ko dahil alam na ng lahat na tatakbo ako sa pagka-senator.

"France has a powerhouse lineup." rinig kong sabi ng isa habang dumadaan ako roon.

"No doubt maraming mananalo sa party niya."

"Yeah but who's this Sofia Brayleigh Almendarez?"

Napatigil ako nang marinig ang pangalan ko.

"Is she related with Kai and Sanya?"

"I don't think so. Never heard her name before."

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa College namin. Bumuntong-hininga ako habang malalim na iniisip kung itutuloy ko pa ba o hindi na? Parang bigla akong nawalan ng pag-asa. Ano kaya ang laban ko? May laban nga ba ako?

Mahigit isang daan ang kalaban ko para sa posisyong tinatakbuhan ko. Talagang dehado ako dahil una First Year pa lang ako, at pangalawa ay hindi ako popular sa St. Joseph. Hindi kagaya ng kapatid at pinsan ko na kahit yata saan pumunta ay kilala sila.

Bumuntong-hininga ako.

"Ang lalim no'n ah?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Harvey in his fresh look showed up beside me. He looked dashing in his white dress shirt uniform. He smelled nice too. Ang cologne na gamit niya ay 'yong magpapaiwan talaga sa daan kapag dadaan siya.

I weakly smiled at him.

"This bothers me." wika ko at tumigil sa paglalakad para harapin siya. Ganoon din ang ginawa niya.

"Ang alin?" kunot-noong tanong niya.

"Malapit na ang SC Election." I started. Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya pero mas lalo lang yata siyang naguluhan kung bakit iyon ang panimula ko. Hindi niya pa yata alam ang tungkol sa candidacy ko.

"I'm running for Senator and˗"

"Ows? Tatakbo ka?"

I drew my lips together and hardly nodded.

"And I'm thinking of backing out."

"Ikaw. Ano sa tingin mo?" I asked him. Desperado na talaga siguro akong humingi ng payo sa kahit na sino. Maging kay Harvey. Kahit na... halata naman sa kanya na wala siyang interes sa mga ganito.

"Bakit?"

"Well... I was just thinking... I'm still young and... kanina... narinig ko ang mga nag-uusap na estudyante tinatanong kung sino si Sofia Brayleigh Almendarez." I said hesitantly. Still, I continued talking.

"They don't know me. I'm not popular nor friendly and approachable. Natatakot akong matalo." Natawa ako sa tono ng boses ko, parang batang natatakot na matalo sa isang laro.

Matagal kaming nagtitigan sa gitna ng mahabang pathway. Nang mapagtantong wala akong hinihintay na tugon sa kanya ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Habang naglalakad ay iyon lamang ang laman ng isip ko.

"I should really dismiss my candidacy." Kaswal kong sabi.

"Bakit? Dahil ba sa mga taong narinig mong nag-uusap tungkol sa'yo?" hula niya na hindi ko naman iginiit. Tama naman siya roon.

"May tanong ako." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"What is it?"

"Kung bibili ka ng sarili mong sasakyan, sino ang pipili?"

My forehead creased when he brought that question which seems so far and irrelevant to our topic.

"Sino ang pipili ng sasakyan, Sofia." ulit niya sa kanyang tanong nang wala siyang makuhang sagot galing sa'kin.

Kahit nagulat ako sa pagtawag niya sa'kin ng Sofia ay nagawa ko pa rin siyang sagutin.

"Ako siyempre."

"Bakit ikaw?"

"What?" natatawa kong tanong. Is this some kind of joke or riddle? Or what?

"Bakit ikaw ang pipili, bakit hindi ako? O 'yong mga taong narinig mo na pinag-uusapan ka, sabi mo." sunod niyang tanong na ikinakunot lalo ng kunot ko ng noo.

"Of course, it's my car! I'm the one who will use and drive my car. Not you, not those strangers but me." determinado kong wika.

He smirked. "Gano'n naman pala. Bakit nagpapaapekto ka sa sinasabi ng iba?" He licked his lips and stared at me for a long while.

"Well, I˗"

"Ikaw ang driver ng sarili mong buhay kaya huwag mong ibigay sa iba ang driver seat."

I looked at him in awe. Well, he's the guy I used to look up before. Nawala lang saglit pero ngayon ay bumabalik na.

I gave him a genuine smile.

"T-Thanks." I stuttered.

I averted my eyes as I exhaled deeply.

"Sa Friday na ang SC Election."

Nilingon ko si Harvey na hindi pa rin inaalis ang tingin sa'kin.

"Kinakabahan ako."

He shrugged. "Mas kabahan ka kung hindi ka na kinakabahan. Iba na 'yan." he joked that made me frown.

Tumigil kami sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng building ko. Magpapaalam na sana ako nang mahuli ko siyang nakatingin sa buhok ko.

"Kulot pa naman ang buhok mo." he blurted out of a blue and started swirling my curly hair through his index finger. I shoved his hand away from my hair.

"Anong connect?" I asked as I put my curls into its right places. He's ruining my curls.

He chuckled. "Parang pansit canton."

Nagkasalubong ang dalawang kilay ko sa narinig. Wala pang nakakapagsabi sa'kin na mukhang... pansit canton ang buhok ko. Siya pa lang. At kahit naguguluhan sa pinagsasabi niya ay hinanap ko pa rin ang pinupunto niya.

I lifted a brow at him. "And then?"

"Nagugutom ako." natatawa niyang sabi habang hawak-hawak ang tiyan.

"Then eat."

He smiled at me. "With me." He looked around before he settled his eyes on me. "Wanna eat with me, Sofia?"

A Hope to Lose (Friend Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon