Chapter 32

3.3K 141 4
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 32

Zouie's POV

Tatlong araw na rin ang nakakalipas matapos akong masaksak.

Sobra ang pag-aalala sa akin ni Ysa nung mga oras na iyon ng malaman niya ang nangyari sa akin.

Binisita ako ni Ysa at Kuya Kurt pati na rin ang buong section októ.

Halos isang araw na rin daw pala akong tulog kaya ganun na lamang kaitim ang mga eyebags ni KN nun.

Ngayon ay naghihilom na rin ang sugat ko at ngayon ay nakapasok na rin ako.

Halos dalawa o tatlong araw na rin kasi akong hindi nakapasok dahil sa sugat ko.

Pero ngayon ay todo alalay pa rin sila sa akin kahit na sinabi kong okay lang ako.

Ngayon ay kasalukuyan akong nakatingin sa labas dahil ang lakas ng ulan at wala pang prof na pumapasok sa amin dahil siguro sa lakas ng ulan.

Habang abala ako sa pagtingin sa labas ay may biglang kumalabit sa akin.

Nang lingunin ko ito ay si Vin lang pala.

"Oh?" inis kong tanong at ngumiti naman siya.

"Oblong." nakangiti niyang sabi at hindi ko maiwasang hindi siya tignan ng blangko.

Nakahithit na naman ata ito.

"Ang talino mo na diyan?" tanong ko sa kanya at napasimangot naman siya.

"Ang sungit. Nagtataka lang kasi ako e. Parang ang layo na kasi ng narating mo sa pagtingin mo diyan sa labas." sabi niya at tinignan ko naman siya.

"Saan ba ako napunta?" tanong ko at nagtaka naman siya.

"Malay ko sa'yo."

Tinignan ko naman ang upuan ko at siya.

"Hindi naman ako umalis ah? Kaya bakit sinasabi mong ang layo na ng napuntahan ko?" tanong ko at may biglang pumitik sa noo ko pero mahina lang.

Nang lingunin ko ay si KN pala ang may gawa.

Bumalik na kami kasi sa dating pwesto. Sa kaliwa ko siya at sa kanan ko naman si Vin.

"Ayan ka na naman." sabi ni KN at nagmake face naman ako na ikinaani ko na naman ng pitik.

Tinignan ko naman siya ng masama pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"What?"

"Water." sabi ko kaya sinamaan naman niya ako ng tingin.

Agad naman akong umiwas ng akmang pipitikin na naman niya ako.

Napansin ko naman na lumabas si Hance at si Nyl pero hindi ko na lamang ito pinagtuunan ng pansin.

Napatingin na lang ako sa labas ng mas lalong lumakas ang ulan. Medyo giniginaw na rin ako dahil nakabukas ang mga bintana namin.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now