Chapter 18

3.2K 128 8
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 18

Hance' POV

What the fuck?! A fucking slave? Ako? Isang slave? Fuck!

Is she for real?

Sa dinarami-raming pwedeng hilingin ay yun pa? Bakit ba kasi hindi ko yun naisip?

Tinignan ko naman itong babaeng ito at abot mata ang ngiti sa kadahilanang slave niya raw ako.

Bwisit! Bakit ko nga nilalapitan ang babaeng ito? Napakaswerte niya dahil siya ang unang pinaggawan ko nito.

If I don't have plan, I won't get close to this woman. Argh!

But maybe, I need to be a fucking slave just to be forgiven and I'll get her trust and make her fall in love with me. And after that, I'll break her heart.

I can't wait that to happen.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Zouie's POV

Gumising ako ng maaga dahil ngayon ang nakatakdang araw para mautus-utusan ko ang hudas hahaha!

Kinuwento ko na rin ito kay Ysa at pati siya ay gulat na gulat na pumayag ang master ng section októ na maging slave ko.

Master daw kasi ng section októ si Hudas na ngayon ko lang nalaman.

"Ang saya mo naman ata ngayon?" pansin sa akin ni Ysa habang kumakagat ng hotdog.

Nakangiti naman akong tumango.

"Sobra. Ngayon ko lang kasi mararanasang may slave hahaha!" sabi ko at natawa naman siya.

"Hindi talaga ako makapaniwala na um-oo siya sa'yo. I mean, mapride si Hance kaya nakapagtataka naman na gagawin niya talaga ang lahat para mapatawad mo siya." takang sabi ni Ysa at medyo napaisip naman ako pero agad itong naglaho dahil masaya talaga ako.

"Baka talagang ganun lang." simpleng sabi ko at tumango naman siya.

Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush muna ako bago kinuha ang bag ko.

Nasaan na kaya siya?

Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may kumatok kaya agad ko itomg binuksan.

Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang hudas na nakabusangot.

Akala mo nama'y inagawan ng candy.

Nakangiti ko namang inabot ang bag ko sa kanya at inis niya namang hinablot.

"Hoy, dahan dahan at baka masira." pagsaway ko sa kanya pero inirapan niya ako.

"Tss."

Pumasok muna ako sa loob at nagpaalam na kay Ysa.

"Ysa, una na ako ah!"

"Okay! Ingat!" sigaw niya pabalik dahil nasa loob siya ng kwarto niya.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now