Chapter 55

2.9K 119 7
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 55

Zouie's POV

Agad kaming napatingin sa mga estudyanteng nagtatakbuhan kaya hindi namin maiwasang hindi magtaka.

"Dito lang kayo." sabi ni Kuya Kurt pero hindi namin siya sinunod at sumunod pa rin kami sa kanya.

"Ang kulit." sabi niya ng makita niya kaming sumunod sa kanya.

Nang makakita kami ng isang estudyante ay agad niya itong pinigilan at tinanong.

"Anong meron? Bakit kayo nagtatakbuhan?" tanong ni Kuya at para siyang nakakita ng multo dahil sa sobrang putla.

"Yung mga estudyante doon kasi ay parang mga zombie." sabi niya habang nanginginig kaya naman napakunot ang noo ko.

"Zombie? Anong parang zombie?" tanong ko kaya sa akin bumaling ang atensyon niya.

"Yung mga estudyante ay naglalakad na parang wala sa sarili. Kapag hahawakan mo sila o kaya'y makikita ka nila ay bigla ka nilang hahatakin at dadalhin sa kung saan." sabi niya at agad na tumakbo palayo.

Hahabulin pa sana namin siya pero agad na siyang nakalayo.

Ano na namang nangyayari?

"May nangyayaring hindi maganda. Nag-uumpisa na sila." sabi ni Hance kaya agad kaming napatingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? May alam ka?" tanong sa kanya ni Kuya.

Tumingin naman siya sa akin bago tumingin sa kanila.

"I think, may kinalaman ito sa building na nasa likod ng gubat." sabi niya at sumabad naman si Alex.

"Diba, sinabi mo Zouie na may parang laboratory sa loob ng building na iyon? May mga kinabit sila sayo na hindi mo naman alam kung para saan?" tanong niya at tumango naman ako.

"Kung parehas man iyon, bakit hindi naman ako naging zombie na tinutukoy nila?" tanong ko at napaisip naman sila.

"Hindi na mahalaga iyon. Ang importante ay dapat protektahan natin ang isa't isa." sabi ni Nyl at sumang-ayon naman ang lahat.

Napatingin naman ako sa paparating na mga estudyante at nanlaki ang mata ko ng mapansing kong may kakaiba sa kanila.

"Tignan niyo oh!" sigaw ko sabay turo sa mga estudyante kaya agad silang napaharap doon.

Para silang mga wala sa sarili. Ang mga mata nila ay walang buhay. May mga maitim din sa ilalim ng mga mata nila na para bang hindi na sila natutulog. At pati paglakad nila ay parang lantang gulay.

Nang makalapit sa amin ay medyo napaatras pa kami pero napansin kong para hindi nila kami nakikita.

Ano ba talaga ang meron?

Nang makalapit sila ay agad akong hinawakan ni Hance ng mahigpit kaya naman napatingin ako sa kanya.

Napatingin naman ako sa mga estudyante ng marinig kong may binubulong sila.

Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang binubulong nila.

"Get the gray eyed girl named Zouie."

"Get the gray eyed girl named Zouie."

"Get the gray eyed girl named Zouie."

Paulit ulit nilang binubulong sa sarili nila na para bang sirang plaka kaya hindi ko maiwasang hindi mapamura.

"Tangina!"

At ganun na lang ang takot ko ng bigla silang tuminging lahat sa akin at bigla na lamang nila akong hinatak.

"Get the gray eyed girl named Zouie." paulit ulit nilang sabi habang hinahatak ako.

"Aray."

Hindi ko maiwasang hindi mapadaing ng matapakan nila ang paa ko.

"Shit!" mura ni Hance at agad nila akong hinatak pero parang mga malakas sila dahil hindi nila ako mabitawan.

Kaya naman walang nagawa sina Hance at pinagsusuntok nila ang mga humahatak sa akin.

Nang makawala ako sa hatak nila dahil sumugod na ang mga section októ ay agad akong niyakap ni Kuya Kurt.

Hindi ko namang maiwasang hindi manginig sa takot dahil sa nangyari.

Bakit gusto nila akong kunin at alam pa nila ang pangalan ko ha.

"Ssh. Don't worry. I won't let anyone to get you and hurt you. I'll protect you with the best I can." sabi ni Kuya at niyakap din ako ni Ysa.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa mga naglalabang mga estudyante at kaibigan ko sa harap ko.

Bakit gusto nila akong makuha? Ano bang gagawin nila sa akin.

Napakurap na lang ako ng bigla akong sugudin ng yakap ng mga section októ kaya doon ko lang napansin na tapos na pala sila sa pakikipaglaban.

"Damn! Bakit ikaw ang gusto nilang makuha?!" inis na tanong ni KN at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Kailangan na nating lisanin ang lugar na 'to." sabi ni Nyl kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Ysa kaya naman napatingin kami sa kanya.

"Walang ligtas na lugar dito. Ang kailangan natin ay labanan sila." sabi ni Van kaya naman sumang-ayon ang iba.

Napatingin naman ako sa mga ibang estudyante. May mga ibang umiiyak, nanginginig sa takot at ang iba ay tulala na lang.

Naaawa ako sa kanila at wala man lang akong magawa.

Nang dahil sa kasamaan na ginagawa nila ay maraming napapahamak.

Sino kaya ang pasimuno dito at alam kaya nila 'to nina Mommy?

"We should protect Zouie lalo na't siya ang pakay nila." sabi ni Hance kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Protect her at all cost." sabi naman ni KN.

Umiling naman ako sa kanila. Ayaw kong mapamahak sila ng dahil sa akin.

"Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi niyo kailangang protektahan ako." sabi ko pero lumapit sa akin si Kuya.

"Hindi pa rin pwede. We should protect you lalo na't ikaw ang gusto  nilang kunin. We won't let anyone to take you away from me..." sabi niya at mahigpit na humawak sa kamay ko.

"Matagal kitang hindi nakasama at hindi ako papayag na mapahiwalay ka ulit sa akin." dagdag niya.

"Kurt is right. Kaya huwag ka ng magreklamo at dito ka lang sa gitna namin kasama si Ysa." sabi nila kaya naman tumango na lang ako at tumabi kay Ysa.

Nag-umpisa na kaming maglakad at pumulot naman sila ng dos por dos na nakita nila sa kung saan para magsilbing armas nila.

Napatingin na lang ako sa bracelet na suot ko at hinawakan ang krus noon.

Pinagdadasal ko na sana walang mangyaring mapahamak sa amin at makaligtas kaming lahat sa kinakaharap naming panganib.

Huwag sanang hayaang manaig ang kasamaan sa eskwelahang ito.

Hahakbang na sana kami paalis ng biglang may nahulog sa gitna namin na bagay pero huli na bago pa namin malaman iyon.

May lumabas na usok dito at naramdaman ko na lang na unti-unti akong nawalan ng malay pero bago ko tuluyang mapikit ang mata ko ay nakita ko siyang nakangiti sa amin.

Tangina. Bakit mo kami trinaydor?

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon