Chapter 63

2.7K 111 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 63

Zouie's POV

Patuloy pa rin kami sa paglalakad dahil malayo pa rin ang daan palabas.

Tuluyan na ring nagdilim kaya medyo nahihirapan kami dahil ang tanging liwanag na lang ay ang buwan.

Mas naging alerto na rin ang mga kasama namin dahil hindi masyadong kita kung sakaling may mga kalaban.

Napatingin naman ako sa paligid at nakikita ko ang ilang mga estudyanteng wala sa sarili habang naglalakad.

Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kanila dahil sa kanilang mga sinapit.

Wala silang kamalay malay sa nangyayari sa kanila at paniguradong marami pa silang pangarap pero humantong sila sa ganito.

Napatingin naman ako kay Ysa at akbay akbay siya ni Kuya Kurt at napangiti naman ako dahil finally ay hindi na namin kalaban si Ysa.

Alam kong nagawa niya lang iyom dahil sa selos niya sa amin ni Kuya Kurt noon.

Hindi ko man lang napansin yun.

Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa matalahib na gubat na nasa loob ng eskwelahang ito dahil dito raw matatagpuan ang lagusan patungong labas.

"Are you tired?" sabay na tanong sa akin ni Hance at Kuya kaya naman nagkatinginan sila at sinamaan ng tingin ni Kuya si Hance.

Napalabi naman ako dahil hindi man lang magkasundo ang dalawang ito samantalang dati ay close na close sila.

"Hindi pa naman ako pagod." sabi ko at bigla na lang may inabot sa akin si Hance na bottled water na nanggaling sa bag na dala ni Seth.

"Here. Drink this." sabi niya at tinanggap ang inaalok niyang tubig.

Medyo nauuhaw na rin kasi ako.

"Thank you." sabi ko at binalik sa kanya.

Napaigtad naman ako ng bigla siyang lumapit at bumulong sa akin.

"You're always welcome, agapí mou." sabi niya at hindi ko maiwasang hindi mamula. Para ring nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya.

Bakit ba ganito na lang ang epekto niya sa akin?

"Tama na nga 'yan. Kukutusan ko kayong dalawa." inis na sabi ni Kuya kaya naman ngumisi ako sa kanya.

"Sige nga. Gawin mo nga." panghahamon ko sa kanya kaya laglag panga niya akong tinignan.

"Aba! Matapang ka na ah!" sabi niya kaya naman mas lalong lumawak ang ngisi ko.

"Alam naman kasi nating hindi mo kayang gawin iyan." pang-aasar ko sa kanya at narinig ko naman ang pagtawa ng mga kasama ko na ikinaani nila ng sama ng tingin ni Kuya.

Bumaling naman siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Ang bad mo sa akin!" sabi niya at nagpout kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now