Chapter 42

2.9K 120 9
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 42

Zouie's POV

Halos tatlong linggo na matapos magconfess sa akin si Hance.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nararanasan ko ang bagay na ito.

Hindi ko rin alam kung ano ba talaga kami dahil wala naman siyang sinabi kung kami na ba officially o m.u. lang.

Masasabi ko pa rin kasi na wala pa rin kaming label.

Nag-a-i love you-han kami pero wala kaming label.

Pero kahit ganun ay masaya pa rin ako dahil walang araw na hindi niya ipinaparamdam sa akin na mahal niya ako at araw-araw din niya akong pinapakilig.

Minsan nga lang ay may saltik.

Ang pinagtataka ko lang kung bakit ganun na lang ang reaksyon nila Vin at KN nung kinuwento ko yun.

Ang seryoso kasi nila.

At dahil lutang ako sa pagpasok ay nung pagkapasok ko ay hindi ko lahat narinig ang sinabi nila.

"... sabihin na kasi natin kay Zouie dahil mas masasaktan siya kapag pinatagal pa natin." sabi ni Alex na ikinatigil ko.

"Anong sasabihin?" tanong ko sa kanila at napatingin naman sila sa akin habang nanlalaki ang mata nila.

"Zouie.." tawag nila sa akin pero tinanong ko ulit sila.

"Anong sasabihin?" tanong ko ulit at bigla na lang tumayo si Nyl habang nagpilit ng ngiti.

"Wala iyon. Gusto lang sana kasi naming sabihin sa'yo na hanggang ngayon ay hindi namin alam ang birthday mo samantalang ang tagal na nating magkakasama. Natatakot naman kami na tanungin sa'yo dahil baka magalit ka." sabi niya na ikinatawa ko.

Pero ramdam kong parang tutol ang mga kaklase ko pero hindi na lang sila nagreact pa. Lumapit naman ako sa kanila habang tumatawa pero peke naman.

"Ay yun lang ba! Wala yun 'no. Sa November 18 pa ang birthday ko!" sabi ko at tumawa sila ng peke.

Kahit hindi nila sabihin ay alam kong hindi iyon ang tinutukoy nila.

May tinatago ba kayo sa akin?

Umiling na lang ako para mawala ang naiisip ko.

Hindi naman sila gagawa ng bagay na ikakasakit ko diba?

Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin.

"Good morning, baby." bati sa akin ni Hance at hindi ko maiwasang hindi mamula.

Kahit kasi madalas niya ng itawag sa akin ay hindi ko maiwasang hindi pamulahan at hindi ko rin maiwasang hindi makaramdam ng hiya at ilang.

Agad naman niya akong hinatak papuntang labas.

"Are you okay?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now