Chapter 25

3.3K 138 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 25

Alex' POV

Kasalukuyan kaming nasa room at busy-ing nagkwekwentuhan ng pumasok si Seth habang humahangos.

"Oh. Okay ka lang?" agad na tanong ni Van kay Seth.

Lumunok muna si Seth bago nagsalita.

"Galing kasi ako sa cafeteria, tapos aksidente kong nabunggo si Ezekiel at nasira ang project niya." dire-diretsong sabi ni Seth at napatampal naman kami ng noo.

Mukhang away na naman.

Kilala kasi si Ezekiel bilang isang basagulero sa kabilang section. Kung kami ang last section na puro basagulero, sila naman ay pangalawa sa last section na may mga piling basagulero.

Nakita ko naman na seryosong nakaharap si Kýrios at tila ba'y nag-iisip.

Paniguradong mapapalaban kami nito.

Speaking of Ezekiel, sabi na nga ba at pupunta siya dito.

"Hoy! Nasaan dito yung Seth na iyon ha?!" sigaw ni Ezekiel at lumilinga linga para hanapin si Seth.

Tumayo naman si Van para kausapin si Ezekiel.

"Pre, ano bang nagawa ng kaibigan namin sa'yo? Baka mapag-usapan pa natin ito ng maayos." mahinahong sabi ni Van at ngumisi lang si Ezekiel.

"Ayaw kong makipag-usap. Ang gusto ko ay pagbayaran niyo ang sinira niya sa akin." nakangisi niyang sabi kaya napatiim bagang kami.

Mukhang alam ko na kung anong kapalit.

"Gusto kong maglaban ang grupo natin doon sa pinakadulong hallway. Ngayon din." sabi niya at naunang lumabas.

"Kapag hindi kayo sumunod ay alam niyo kung anong mangyayari." dagdag niya pa at tuluyan ng lumabas.

Napabuntong hininga na lang kami dahil sa nangyari.

Nakatungo namang humingi ng tawad si Seth.

"S-sorry kýrios. Nadamay pa kayo sa gulo ko." malungkot niyang sabi.

Tumayo naman si Kýrios at ginulo ang buhok ni Seth.

"It's okay. I know that it's just an accident and you didn't mean to do that." sabi ni Kýrios at napangiti naman kami.

Para kasing nagsisilbing bunso sa amin si Seth dahil totoo namang bunso siya sa amin at parang bata pa kung kumilos.

Napangiti rin kami dahil ang Kýrios namin ay pantay-pantay ang tingin niya sa amin.

Ganun lang talaga ang naging trato niya kay Zouie dahil sa labis na galit pero ang totoo niyan ay mapagmahal si Kýrios at handa niya kaming ipaglaban.

Ang swerte talaga namin.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now