Chapter 13

3.8K 157 5
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 13

Zouie's POV

Mahigit dalawang linggo na ako dito sa academy na ito at masasabi kong walang araw na hindi ako nabwisit.

Paano ba naman kasi, sa loob ng mga araw na iyon ay wala pa rin silang tigil sa pambubully sa akin. Ang hindi lang ata sumasali sa kanila ay yung dalawang kumag at si KN at si Vin.

Medyo naging close na rin kami ni Vin at silang dalawa ni KN ang madalas kong kasama tuwing break time.

Iba na rin kasi ang schedule ni Ysa.

Pagkapasok ko sa room ay nakita ko ang hudas at ang asungot niya habang nakapoker face ang mukha na nakatingin sa akin.

Ang mga baliw ko namang kaklase ay hanggang ngayon ay hindi pa nababawasan ang energy dahil putak pa rin ng putak.

Nang makita nila ako ay ngumiti sila ng nakakaloko at tiyak kong may katarantaduhang ginawa na naman ang mga ito.

Dumiretso na ako sa upuan ko at umupo. Di rin nagtagal ay pumasok na si Vin at si KN na mukhang nagsabay pumasok.

"Good morning, Zouie!" bati sa akin ni KN at Vin na ngayon ay madalas ko ng katabi at pinagigitnaan nila ako.

"Good morning!" bati ko rin at ngumiti naman sila.

"May ginawa na naman ba silang katarantaduhan?" tanong sa akin ni KN at umiling naman ako.

Alam kasi nila na tuloy pa rin sila sa pambubully sa akin pero wala naman silang magawa dahil mukhang utos daw ng Hudas na Hance na iyon.

Hindi na ako magtataka kung mapunta ng impyerno ang hudas na iyon.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na rin ang prof namin na tila ngayon ko lang nakita.

Bagong prof?

"Good morning class. Wala pala si Ma'am Anie niyo dahil may sakit siya kaya for the mean time ay ako muna ang magiging prof niyo sa asignaturang ito." sabi niya at napatango tango naman ako.

"Attendance muna tayo." sabi ni Sir at kinuha ang attendance.

"Sa boys muna. Alexander De Vera."

"Present Sir!"

"Hance Drake Eliezar."

"Present." bored na sabi ng hudas.

"Giovanni El Verde."

"Present na present po sir."  sabi niya at natawa naman si sir.

"Nyl Anton Fortalejo."

"Present." sabi niya habang nakapoker face ang mukha.

Talent nilang dalawa iyan e. Ang sarap burahin.

Napantingin naman siya sa akin at nang makita niyang nakatingin ako ay tinaasan niya ako ng kilay. Inirapan ko naman sila.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon