Chapter 33

3.2K 138 5
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 33

KN's POV

Dinala namin si Zouie sa clinic dahil dumugo na naman ang sugat niya.

"She's okay now." sabi ng nurse kaya naman tinanguan ko lang ito.

Nagpaalam na ito na aalis na kaya naman nagpasalamat kami at napatingin kami kay Zouie na mahimbing ng natutulog matapos gamutin ang sugat niya.

Bumaling naman sa akin si Vin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong niya kaya kahit naguguluhan man ay tumango ako.

"Sure."

"Pero hindi dito." sabi niya at siya na ang unang lumabas kaya naman sinundan ko siya.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko sa kanya at huminga naman siya ng malalim.

"Alam kong alam mo na may plano si Hance kay Zouie at ang pakikipagbati kuno namin ay plano niya. Kasama ka na rin ba dun?" tanong niya sa akin na ikinatigil ko.

I know their plan and I'm agreed to that but... I doubted it now.

Hindi ko alam kung kasama rin ba ako sa gustong maghiganti kay Zouie pero kasi sa mga ginawa niya sa akin, parang hindi ko gustong mapabilang sa paghihiganti nila.

Maybe I give her a chance?

Tumingin naman ako kay Vin na mukhang hinihintay ang sagot ko.

"No... Hindi ako kasama." sabi ko at sinuri niya pa ako na tila ba'y sinusuri ako kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Are you sure?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.

"Yeah. How about you?" tanong kong pabalik sa kanya at bumuntong hininga naman siya.

"At first, ayaw ko talaga sa kanya kaya nga ilang beses ko siyang tinataboy at ginagawan ng katarantaduhan. Pero nung tinulungan niya ako at inalagaan niya ako, nag-iba e." buntong hininga niyang sabi.

Parehas lang pala kami.

"Sa tingin ko kasi, mabait talaga siya at hindi siya tulad ng kambal. Natatakot ako na baka kapag kinaibigan ko siya at napalapit ako sa kanya ay sobrang sakit ang maidulot nito sa akin." sabi niya sa akin habang nakatanaw sa paligid.

"You wouldn't know anything if you don't risk." I said at tumango naman siya.

"I know. Lahat naman ng bagay ay kailangan kang sumugal dahil hindi mo malalaman ang resulta o kalalabasan kung hindi ka nagrisk. Pero kasi nakakatakot magrisk e." sabi niya habang nagpilit ng ngiti.

Tinapik ko naman siya sa kaliwang balikat niya.

"Talagang ganiyan. At least, you risk right? Dalawa lang naman ang kalalabasan niyan, it's either, you risk it and the result will be worth it or you will risk but you will be disappointed. You will be disappointed but at least, you learned something and masasabi mo sa sarili mong sumugal ka." sabi ko at ngumiti naman siya.

"You're right." sabi niya kaya natawa naman kami.

"Zouie saved me. Actually, I am so mad at her especially when I found out that she has a connection to the twin. Saksi naman kayo diba?" sabi ko at tumango naman siya.

"Tumagal din siguro yun ng mga ilang linggo. Sinusuyo niya ako at gumagawa siya ng paraan para magkaayos kami kahit wala naman siyang ginagawang masama pero hindi ko siya pinapansin. Hindi ko siya hinahayaang lapitan ako. But then one day, she just saved me. She took the knife that suppossedly stab me. Sinigawan ko pa nga siya that time dahil sa pagyakap niya sa akin pero hindi ko inakalang niligtas niya lang pala ako." kwento ko habang nangingiti dahil naaalala ko na naman yun.

I didn't know that someone will sacrifice herself just to save me. Hindi ko akalaing may taong kukunin ang saksak na para naman talaga sa akin.

"Ganun talaga ata si Zouie e. Kahit na puro hindi magaganda ang ginawa mo sa kanya ay nandiyan pa rin siya para sa'yo. Hindi ka niya iiwan, magkamatayan man." sabi niya at tumango naman ako.

Namayani ang konting katahimikan sa amin pero agad din naman niyang binasag.

"So, bibigyan mo rin si Zouie ng chance?" tanong niya sa akin at tumango naman ako habang nakangiti.

"Of course, I'll give her a chance but... I hope... I hope that now, it will be worth it." I said at ngumiti naman siya.

"Amen." sabi niya kaya naman natawa kaming dalawa.

"Pero what if malaman niya na ginagamit lang siya sa plano ni Hance?" tanong niya na ikinaisip ko.

Alam kong magagalit siya once na malaman niya. Matagal na rin naman siya kasing hinahangad na magkaroon ng kaibigan tapos malalaman niya na peke at palabas pala ang lahat.

"Hindi pa natin siguro sasabihin 'no? Hindi pa kasi ito yung tamang panahon. At saka, hindi naman tayo kasama e." dagdag niya pa kaya naman tumango ako.

"Hindi naman tayo kasama. Though, sasabihin naman natin sa kanya para hindi na siya mabigla pa at para hindi na siya masaktan pa pero hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangan nating pag-isipan muna ng mabuti." sabi ko at tumango naman siya.

"Tara baka gising na yun. Pasok na tayo." sabi niya kaya naman ay pumasok na kami.

Natawa pa kami ng madatnan naming tulog na tulog pa siya at parang feel na feel niyang matulog ngayon.

"Tulog mantika pa pala." sabi ni Vin kaya naman natawa kaming pareho.

Agad naman akong tumabi at umupo sa gilid niya.

"Bibili na lang muna ako ng makakain natin." paalam ni Vin at tinanguan ko naman siya.

Napatitig naman ako kay Zouie na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog.

Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan lalo na't parang kaparehas niya ang kapatid ko.

Parehas kasi silang may color brown na buhok at pati ang mata niya ay gray. Parehas naman kami dahil brown din ang buhok ko at gray din ang mata ko.

Ang kambal naman ay brown din ang buhok pero ang color ng mata nila ay light brown kaya nakapagtataka na bakit hindi sila parehas ng color ng mata.

Maybe Zouie get that to her father?

May nakikita rin kasi ako dito na lalaki na color brown din ang buhok at gray din ang color ng mata niya.

Napatingin naman ako kay Zouie ng unti-unti siyang dumilat at ngumiti sa akin.

Finally at gising na rin.

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now