Chapter 28

3.2K 129 18
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 28

Zouie's POV

"Tara, may pupuntahan tayo." sabi ni Hance sa akin pero agad kong inagaw ang kamay ko.

"Walang tayo." sabi ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"What are you talking about?"

"Sabi ko, walang tayo. Makasabi ka diyan ng tayo." ingos ko at tinignan naman niya ako na para bang isang napakatangang tao ang kausap niya.

"I should say that because If I didn't use tayo then what should I say? You and I? That's not a correct grammar, you know. Use your brain sometimes." sabi niya at napaingos naman ako.

Barado ako dun.

"Eh di ikaw na matalino." pabulong kong sabi at mukhang narinig niya pa.

"Stop murmuring. I'm just telling the truth and correcting you." sabi niya pero nagmemake face na lang ako.

Dami mong alam.

Basta na lang niya ako kinaladkad at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"Teka nga lang, saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero hindi niya man lang ako nilingon.

"Stop asking and just behave." sabi niya at inagaw ko naman ang kamay ko sa kanya pero dahil mas malakas siya sa akin ay hindi man lang siya natinag.

"Huwag ka ngang malikot diyan." sabi niya pero pilit ko pa ring hinahatak ang kamay ko per bigla na lamang akong napatili ng bigla niya akong buhatin at ilagay sa balikat niya.

"Ano ba?! Ibaba mo nga ako!" sigaw ko at para akong isdang naggagalaw sa balikat niya.

"Aww!" Napadaing ako ng bigla niyang paluin ang pwet ko.

"Manahimik ka nga diyan kundi ihuhulog kita." pagbabanta niya at dahil loko loko ako ay hinamon ko siya.

"E di ibaba mo!" sigaw ko at napamura ako ng bigla niya akong bitawan at dire-diretso akong nahulog sa sahig.

Tangina! Ang sakit!

Tinignan ko naman ng masama ang hudas na nakapameywang sa akin.

"Bwisit ka! Bakit mo 'ko binitawan?!" sigaw ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"You said it. Sabi mo ibaba kita." inosente niyang sabi kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

Bobo rin nito e.

"Gago! Ang bobo mong kausap!" sigaw ko pero inirapan naman niya ako.

"Tss. Tara na!" sigaw niya at binuhat ulit ako.

Hindi naman na ako tumutol at nagreklamo dahil may saltik ang kasama ko at baka bigla akong bitawan agad.

Bwisit talaga e!

++++++++++++++++++++++++++++++++

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now