Chapter 8

4.3K 171 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 8

Zouie's POV

Mahigit isang linggo na rin ako dito sa academy na ito at kahit papaano ay alam ko na ang mga pangalan ng kaklase ko.

Mahigit isang linggo na rin nila akong binubully dahil hangga't ngayon ay hindi pa rin sila tumitigil na mapaalis ako.

Wala naman ding magawa si KN kundi tingnan ako ng apologetic look.

Pasimuno sa mga kalokohan si Vin na gusto ko na talagang pingutin dahil sa mga katarantaduhang alam.

Hindi ko naman kasama ngayon si Ysa dahil magkaiba kami ng schedule kaya nagkakasama na lang kami tuwing gabi.

Habang naglalakad ako ay nagulat ako ng biglang may mapaluhod na lalaki malapit sa pwesto ko kaya agad ko itong dinaluhan.

"Okay ka lang ba?" alalang tanong ko at nagulat ako na si Vin pala ito.

Nang makita niya ako ay pilit niyang inaalis ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Don't touch me." mariin niyang sabi at pansin ko ang pamumutla ng katawan niya at bakas sa mukha niya ang panghihina. May mga butil na rin ng pawis ang noo niya.

Agad kong kinapa ang noo niya at agad ko itong naalis ng maramdaman ko ang sobrang init doon.

"May lagnat ka!"

Pilit naman siyang tumayo at nakaalalay lang ako sa likod niya kung sakali mang matumba siya.

"Ano bang pakialam mo? Umalis ka na nga lang." sabi niya sabay tabig sa akin.

Inis ko naman siyang binalingan dahil siya na nga ang tinutulungan pero siya pa itong galit.

"Ano ba?! Ikaw na nga tinutulungan e!" inis kong sabi at umingos naman siya.

"Wala naman akong sinabing tulungan mo ako kaya iwan mo na ako dito dahil kaya ko ang sarili ko!" inis niya sabi at tinabig ako. Nagsimula siyang humakbang pero hindi pa siya nakakadalawang hakbang ng mabuwal na naman siya kaya agad ko siyang inalalayan.

"Ito ba ang kaya ha? E nabubuwal ka nga e." inis kong sabi.

Ano bang problema ng lalaking ito at ayaw magpatulong.

"Dalhin na kita sa clinic. Ang taas ng lagnat mo oh." sabi ko pero umiling lang siya.

"Ayoko sa clinic. Kung mapilit ka, doon mo na lang ako dalhin sa dorm ko." sabi niya at inalalayan ko naman siyang maglakad.

Susuko rin at magpapatulong din pala ang isang ito e. Nag-inarte pa.

Tinahak namin ang boy's dorm at makalipas lang ng ilang sandali ay nakarating kami sa kanyang dorm.

Inalalayan ko siya hanggang makapasok siya sa kwarto niya. Pagkahiga niya ay agad niya akong pinagtabuyan.

"Okay na ako dito. Umalis ka na." sabi niya at pumikit ng mata.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon