Chapter 51

3.1K 127 0
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 51

Zouie's POV

Ramdam ko ang pangingirot ng ulo ko pati na rin ang buong katawan ko.

Hindi ko naman madilat ang mata ko at hindi ko rin magalaw ang buong katawan ko na tila ba'y may pumipigil dito.

Rinig ko rin ang mga boses ng mga tao na hindi ko naman kilala.

"Inject that."

"Done."

"Control her."

Natakot ako ng biglang kumilos ang katawan ko samantalang hindi ko naman ito pinapakilos.

Anong nangyayari sa akin?!

Sinubukan kong pigilan ang sarili ko sa pagkilos na hindi ko naman gusto.

Hindi ko na rin alam kung ano ba ang ginagawa ko sa ngayon dahil puro dilim ang nakikita ko.

Ramdam ko lang na kumikilos ang katawan ko pero hindi ko alam kung anong ginagawa ko.

Kailangan kong mapigilan kung ano man ang ginagawa nila sa katawan ko. Hindi maaari ang ginagawa nila!

Ano bang ginagawa niyo sa katawan ko?!

Gustong gusto ko silang sigawan pero hindi ko magawa. Parang gising lang ay ang diwa ko.

"What the hell?! Paano niya napipigilan iyon?"

"She's strong unlike the others."

"She's perfect for this."

"We need to tell this to our boss."

Puro boses ang mga naririnig ko pero hindi ko naman makita kung saan nanggagaling iyon.

Ano bang ginagawa niyo sa katawan ko? Please lang... itigil niyo na.

Naramdaman ko na rin na tila ba'y tumigil na sa pagkilos ang katawan ko at tuluyan na ring natulog ang diwa ko.

Nagising na lang ako at ramdam ko ang pangingirot ng ulo ko at pati na rin ang buong katawan ko.

Sinubukan kong igalaw ang daliri ko at hindi naman ako nabigo.

Nagalaw ko ito.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko at medyo malabo pa ang paningin ko dahil sa liwanag.

Hinintay kong mag-adjust ang paningin ko at unti-unti naman itong luminaw.

Nagtaka naman ako ng bumungad sa akin ay puting kisame.

Bakit nasa clinic na naman ako? Ano na namang nangyari?

Nilibot ko ang paningin ko at agad akong napabalikwas ng bangon ng makita kong wala ako sa clinic.

Nahuli nga pala ako.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now