Chapter 19

3.2K 133 10
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 19

Zouie's POV

"Kýrios, nililigawan mo ba si Zouie?" tanong ni Seth kaya agad naman akong napatampal sa aking noo.

Ligaw? Agad? Ligaw agad?

Napairap naman si Hance dahil sa tanong ni Seth at ibinigay na sa akin ang bag ko at umupo na siya sa upuan niya ng hindi sinasagot si Seth.

Nakatingin lang naman sa akin si Nyl at agad na nag-iwas ng tingin at kay Hance na lang humarap.

Pagkaupo ko ay siyang pagdumog sa akin ng mga kaklase ko.

"Totoo? Nililigawan ka ng Kýrios namin?"

"Talaga?"

"Dali na, Zouie! Sabihin mo na!"

Agad ko naman silang pinalayo.

"T-Teka nga lang! Isa isa lang pwede? Mahina ang kalaban." sabi ko at tumahimik naman sila.

"Nililigawan ka nga talaga?" tanong naman sa akin ni Vin kaya sa kanya ako humarap.

Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.

"Hindi niya ako nililigawan oka---"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang sumabad si Van.

"E bakit kayo magkasabay na pumasok?" mapanuri niyang tingin.

Ay grabe. Maissue agad.

Ang sarap ibenta ni Van e. For sale: Van. Issue: Maissue. Benta niya: Tissue.

At kapag magkasabay bang pumasok ay nanliligaw na agad. Bilib na rin talaga ako sa utak ng mga ito e.

Ganyan sila mag-isip pero kapag quiz, walang maisip.

Ay wow. Parang hindi naman ata ako ganun.

"Alam mo, Van. Maissue ka e 'no. Porket nagkasabay e manliligaw na? E kayo nga sabay sabay pumapasok, ibig sabihin nililigawan niyo ang isa't isa?" pambabara ko at napakamot naman siya ng kanyang batok.

"E bakit dala niya yung bag mo? Ipaliwanag mo nga iyon." sabad naman ni Alex.

Nakatingin naman sa akin ang mga kaklase ko at halatang nag-aabang ng isasagot ko.

Bakit ba ganito na lang nila kagustong malaman? Parang akala mo ay kapag nasagot ko iyon ay makakakuha sila ng ginto e wala naman silang mapapala.

Sabihin ko bang slave ko siya?

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko bago sabihin sa kanila na slave ko si Hudas slash Hance.

"Slave ko kasi siya." mahina kong sabi at sabay sabay naman silang sumigaw kaya napatakip pa ako ng tainga.

"ANO?! SLAVE?!" sigaw nila at tinignan ko naman sila ng masama.

Ang sakit sa tainga putek!

Bakit ba parang nakalunok ng megaphone ang mga kaklase ko. Ang lakas lakas ng boses daig pa ang babae.

"Slave mo siya? Paano?" takang tanong ni Asher.

Takang taka rin ang iba kong kaklase. Hindi na rin ako magtataka kung bakit ganito sila kataka matapos malaman na slave ko si Hance.

Syempre, master nila si Hance tapos malalaman lang nila na slave ko siya. Napakaganda ko kasing dilag hahaha!

Lumingon naman sila kay Hance na tila ba'y nawalan ito ng ulo. Puno ng pagtataka ang mukha nila kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.

Parang akala mo e nagsasagot sila ng quiz.

Nilingon ko rin ito at nag-iwas lang ng tingin.

"Tss." sabi niya at kanina pa siya ganiyan.

Nagboboses ahas na nga siya sa pandinig ko e. Puro kasi tss. Buti hindi pa siya mukhang ahas. Hudas pa lang.

Magtatanong ulit sana sila ng patigilin sila ni Hance.

"Can you go back to your sit. I don't want you to go near her." sabi niya sabay turo sa akin.

Agad namang tinudyo ako ng mga kaklase ko.

"Aw.. Possessive." sabi ni Alex.

"Territorial." sabi naman ni Van.

Nagkanya kanyang alis naman sila pero hindi pa rin nawawala ang mapanudyong tingin nila.

Nilingon ko naman si Hance at nagulat ako ng kindatan niya ako.

Napaiwas agad ako ng tingin at hinawakan ko ang puso kong ang bilis ng tibok.

Ang bilis na halos hindi na ako makahinga sa sobrang bilis at tila ba'y naririnig ko na rin ang tibok ng puso ko.

Tangina! Parang lalabas na yung puso ko.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Nyl's POV

Napatingin ako kay Zouie at Hance na kararating lang at talagang sabay pang pumasok. Bitbit din ni Hance ang bag ni Zouie.

Kaya pala pinauna niya na akong pumasok.

Talagang seryoso nga siya sa plano niya.

I looked at Zouie and when he caught me that I'm staring at her, I looked away immediately.

Humarap ako kay Hance at agad na tinanong.

"Are you really serious in making Zouie fall in love with you?" pabulong kong tanong at tinignan naman niya ako ng seryoso.

"Do I look like I'm joking?" seryosong tanong niya sabay turo sa kanyang sarili.

"I mean, are you courting her now?" curious kong tanong.

Bumuntong hininga naman siya.

"I'm not courting her yet. I'm just her fucking slave just for me to be forgiven." sabi niya at natawa naman ako.

Really? He was her slave? Damn!

Sa tanang buhay ko ay hindi ko akalaing magiging slave si Hance ng ibang tao.

"Stop laughing, will you?" iritadong sabi niya kaya naman tumigil ako sa pagtawa kahit na tawang tawa pa rin ako.

"Napilitan lang ako. Hindi ko nga ginusto na maging slave ng kahit sino. Me? The kýrious of this room is a slave by someone? I can't imagine myself being a slave but now, because of my goddamn plan, I need to do everything." seryosong sabi niya kaya napailing naman ako.

"Baka ikaw lang din ang masaktan niyang sa huli ah." sabi ko sa kanya at tinignan naman niya ako.

"At bakit naman ako masasaktan? Hindi ko naman siya mahal at hinding hindi ko siya mamahalin lalo na't may dugo siya ng mga halimaw." seryosong sabi niya.

Tinapik ko naman siya sa kanyang balikat.

"Huwag kang magsalita ng tapos. Malay mo, biglang kainin mo iyang mga sinasabi mo ngayon." sabi ko s kanya at umingos naman siya.

"Never. Never mangyayari iyan. Kung si Zouie na lang ang natitirang babae sa mundo ay huwag na lang. Mas gugustuhin kong maging single na lang basta huwag siya." sabi niya at napailing na lamang ako.

Huwag kang magsalits ng tapos, Hance. Baka bigla kang mahulog kay Zouie habang ginagawa mo iyang plano mo.

At tatawa na lang ako kapag umiyak ka at ang dahilan ng pag-iyak mo ay si Zouie.

Delikadong makipaglaro ng apoy sa apoy dahil baka ikaw ang unang masunog.

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now