Chapter 50

3.2K 127 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 50

Zouie's POV

Bukas ay birthday ko na pero hindi ko pa rin magawang maging masaya dahil sa mga nangyari sa buhay ko.

Halos isang linggo na rin matapos mamgyari 'yun pero hanggang ngayon ay nandito pa rin yung sakit sa puso ko.

Hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso ko.

Ilang beses na nila akong sinubukang kausapin pero hindi ko sila pinapansin dahil hindi ko pa kaya.

Masyadong sariwa pa rin sa akin ang nangyari.

Sinubukan din akong kausapin nila KN at Vin pero ang ending ay, kung hindi ko sila nasusungitan ay nasisigawan ko naman sila.

Kaya nga ayaw na ayaw kong harapin sila ay dahil baka may masabi akong masakit na salita na hindi ko na mababawi pa.

Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.

FLASHBACK

Pagkapasok ko ay ganun na naman ang nangyari. Tinawag na naman nila ako pero hindi ko sila pinansin at umupo na lang sa upuan ko malapit sa pinto.

"Zouie." tawag nila sa akin pero hindi ako lumingon.

Alam kong lalapit sila sa akin pero hindi natuloy ng pumasok ang prof namin.

Masasabi kong maswerte ako dahil tuwing susubukan nilang lumapit sa akin ay saktong pagpasok ng prof namin.

Tuwing papasok ako ay sinasadya kong malapit ng dumating ang prof para hindi nila ako makausap.

Hindi ko pa rin kasi sila kayang kausapin.

Nang tumunog na ang bell ay agad akong lumabas at pumunta ng garden.

Habang abala ako sa paglanghap ng sariwang hangin dito ay biglang may tumabi sa akin.

Akala ko si Kuya Kurt iyon kaya hinayaan ko na lang pero nagulat ako ng bigla itong magsalita.

'Hindi si Kuya Kurt 'to kundi si KN at Vin!'

Agad naman akong napatayo at gulat na tinignan sila.

Sinubukan nilang lumapit sa akin pero umatras ako.

"Huwag kayong lalapit. Diyan lang kayo." sabi ko pero tinignan nila ako ng nagsusumamo.

Nag-iwas naman ako ng tingin dahil natatakot ako na bigla ko na lamang silang patawarin dahil sa pagsusumamo nila.

"Zouie, just let us explain. Just hear us out." sabi ni KN kaya galit ko siyang tinignan.

"Para saan pa? Para lokohin niyo lang ako?!" galit kong tanong pero umiling naman sila.

"Hindi, Zouie. Pakinggan mo naman kami." nagmamakaawa niyang sabi pero umiling ako.

Hades Academy ( Completed )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें