Chapter 39

3K 141 10
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 39

Zouie's POV

Ewan ko ba kung anong trip nila at heto kami ngayon sa loob ng room habang nakapabilog.

Wala kasing teacher ngayon kaya naisipan naming magpalipas muna ng oras.

Sinuggest ni Seth ito dahil nakita niya ito dati na laro at gusto niyang subukan.

Sa gitna namin ay isang galloon ng isang inumin na masasabi kong nakakadiri at nakakasuka.

Ngayon ko lang mararanasan itong inumin kapag nagkataon.

Paano ba naman kasi, yung iced tea nilagyan nila ng ketchup, suka, toyo, paminta, asin, asukal, at kung ano ano pang mga condiments.

Kapag ayaw daw sagutin ay lalagukin daw iyan.

Napasign of the cross na lang ako dahil ito na ata ang mas nakakakaba at nakakakatakot kaysa sa recitation.

"Woi. Makasign of the cross ka naman diyan." sita sa akin ni Seth at inirapan ko naman siya.

"Baka mamatay kasi ako diyan. Pinagdadasal ko lang na sana huwag muna dahil marami pa akong pangarap." sabi ko at tumawa naman sila.

"Di ka OA."

"Di ka OA." panggagaya ko sa kanya at natawa naman siya.

Bale, nasa kaliwa ko si Hance at nasa kanan ko naman si KN.

"Ang larong ito ay sagot o lagok. Umpisahan na natin!" excited na sabi ni Seth.

Napatingin ako sa iinumin namin kaya agad akong napatayo na ikinalingon nila sa akin.

"Bakit ka tumayo diyan?" takang tanong ni Seth kaya umiling ako.

"Hindi na ako sasali." sabi ko pero agad nila akong hinatak paupo.

"Huwag kang KJ at makilaro ka na lang." sabi ni Asher.

Pinaningkitan naman ako ng mata ni Van kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ganiyan ang titig mo?" tanong ko sa kanya.

"Natatakot ka ba sa mga maaari naming tanong kaya ayaw mong sumali?" tanong niya sa akin kaya agad akong umiling.

"Malamang hindi. Wala naman akong tinatago." sabi ko pero tinaasan niya ako ng kilay.

"E di makilaro ka kung wala kang tinatago." sabi niya kaya naman umirap ako.

"Paano naman kapag ayaw kong sagutin yung itatanong niyo?" tanong ko at ngumisi naman si Seth.

"Eh di iinom ka niyan." sabi niya sabay turo sa iinumin namin.

Tangina naman talaga oh!

"Umpisahan na natin at manahimik ka na diyan, Zouie." saway sa akin ni Alex at agad ng pinaikot ni Seth ang bote na agad na naturo si Van.

Ngumisi naman si Seth.

"Sino yung babaeng nakita ko sa picture na tinatago mo?" tanong niya na ikinalaki ng mata ni Van.

"The fuck?! Nakita mo yun?" tanong niya na ikinangisi ni Seth.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now