Chapter 47

3.1K 129 0
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 47

Third Person's POV

Matapos isigaw ni Zouie iyon ay tumakbo ito palabas at hindi hinabol ng mga estudyante ng section októ.

Nanghihinang umupo si KN at Vin dahil nanghihinayang sila na hindi nila nasabi kay Zouie iyon bago pa may magsiwalat na iba.

'Dapat sinabi na namin 'to bago pa niya malaman sa iba!' sabi ni Vin sa kaniyang sarili.

Natuon lamang ang kanilang atensyon ng biglang tumayo si Nyl at galit na galit na tinignan si Hance.

"Why you didn't tell her the truth?!" sigaw ni Nyl kay Hance dahil sa sobrang galit.

Walang emosyon namang umupo si Hance sa kanyang upuan at humalukipkip.

"For what?"

Galit namang kinuwelyuhan ni Nyl si Hance dahil parang walang pakialam si Hance sa kanya.

"Iexplain mo ang lahat, gago! Ikaw naman ang nagpakana nito e at alam naming totoo na lahat ng pinapakita mo at hindi na iyon plano kaya bakit hindi ka man lang nagpaliwanag?!" galit na asik ni Nyl pero tumawa naman ng pagak si Hance.

"Did you see her reaction? She didn't let you or us to explain so how could I fucking explain, huh?!" galit na sigaw ni Hance dahil tila ba'y nauubusan na ito ng pasensiya.

"She's mad that's why she didn't let us explain. Hintayin muna nating lumamig ang sitwasyon." sabi ni Van na seryosong nagsasalita.

Tumango naman bilang pagsang-ayon si Seth.

"Sang-ayon ako. Pagkatapos nun kapag malamig na ang sitwasyon, saka natin siya suyuin at ma-explain." sabi ni Seth dahil kahit siya ay napalapit na rin ang loob kay Zouie dahil sa mga mabubuting ginawa ni Zouie.

Ang dating palaging may kanya kanyang mundo sa loob ng room ng section októ ay tila ba'y nakikilamay sa sobrang lungkot ng atmospera.

"Nagsisisi ako na nakisama pa ako sa plano."

"Kung hindi sana tayo gumawa ng plano ay hindi ito mangyayari."

"Galit na galit si Zouie at nakakatakot kung anong maaaring epekto nito sa kanya."

"Sana mapatawad pa niya tayo."

Nagkatinginan naman ang mga section októ habang bakas sa mukha nila ang lungkot.

'Sana maging maayos na ang lahat.' sabi nila sa kanilang isip.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Zouie's POV

Pagkatapos kong sumigaw sa kanila at agad akong tumakbo palabas at dumiretso sa dorm namin.

Patuloy na namamalibis ang mga lintik na luha ko dahil sa sobrang sakit.

Agad naman akong sumalampak sa sofa habang patuloy na umiiyak.

Ang sakit. Sobrang sakit dahil hindi ko akalaing mararanasan ko ito sa aking buhay.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now