Chapter 23

3.3K 131 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 23

Van's POV

Alam namin ang nangyari sa pagitan nila Zouie at Khezia nung nakaraang araw.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa ginawa nilang palabas.

Hindi ko alam kung acting lang ba nila yun but it seems like genuine.

Makikita mo talaga sa mga mata nila na totoo yun pero what if, sadyang magaling lang sila sa pag-acting.

We've been fooled once and we didn't want to happen that again.

Totoo man o hindi ay kailangan pa rin naming mag-ingat lalo na sa mga mapaglinlang mga Martinez.

Hindi kami makakapayag na maunahan nila kami lalo na kung may plano talaga silang masama laban sa amin.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Zouie's POV

Nagulat na lamang ako ng biglang sumabay sa akin papunta sa cafeteria ang lahat ng section októ pwera na lamang si KN na hanggang ngayon ay laging tahimik at ayaw makipag-usap sa akin.

"Bakit ba kasi kayo sumama sa akin?" tanong ko at si Asher naman ay inakbayan ako.

Pilit kong inaalis pero makulit talaga kaya hinayaan ko na lamang.

"Syempre, kakain din kami. Alangan namang maglalaro kami diba?" pilosopong sabi niya at narinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin at ambang hahampasin ng bigla siyang umalis sa pagkakaakbay sa akin at agad na pumunta ng likod.

Takot din lang pala.

"Ikaw talaga! Kahit kailan ay napakasadista mo!" sabi niya at may paturo-turo pang nalalaman kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya.

"Duwag ka pala, pre. Hahahaha!" pang-aasar ni Alex at agad naman niya itong binatukan.

"Hindi ako duwag!"

Nagpatuloy na lamang kami sa pagpunta ng cafeteria at nasa unahan ang dalawa na tila ba'y leader ng isang grupo.

Sila ang unang pumasok kaya sumunod na lamang kami.

Agad naman kaming humanap ng upuan at doon umupo.

"Kami na lang ang oorder." sabi ni Nyl at tumango naman ako.

Naiwan dito ang mga kaklase ko, kasama ko at silang dalawa ni Hance ang umalis para umorder.

"Ang gwapo ko talaga kahit kailan." pambabasag ng katahimikan ni Seth.

Agad namang tumaas ang kilay ko.

"Saan banda?" tanong ko at narinig ko naman ang halakhak nila.

"Sa kabuuan ko. Hindi mo ba nakikita?" tanong niya at umiling naman ako kaya mas natawa sila.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now