Chapter 11

4.1K 183 16
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 11

Zouie's POV

Kahapon ay binisita ako ni Ysa at sobra ang pag-aalala niya sa akin. Bumisita rin si KN at nakahinga naman siya ng maluwag ng malaman niyang okay lang ako.

Natakot din daw ang mga kaklase ko ng makita nila ang pag-agos ng dugo sa ulo ko.

Baka raw maamnesia ako pagkatapos.

Ang advance nilang mag-isip grabe.

May benda pa rin hanggang ngayon ang ulo ko dahil sariwa pa ang resulta ng katangahan ko kahapon.

Sabay kaming pumasok ulit ni Ysa at pagkapasok ko sa aking room ay agad akong tinignan ng mga hudlong kong kaklase.

"Hi, Zouie! Kumusta ka na?"

"Okay ka lang ba?"

"Hindi ka naman naamnesia diba?"

Napairap na lang ako dahil sa mga pinagsasabi nila.

"Heh! Manahimik kayo diyan at baka may nilagay na naman kayo sa pwesto ko." mataray kong sabi at napakamot naman sila ng ulo.

Napansin ko si Vin na tahimik na nakaupo habang nakatingin sa akin. Nang magtama ang aming paningin ay ngumiti siya sa akin na nginitian ko rin.

"Okay ka lang?" sabi niya ng walang lumalabas na boses.

Tumango naman ako at nagthumbs up kaya natawa siya.

Pumunta na agad ako sa pwesto ko at sinuri ko muna lahat ng parte ng pwesto ko at narinig ko namang tumatawa ang mga depungal kong kaklase.

"Grabe namang kung manuri."

"Tinitignan niya lang at baka may traces ng dugo haha!"

"Parang detective oh. Parang akala mo may nangyaring krimen sa pwesto niya."

Sabi nila at nagtawanan. Inirapan ko naman sila.

"Manahimik kayo diyan! Naninigurado lang ako!" sigaw ko at umupo na ng masiguro kong walang kung anong katarantaduhang nakalagay dito sa pwesto ko.

Lumipas ang ilang sandali at dumating na ang isa sa mga asungot.

Yung palaging kasama nung hudas.

Masama ang tingin niya sa akin kaya inirapan ko na lang.

Maalisan ka sana ng mata diyan.

Ilang minuto na ang lumipas at napansin kong napakaaga pa pala.

At dahil bored ako ay nagkalkal ako sa bag ko at nagulat ako na napakaraming nalukot na papel sa bag ko.

Dito ko nga pala tinapon.

Agad kong kinuha ang mga basurang nakita ko sa bag at tumayo para itapon sa labas.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now