Chapter 56

2.8K 121 24
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 55

Zouie's POV

Unti-unti akong dumilat at bumungad na naman sa akin ang puting kisame.

Agad naman akong napabalikwas ng bangon pero hindi iyon natuloy ng may pumigil sa akin.

Napatingin ako sa mga braso ko at nakita ko ang mahigpit na tali na nakatali sa magkabilang braso ko.

Tangina!

Nilibot ko ang paningin ko at tila'y ako lang ang nandito.

Nasaan na ang mga kaibigan ko?

Napakuyom naman ang kamao ko ng maalala ko kung sino ang nagtraydor sa amin.

Napakawalang hiya niya. Hindi ko akalaing sa dinarami-raming tao na pwedeng magtraydor ay siya pa.

Bakit mo kami trinaydor?

Napatingin naman ako sa mga taong biglang dumating at nang makita nila akong gising ay napaatras ako.

"She's awake now. We can do it now." sabi ng isa sa kanila at agad na lumapit sa akin.

Hinawakan nila ang braso ko at nakita kong may injection silang hawak kaya nagpumiglas ako.

"Anong gagawin niyo sa akin?"

Pinigilan naman ako ng mga kasama niya para hindi ako masyadong magalaw.

"Relax. Hindi ka namin sasaktan."

Sinamaan ko naman ng tingin ang isa sa kanilang nagsabing hindi ako sasaktan.

"Gago ka ba?! Sa palagay mo ay hindi mo ako masasaktan diyan?" galit kong tanong pero agad ding nawala ng maramdaman kong walang pakundangan niyang itinusok sa akin ang injection na hawak niya.

Putanginamers naman oh.

Unti unti namang dumilim ang paningin ko na ikinatakot ko.

Anong nangyayari?

Puro itim lang ang nakikita ko at tila ba'y hindi ko madilat ang mata ko pero naririnig ko sila..

"It's working." sabi ng isang boses na hindi ko kilala.

"Continue."

"She's responding."

Naramdaman ko naman na tila ba'y gumagalaw na naman ang katawan ko na hindi ko naman gusto.

Nangyayari na naman.

Sinubukan kong idilat ang mata ko pero hindi ko magawa.

Sinubukan kong pigilan ang katawan ko para lang matigil sa pagkilos na hindi ko naman gusto.

"She's strong." sabi ng isang boses na pamilyar sa akin.

"Inject that again."

"Pero kakainject lang natin ho, boss." sabi pa ng isa.

"I don't care. Just do what I said."

Naramdaman ko na namang may tinusok sila sa akin.

Gusto ko mang iiwas ang braso ko pero hindi ko magawa.

Nararamdaman ko na naman na tila ba'y gumagalaw na naman ang katawan ko pero hindi ko hinayaang magtagumpay sila.

Kahit mahirap ay ginagawa ko ang lahat para lang mapigilan ko ang katawan ko sa pagkilos na hindi ko naman gusto.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now