Chapter 9

4.2K 183 9
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 9

Zouie's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Ysa papasok sa aming room habang nag-uusap.

"Sino ba kasi talaga yung inalagaan mo kahapon at hindi ka nakapasok?" makulit na tanong ni Ysa.

Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo.

"Si Vin yung inalagaan ko."

Agad namang nangunot ang kanyang noo.

"Ha? Isa sa mga kaklase mo sa section októ?" tanong niya at tumango naman ako.

"E diba binubully ka nila?" takang tanong niya.

"Oo nga't binubully nila ako pero hindi naman ako ganoon kasama para hindi siya alagaan lalo na't alam kong may sakit siya at mag-isa lang siya." sabi ko at nakita ko naman siyang napangiti.

"Aww. Ang bait mo naman." asar niya sa akin kaya inirapan ko siya habang natatawa.

Hindi namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng room niya.

"Oh siya. Dito na ako." sabi niya at tumango naman ako at tumuloy na sa paglalakad papuntang room ko.

Pagdating ko ay agad akong nilingon ng mga kaklase ko at nagulat ako ng bigla nilang ako batiin.

"Hi, Zouie!" bati sa akin ni Seth.

"Good morning, Zouie!" bati rin sa akin ni Van.

Nangunot ang noo ko dahil lahat sila ay binati ako pwera na lamang sa hudas at doon sa kasama niya dahil wala pa sila dito sa room.

Bakit nila ako binabati? Anyare?

"Anong meron? Anong nakain niyo?" takang tanong ko.

"Hotdog ang nakain ko!"

"Ako naman itlog!"

"Adobo sa akin!"

"Ay wow pre! Sana all!"

Napatampal na lang ako sa aking noo dahil sa kabobohang sagot nila. Hindi naman kasi literal na anong kinain nila ang tinatanong ko.

Napabuntong hininga naman ako bago ulit magtanong.

"Ang ibig kong sabihin, anong nangyari sa inyo? Feeling close lang?" takang tanong ko at napakamot naman sila sa kanilang batok.

"Wala naman, Zouie. Good mood lang kami ngayon." nakangiting sabi ni Asher.

Oh diba. May improvement! Alam ko na yung mga pangalan nila.

Napatango tango naman ako sa sinabi niya. Good mood lang pala sila. Sana palagi na lang ganito yung hindi nila ako binubully.

"Upo ka na dito, Zouie!"

"Oo nga, baka mangawit ka diyan."

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now