Chapter 26

3.2K 135 7
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 26

Zouie's POV

"Bakit ka ba nandun ha?! Paano na lang kapag natamaan ka nun ha?! Hindi ka ba nag-iisip?!" sigaw sa akin ni Hance at naririndi na ako sa kakasigaw niya.

Napapatakip na lang ako ng tainga ko sa tuwing sisigaw siya. Palagi kasing galit.

Kanina pa ito magmula ng muntik na akong mapalo nung isang lalaki.

Kasalanan ko ba kung hindi ko nakita.

"Papatayin mo ako sa pag-aalala e!" sigaw niya kaya napabaling ako sa kanya.

Nag-aalala siya sa akin?

Narinig ko naman ang mga asaran ng kaklase ko kahit na bugbog sarado na sila.

"Ayieee. Sana all concern."

"Nag-aalala pala ang kýrios natin kaya siya nagagalit."

Bigla na lamang namula ang tainga ni Hance kaya agad ko siyang inasar.

"Nag-aalala ka sa akin?" pang-aasar ko at sinamaan niya agad akong ng tingin.

"Huh?! In your dreams. You just misheard it." deny niya kaya inasar ko ulit.

"In denial ka lang. Aminin mo na kasi." asar ko at inis naman niya akong binalingan.

"Wala nga akong aaminin, okay? Ang sabi ko lang, baka mamaya kapag tinamaan ka dun, walang magbubuhat sayo lalo na at mabigat ka." sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.

Tangina. Hindi ako mabigat 'no!

Narinig ko namang tumawa ang mga kaklase ko kaya inis ko silang binalingan.

"Ang saya niyo diyan." sarkastikong sabi ko at mas lalo silang natawa.

"Hoy bwisit kang Hudas ka! For your information, hindi ako mabigat 'no!" sigaw ko at tinignan naman niya ako.

"Bakit, nabuhat mo na ba ang sarili mo para malaman mong hindi ka mabigat?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Nice. Mambara kang hudas ka.

Nagtaas naman ako ng noo at buong lakas din siyang tinanong.

"Bakit, nabuhat mo na rin ba ako para malaman mong mabigat ako?" tanong ko at napipilan naman siya kaya napangisi ako.

Hahaha! Buti nga sayo.

Pero kung minamalas ka nga naman.

"Mabigat ka naman talaga, Zouie. Lalo na nung dinaganan mo kami." sabi ni Van at agad naman silang tumawa na lahat.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at bumaling sa katabi kong si Hudas.

Nakita ko naman siyang nakangisi sa akin.

"See, Van already proved that your heavy." nakangisi niyang sabi at wala akong nagawa kundi samaan siya ng tingin.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now