Chapter 41

3.1K 125 19
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 41

Zouie's POV

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang natuklasan naming lumang building.

Hindi talaga namin akalain na may nag-eexist pa palang ibang building bukod dito sa pinapasukan namin.

Sinabi rin nila na mas mabuting huwag ko munang ipagsasabi ito sa iba ang natuklasan namin.

"Ms. Martinez, are you listening to me?"

Agad namang bumalik ang aking ulirat ng makarinig ako ng boses.

Agad kong nilingon ito at nakita kong nakataas ang kilay ng aming prof sa akin.

Uh-oh.

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng mapansin kong pati mga kaklase ko ay nakatingin sa akin.

Takte! Nakakahiya!

"Y-yes po." sabi ko kahit na ang totoo ay hindi talaga ako nakikinig.

"Then answer my question. What is the longest word so far?" tanong niya sa akin na ikinalunok ko.

Kingina. Ano namang alam ko diyan sa longest word na iyan.

Tinignan naman ako ni Ma'am habang naghihintay sa akin ng sagot at pati mga kaklase ko ay nakatingin na rin.

Tangina! Lamunin na ako ng lupa!

Nakangiwi naman akong humarap kay Ma'am.

"Uhm-n-no idea po." sabi ko habang nakangiwi.

"Ano bang iniisip mo diyan at tila napakaimportante niyan? Care to share?" nakataas niyang kilay na tanong kaya naman umiling ako.

"W-wala po, ma'am." nakatungo kong sabi dahil sa sobrang hiya.

Nagulat naman ako ng biglang nagtaas si Hance ng kamay.

"I'll answer it, ma'am." sabi niya kaya sa kanya tumuon ang tingin namin.

"Okay. Go ahead."

Agad namang tumayo si Hance at humalukipkip.

"That's Pneumonoultramicroscropicsilicovolcanoconiosis." sabi niya na ikinanganga ko.

Wow. Sana all at alam 'yan.

Masyado namang mahaba at hindi ko nga alam kung anong meaning niyan.

"Ano pang iba?" tanong naman ni Ma'am at nagpatuloy si Hance.

"Supercalifragilisticexpialidocious. It means atoning for educability through delicate beauty." sabi niya at mukhang naimpress naman si ma'am.

Napapalakpak naman kami dahil hindi ko rin akalaing may itinatagong talino pala siya.

"Very good. You can take your sit now." sabi ni ma'am at umupo naman siya.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now