Chapter 21

3.2K 131 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 21

Zouie's POV

Napatingin ako sa orasan at tangina naman oh! Malalate na ako! Hindi man lang ako ginising ni Ysa.

Kainis naman oh.

Minadali ko na lahat ng gawain ko at nagmadaling lumabas ng dorm.

Malapit na ako sa building ng makarinig ako ng bulung-bulungan.

"Balita ko, nagbalik na sina King at Queen." saad ng isang babae.

King and Queen?

"Nakakatakot pa naman sila." sabi naman ng kausap niya.

Umalis na sila na tila ba'y takot na takot na akala mo'y may dumating na isang killer.

Sino ba yung King and Queen na tinutukoy nila?

Nagmadali na ako sa pagpasok ng biglang may makabungguan ako kaya ang ending ay napaupo ako at nahulog din ang mga bitbit ko.

Tangina naman oh! Puro kamalasan naman ang araw na 'to!

"Are you blind?! Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo ha?!" sigaw ng familiar na boses.

Pero hindi ko muna ito pinansin dahil abala ako sa pagpupulot sa mga bitbit kong nahulog.

"I'm talking to you bitch--" sabi ng familiar na boses at hinatak ang buhok ko para mag-angat ang tingin ko pero hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng magkakilala kami.

Namilog ang mga mata namin ng makilala ang isa't isa.

"A-Ate.."

"Ikaw?!"

Bakas pa rin ang gulat sa mata namin dahil ko akalaing magkakabangga at dito kami magkikita.

Tumayo naman ako at nagpagpag ng damit bago siya maayos na hinarap.

Siya ang unang nakabawi ng gulat sa amin at bigla na lang akong pinanglisikan ng mata.

"What are you doing here, huh?!" galit na tanong niya kaya hindi ko maiwasang hindi magtaka.

Ano bang kinakagalit niya?

"Answer me when I'm talking to you!" sigaw niya at padaskol niyang hinawakan ang panga ko.

"A-aray ko. B-bitawan m-o na a-ako. Nasasaktan a-ako." pautal utal kong sabi habang namamalibis ang mga luha ko.

"Talagang masasaktan ka! Tinatanong kita kaya sagutin mo ako! Anong.Ginagawa.Mo.Dito?" madiin niyang pagkakasabi.

"N-nag-aaral--" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong sampalin.

Dinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko at alam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.

Parang namanhid ang pisngi ko dahil sa lakas ng sampal ni Ate Khezia sa akin.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now