Chapter 16

3.5K 142 15
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 16

Zouie's POV

Pagkapasok ko sa room ay nagulat ako ng bigla nila akong batiin.

"Hi Zouie!"

"Good morning Zouie!"

Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa biglang pagbati nila sa akin. At mukhang masaya pa sila ah.

May ginawa na naman silang katarantaduhan.

Pinaningkitan ko naman sila ng mata sabay akusa sa kanila.

"Hoy! Ano na namang katarantaduhan ang ginawa niyo ha?! Nakakainis na ah!" inis kong sabi at nagtaka naman sila.

"Ha? Pinagsasabi mo diyan, Zouie?" takang tanong ni Van.

Huminga naman ako ng malalim para alisin ang inis sa katawan ko.

"Binati niyo na naman ako. E di ibig sabihin ay may ginawa na naman kayong katarantaduhan!" inis kong sabi at nagtaka naman ako ng bigla silang humagalpak ng tawa.

"Hahaha! Nakakatawa ka Zouie!"

"Grabe! Nag-aakusa agad!"

"Hahahahahaha!"

Inis ko naman silang tignan dahil konti na lang ay maglupasay na sila sa sahig sa kakatawa.

"Hoy! Magsitigil nga kayo!" pagpapatigil ko sa kanila at tumigil naman sila.

Dahan dahan naman silang lumapit sa akin kaya wala akong nagawa kundi umatras.

Anong gagawin nila?

"H-Hoy! A-anong gagawin n-niyo? B-bakit kayo l-lumala-pit sa a-akin?" utal utal kong tanong dahil habang lumalapit sila sa akin ay may ngiting aso sila.

"Re-repyn ka na namin, Zouie hahaha!" sabi ni Seth kay agad ko siyang sinikmuran na ikinadaing niya.

"Tangina! A-ang sakit!" daing niya at tinignan ko naman siya ng masama.

"Tangina mo rin! Kung ano-anong sinasabi mo!" inis kong sabi at sinamaan naman niya ako ng tingin na ginantihan ko rin.

"Joke lang naman iyon e. At saka,  ang sakit ng suntok mo! Babae ka ba?" tanong niya habang hawak pa rin ang parte ng tiyan niya.

"Ay hindi. Hindi ako babae." sarkastikong sabi ko.

"Ay hindi ka pala babae. Tama pala ang nasa isip ko." sabad naman ni Alex kaya sa kanya natuon ang pansin namin.

Agad naman siyang binatukan ni Asher.

"Bobo ka talaga!" sabi ni Asher at mukhang nainsulto naman si Alex.

"Hoy! Makabobo ka naman, wagas! E parehas lang naman tayo!" inis na sabi ni Alex pero ngumisi lang si Asher.

"Ikaw lang." sabi niya at sa akin na sila tumingin kaya naman tinaasan ko sila ng kilay.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now