Chapter 22

3.2K 137 0
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 22

Zouie's POV

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi muna kami tumuloy sa room at dumiretso kami sa cafeteria.

Walang masyadong estudyante dito dahil class time naman na.

Umalis naman si Hance para kumuha ng tubig at nasa tabi ko naman si Nyl.

"Ganun ba talaga ang trato ni Khezai sayo?" tanong niya at tumango naman ako.

"Oo, simula pa nung mga bata kami." sabi ko at sakto namang dumating si Hance at inilapag niya sa harap ko ang tubig na kinuha niya.

"Drink that." sabi ni Hance at agad naman akong uminom dahil nakaramdam din ako ng pagkatuyo ng lalamunan.

Siguro dahil din sa pag-iyak ko.

"I can't believe na magagawa talaga ni Khezia yun." sabi ni Nyl at bigla na lamang akong may naalala.

Itanong ko na lang siguro sa kanila.

"Uhm--." umpisa ko at humarap naman silang dalawa sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

"Siya ba yung tinutukoy nila na dahilan kung bakit ayaw na ayaw niyo ng mga transferees?" tanong ko at naramdaman ko namang nanigas sila sa kinauupuan nila.

Si Hance naman ang unang nakabawi sa gulat pero si Nyl ang nagsalita.

Tinignan niya pa si Hance na para bang humihingi ng permiso at tumango lang naman si Hance kaya nag-umpisa ng magkwento si Nyl.

"Yeah. She and her twin are the reason why we don't want to have a new transferee again." sabi niya at huminga ng malalim.

"Pumasok si Khezia sa section namin as a transferee. Mabait siya sa amin at talagang masasabi mong kavibe mo siya. Everyone likes her because of her attitude. Hindi siya maarte. That's why, me and Hance fell in love with her. Pero nung hulog na hulog na kami sa kanya ay napag-alaman naming planado lang pala lahat." nakatiim bagang sabi niya.

"She and her twin planned everything from the very start. Ang pagpasok niya, ang pakikipagkaibigan sa amin at ang pagkagusto at pagmahal namin sa kanya. Everything was just a plan and we didn't know that. It's too late for us to know that. When we're already deeply in love with her at napamahal na rin siya sa mga kaklase namin. Pero kung dati ay mahal namin siya, ngayon ay puro poot at galit na lang ang nararamdaman namin sa kanya." sabad naman ni Hance.

Hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Talagang kayang gawin nila Ate ang mga bagay na iyon? Para saan?

Hindi naman kasi sila gagawa ng ganun kung walang rason.

"Bakit naman nila gagawin iyon?" takang tanong ko at si Nyl naman ang sumagot.

"Because Khendrick, Hance and I are friends back then. We are so close to each other. We always bond, play, and do some crazy stuff together. But then, one day, something happene..." napatigil si Nyl sa pagsasalita at si Hance naman ang nagpatuloy.

"When we're doing our training, I accidentally... aksidente kong natusok ang mata niya gamit ang sword ko. I was so scared that time because of the blood flowing from him eyes. My hands were trembling that time because of that. I rushed to him and tried to stop the bleeding. Nagamot naman agad siya pero kinailangang alisin ang isang mata niya at palitan ng artificial eye." dugtong ni Hance kaya naman napasinghap ako.

Tangina! Artificial eye na lang ang isang mata ni Kuya?

Kaya pala ganun na lang sila kagalit at talagang naisip pa nilang maghiganti. Pero aksidente naman ang lahat ah.

"Pero diba... aksidente lang naman ang lahat?" tanong ko at malungkot na ngumiti naman si Nyl sa akin.

"Yes. It was a pure accident. All of us didn't want that to happen or we didn't do that in purpose. We already explained that to Khendrick but we was so mad that he didn't even listen to us. We understand him and also, we can't blame him dahil alam kong mas mahirap ang pinagdadaanan niya kaysa sa amin. Pero ang hindi ko lang inaasahan ay pinatapon niya kami sa last section which section októ at hindi lang iyon, pinabugbog niya kami..." sabi ni Nyl at namilog naman ang mata ko sa gulat.

Ano? Sobra naman na ata iyon.

"He ordered someone to beat up and we almost died because of that. And we're so mad at him that time and until now because we can't believe that he can do that to us. Like, we're been friends for almost 5 years and that's what he did just because of that mistake?" mapait na sabi ni Hance.

Hindi ko akalaing may mga nangyayaring ganito. Kailanman din ay wala talaga akong alam.

"At hindi pa sila nakuntento, pinadala pa nila si Khezia para maghiganti ulit. Akala nga namin ay tumigil na siya pero nagkamali kami." sabi naman ni Nyl.

"KN found out that plan they made and KN told us that plan. And when Khezia and Khendrick knew that KN is the one who ruined their plan, they tortured him..."

"Ano?!" hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa nalaman.

Tinorture nila si KN? Bakit? Sobrang sama naman nila. Akala ko sa akin lang sila ganun pero pati na rin pala sa iba.

"Yes. That's the truth. That's why, we understand that KN is mad at you because you have connections to the twin." dagdag ni Hance kaya wala akong magawa kundi mapasandal sa upuan.

Napahilamos ako ng mukha ko dahil hindi ko akalaing ayon pala ang rason kung bakit ganun na lang ang galit sa akin ni KN.

Kaya pala. Ngayon ay naiintindihan ko na.

Bakit ba kasi kung ano-anong ginagawa nilang masama? Hindi man lang ba sila nakokonsensya? Nasaan na ang mga konsensiya nila?

Alam kaya ito ng mga magulang namin?

Sobra sobra na ang ginagawa nila dahil lang sa pagkakamali ni Hance.

Bigla ko namang naalala ang narinig ko kaninang queen at king.

"Bakit nga pala may Queen at King sa Academy na ito?" takang tanong ko at si Nyl naman ang sumagot.

"Sila kasi ang itinakda ng dean at ng iba pang mga staff dito bilang queen at king. We don't know the reason but they're the one who made rules in this academy. But because we're section októ, we always break the rules." sabi ni Nyl at natawa naman kaming tatlo.

Sabagay, tama naman ang sinabi niya. Hindi ka naman mapupunta sa last section kung hindi ka ganiyan e.

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now