Chapter 62

2.8K 117 2
                                    

Enjoy Reading!!!

CHAPTER 62

Zouie's POV

Pagkalabas namin sa labas ay agad na kinuha ni Hance ang kabilang braso ko at pinalibot sa kanyang batok.

Bali silang dalawa ni Kuya ang nag-aalalay sa akin.

Medyo nanghihina pa rin kasi ako.

Napatingin naman ako kay Kuya Kurt at nginitian niya naman ako.

'Are you okay?' he mouthed at tumango naman ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang alerto ang mga kasama namin kung sakaling may kalaban.

Nakakapagtaka na parang balewala lang kina Madam Sapphire kung makawala man kami o hindi.

Baka dahil, alam nilang hinding hindi kami makakalabas dito.

"Saan pala tayo nito pupunta?" tanong ko sa kanila at si Nyl naman ang sumagot.

"Habang nakikipaglaban kami ay may nakita kaming kakaibang lagusan dito sa eskwelahang ito at sa tingin namin ay ito ang daan palabas. Chineck ito ng mga nagboluntaryong estudyante at tama kami. Ngayon nga lang namin 'to nakita e." sabi niya at nanlaki naman ang mata ko.

"Talaga?!"

Tumango naman silang lahat at si Van naman ang nagsalita.

"Pinauna na namin ang ibang  mga estudyante doon para humingi sila ng tulong sa labas. Binalikan lang talaga namin kayo para sabay sabay tayong makalabas dito." sabi ni Van at hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti.

Sa wakas ay makakalabas na kami.

Napabaling naman ako kay Hance ng mapansing kong may nakatitig sa akin at doon ko nakita ang matiim niyang titig sa akin.

Pinagmasdan niya ang mukha ko at nakita ko ang pagtiim bagang niya.

"Are you okay?" tanong niya at tumango naman ako.

"Ayos lang ako."

Hinaplos naman niya ang pisngi ko at medyo napaigtad pa ako dahil sa init ng palad niyang humaplos sa akin.

"You look so pale. I'll make them pay for what they did. How dare they hurt my agapí mou." sabi niya at hindi ko naman maiwasang hindi mamula at bumilis ang tibok ng puso ko.

Nasa panganib na nga kami pero nakukuha ko pa ring kiligin.

"I love you." sabi niya at ramdam ko ang mas pag-init ng pisngi ko.

Jusko ko po! Ano ba naman 'tong Hance na 'to!

Sasagot na sana ako sa kanya ng bigla silang tumigil sa paglalakad kaya napabaling ako sa harap at doon ko nakita ang sampung mga estudyanteng sa tingin ko ay natusukan ng kung anong droga at nasa harap nito si Ysa na nakangisi sa amin.

Ano na naman ba ang kailangan niya.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak nila sa akin kaya napabaling ako sa kanila at nakita kong nakatiim bagang sila habang matalim ang titig sa harap.

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now