Chapter 61

2.8K 120 1
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 61

Zouie's POV

Napatingin ako sa paligid ko at nakita kong puro puno ang nasa paligid ko.

Nasaan ako?

Tila ba'y napakapayapa ng lugar na ito at ang tanging maririnig mo lang ay ang ihip ng hangin at huni ng mga ibon.

"Zouie!" napatingin ako sa tumawag sa akin at nakakita ako ng isang grupo ng mga kalalakihan.

Ang mga kaklase ko.

Napangiti naman ako at agad na lumapit sa kanila pero agad ding nawala ang ngiti ko ng mapansin ko ang kanilang kabuuan.

Namayani ang pag-aalala ko ng makita kong puro sila galos at may mga dugo pang nasa katawan nila.

"Anong nangyari sa inyo?" alalang tanong ko at ngumiti naman ang isa sa kanila.

"Huwag kang mag-alala, Zouie. Ayos lang kami. Malayo 'to sa bituka." sabi niya at sumang-ayon naman ang iba.

Magsasalita pa sana ako ng bigla akong akbayan ng dalawang lalaki at agad akong hinatak paalis.

"Tara na."

Agad naman kaming naglakad paalis kahit na hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Pero nagulat na lang ako ng biglang may mga sumulpot na... zombie.

Tangina. Bakit may zombie?

Napatingin sa akin ang nasa harap na na siyang kakaiba dahil parang normal siyang tao pero may hawak siyang baril kaya ganun na lang ang takot ko at halos manginig na ako sa takot.

Pero mas natakot ako ng bigla niyang itutok sa akin ang hawak niyang baril at kinalabit ang gatilyo. Pero bago pa iyon tumama sa akin ay may biglang dalawang yumakap sa akin kaya natakot ako.

"Huwag!" sigaw ko pero huli na dahil may natumba sa kanilang dalawa na siyang natamaan.

Agad naman akong napadilat at napakurap ako ng makita kong puting kisame ang bumungad sa akin.

Panaginip lang pala pero parang totoong totoo.

"Zouie..." napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si KN na mangiyak-iyak na nakatingin sa akin.

"Zouie!" sigaw niya at agad akong yinapos ng yakap.

"My little sister..." sabi niya kaya naman nagtaka ako.

What? Little sister?

Agad naman akong humiwalay sa yakap dahil sa sinabi niya. Pero agad din akong natigilan ng maalala ko yung tinawag niya sa akin bago ako mawalan ng malay.

Tinignan ko siya at nararamdaman kong naiiyak ako.

"L-little s--sister?" tanong ko at tumango naman siya.

"Yes.  You're my little sister. At ikaw talaga ang totoo kong kapatid dahil sa tattoo sa likod mo. Gayang gaya ng tattoo mo sa likod ang tattoo natin. I'm so stupid para hindi man lang tignan ang batok mo, in the first place." sabi niya kaya bigla na lang ako napahawak sa ulo ko ng bigla itong kumirot.

Hades Academy ( Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora