Chapter 59

2.8K 124 3
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 59

Zouie's POV

Nagising ako at bumungad na naman sa akin ang puting kisame.

Hinang hina ako at ramdam ko ang malapot na likido na patuloy na umaagos sa ulo ko.

Hindi ko man lang magawang gumalaw masyado dahil tila ba'y naubos ang lahat ng lakas ko.

Napatingin ako sa mga braso ko at nakatali na naman ako at maraming nakakabit na mga aparato sa braso ko.

Imbes na maiyak ako sa sitwasyon ko ay tila ba'y namanhid na lang ang katawan ko at nawalan na ng paki kung mamatay man ako o hindi.

Napatingin naman ako sa dumating at nakita ko si Madam Sapphire na may malademonyong ngiti sa labi kasama ang mga nakaputing tauhan niya.

May hawak na isang kutsilyo ang isa at pilit na pinapahawak sa akin ang kutsilyo pero hindi ko ito hinahawakan.

Pero wala rin akong nagawa ng sapilitan nilang inilagay ang kutsilyo sa kamay ko.

Ano bang gagawin nila sa kutsilyo na 'to?

"Inject that." sabi niya at naramdaman ko na lang ang pagtusok ng karayom sa balat ko hanggang sa maramdaman ko na naman ang pakiramdam na yun.

"She's responding."

Nandilim ang paningin ko.

"Control her."

At naramdaman ko na naman ang paggalaw ng katawan ko kahit na ayaw ko naman 'to.

Sinubukan kong pigilan ang paggalaw ng katawan ko.

"Malakas talaga siya. Hindi namin siya tuluyang macontrol." sabi ng isa na tila ba'y punong puno ng paghanga.

"Inject another again."

Naramdaman ko na naman ang pagtusok ng karayom sa katawan ko at sinubukan ulit nila akong kontrolin.

"We can control her now." sabi ng isa at tila ba'y nagtagumpay sila sa gusto nila kaya sinubukan ko ulit ang pagpigil dito. Hirap na hirap na ako pero kinakaya ko.

"Damn! Nawala na naman!" sigaw nung isa at narinig ko ang frustasyon nilang lahat.

Unti-unti ko namang dinilat ang mata ko at ang labo ng paningin ko.

Nakita ko na lang na lumabas sila hanggang sa hindi na kinayanan ng katawan ko at tuluyan akong nawalan ng malay.

Nagising na lang ako ng makarinig ako ng tila ba'y isang bulong.

"Zouie..."

Sinubukan kong igalaw ang daliri ko at nang magtagumpay ako ay unti-unti kong dinilat ang mata ko.

"Zouie..."

Hindi ko alam kung naghahallucinate lang ako pero parang may naririnig akong tumatawag sa akin.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now