Chapter 15

3.6K 146 4
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 15

KN's POV

Pagkatunog ng bell hudyat na break time na ay nagmadali akong lumabas. Tinatawag pa ako ni Zouie pero hindi ko na siya nilingon pa at pumunta na lang ako sa dorm ko.

I'm so mad right now because of what I knew. Kapatid ni Zouie ang kambal na iyon? Putangina! Pinaglalaruan ba talaga kami ng tadhana.

Hindi ko pa rin talaga makakalimutan ang ginawa sa akin ng kambal na iyon. They fucking torture me because I caught them talking about their plan and I immediately tell the plan that I heard to Hance and Nyl.

They got mad at basta na lang silang sumugod kina Khendrick. At nang malaman nilang ako ang nagsumbong ay ganoon na lamang katalim ang tingin nila sa akin.

Konti na lang ay patayin nila ako.

Naging close ko rin si Khezia dahil ako ang unang nag-aapproach just like what I did to Zouie. But it was a big mistake.

Akala ko ay kahit papaano ay kaibigan na rin ang turing sa akin ni Khezia but I was wrong! Nang malaman nilang ako ang dahilan kung bakit nabulyaso ang plano nila ay tinorture nila ako.

They fucking tortured me and the whole section októ was so late to save me.

Ang dami ko ng sugat nun at hinang hina na ako na tila ba'y nag-aagaw buhay na ako. Pero buti dumating sila kundi baka patay na ako.

Ayoko pang mamatay hangga't hindi ko pa nahahanap ang kapatid ko. I missed my little sister too much. I hope she's still alive.

Gusto ko na ring makalabas sa eskwelahang ito para mahanap ko na ang kapatid ko.

Namimiss ko na siya sobra. Kung bakit ba kasi may kumidnap sa kanya. I was so hopeless that time na hindi ko man lang nagawang protektahan at iligtas ang kapatid ko.

Ang huli ko na lang nakita ay ang pag-iyak niya at pagsigaw niya sa aking kuya.

Ang sakit dahil nag-iisa ko lang siyang kapatid at mahal na mahal ko siya pero kinidnap lang siya. Kinuha nila ang kaisa-isang prinsesa ng buhay ko.

She's my princess. And I'm her prince and knight in shining armor.

But I failed to protect her. My parents told me that It wasn't my fault because I'm too young that time but I still... I always blame myself for that. I still blaming myself na kung naprotektahan at nailigtas ko siya ay baka kasama ko pa siya hanggang ngayon.

I miss you my princess. I hope you're still alive. Kuya will find you. I love you so much my princess.

At ngayon, habang naaalala ko na kapatid pala ng kambal na iyon si Zouie ay parang gusto kong pumatay. Baka pinadala rin nila si Zouie para saktan ulit kami. Para saktan ulit ako.

Hindi pa ba sila kontento sa ginawa nila? Mga wala silang konsensiya.

Hindi ko rin alam kung paano pa pakikisamahan si Zouie matapos lahat ng mga nalaman ko. I'm still mad at hinding hindi ko makakalimutan ang dagok na iniwan sa akin ng kambal.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now