Chapter 52

3.1K 127 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 52

Third Person's POV

Nang malaman ng section októ ang nangyari kina Kurt ay agad na kinuwelyuhan ni KN si Kurt.

"Kung may mangyaring masama sa kaniya ay papatayin kita!" sigaw ni KN kay Kurt.

Alalang alala si Kurt kaya naman humingi na siya ng tulong dito lalo na't hanggang ngayon ay wala pa rin si Zouie na nangakong susunod sa kanila.

Alam din kasi nila na hindi nila kakayanin lalo na kung siya lang mag-isa.

"Siguraduhin mo lang talaga na walang mangyayaring masama sa kanya." sabi ni Vin habang matalim ang tingin sa kanya.

"Tama na nga 'yan. Ang mabuti pa'y hanapin na natin si Zouie." awat sa kanila ni Alex at sumang-ayon naman silang lahat.

"Teka, nasaan ang iba?" takang tanong ni Seth ng makitang nawawala sina Hance, Nyl at KN.

"Baka nauna na." sabad naman ni Asher kaya naman agad na silang umalis.

Sa kabilang banda, patuloy naman sa paghahanap ang tatlo.

Paalis pa lang ang dalawa pero ang isa ay kanina pang nauna matapos malaman ang nangyari sa dalagang si Zouie.

Halos maggagabi na rin pero hindi niya alintana iyon dahil ang mahalaga sa kanila ay mahanap niya si Zouie.

Agad naman niyang nilibot ang paningin niya sa lugar na kinaroroonan niya.

"So, totoo na may nag-eexist na lumang building dito." bulong niya sa sarili habang sinisiyasat nito ang kabuuan ng lumang building.

"Nasaan kaya siya?" bulong niya ulit sa sarili at hahakbang na sana siya ng makarinig siya ng isang sigaw ng lalaki.

"Shit! Si Zouie!" sabi niya sa kanyang sarili at agad na hinanap ang lugar na pinanggalingan ng sigaw.

Hahakbang na sana siya ng bigla na lang may mabigat na bagay na nahulog sa kanya na ikinahiga niya sa sahig.

"Fuck!" mura niya dahil sa lakas ng impact na ikinasakit ng likod niya.

Nanggaling ito sa taas at kung hindi siya nagkakamali ay tumalon ito galing sa taas at sakto namang siya ang nadaganan.

Napatingin naman siya sa nakadagan sa kanya at parang nakahinga siya ng maluwag ng malaman niyang ito ang babaeng kanina niya pa hinahanap.

Hindi pa sana siya mababalik sa ulirat ng marinig niya ang sigaw ng isang lalaki.

"Ayun siya!" sigaw ng isang lalaki kaya agad siyang napatingin sa taas at doon nakita niya ang mga kalalakihang nasa second floor at nakatingin sa kanila.

Kaya kahit masakit ang katawan niya ay maingat niyang binuhat si Zouie at naramdaman niyang isinandal ni Zouie ang ulo niya sa dibdib niya.

"You're safe now." bulong niya sa dalaga at nag-umpisa ng maglakad.

Malalaki ang hakbang niya para hindi sila maabutan ng lalaki.

Nagpapasalamat naman siya at hindi na ata sila nasundan ng mga lalaki.

Malapit na sila sa bukana ng makita niyang papasok pa lang ang mga estudyante ng section októ.

Nang makita sila ay agad na nanlaki ang mata nila at agad silang sinalubong.

"Zouie!" sigaw nila at agad silang nilapitan.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Vin sa kanya.

"I don't know. Basta tumalon na lang siya sa building at saktong sa akin siya nahulog. Hinahabol siya ng mga kalalakihan." sabi niya at patuloy na naglakad hanggang sa makarating sila ng clinic.

Agad nilang inihiga ang dalaga at sinuri ito agad ng nurse.

Napakuyom naman siya ng kamao ng makita niya ang sinapit ni Zouie.

Nakaputi itong gown pero makikita mo ang pamumutla ng balat niya. May lumabas ring dugo sa ilong niya at makikita mo rin sa mga braso niya ang bakas ng mga karayom.

Napuno ng galit at poot ang kalooban niya dahil sa sinapit ng dalaga.

"Damn it! This is my fault!" inis na sabi ni Kurt sa gilid nang makita niya ang buong kalagayan ni Zouie.

Napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa frustasyong kaniyang nararamdaman.

Mas mapapansin mo kasi ngayon ang itsura niya dahil sa liwanag ng ilaw.

'Pagbabayarin ko kung sino man ang gumawa nito sa kanya.' sabi niya sa sarili.

Nakaupo naman ang iba at nag-aabang ng resulta sa kalagayan ni Zouie.

Matapos lang ng ilang minuto ay sinabi na ng nurse na ayos na ito at wala nang dapat na ikabahala.

Umupo naman agad si Kurt sa tabi ni Zouie at hinawakan ang kanang kamay nito.

Nagkatinginan naman ang mga naroroon dahil sa ginawa ni Kurt.

'Anong meron?' tanong nila sa kanilang mga sarili.

Pero ang mas ikinataka nila ay ang sinabi ni Kurt.

"I'm so sorry. I'm sorry because I haven't been there for you just like what I promise to you. I'm sorry my little sister. I promise to protect you and I will never let this happen to you again. I love you and please wake up. Don't make me worry to much. I love you." sabi niya na ikinataka ng mga naroroon.

Hindi nila alam na kapatid pala ni Zouie ito at kung kapatid niya... bakit niya hinayaang maiwan si Zouie doon?

Magtatanong pa sana sila pero naisip nilang manahimik muna.

Sa kabilang dako naman, galit na galit nitong ibinato ang bote sa harap ng mga tauhan niya.

"Mga inutil! Nakuha na natin e! Siya na ang peperpekto sa ginagawa natin kaya bakit niyo pinatakas?! Bakit?!" galit na galit na sigaw ng boss nila.

Agad naman nitong inilabas ang baril niya at itinutok sa kanila. Napayuko naman silang lahat dahil alam nilang wala silang laban.

"Sino ang bantay dito kanina?!" galit niyang sigaw at dahan dahan namang nagtaas ng kamay ang isang lalaki.

Pero hindi niya pa tuluyang naitataas ang kamay niya ay agad na siyang binaril sa ulo na ikinamatay niya.

"Serves you right, idiot!" galit na sigaw ng boss nila at agad na ibinaling ang atensyon niya sa kanila.

"Gusto kong hanapin at kunin niyo ang babae na 'yun. Hindi ko alam kung paano pero dapat ay maidala niyo sa dito. At oras na pumalpak pa kayo ulit ay mamamatay kayo ng wala sa oras. Naiintindihan niyo ba?!" sigaw nito at tumango naman sila.

Tumalikod naman sa kanila ang boss nila at tumungga ng alak.

Ngumiti naman siya habang nakatingin sa bintana.

"Ikaw ang susi sa matagal ko ng pinaplano." sabi niya at ngumiti ng mala-demonyo.

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now